Chapter SJ: TIJ 43

NA-EXCITE si Yana nang marinig ang ugong ng kotse ni Gideon. Nilagyan pa ni Sang Hee ng garnish na bulaklak na carrot ang gilid ng ceramic dish na pinaglalagyan ng radish kimchi.

Sinalubong niya si Gideon bago pa ito makapasok sa kusina. “Anneong!” bati niya dito.

Ibinaon nito ang mukha sa ibabaw ng buhok niya. “Hmmm…. amoy suka ka. Ikaw ba ‘yung radish kimchi ko? Now I want to taste you.”

Nag-init ang mukha niya sa insinuation nito. Paano nito nagagawang erotic ang amoy suka at ang radish kimchi? Itinulak niya ang dibdib nito. “Sira! Andon na sa kusina ‘yung niluto namin.”

“Namin?” Kumunot ang noo ng binata. “Sinong kasama mong magluto? Si halmoeni? Di ba tulog siya?” At tuloy-tuloy na pumasok ng kusina ang lalaki. Natigilan si Gideon nang makitang nakatayo sa tabi ng mesa si Sang Hee.

Yumukod ang babae. “Anneong hasaeyo, Jin Woo-na.”

“What are you doing here?” paangil na tanong ng lalaki. “Isn’t it enough that you hurt my girlfriend?”

Umiling si Sang Hee at napaurong. “Changkamanyeong… Wait! I-I can explain.”

Pinigilan ni Yana ang lalaki nang akmang susugurin si Sang Hee. “She helped me prepare your favorite side dish. Don’t get mad at her.”

“Bakit hinayaan mo siya? Sinaktan ka niya. Nakakalimutan mo na ba?”

“Nag-sorry na siya. Saka nakiusap ang lola mo na pagbigyan ko siya. Please give her a chance. Please?” mariing pakiusap ng dalaga.

“Get out!” utos ng lalaki kay Sang Hee at itinuro ang pinto.

“J-Jin Woo-na?” di makapaniwalang usal ng babae habang mangiyak-ngiyak.

“I don’t trust you around my girlfriend and my grandmother. I am not sure if you will hurt them again,” sabi ng lalaki. “They may be nice but I am not.”

Yumuko si Sang Hee. “I-I understand.” Hinubad ng babae ang apron at bagsak ang balikat na lumabas ng kusina. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Gideon bago sundan ang dalaga. Wala itong nagawa para pigilan siya. “Mianhamnida, Sang Hee-ssi,” hinging paumanhin ni Yana at ihinatid ang babae hanggang sa pinto. “I will talk to Gideon. He should treat you better.”

“You don’t have to do that. I understand if he is mad at me. That’s fine.”

Ginagap niya ang kamay ng babae. “Thank you for helping me. Until next time?” Ibig sabihin ay di niya binabalewala ang kagustuhan nitong bumawi sa kanya..

Umaliwalas ang mukha nito. “Nee!”

“Yana, pumasok ka na dito!” utos ni Gideon na nakatayo sa pinto habang nakapamaywang.

Nakangiti siyang nagpaalam kay Sang Hee at kinawayan pa ang papalayong kotse nito. Nagdadabog siyang pumasok sa loob ng bahay at nilampasan si Gideon. “Bakit basta mo na lang itinaboy si Sang Hee?”

“Sinaktan ka niya. Hindi ko nga alam kung bakit mo pa siya ine-entertain.”

“Nakiusap nga ang lola mo kung pwede mong pagbigyan. Gusto niyang bumawi sa akin, sa iyo.”

“Sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyo na gumawa ng Korean side dish?” Pagak itong tumawa at sinundan siya papunta sa kusina. “How can you be so naive?”

“Idea iyon ng lola mo. Gusto daw niyang hayaan kong makabawi si Sang Hee sa kasalanan sa akin.”

“At pumayag ka naman? Ganoon-ganoon lang, pinatawad mo na? Bakit ba ang lambot ng puso mo?”

“Dahil sinaktan ko rin naman si Sang Hee. N-Nagsinungaling ako sa kanya.”

Ihinilamos ng binata ang palad sa mukha nito. “Bago pa niya nalamang girlfriend kita, sinaktan ka na niya. Wala siya sa lugar. Hindi mo siya pwedeng pagkatiwalaan.”

“Wala naman siyang ipinakitang masama sa akin. Gideon, kung nakita mo lang siya kung paano siya magmakaawa sa akin. Alam mo ‘yung sa Koreanovela na halos halikan nila ‘yung paa ng tao para mag-sorry lang? Ginagawa lang nila iyon para sa taong mabibigat ang kasalanan at ginawa niya iyon sa akin. Di naman ganoon kabigat ang kasalanan niya sa akin. H-How can I be cold-hearted about it?”

“Masyadong malambot ang puso mo. Kaya ka laging nasasaktan. Ikaw na nga itong inaalala ko,” sermon nito. Nagagalit si Gideon di dahil sa pangungulit ni Sang Hee dito kundi dahil sa pananakit sa kanya. How could she stay annoyed at this guy for being an asshole when he only wanted to protect her?

“Ayos lang naman ako.” Hinawakan niya ang braso ni Gideon. “Tingnan mo ako. Okay na ako. Di mo naman kailangang maging masungit kay Sang Hee.”

“Ikaw itong pinoprotektahan ko, Yana. May mga tao na akala mo mabait sa iyo pero pwedeng intensyon nila na saktan ka. Minsan ka nang sinaktan ni Sang Hee. Pwede niyang ulitin iyon.”

“Pero mabait ka rin naman sa akin, Gideon,” aniya at sinapo ang pisngi nito.

“So you should not easily trust me, for your own good.”

“Bakit?”

“Ayokong masaktan ka. Kaya huwag mo akong titingnan nang ganyan na parang pagkabait-bait ko.”

Ang labo rin ng lalaking ito. Kung masama ang ugali nito at may masamang intensiyon ito sa kanya, bakit sasabihin nito na gusto siya nitong protektahan? “Sige. Sa susunod nga huwag mong sasabihin na nami-miss mo ako tapos babawiin mo lang.”

“Wala akong babawiin. Nami-miss naman talaga kita.”

“Bakit mo ako nami-miss?”

“For no reason at all. I just miss you. Naramdaman ko lang.”

“Pero…”

Di na niya nahingan ng paliwanag ang binata dahil nilapitan na nito ang mesa kung saan nakaayos ang side dish na ginawa nila ni Sang Hee. “Thank you pala sa paggawa ng paborito ko.” Dumampot ito ng isang radish kimchi gamit ang chopstick. “Masarap ba ito? Baka naman may gayuma.”

“Recipe iyan ng lola mo at si Sang Hee ang nagturo. Pero ako ang naghanda.”

“Ikaw ang manggagayuma sa akin?” Nakangisi ang lalaki. “I am fine with that. Basta panagutan mo ako.” At sumubo ito ng radish kimchi.

“O! Akala ko ayaw mo iyan dahil may gayuma?” tanong niya.

“Sino naman nagsabi na ayaw ko? I am an asshole, Yana. Kahit pa ayaw ko sa nagluto, kakainin ko pa rin kapag gusto ko basta walang lason.” Nakatatlong subo pa ito ng radish kimchi. “Not bad for a first timer. This is good.”

“Salamat kay Sang Hee na nagturo sa akin,” mariin niyang sabi.

Iniwas nito ang tingin sa kanya. “Huwag na natin siyang pag-usapan.”

“Gideon, di naman masamang tao si Sang Hee. Minahal ka rin nu’ng tao. Inalagaan ka niya at pinakitaan ng kabutihan.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.