Hindi siya pwedeng magkamali. Boses talaga ni Wolf ang narinig niya. Nang pumalahaw ng iyak ang bata ay sinundan niya iyon. And there she saw Wolf. Nakaupo ito sa malaking bell sa labas ng simbahan. He was trying to pacify the four-year old girl. “Wolf!” excited niyang tawag dito. “What are you doing here?”
Alanganin itong ngumiti. “Babysitting. And you? Mag-isa ka lang?”
Tumango siya. “I am looking for you. I thought you are with Rose.”
“Umalis na siya. Nagprisinta akong alagaan ang pamangkin niya. She has a date with her boyfriend Glynn. It is their anniversary. Hassle kung may kasamang bata. Close naman kami ni Melody kaya sabi ko iwan na lang sa akin. Wala kasing mag-aalaga sa bata. Nasa Baguio ang sister niya. So here I am.”
Nakahinga siya nang maluwag. Hindi naman pala nito kasamang mag-date si Rose. She was worried over nothing. May boyfriend na si Rose at kasalukuyan lang tagapag-alaga ng bata si Wolf. Mahilig naman kasi ito sa bata noon pa.
“Waaa! Cotton candy!” iyak ulit ni Melody.
“Naku! Mukhang mahihirapan ka sa isang ito,” sabi niya. Wala kasing balak na tumahan si Melody hangga’t di naibibigay ang gusto. Umuklo siya sa harap ni Melody at inunat ang kamay. “Halika! Sama ka sa akin. Bibili tayo ng cotton candy.”
Tumahan si Melody at sumama sa kanya. Inakay niya ito papunta sa tindahan ng cotton candy. Nakasunod naman sa kanila si Wolf. “Dashielle, no!” saway nito.
“Wolf, hindi enjoy maging bata kung walang cotton candy. And obviously, you she won’t stop crying unless you give her what she wants. Tinutulungan lang kita.” Bumaling siya sa tindero ng cotton candy. “Manong, dalawa pong cotton candy.”
Humalukipkip si Wolf. “You will spoil her rotten.”
“Ganoon ka rin naman sa akin noong bata ako, hindi ba? Kapag ayaw ibigay sa akin ni Mommy o ni Kuya Leonard ang gusto mo, ikaw ang nagbibigay sa akin.”
His eyes softened with the thought. “Yes. Kaya matigas na ang ulo mo dahil kasalanan ko. And now, you are all grown-up. Nakukuha mo na lahat ng gusto mo.”
Nawala ang ngiti niya. “You are wrong. Di ko nakukuha ang lahat ng gusto ko. Minsan, iyon pang pinaka-importanteng bagay ang di ko makuha.”
“Because I am always around?”
“Silly! Of course not!” Kinuha niya ang dalawang supot ng cotton candy. Ibinigay niya ang isa kay Melody. “Hati tayo doon sa isang cotton candy. Halika! Pasyal tayo. Di pa ako nakakaikot dito, eh!”
Binuhat nito si Melody. “Teka, wala ka bang gagawin?”
“Wala. Sasama lang ako sa inyo. Kaya nga kita hinanap kanina dahil magpapasama akong mamasyal.” Umabrisyete siya dito. “Let’s go!”
“Akala ko ba ayaw mo akong kasama?”
Humilig siya sa braso nito. “Kalimutan mo nang sinabi ko sa iyo. I didn’t mean it. Kalimutan mo na rin na lalayo ka sa akin.” Pumiraso siya ng cotton candy at isinubo dito. “Okay?”
Napilitan na lang itong tumango dahil may napalaki ang piraso niya ng cotton candy. Di naman siguro niya kailangang sabihin na mahal niya ito. Pero mula ngayon, ipapakita na niya ang pagmamahal niya dito para dito ito mawala sa kanya.
“GUSTO ko po ng isang box brownies at dalawang box ng torta blitz, Tita Au. Saka bukas po gusto ko pong doblehin ninyo ang order ko,” sabi ni Dashielle at sumubo ng isang torta blitz. “Ang sarap!”
“Sige. Ako ang bahala,” sabi ni Au, isa sa family friend ng mga Lizardo. May booth ito sa tabi ng simbahan. At dahil di niya makita sa ibang booth ang tinda nito kaya naman pinakyaw niya lahat dahil nagustuhan niya. Lalo na ang torta blitz.
“Kapag bumalik ka sa training camp, mahihirapan na ang coach mo sa iyo. Tataba ka na kasi sa dami ng calories na kinain mo.”
“Di ko naman kakainin lahat. Hati tayo,” nakangisi niyang sabi.
“Nakatulog na ang alaga ninyo,” sabi ni Tita Au nang makitang nakahilig na si Melody sa balikat ni Wolf. “Mukhang napagod sa paggagala at kakakain. Pumasok muna kayo sa loob ng tent. Dito na lang ninyo hintayin si Rose.”
“Thank you, Tita!” sabi niya bago sumubo ng torta blitz.
Nagpapalit-palit ang tingin ni Wolf sa dala niyang plastic bag ng pagkain na kung binila niya. “Can you eat all those? Lahat yata ng tindahan binilhan mo.”
Huminga siya nang malalim. “I just miss this. Buying things on my own. Hindi rin kailangang branded o galing sa sikat na restaurant. I don’t even have to count the calories. Parang noong bata pa tayo. Masaya na tayo na bumili ng kahit ano. Kahit na bawal sa atin tulad ng cotton candy. Nakaka-miss maging bata.”
“Mabuti na lang walang press dito sa Sagada na susunod sa galaw mo. Or else they will have a feast with what you bought.”
Nagbukas ulit siya ng isang balot na torta blitz. “Inggit lang sila.” Inumang niya ang torta blitz sa bibig nito. “Have some. It is really, really great!”
Sumubo ito ng isa. Tapos ay tumango. “Hmmm… this is good.”
“Siyempre! Luto iyan ni Tita Au!” pagmamalaki niya. Saka siya humilig sa balikat ni Wolf. “Isn’t this great? As if we are on a date.” Masaya na nga siya nang ganoon sila ni Wolf. Walang pinagtatalunan. Habang siya ay gagawin lang niya ang lahat ng gusto niya para maging masaya sila pareho.
“Date? Kita mo ngang may alaga tayong bata. Anong date?”
“Bakit? Cute naman, ah! And I enjoy every minute of it.” At napaka-romantic ng Sagada. Kahit sino ay madadala sa lugar na iyon. “Saka kapag nagkaasawa at nagkaanak ka, ganito rin magiging itsura mo. Actually, you look good with kids.”
“And you will be a major spoiler when you become a mother.”
Pinisil niya ang ilong nito. “And you will definitely spoil your wife like what you do to me. That’s worse.”
Tumikhim si Tita Au. “Kayo bang dalawa ay magnobyo?”
Bigla siyang tumuwid ng upo. “Hindi po, Tita Au!” tutol niya.
“Halata naman na may relasyon kayong dalawa. Itinatago lang siguro ninyo dahil baka may makaalam na press. Gusto siguro ninyong pribado ang relasyon ninyo,” anang si Au na parang kabisado na ang showbiz.
“Anong press? May tsismis ba dito?” tanong ni Rose.
“May bisita palang celebrity si Tita Au,” sabi naman ni Glynn. Ang dalawa ang choreographer ng cultural group kaya kilala na niya ang mga ito.
“She helped me with Melody,” paliwanag ni Wolf. “Ibinila niya ng kung anu-ano kaya bukod kay Melody, marami pa kayong bibitbitin pauwi.”
“Naku! Nakakahiya naman!” sabi ni Rose.
“I don’t really mind. Nag-enjoy naman kami kay Melody dahil bibo siya. Saka di naman siya mapatahan ni Wolf hangga’t di ibinibili ng gusto niya. It’s okay to spoil her. Minsan lang naman,” depensa naman niya.
“Thank you!” Kinalong ni Rose si Melody. “Invited kayo sa dinner sa bahay mamayang gabi bago ang play. Mas maaga nga lang.”
“You don’t know how much this means to us,” sabi ni Glynn at tinapik sa balikat si Wolf. “Kaya next Begnas na ang kasal namin. Sana makapunta kayo.”
Di niya maiwasang maiinggit kina Rose at Glynn. In love na in love kasi ang mga ito sa isa’t isa. Tapos ay ikakasal na. Pangarap din naman kasi niyang makasal sa lalaking mahal niya. Kay Wolf. Mangyayari pa kaya iyon sa kanya?
“Kayong dalawa naman ang mag-date,” sabi ni Rose.
“Sa ibang araw na lang siguro. Napagod kami kay Melody,” sagot ni Wolf.
Siniko niya ito nang naglalakad-lakad sila papunta sa pine trail papunta sa St. Mary’s School. Mas kaunti kasi ang tao doon. “Why did you say that? Baka akala nila magde-date nga tayong dalawa.”
“Bakit? Ayaw mong makipag-date sa akin?”
She stopped walking. “Ide-date mo ako?”
“Yes. But not today. But if you don’t want to go out with me…”
Humawak siya sa braso nito. “I’d love to, Wolf!” Matagal na nga niyang gusto na yayain siya nitong mag-date. Not a friendly date but a real date. “Basta huwag nang magbabago ang isip mo. Walang bawian.”
“It’s Wyndham that you want to go out with, right?”
“Not really. Ayoko lang ng pinangungunahan mo ako. I am just annoyed because you always follow me around. As if I can’t make it on my own. But it wasn’t entirely your fault. Alam ko na concern ka lang sa akin. And I really appreciate it. I am sorry if I hurt you, Wolf. I want you to stay with me.”
Kahit na di siya nito mahal. Basta kasama lang niya ito. Masyado niyang pinairal ang pride niya. Sinubukan din niyang kalimutan ito. But it was futile. Sa huli ay mahal pa rin niya ito. Sa pagkakataong ito, di na siya aasa na mahalin siya nito. Ang importante lang sa kanya ay maging masaya siya at mahalin pa rin ito.
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. “It doesn’t really matter. I am glad that you still want to be with me. I don’t want to lose you either.”
Nahawi na ang ulap sa pagitan nila. And she felt lighter than before. She was satisfied to stay that way. “For a bully, you are really soft. Pero natakot talaga ako nang sabi mo lalayuan mo na ako. But will you really do that?”
“Ayoko kasing nagagalit ka akin.” Tumawa ito at hinaplos ang dulo ng ilong niya. “You are right. I am soft but only with you.”
“HUWAG mo munang ididilat ang mata mo. Di pa tuyo ang liquid eyeliner mo,” bilin ni Dashielle sa inaayusang member ng cultural group na magpe-perform sa gabing iyon. Nasa backstage siya at tumutulong sa pagme-make up sa mga members. Mga bata pa kasi ang mga ito at hindi pa marunong mag-make up.
“Pwede na po ba akong dumilat, Miss Dashielle?” tanong ni Kristine na halatang excited. “Gusto ko na po kasing makita.”
Hinipan muna niya ang mga mata nito. “O sige. Pero dahan-dahan lang.”
Dahan-dahan nga nitong idinilat ang mga mata. Kumurap-kurap pa ito. Naninibago marahil sa natuyong likido sa ibabaw ng mata nito. Sa huli ay ngumiti rin habang tinitingnan ang sarili sa salamin. “Mas maganda na po ako, Miss Dashielle. Thank you po!”
“You’re welcome,” malambing niyang sabi at tumayo. “Hey! Sino pa ang gustong magpa-make up? Malapit na ang call time!”
“Dashielle! What are you doing here?” tanong ni Wolf na humarang sa harap niya. Sa itsura nito, mukhang di ito masaya na makita siya.
“I am helping them put on their make up,” she answered.
“Yes! And while you play here, I am looking for you. You got me so worried.”
“Maganda kasi ang make up na bigay ng sponsors ko. And since I don’t use them much, at least I can put them in good use. At nagpaalam ako kay Mommy na tutulong ako. You were too busy setting up the camera kaya hindi ko na sinabi sa iyo. I know how busy you are.”
“You don’t really have to help them out. Go back to the audience’s seat. Maghintay ka na lang hanggang magsimula ang show.”
Di niya ito pinansin at inasistehan ang isa pang nagpapa-make up. “Just let me, Wolf. I enjoy doing this.”
“I don’t you don’t like the theater,” he reminded after she finished putting on make up to the whole cast. Lumabas lang sila sandali dahil kinuha niya ang extra torta blitz at brownies na ipina-bake nila kay Tita Au. Ipapamigay niya iyon sa mga cast matapos ang play. It was a simple treat to the kids who made her feel wonderful and made her remember how great the theater world is.
“Not exactly. Masaya naman ako noong nasa theater ako kasama kayo. I love performing on stage but I must admit that I am not good. Pero na-miss ko pa rin ang pagko-costume, preparing the props and putting on make up. And look at the children. Simpleng pagme-make up lang ang naitulong ko pero masaya na sila dahil nagiging mas guwapo at maganda sila. I just miss the feeling. Kahit ang backstage na-miss ko rin. It is exciting, Wolf.”
Di niya alam na mararamdaman niya iyon. She entirely forgot about the stage after she played tennis. Naisip kasi niya na di siya kailanman na-appreciate ng mundong iyon. Kapag may performance ang mommy niya, si Leonard o si Wolf, di halos siya nanonood. Puro tennis ang isinasangkalan niya. Pero ngayon ay iba na. Mahal ulit niya ang theater dahil iyon din ang mundo ng mga taong mahal niya.
Wolf caressed her face. “Well, I miss you, too.”
“Bakit? Wala na kasing palpak noong mawala ako.”
“Come on. I really miss you. Gusto ko nga sana lagi kitang makasamang mag-perform sa stage. When you told me that you are not happy with theater anymore, Aunt Emily told me to let you go. I let you go but I am not really happy. You are one of the reasons why I love performing on stage. You told me that you love to see me dance and sing. That it makes you happy. And when you were gone, it simply isn’t the same.”
She was deeply touched. Di niya alam na malaki ang naging impluwensiya niya sa buhay ni Wolf. Na makita lang siya nitong masaya ay masaya na rin ito. “Hindi na ako makakapag-perform sa stage, Wolf. I have my own world now. Pero kapag may time ako, tutulong ako sa mga presentation ninyo. I still want to be a part of the theater world and help you in my own way. Katulad kanina.”
“And how can I thank you?”
Ngumuso siya at pumikit. “A kiss would be fine.”
“Dashielle!” His voice sounded so edgy. Parang di nito alam kung ano ang gagawin sa kanya.
Idinilat niya ang isang mata. “It’s just a kiss.”
Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. “Mabuti pa samahan na lang kitang mag-practice bukas. There is a tennis court at the cocoa farm. It is not polished enough but you can still practice there. I will be your practice partner. I know a little about tennis. How about that?”
Sumimangot siya. “Di naman practice partner ang hinihingi ko. Kiss nga!”
“Bumalik na tayo sa church.” Ang St. Mary’s Church kasi ang nagsisilbing venue ng play. “The play is about to start.”
Napilitan siyang sumunod dito. Isa siyang bigo. Ayos na sana siya kung di lang ito tumangging humalik. Kailan kaya siya makakahalik dito?