INABALA ni Yana ang sarili sa paghuhugas na mga nakatambak na urungin sa dishwashing area ng bar. Di rin sila nagtagal ni Gideon sa mesa nina Dong Uk at Eu Jin dahil natambakan na sila ng trabaho. Gusto pa sana niyang mag-stay sa mesa at magpanggap na devoted girlfriend ni Gideon pero pareho silang kailangan ng mga customer. Ipinakita na lang niya ang devotion sa mga hugasin at ibinuhos ang ngitngit niya sa paglilinis ng mga plato at baso.
Hindi siya na nakaramdam ng sakit kanina paglipas ng ilang sandali na magkaharap sila. Inis at yamot, oo. Siguro dahil nakita niya na mas apektado si Dong Uk kaysa sa kanya. Na mas nasasaktan ito. Kasi di naman niya ako nakita nang wasak na wasak ako. Pasalamat nga siya mabait ako sa kanya. Kung wala lang si Dong Uk sa tabi ko, baka ineskandalo ko na sila na noong una ko pa dapat ginawa.
“Take a break,” sabi ni Tae Yang sa kanya, ang blonde na waiter nang mahugasan na niya ang nakatambak. “You’ve been here for three hours.”
“Three hours?” bulalas ni Yana. Hindi man lang niya napansin. Kaya pala nangininig na ang braso at binti niya dahil sa pagod. Nangangalay na rin ang balakang niya.
“Sangjang-nim told us you must rest. If you refuse, he will kiss you in front of the customers and put it on Facebook Live,” banta nito.
“Arasso yo!” Napilitan siyang tanggalin ang gloves at ihaghis sa gilid ng lababo. Napilitan siyang lumabas ng pantry. “Sira ulo talagang Gideon ‘yon. Pagbabantaan pa ako.”
“What do you want for snacks?” tanong ni Lee Tuk na head chef doon.
Umiling siya. “Aniyo. I know you are all busy. I will just grab some snacks at 7-Eleven. I will be back.” Sa backdoor siya ng bar dumaan para di makaabala sa customers. Chocolate o tinapay lang pwede na niyang kainin. T-money card lang ang dala niya dahil pwede iyon na pambayad sa convenience store.
Tanaw niya ang 7-Eleven mula sa bar. Wala pang limang minuto kung lalakarin. She needed some time to herself. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Mahal niya si Dong Uk. He was her first love. Halos dalawang taon silang di nagkita kaya miss na miss na niya ito. Pero nang makita niya ito kanina, parang di man lang siya nasabik dito. Mas gusto niya itong hampasin ng bote ng soju para maramdaman nito kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kanya. Hindi rin siya makaramdam ng selos kahit halos lumingkis dito si Eu Jin. Parang sapat na siya na makitang nagseselos si Dong Uk kay Gideon.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. Gideon was so attentive tonight. Habang maya’t maya naman na nagsasabi si Dong Uk kung ano ang dapat at di dapat niyang kainin o inumin. Nasosopla lang ito dahil sinusunod ni Gideon ang gusto niya. Pinangatawanan nito ang pagiging perfect boyfriend.
Nagulat siya nang paglabas ng 7-Eleven ay nakasandal si Dong Uk sa labas. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at di ito pinansin, na parang di ito nag-e-exist.
“You are Gideon’s waitress now, Yana? Did he send you to Korea just to be his hired help?” tanong ng lalaki na may kapaitan sa boses.
Tumigil siya sa paglalakad at dahan-dahang pumihit sa lalaking mahal niya. Ang lalaking nanloko sa kanya. “Why is that any of your concern? You have a new girlfriend now. You don’t have to bother with me and Gideon.”
Nagtagis ang bagang nito at lumapit sa kanya. “Your cousin told me that you are sick. I even offered money to help you. But it is just a lie because you here… with your new boyfriend. How long have you been sneaking behind my back?” angil nito.
“The question is irrelevant when you have more than two hundred days of illicit affair with another woman. And you have the gall to question me? How hypocritical of you.”
Biglang umurong si Dong Uk na parang sinampal niya ito. Di siguro inaasahan na lalaban siya. Gago! Di mo ako pwedeng baligtarin. At di kita iiyakan dito ngayon. Wala akong dapat na ika-guilty.
Napamaang ang lalaki, nawala ang balasik ng anyo nito. “Yana, let me explain. I love you. You know I do. But I was lonely because you refused to come to Korea to see me. And Eu Jin was there for me. She had always been there for me, taking care of me and…”
Itinaas ni Yana ang isang kamay at umiling. “I would have bought that bullshit and take the blame if you are celebrating one hundred-fiftieth day together instead of two hundred. I was supposed to be here five months ago.” Ibinuka niya ang palad at tinutok sa mukha nito. “I do know how to count. It means that you had already been cheating on me way before my flight. Even if I went to Jeju five months ago, you were already having an affair with Eu Jin. And that would make me look stupid and pathetic. Would you even tell me the truth, Dong Uk?”
“Mianhamnida,” hinging paumanhin nito at yumuko. “I don’t know how to tell you. I don’t want you to be hurt because I love you.”
Kinuyom ni Yana ang palad. Gusto niyang sapakin ito nang mga oras na iyon. She wanted to kick his sorry face. Niloko siya nito pero ayaw daw sabihin sa kanya dahil ayaw siyang saktan at mahal siya.
“Gago at tarantado ka rin e. Gusto mo pala akong gawing tanga talaga. Alam mo ba na nagkasakit pa ako para lang makaipon ng pampunta dito sa Jeju Island at para makita ka. Heto na nga ako tapos makikita ko lang may kasama kang iba. Di ba mukha akong tanga na umasa sa wala? Tapos sasabihin mo sa akin na ayaw mo akong masaktan. Aba! Di ba nakakasakit ‘yung panloloko mo sa akin? Galing mong gumawa ng kalokohan at di ka natatakot manloko pero kapag gagawa ng masama duwag ka. Hindi ko talaga alam kung bakit kita minahal at kung bakit gusto ko pang bumalik ka sa akin.”
Napamaang ito at umurong. “Yana-ssi, I don’t understand.”
Humihingal siya. May apoy sa dibdib niya na sumisiklab nang mga oras na iyon. Gusto niyang sabihin dito ang lahat ng galit niya na kinikimkim niya. Parang sasabog siya kung di niya masasabi dito ang nasa loob niya. Pero di nito pwedeng malaman ang totoo - kung paano siyang pumunta sa Korea para dito. Kung paano siya nito nasaktan nang todo. Masisira ang plano nila ni Gideon. Masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan nilang dalawa.
Mabilis niyang pinalis ang galit na ekspresyon sa mukha at pinalitan ng matamis na ngiti. “I am just saying that you should be glad. I am not mad at you and Eu Jin and you can go on with your lives. And you should be thankful to Gideon for that.”
Nagdilim ang mukha ng lalaki. “He is a traitor. He wanted you for a long time. He just pretended to be indifferent, pretended to be my friend and hate you but he wanted you. He was so jealous when you became my girlfriend. So when he got the chance, he ruined us.”
Tumaas ang kilay ng dalaga. “Really? Tell me, did he put you on drugs or hypnotized you to fuck another girl? Did he, Dong Uk.” Umiling ito. “My point exactly. It is not Gideon’s fault. It was not as if he coerced you or pointed a gun at you so you will cheat on me.”
“But he really wants you… manipulated you so he can get you.”
“Wrong. Gideon was the one who helped when I was down. He was the one who fixed me when I was torn apart by your betrayal. Stop blaming Gideon or other people for your mistakes. That is so immature. Take responsibility, Dong Uk!” bulyaw niya dito at itinulak ang balikat nito.
Ano ba ang nangyayari sa lalaking mahal niya? Ganoon ba talaga ito kahina? Nasaan na ang pangako nito na magiging totoo sa kanya? Hindi pa ba sapat na nahuli niya ang kataksilan nito? Kailangan pa nitong ipasa ang kasalanan nito sa iba. Gusto lang naman niyang marinig mula dito na nagsisisi ito.
“You don’t even like Jin Woo. Why him?” tanong ni Dong Uk sa kanya na may bahid ng hinanakit sa tinig.
“Why not? I like him now. If not for your cheating, I won’t find my happiness.” At totoo iyon. Di niya makikilala ang totoong Gideon kundi dahil sa kapalpakan ni Dong Uk. He had so many admirable traits.
He scoffed and shook his head. Ibinulsa nito ang mga kamay sa pantalon. “Yana-ssi, Gideon is a playboy. You know that. Of all the men in the world, why him? He has other women before you came...”
“He is faithful now and that’s what matters,” she uttered with clenched teeth. “And he makes me happy. He takes care of me.”
Di makapaniwala siya nitong pinagmasdan. “You changed because of him. You look different. You even talk differently.”
“I changed for he better. I am not the moussy and meek girlfriend that you used to know,” paglilinaw niya. “Gideon wants to pamper me and treat me like a princess. And in return, I also want to take care of him. I will be his partner. We will support each other.” At iyon mismo ang ginagawa nila ni Gideon sa isa’t isa. Nagtutulungan sila para makuha ang mga gusto nila.
“I can also take care of you if you let me before.” Ihinalamos nito ang palad sa mukha saka isinipa sa hangin ang isang paa. “I offered to take care of you and your family so many times before but you refused. You always let your pride get in the way. And then this…”
“My relationship with Gideon is never about money. I have my own and I have means to earn my keep.” Direkta niya itong tiningnan sa mga mata. “He makes me feel secured and protected. He didn’t make any promises, Dong Uk. He didn’t have to. He is faithful to me now.”
“You are making a big mistake, Yana. Gideon will hurt you.”
“Gideon is a big mistake? Coming from you, really?” Dinuro niya ang dibdib nito. “You are a hypocrite! You hurt me first, Dong Uk. So why would it bother you if someone else does?”
Mariing itong pumikit. “I know I have no right to worry about you. But I still love you.”
Pagak siyang tumawa. Di niya makapa ang ligaya sa puso niya. Kung maisasampal lang ang pagmamahal na sinasabi nito, baka isinampal na niya sa mukha ni Dong Uk. “You can shove your love right up to your ass. I don’t need it. I have Gideon now.”
“He won’t be satisfied with just one woman.”
“I know who Gideon is. I know what kind of man he is. But he never cheated on anyone just to fuck other girls. At least we are clear on that. When he committed himself to me, he is really committed. I can’t say the same to you, Dong Uk. Go back to your girlfriend.”
At taas-noo siyang naglakad palayo sa lalaki nang may matagumpay na ngiti sa labi. Narinig niyang tinawag nito ang pangalan niya pero di niya nilingon.
Hello. Ako nga pala ang sinayang mo. Hanggang tingin ka na lang ngayon.