Chapter SJ: TIJ 33

He swiped his tongue against his lips. Animo’y ninanamnam nito ang lasa ng labi niya, ng halik nila kahit pa gaano kabilis.

Ngumisi ito. “May sauce sa gilid ng labi mo. Masarap nga ang luto ko. Now I am really hungry.”

Ilang sandali din siyang natulala habang ganadong kumakain ang binata. He didn’t even notice how much he had shaken her world with just a simple kiss. It was not even a real kiss.

This is attraction, Yana. Nothing more. Isipin mo na kailangan lang ito para mabawi si Dong Uk. Si Dong Uk ang mahal mo. Arasso?

“ANNEONG, sangjang-nim!” bati ni Yana sa lola ni Gideon na si Mi Su. Naka-video chat sila sa lola ng binata habang namamasyal sa tea plantation ng O’sulloc.

“Oh! You are at the tea plantation?” tanong nito at pinagsalikop ang palad. Nakaupo sa garden nito ang matandang babae habang kumakain ng tangerine cake. May hilera ng mga canola na nagsisimula nang mamulaklak sa likuran nito.

“We bought your favorite milk tea and green milk tea spread, halmoeni,” balita naman ni Gideon na nakayakap sa baywang sa likuran niya. “Wish you are here.”

Umiling ito. “Aniyo. Enjoy your date and send me more videos. I enjoy watching your videos on the internet. So romantic.”

“What video?” tanong ni Yana at nagkatinginan sila ni Gideon. Wala naman silang ipinapadala na video dito. Pictures lang. Ngayon lang sila nag-video chat.

“The video of you two dancing at the cherry blossom festival. Someone uploaded it online and tagged me. Didn’t you see it?”

“May nag-upload ng video namin?!” bulalas ni Yana at nakalimutan na di nga pala marunong mag-Tagalog ang kausap.

Nagulantang si Mi Su. “Why? I thought you saw it already. I tagged Gideon, too.”

“Uhmmm… we were too busy to check our Facebook account. We only used Skype so we can chat, halmoeni,” paliwanag ni Gideon na mas kalmado.

“Don’t worry, Yana. No need to be ashamed of it. You showed the people how much you really love each other. Many people love it.” His grandmother had a dreamy look in her eyes and hugged herself. “I remember when my childhood sweetheart would take me on to the festival. You remind me of my youth.”

Pinisil ni Gideon ang balikat ni Yana para pakalmahin siya. “Halmoeni, we are not aware of the video. And Yana is just shy.”

“No need to be shy. You love each other so much and it makes me so happy. My Jin Woo is the perfect boyfriend, right?”

“Nee, sangjang-nim,” pag-oo na lang ni Yana at pilit na ngumiti.

At kung totoong boyfriend niya si Gideon, kikiligin pa siya. Wala siyang irereklamo sa lalaki. Sa dami ng mga magagandang babae mula teenager hanggang mga cougar level na nagpapapnsin dito, nakatuon lang ang atensyon nito sa kanya. Sino ba naman ang aayaw sa ganoong boyfriend? At masasabi niya na sobrang romantic nang isayaw siya nito sa festival sa harap ng maraming tao habang kinakantahan niya ito.

“Aniyo,” tanggi ni Gideon at idinikit ang pisngi sa pisngi niya na parang gusto nitong pagkasyahin ang mukha nila sa maliit na screen. “Yana is the perfect girl. She changed me in a lot of ways. I can’t be perfect. I know I am not. But I want to be the man she deserves. The man who will make her happy.”

“Ahhhh! That is beautiful. Marry him already, Yana-ssi,” excited na sabi ni Mi Su. “Stay here in Jeju with him. With us.”

“I will try to convince her, halmoeni,” sabi ni Gideon.

Natawa si Yana. Kung totoo lang sana ang relasyon nila at totoong mahal siya ni Gideon, di na niya ito pakakawalan. Maraming beses na nararamdaman niyang totoo ito sa kanya at mahal talaga siya nito.

Kumalas sa pagkakayakap si Gideon sa kanya pero inalalayan siya nito na umupo sa bench sa gilid ng tea farm. “Saan mo gustong magpakasal tayo?”

“Ha?” maang na tanong niya.

“Maganda siguro sa gitna ng canola fields. Tapos mag-red gown ka para kitang-kita ka sa gitna ng yellow na flower field.”

Pinisil niya ang kamay nito. Masyado yata itong nadadala sa saya dahil sa mga sinabi ng lola nito. Pero kailangan nilang harapin ang realidad. “Uy! Kumalat daw ang video natin. Anong gagawin ko? Baka makita ni Dong Uk…”

“Mabuti ngang makita niya. Para malaman niya na may ibang nag-aalaga sa iyo. Nagi-guilty ka ba?”

“No. Wala akong ginagawang masama. Siya itong nambabae. Kaso kapag hinarap niya tayo, k-kaya ko na bang pangatawanang maging girlfriend mo? Baka mamaya pumalpak ako.”

“Hey! You are perfect as you are. Ikaw pa rin ang Yana na minahal niya dati. Iniba mo lang ang itsura mo nang konti. Pero ang gusto ko makita ni Dong Uk at ng ibang tao na isa kang babae na puno ng kompiyansa sa sarili. At in love na in love ka sa akin. Na di mo pinanghihinayangan na mawala siya sa buhay mo dahil nandito ako. Wala kang nakikita kundi ako lang. Kaya mo ba?”

“Nee, oppa,” kampante niyang sabi at humilig sa balikat nito. Kung tatanungin siya isang linggo na ang nakakaraan kung pwede siyang maging convincing na girlfriend ni Gideon Lee, baka sabihin niya na mas kakayanin niyang mag-skydiving nang walang parachute kaysa maging girlfriend nito.

Ngayon ay mas komportable na siya na kasama ito. Parang natural na lang na hawakan nito ang kamay niya o humilig dito. Pamilyar na sila sa isa’t isa. At kapag pakiramdam ni Gideon na lumalampas na siya sa boundary, ito na ang kusang dumidistansiya sa kanya. Alam nito ang limitasyon nito kaya naman di siya natatakot kung maging malambing dito. Kahit kay Dong Uk ay di siya naging ganito kapamilyar o kakomportable.

Mula sa Osulloc Tea Farm ay bumiyahe sila papunta sa Seongsan, isang bayan kung saan matatagpuan ang sikat na Seongsan Ilchulbong. Isa itong extinct na bulkan at pinakasikat na tourist spot sa Jeju Island. Plano ni Gideon na mag-overnight sila doon para alas tres pa lang ng madaling araw ay aakyat na sila sa tuktok ng bundok upang doon panoorin ang pagsikat ng araw.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.