Chapter SJ: TIJ 44

“She invaded my privacy. Sinaktan ka rin niya.”

“Oo, nagkamali siya pero di na ba siya pwedeng patawarin? Wala namang perpektong tao.”

“Bakit kailangan pang turuan ka niyang magluto? Pwede namang iba na lang.”

“Di rin naman ako komportable noong una. Di ko naman siya basta-basta mapagkakatiwalaan pero nakiusap sa akin ang lola mo. Mas makakaluwag sa loob ni Sang Hee kung bibigyan siya ng pagkakataon na makabawi at maituwid ang pagkakamali niya.”

Nagsalubong ang kilay nito. "Paano kung may hidden motive siya? Di basta-basta sumusuko ang ganoong babae."

"Look. Di ko sinasabing maging close kayo. Just be civil. Don't be rude. Close siya sa lola mo. Parang magkapamilya na sila."

"Paano siya makaka-recover sa akin kung maganda ang ipapakita ko sa kanya?" His face was still somber.

Nilaro niya ang laylayan ng manggas ng polo nito. "Show her some humanity. You don't have have to be cruel to be kind. Kahit paano naging mabuti rin naman siya sa iyo.

"What do you want me to do?" tanong nito sa wakas.

"Kausapin mo siya. Hayaan mo siyang humingi ng tawad nang maayos. Mas mabilis siyang makaka-move on sa buhay kung patatawarin mo siya."

"I don't want her to get any ideas. Baka isipin niya na may pag-asa siya sa akin. Paano kung pikutin ako?"

"Nandoon lang ako. Pababayaan ba kita?"

Umiling ang lalaki. "Masyado kang mabait sa karibal mo, girlfriend.”

"Kaya nga love mo ako." And she gave him a cute pout. Tinitigan lang siya nito. "I mean, mahirap may kasamaan ng loob. Gideon, fuckboy ka lang pero di ka masamang tao at impakto.”

"Yana, this is not about me. Baka kasi saktan ka niya pag sobrang tiwala ka."

"Kaya ko ang sarili ko. You worry too much.”

“Huwag mo akong pilitin,” anito sa malamig na boses.

Di na siya kumibo at pinanood niya ito na kumain ng radish kimchi. Hindi niya kailangang isalaksak sa lalamunan nito si Sang Hee dahil baka mairita din ito sa kanya. “Ano? May gayuma ba ang luto ko?” tanong niya nang dried anchovies naman ang kinain nito.

Tinitigan siya nito. “Saranghae.”

Huh? Sinabihan niya ako ng “I love you”. Parang may trampoline sa dibdib niya at nagtatalon ang puso niya. Hinaplos niya ang mata nito para tigilan na nito ang pagtitig sa kanya na parang totoo ang “saranghae” nito. “Baliw ka talaga.”

“Ikaw itong nagtatanong. Not so bad. Nakuha mo ang timplang gusto ko.”

“Tuwing ipinagluluto ka no’n ni Sang Hee, puno ng pagmamahal iyon. Nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya. Na ibinibigay ko ang lahat para sa taong mahal ko. Dapat pahalagahan mo iyon kahit di mo suklian. Magpasalamat ka. Ipakita mo na pwede pa rin siyang mahalin ng ibang tao. Pinakamasakit kasi sa isang tao ‘yung ginawa mo naman lahat, ibinigay mo naman lahat pero di ka pa rin magawang mahalin ng taong mahal mo tapos basura pa ang trato sa iyo. Kahit naman siguro sa iyo mangyari iyon, masasaktan ka rin.”

Bumuntong-hininga ang lalaki. “Arasso! Kakausapin ko na si Sang Hee!”

Tumili siya at niyakap ito. “Salamat! Sabi na nga ba mabait ka…”

“Stop! Just stop, okay? Baka maniwala ako sa iyo.”

“Basta mabait ka.”

He was great. Sa maniwala man ito o hindi, mabuti ang puso nito. Kailan kaya nito makikita na pwede naman itong magmahal at mahalin din nang totoo?

“YANA, parang uulan na. Dito na lang tayo sa bahay,” sabi ni Gideon habang nakasilip sa bintana.

Nakisilip din ang dalaga sa bintana. “Hindi iyan. Asul na asul ang langit. Anong uulan? Masisira ang OOTD ko kapag umulan.”

Nilingon niya ito. Nakasuot ito ng pink sundress at white sneakers habang may nakapatong na light blue bolero. Hawak din nito ang shades at ang wide-brim hat. Nagkasundo sila ng dalaga na dalawin si Sang Hee sa gift shop kung saan ito nagtatrabaho. Ready daw ito for pictorial dahil may windmill daw malapit sa kung saan nagtatrabaho ang babae. Pero wala pa siya sa mood harapin si Sang Hee.

Sinapo niya ang dibdib at umupo sa kalapit na couch. “Parang masama ang pakiramdam ko.”

Namaywang si Yana sa harap niya. “Gideon, napag-usapan na natin ito. Ang bilis mong sungitan ‘yung tao pero pag gagawa ka ng maganda para sa kanya, hirap na hirap ka.”

Tinakpan nito ang mga tainga. “You sound like a nagging wife.”

“Allergic ka pa mandin sa pag-aasawa. Anong gusto mo? Ina-nag kita hanggang pumunta ka sa bar mamaya o magso-sorry ka kay Sang Hee?”

Natigilan si Gideon nang makita ang kaseryosohan sa mukha ng dalaga. Nang nakaraang araw, hinayaan niya itong sumama sa bar. Pero tahimik lang ito at umaakto na parang isa sa tauhan niya.

“You will really do that?” tanong nito. “You are not confrontational, Yana. You are a lady…”

“Sinong may sabi? Isang tagay lang ng soju iyan, mawawala na ang hiya ko at non-stop na ang daldal ko. Mukhang mas okay sa iyo na talakan kita.”

Bigla siyang tumayo at isinuklay ang daliri sa buhok. No. Yana and soju simply didn’t mix. Mahirap itong kontrolin kapag nakainom. Baka mamaya ay mag-eskandalo pa ito kapag napagtrip-an nitong mag-striptease sa bar niya. Mapapaaway pa siya.

“Arasso! Heto na nga palabas na ako. Daig mo pa lola ko sa panenermon. Basta huwag kang hahawak ng soju..”

Ngiting tagumpay ito nang tumango. “Nee, oppa.”

Pinili ni Gideon na tumahimik habang nagmamaneho. Why was he in this predicament again? I can’t say no to Yana.

Hanggang ngayon ay naa-amaze pa rin siya sa handang gawin para sa babae. He was supposed to protect her and corrupt her at the same time. Pero parang siya yata ang binabago nito. He was supposed to be an asshole. After all, assholes are attractive by nature. Madali lang sa kanya na ilayo ito kay Dong Uk.

But she never saw him as an asshole. Isang anghel ang tingin sa kanya ng babae. At siya pa ngayon ang sunud-sunuran dito. Bakit kailangang ako ang magbago? It should be the other way around.

Makalipas ang kalahating oras ay tumigil ang kotse sa harap parking lot ng Hyeopje Beach na sikat sa puting buhangin nito at dinagdagan pa ng mga nagtatayugang windmill. Tourist spot iyon pero walang naliligo ngayon sa beach dahil sobrang lamig. Subalit may mga turista pa rin na nagpapa-pictorial.

Isinuot niya ang shades at bumaba ng kotse. Umikot siya sa kabilang pinto at ipinagbukas si Yana. Matapos I-lock ang kotse, hinawakan niya ang siko ni Yana at naglakad papunta sa hilera ng establishment kung saan matatagpuan ang gift shop na mina-manage ni Sang Hee. Pag-aari iyon ng tiyahin ng babae at ito ang pinamahala. He was tense. Magso-sorry siya pero kailangang maging malinaw dito na wala na itong kailangang asahan sa kanya. Di na ito pwedeng mangulit at kapag sinaktan ulit nito si Yana…

Naramdaman niya na pinigilan ni Yana ang braso niya. “Sandali. Hindi pa okay ang mukha.”

Sinapo niya ang pisngi. “May dumi ba ako sa mukha?”

Hinila nito ang magkabilang gilid ng labi niya. “Ngumiti ka. Alam ko napipilitan ka lang. Pero sana naman kapain mo sa puso mo na minsan sa buhay mo, inalagaan ka rin niya. Do it right.”

Marahan siyang tumango. “Arasso. I won’t disappoint you.”

“I know you won’t,” anang babae at magagaan ang hakbang na naglakad papunta sa gift shop. Parang di nito alintana na kinakaladkad siya nito papunta sa teritoryo ng babaeng obsessed sa kanya.

Pagdating sa pinto ay siya ang unang itinulak ni Yana papasok. Pinauna na siya nito at binantayan pa ang pinto para tiyakin na di siya makatakas. Wala halos customer noon. Nasa counter si Sang Hee at kausap ang isang staff nito. Narinig nito na nag-ring ang bell kaya yumuko agad ito. “Anneong hasaeyo!”

“Anneong!” bati naman ni Gideon at di alam kung ano ang susunod na gagawin.

Nanlaki ang mga mata ni Sang Hee nang makita siya. “Jin Woo-na!” Nahimigan niya ang excitement sa boses nito.

“Anneong, Sang Hee!” bati ni Yana at kumaway dito nang sumilip mula sa likuran niya.

“A-Anneong,” malungkot na usal ni Sang Hee at malamyang kumaway. Akala ba nito ay pupuntahan niya itong mag-isa?

Inabot ni Yana ang balutan ng lunch box. “Rice cake for you. This is a popular delicacy in the Philippines and Gideon’s favorite.”

Nanlaki ang mata ng babae nang tanggapin ang lunch box. “D-Did you cook this for me?”

“Gideon helped me out.” At saka siya siniko ni Yana.

“Nee,” naisagot na lang niya at pilit na ngumiti.

“I will just leave you two. Enjoy the rice cake,” anang nagpapanggap na nobya at lumabas ng gift shop.

Pinilipit ng babae ang sariling palad nang iwan sila ni Yana. “Did you come here to buy your girlfriend a gift?”

Umiling siya. “I…I came here to apologize.”

“Are you okay? Are you sick?”

“I am serious.”

“L-Let’s talk at somewhere private.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.