Chapter SJ: TIJ 37

NAKAUPO si Yana sa couch rooftop habang umiinom ng tsaa at pinagmamasdan ang mga ilaw mula sa bahayan at sa tulay pati na rin ang mga nagdadaang mga bangka. Matapos buong gabing pagtatrabaho sa bar ni Gideon at iba pang nangyari sa gabing iyon, kailangan niya ng katahimikan para mapahinga ang isip niya at puso niya. Pakiramdam niya ay nagulpi siya.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng rooftop at papalapit na yabag. "Bakit gising ka pa?" tanong ni Gideon.

"Di ako makatulog,” matamlay niyang sagot.

"Pero napagod ka sa paghuhugas ng plato, paglilinis ng table at sa pangungulit ng mga customers kung ikaw nga ‘yung nasa viral na video.” Umupo ito sa tabi ni tinapik ang binti niya. Sinesenyasan siya nito na ipatong ang pinto niya sa kandungan nito. Inangat niya ang binti at hinayaan ito na imasahe siya. “Pinag-iisipan mo na ba na umurong bilang girlfriend ko at umuwi na ng Pilipinas? I can change your mind with a massage.”

Umungol siya dahil kailangang-kailangan niya ng masahe nang mga oras na iyon. Nagpoprotesta ang muscles sa katawan niya. “Ang sarap!”

“Orgasmic massage is my expertise,” he drawled in a sensual voice.

Pabiro niyang isinipa ang paa dito. “Puro ka talaga kalokohan.”

Pinigilan ito ang binti niya. “Just trying to make you laugh. Mukhang seryosong-seryoso ka kanina. Iniisip mo ba si Dong Uk? Mianhamnida,” hingi ng paumanhin nito sa malumanay na boses. “Bigla na lang silang dumating. Ipinakilala na lang kitang girlfriend ko kaysa naman kulitin ka ni Eu Jin. Pumunta siya sa bar ko para dikdikin talaga ako sa viral video natin.”

“Hindi naman ako makakaiwas sa kanila. Kung na-caught off guard ako, mas lalo naman sila. Parang nakakita sila ng multo nang malaman nila na ako si Yana na niloko nila.” Pero pansamantala lang ang tagumpay niya. Feeling close sa kanya si Eu Jin na parang wala lang ang kataksilan ni Dong Uk para dito. Akala mo naman ay BFF forever sila kung makipagpalit ng number sa kanya.

Kinuha ni Gideon ang tasa ng tsaa sa kanya at inilapag sa mesa sa tabi ng couch. “Does it hurt to see them together? Di rin naman sila nagtagal sa bar nang umalis tayo sa table nila.”

Bumuntong hininga si Yana at inunat ang katawan sa couch. “Ewan ko. Nagkausap kami ni Dong Uk kagabi. Noong breaktime ko, pumunta ako sa 7-Eleven para bumili ng chocolate. Nakaabang na siya sa labas at kinompronta niya ako. Pinalalabas pa niya na una ko siyang niloko. Kapal talaga.”

"How typical. Kapag guilty nga naman, sa taong niloko nila ipapasa ang mali na akala mo may moral higher ground sila.” Naging matiim ang anyo ni Gideon at naramdaman niya ang bahagyang pagbigat ng kamay nito. “Anong sabi mo?"

"Na dapat magpasalamat siya dahil nasa buhay kita. Na di ko siya inaaway o ginugulo. Sabi niya mali daw ang desisyon ko na piliin ka. Sasaktan mo daw ako dahil ikaw itong mas maraming babae."

Pagak na tumawa si Gideon. "Ako pa talaga ang mananakit. Anong tawag sa ginawa niya?"

"Mismo. Tapos sabi niya mahal pa niya ako."

"At naniwala ka naman?" tanong nito sa tono na parang gusto nitong batukan siya kung katangahan ang isasagot niya.

Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang may sabi na mahal pa niya ako kaya may tsansa na magkabalikan kami." Bakit parang negatibo ito ngayon?

"I mean, that's great. Daebak! Anong sabi mo?"

"Na balikan niya ang girlfriend niya dahil wala na akong pakialam sa kanya,” sabi niya at umingos.

Kumislap ang paghanga sa mga mata nito. “Good job. Alam ko na mahirap tanggihan siya pero tama lang ang ginawa mo. Part of the plan.”

“Hindi iyon, Gideon. Iyon talaga ang pakiramdam ko kanina. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makasama.” Natigilan siya sa mga lumalabas sa bibig niya at naguguluhan na nilingon si Gideon. “Normal ba iyon?”

“Na ano? Magalit at mawalan ng amor kay Dong Uk?”

Humugot siya ng malalim na hininga. “Mahal ko siya. Bakit kanina wala akong maramdamang selos sa kanila ni Eu Jin? Nasaktan ako pero mas matindi ang inis ko. Ni hindi nga ako makaiyak di tulad noong una.”

Nagkibit-balikat ang lalaki. "Normal lang naman iyon. Niloko ka. Sinaktan ka. Kung masokista ka, okay lang siguro sa iyo na masaktan. Pero kung mahal mo at sinabi rin ni Dong Uk na mahal ka na niya kaya ipaglalaban mo.”

"Paano kung ayaw ko na sa kanya? Paano kung mas gusto ko na lang siyang hayaan sa iba?"

"Susukuan mo na siya?" tanong ng lalaki na bakas ang gulat at may himig ng saya sa boses. Parang excited pa ito.

Ipinilig niya ang ulo. "Di ko lang alam. Paano kung sinasabi lang niya na mahal niya ako pero iba na pala talaga ang mahal niya? Di lang niya ako madirekta ngayon. Kasi kung wala na akong ipaglalaban, ano pang ginagawa ko dito sa Jeju? Para saan pa ang lahat ng ginagawa ko?”

Yumuko ito at itinuon ang mga pansin sa pagmamasahe sa kanya. Pero nahagip ng mata niya ang paglungkot ng mata nito. "Siguro kanina mo lang siya nakaharap at naipon lahat sa dibdib mo kaya mas matindi ang sama ng loob. Natabunan ang pagmamahal ng galit.” Nakangiti na ito nang muling tumingin sa kanya. “Pero di mo rin malalaman kung mahal mo pa talaga siya o mahal ka pa niya hangga’t di mo siya sinusubukang ipaglaban. Mabuti rin na naiisip mo iyan at nakakaramdam ka ng galit para di ka mauuto. May mga tao kasi na masabihan lang na mahal sila, nadadala na at tatanga-tanga na. Hayaan mong siya ang maghabol sa iyo.”

“Right. And I am not easy. Baka nakakalimutan niya na girlfriend ako ng isa sa cassanova ng Jeju Island. Sa guwapo mong iyan, mahihirapan siyang bakbakin ako sa iyo,” malambing niyang sabi at pinisil ang baba ng lalaki.

May lungkot sa mga mata ni Gideon nang pagmasdan si Yana. "Give it time. Babalik din ang pagmamahal mo kay Dong Uk. Tulog na tayo."

Kusa niyang hinawakan ang kamay nito nang pabalik sa mga kuwarto niya. Hindi kailangan pero gusto niyang maramdaman na kasama niya ito, na di ito nawawala sa tabi niya. The restlessness started to fade. Kumalma ang pakiramdam niya. Na parang nakikilala ng sistema niya si Gideon.

“Jalja,” sabi ng binata nang nasa tapat na sila ng pinto ng kuwarto niya.

“Good night,” sagot naman niya dito. “Kamsahamnida, oppa.”

Sinapo niya ang pisngi nito at kinintalan ng halik sa labi. It was just supposed a quick goodnight kiss. A smack on the lips, nothing more. Pero nang magdikit ang labi nila, di na niya nagawang lumayo dito. She nipped his lower lip, the way he used to tease her before. Then she heard him groan and she deepened the kiss. Kailangan niya ito. Sa lahat ng gulong pinagdaanan niya, sa lahat ng gumugulo sa utak niya, that kiss keep her centered. Na parang alam ng katawan niya kung ano ang gusto niya at ano ang kailangan niya. And she needed Gideon. Dahil sa lahat ng pagpapanggap nila, that kiss was real. The sensation was real.

Nadadala siya ng halik, parang dahon na tinatangay ng agos. Naramdaman niya na sumandal ang likod niya sa pader. Gideon was kissing her like a man possessed. Desperate even. Mula sa leeg niya ay naglakbay ang hinlalaki nito pababa sa ibabaw ng dibdib niya. Then he brushed the side of her breasts and she sucked in her breath. She fought back. Her palm boldly

Biglang pinutol ni Gideon ang halik. Pinigilan din nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng abs nito. "Yana!" saway nito sa kanya.

“Ano?” tanong niya at ilang beses kumurap. “B-Bakit…”

“Anong ginagawa mo? Why did you kiss me?”

Bakit nga ba niya ito hinalikan? Di rin niya maalala. "P-Practice?” nauutal pa niyang sagot. “Kung gusto ko na magselos si Dong Uk, kailangan ko siyang pasiklaban nang matindi-tindi, hindi ba? I-Iyon lang. Walang malisya.”

He groaned in frustration. Binitiwan siya nito at humakbang paurong, naiwan siyang nakasandal sa pader at tinalikuran siya. “Matulog ka na nga! Ako naman ang di makakatulog sa iyo. Now I have to take a cold shower.”

“Agad-agad? Grabe ka naman!”

“I am celibate, damn it! Even a simple kiss could make me hard. You are ruining me, Yana. And this is not funny!” sigaw ni Gideon na umalingawngaw sa buong bahay.

“Galit ka?” tanong niya dito.

“Aniyo!” pabulyaw nitong tanggi at nagdadabog na pumasok sa kuwarto nito..

Nakatulala si Yana nang iwan ng binata. She really had that effect on Gideon? Celibate lang ba talaga siya o attracted siya sa akin? Nabura na sa isipan niya si Dong Uk at Eu Jin. Napalitan iyon ng alaala ng halik ni Gideon. He took over her body and her system.

Pero mas napayapa ang isip niya. It gave her a good feeling that she had Gideon around her. The kiss even released some happy hormones from her brain. Sapat na iyon para makatulog siya nang mahimbing. At alam niya na paggising niya kinabukasan, nakangiti siyang gigising dahil si Gideon ang bubungad sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.