UMAALINGAWNGAW sa training gym ang bawat pagtama ng sipa ni Gideon sa kickpad. Matapos ang brunch kasama si Yana sa bahay ng lola niya ay iniwan na niya ito at tumuloy na sa gym para sa training. Ilang araw na rin siyang di nakakapag-training ng mixed martial arts dahil sa hectic na schedule sa bar at kay Yana. Sa pagkakataong ito ay kailangan niya iyon. He needed to find his center. Nawawala na siya sa focus mula nang dumating si Yana sa buhay niya. Hindi siya sanay na nakasentro ang buong buhay niya sa isang babae lang. At kailangan niyang dumistansiya kay Yana kahit na sandali lang.
And I am not used to being celibate, damn it! Di ako sanay na nawawalan ng kontrol sa isang halik lang ng babae. I am always in control. I control my sexual urges. I control my orgasms. I control my heart.
He controlled women. Their moans, their climax and when they would leave his life. One touch from her and he was aroused. Just one kiss and he nearly had an orgasm. Pinataob nito ang orgasmic massage niya.
Celibate ka nga lang kaya ka ganyan, sabi niya sa sarili at nagpakawala ulit ng sipa na may kasamang gigil. Masyado kang nadadala sa pagpapanggap sarelasyon ninyo. Don’t be carried away. She is just temporary. She is not real. She enjoys kissing you but she is in love with someone else.
In love ito kay Dong Uk na nanloko dito. Bagamat di umiiyak ang babae kahapon nang makaharap si Dong Uk at Eu Jin, di mawala sa isip niya kung paano niya natagpuan si Yana nang unang beses itong dumating sa Jeju. Kung paano itong nakita ng tauhan niya sa labas ng bar at basa sa ulan, walang pakialam sa sarili at tulala lang dahil sa sakit. Si Dong Uk na malakas ang loob na palabasin na sila pa ni Yana ang nanloko dito. Kung alam lang nito ang pinagdaanan ng babae para lang makarating sa Korea at makasama ito. Kung alam lang nito kung paanong wasak na wasak si Yana nang makita ang kataksilan nito.
Nagdilim ang paningin ni Gideon. Di na kickpad ang nakikita niya kundi ang nakangising mukha ni Dong Uk. Isang sigaw ang pinakawalan niya niya at nagkawala ng roundhouse kick. Sa sobrang lakas ng sipa niya ay tumilapon ang trainer niya na may hawak na kick pad at sumadsad sa sahig.
“Gyeong!” bulalas niya at dali-daling dinaluhan ang trainer niya. “Gwaen chanh a yo?” Tinanong niya kung ayos lang ito.
“Nee,” sagot nito at marahang tumango. “Puk swi-eo.” Ibig sabihin ay magpahinga daw muna siya.
Nakangiwi ito nang tulungan niyang tumayo. Nasobrahan nga siguro siya sa lakas ng sipa. Dalawang oras na siyang nagte-training at nagsisimula na rin niyang maramdaman ang pagod. Pumunta siya sa water station para uminom ng tubig at bawiin ang wakas.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom nang makita niyang palapit sa kanya si Dong Uk. Kasama niya ito na naka-enroll sa gym at nagsimula na itong mag-training ng kickboxing kaya minsan ay nagkikita sila. Di niya alam kung naroon ito para mag-training o sinadya lang siya nito.
"What have you done to Yana?" walang prenong tanong nito. Ni hindi ito nagpaligoy-ligoy o nagtanong kung gusto niya itong makausap.
Ngumisi lang siya. "Took care of her when she was down. Love her. Treat her like a princess. Make her happy,” kaswal niyang sabi at pilyong ngumiti para malaman nito na marami siyang alam na paraan para pasayahin si Yana. “She is happy, if that is what you are worried about. We are happy.”
Nagbaga ang apoy sa mata ng lalaki at tinampal ang water dispenser. "You told her about me and Eu in. I thought you were my friend. You betrayed me."
Mas matindi ang galit na nararamdaman niya dito pero idinaan na lang niya sa tawa ngitngit dito. “I betrayed you? You betrayed her first. That is the truth.”
"You wanted her for yourself. Even when she was still working for you, you already like her. You pretended to be indifferent to her but you want her. You thought I didn’t see you whenever you stare at her when you thought nobody was looking.”
Natilihan si Gideon. Oo, gusto niya si Yana nang unang beses pa lang niyang nakita. Pero alam niya na di ito ang babae na aayon sa gusto niya - temporary and no strings attached. She was too pure for that. Ito ang babaeng para sa pangmatagalang relasyon at mamahalin habambuhay. So he became indifferent. Walang ibang nakakaalam na gusto niya si Yana. Di niya alam na naoobserbahan pala iyon ni Dong UK.
Nanahimik siya kaya sapat na kumpirmasyon na iyon para sa kaibigan. Nagpatuloy ito ng pagbato ng akusasyon sa kanya. “You couldn’t have her so you bid your time. When you finally got the weapon against me, you ruined me. You ruined our relationship. You squealed about me and Eu Jin.”
Naggiyagis ang ngipin niya at bahagya itong itinulak sa dibdib para makadaan siya. "Are you listening to yourself? You cheated on her. Kundi ka ba naman gago at kalahati! Mambababae ka tapos isisisi mo sa ibang tao ang kasalanan mo. Kundi lang kita kaibigan, baka kagabi pa kita ginulpi.”
“Are you cursing me? Why are you speaking in Filipino? I hae mothae.” Hindi daw siya nito maintindihan. "I thought you were my friend."
“Don’t use that friend card on me,” sabi niya at naglakad papunta sa locker room para kumuha ng tuwalya. “It was not as if I deliberately asked you to cheat on her or set you up to fuck another girl. You did it to yourself. So stop blaming me.”
“Ji-lal-ha-ne!” mura nito sa kanya at hinaklit ang harap ng black sando na gamit niya sa pagte-training. “Yana and I made promises with each other.”
“And you broke those promises. You can’t have your cake and eat it, too” Di siya natinag kahit na saktan siya nito. Mas gigil na gigil siya kaysa dito. “And besides, you don't need to bother with my girlfriend. Yana is mine now. Mine to protect. Mine to love. I picked up the pieces when she found out that you were fucking another girl. You have no right to act wounded when you hurt her first. You have no right to even look at her now when she became sick trying to earn money to come here and be with you..."
"She spent money for her family. Her family is all she cared about.”
Natigilan siya. Iyon ang akusasyon niya kay Yana noon. Na mas pipiliin nito ang pamilya nito para sa kahit na sino. Kahit pa sa lalaking mahal nito. "Not enough reason to cheat on her. And you didn’t even have the guts to tell her the truth.”
“Because I still love her. Why didn't she tell me that she knew about me and Eu Jin?" anito at nanlalambot na binitawan siya.
"To give you a dose of your own medicine." Alam mo na ngayon kung ano ang pakiramdam na asang-asa ka sa isang tao tapos niloloko ka lang pala. Yana was classier than that. She stuck by him up to the last moment. Pero di na nito kailangang malaman.
Nanlisik ang mata nito. "You are worse than me. I committed a mistake, yes. But only to one woman. But you a line of women that you used and discarded..”
Pinalis niya ang nga kamay nitong nakakapit sa damit niya. Hinaklit niya ang harap ng T-shirt nito at saka ito ubod-lakas na isinalya sa mga locker. Matapang niyang tinitigan ang mga mata nito. Then he gave his friend and evil grin that would have him shaking on his toes. “Jal deul-eobwa,” sinabihan niya itong makinig mabuti at tinapik ang pisngi nito. “I never keep secrets from Yana. My life is an open book. She knows about those women. She knows that they are not important. That I don’t have a relationship with them and I don’t make empty promises. I don’t hurt women because they know the score. It is different with Yana because I give my commitment and loyalty to her.”
“Commitment and loyalty? My ass!”
“We were not committed until she came here in Jeju. And I remained faithful to her. Unlike you, you pretended to be faithful to her when you are actually a cheating louse." At hindi niya matagalan ang mga katulad nito.
"I love her. Eu Jin is a fling,” anitong nanginginig ang baba. Parang umaaapela pa ito na may pag-asa pa ito kay Yana.
"It doesn't matter. Yana is mine now. I am not letting her go. You won't hurt her anymore. She. Is. Mine. Now.” Direkta niya itong tiningnan sa mga mata para maging malinaw dito ang mensahe niya. Padarag niya itong binitawan. “Nae ap-eseo kkeojyeo! Get out of my sight. And this is the last time that we will have a conversation with Yana if you still value our friendship. Forget about her.”
Nagmamadaling lumabas ng locker room ang kaibigan at sinundan lang ito ng tingin ni Gideon. Hindi siya papayag na bumalik pa si Yana sa lalaki. Wala na siyang pakialam sa kasunduan nila ni Yana.
He would keep her. Sa kanya na si Yana. Kahit na akitin pa niya ito. Kahit na gamitin niya ang lahat ng charm niya para makalimutan nito si Dong Uk.
Gagawin niya ang isang bagay na hindi niya nagawa noong unang beses niyang aminin sa sarili na gusto niya si Yana. Hindi na niya tatakasan pa ang nararamdaman niya. Forget about boundaries. Forget about the deal.
He would finally have Yana for himself and he won’t let her go no matter what.
Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang number nito. “Yabusaeyo!”
“Yana, nae sarang,” tawag niya sa pangalan nito at dinugtungan ng endearment na nangangahulugang “beloved”.
“O! Bakit ka napatawag, Gideon?”
“I miss you, Yana-ssi.”