Chapter SJ: TIJ 55

ISANG beses pang umikot si Yana sa salamin saka ngumuso. Alas sais pa lang ng umaga pero handa na siya para sa pictorial niya. Nag-text na si Gideon kay Eu Jin nang nagdaang gabi pa na sa Udo Island na sila magkita. Thirty minutes lang ang layo niyon sa Jeju Island at excited na siyang ikutin ang maliit na isla na punong-puno ng dilaw na canola field. Kaya naman ang sikat na Endless Love: Spring Waltz ang theme nila para sa araw na iyon, isa sa paborito niyang Korean drama. Kaya nga yata niya nagustuhan si Dong Uk noon dahil sinabi nito na taga-Jeju Island ito kung saan sikat ang canola field.

Handa na rin siya sa muling paghaharap nila ni Dong Uk kung sakaling bubuntot na naman ito kay Eu Jin. Ito ang unang-una nilang na-conceptualize ng babae dahil di talaga siya matatahimik hangga’t wala siyang pictorial sa canola fields.

Nagha-hum pa siya ng Clementine na kasama sa soundtrack nang samahan si Dong Uk sa sala ng cottage. Nakasuot ito ng white overall coat na may powder blue polo shirt. Habang orange floral dress ang suot niya.

“I’m ready!” aniya at itinaas pa ang dalawang kamay.

His lips twisted. “Cancel daw ang pictorial natin. Masama ang pakiramdam ni Eu Jin.”

“Ganoon ba? Sana gumaling agad siya,” malungkot na usal ni Yana.

Maaring may sakit nga ang babae pero pwedeng dahil din kay Dong Uk. Nautusan ba ito ng lalaki na huwag nang matuloy ang pictorial nila? Dapat siyang malungkot dahil di niya makikita ang nobyo. Sa halip ay nakahinga siya ng maluwag. Sa lakas ng negative vibes na inilalabas ng lalaki mula nang magkita sila, parang mas mabuting dumistansiya muna ito sa kanya. Masyadong maganda at romantic ang Udo Island para sirain nito ang mood niya.

Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng palda ng dress niya. “Excited pa mandin ako sa pictorial. Uuwi na ba tayo?”

“No. Kung okay lang sa iyo, tayong dalawa na lang ang magpictorial.”

“Paano?’’ tanong niya. Iba pa rin siyempre kapag may official photographer.

“May tripod ako. Nasa trunk ng kotse ko.”

“Di naman tayo photographer tulad ni Eu Jin.”

“Yana, may hanggang bukas tayo dito sa Udo Island kung gusto mo. Kahit ilang beses nating ulit-ulitin ang shot na gusto mo, okay lang sa akin. May timer naman ang cellphone ko. Game?” tanong ng binata.

Biglang lumalad ang ngiti niya. “Game!”

Nagdesisyon sila ni Dong Uk na lakarin na lang ang isla kaysa gamitin ang kotse nito. Maliit lang naman daw ang Udo Island. Kayang ikutin nang naglalakad.

“Wowww!” sigaw ni Yana nang di pa siya nakakalayo sa cottage ay malawak na canola field na ang sumalubong sa kanya. “Di ko ito nakita kagabi.”

“Surprise! Sabi na nga ba magugustuhan mo iyan.”

Ibinuka niya ang kamay at umikot. “Sobrang ganda dito! Thank you!” sabi niya at patalong yumakap sa lalaki na parang bata.

Natawa si Gideon. “Ang babaw lang talaga ng kaligayahan mo ‘no?”

“Oo. Madali akong pasayahin.”

“Tumayo ka doon. Kunan kita ng picture.”

Tumayo naman siya sa gilid ng kalsada. Matapos ang limang minuto at isandaang poses na solo niya at magkasama silang dalawa, nagdesisyon na silang mag-move on na sa wakas. “Marami pang magagandang parte itong Udo Island.”

“Alam mo ba na pangarap ko na makasama si Dong Uk sa canola field katulad sa Spring Waltz?” usal ni Yana habang hinahaplos ang nadadaanang mga bulaklak sa gilid ng daan. “Pangako niya sa akin na iyon ang una naming pupuntahan kapag ipinasyal niya ako dito sa Jeju Island.”

“Sinabi ba niya na sa iyo na sa Jeju Island nag-shoot iyon?”

“Oo,” sabi nito at tumango.

“Sa Cheongsandae iyon. Di mo ba na-check sa Google?”

“Malay ko ba. Siyempre siya ang taga-Korea. Kahit anong sabihin niya, maniniwala ako. Di na ako nag-Google.”

“Nagpapa-impress lang iyon para kiligin ka sa kanya. Naniwala ka naman agad. Kayong mga babae, wag kayong basta-basta magpapauto sa pasiklab ng mga lalaki. Research-research din ng konti.”

“Tch!” Ang lakas nitong makasira ng ilusyon. “Ire-research ko na talaga mula ngayon ang pinagsasasabi mo sa akin.”

“Kahit mag-Google ka pa. Wala akong rason para bolahin ang babae.”

“Hayaan mo na nga. Wala naman si Dong Uk dito saka din na rin niya matutupad ang pangako niya. Di niya ako masasamahan ngayon.”

“Well, I’ll be your own Spring Prince Waltz. I will make it worth your while.” At saka nito pinatugtog ang music player cellphone nito. Awtomatiko siyang ngumiti nang pumailanlang ang unang nota ng Clementine na introduction ng kanta. “Korean version ba ito o English?”

“Piano version,” sagot ng lalaki at hinawakan ang kamay niya.

“Good.” Nabubulol siya sa Korean kaya mas sanay siya sa English na kinanta ng Filipino singer. In-extend niya ang selfie stick dahil gusto niyang kuhanan ang view na dinadaanan nila ni Dong Uk habang pumapailanlang ang musika. “Higher than the sky above you, clearer than blue. Brighter than the ray of sunshine…” Feel na feel niya ang pagkanta dahil sa ganda ng paligid. Kahit na minsan flat o sharp ang tono niya, feel na feel pa rin niyang kumanta. “It is the most wonderful thing.”

Inilahad niya ang palad nito para sa second stanza. Ibig sabihin ay ito na ang kakanta. Saka nag-switch ng camera sa kanila para naka-selfie ang pag-record ng video. “Hwalchak pi-o-orun ju gguche ku hyanggiboda,” kanta naman ni Gideon sa Korean na may binabasa pa sa cellphone. May kodigo ito ng lyrics para lang masamahan siyang kumanta. “Chokcho-kha-ge jokshinun bombi ku talkumhamboda to.”

Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa kalsada na magkabilang gilid ay canola field at sa dako pa roon ay tanaw na ang dagat pati na rin ang Seonsan Ilchulbong. It was beautiful and so perfect. Parang gusto na niyang maging boyfriend nang totoo si Gideon nang mga oras na iyon. Para sa isang pekeng boyfriend, nasasakyan nito ang mga trip niya. Kapag sinukuan na niya si Dong Uk, isisilid na niya si Gideon sa maleta at iuuwi ito sa Pilipinas.

Sabay silang kumanta sa chorus. “I love you so, love is the beautiful one. I love you so, love is the beautiful one. All we need is love, real love.”

“Hoy! Ang ingay n’yo!” sigaw ng isang babae sa likuran nila. Nakayuko ito habang may taklob na jacket sa ulo. “Walang konsiderasyon sa ibang tao. PDA nang PDA. Kakaumay kayo!”

Nagkatinginan sila ni Gideon. “Anong problema ng isang iyon?” tanong ni Yana. “Dadayo lang ng Udo Island, maninira pa ng trip.”

“Hayaan mo na iyan. Kumanta ka lang,” sabi niya sa lalak at ngumiti sa video.

“Tse! Sweet-sweet-an pa kayo! Walang forever! Magbe-break din kayo!” sigaw pa ng babae. Akala siguro nito ay di sila nakakaintindi ng Tagalog.

Si Yana na ang umalma sa pagkakataong iyon. “Teka lang. Panira na ng moment.” Dinig na dinig tiyak ang sigaw ng babae sa video. Para itong isang sumpa. Gusto pa mandin niya ng masasayang alaala nila ni Dong Uk sa Udo Island. Sinira nito ang Spring Waltz niya.

“O! Huwag mo nang patulan. Kunyari na lang di mo naiintindihan kasi Koreano ka.”

“Mukha ba akong Koreano?” tanong niya at itinuro ang sariling mukha. “Pati dito sa Korea idinala pagka-ampalaya niya.”

“Alam mo, may solusyon para sa mga bitter.”

Hinawakan niya nito ang isang pisngi niya. He grinned then owned her lips in a torrid kiss. Nayanig ang mundo ni Yana. Muntik nang mabitawan ni Yana ang monopad niya pero may matatag na kamay na humawak niyon. Wala naman siyang pakialam kahit na bumagsak pa ang cellphone niya.She just wanted to taste Gideon’s kiss.

The kiss was unexpected yet so perfect. Silang dalawa ni Gideon sa isa sa pinaka-romantikong isla sa buong mundo. The air was charged with dopamine and swept through her body. She would never get enough of that kiss. She would never get enough of Gideon Lee.

Nang maghiwalay ang labi nila, nanatili siyang nakapikit. Ayaw pa niyang matapos ang sandali na iyon. She just wanted to stay in that perfect world. Ayaw niyang marinig pa ang babaeng ampalaya.

“Wala na siya,” bulong ni Gideon.

Saka lang dumilat si Yana at saka tiningnan ang babae. Di na ito nakasuno sa likod nila. Papunta na ito sa kabilang direksyon at sinipa-sila ang bato.

“Tapos na rin ‘yung kanta,” reklamo ni Yana at ni-review ang video. “Huh! Bakit ganito ‘yung video natin?” Bukod sa nakuha ang pagsigaw ng babae, naka-record din nang halikan siya ni Gideon pero leeg na lang hanggang dibdib. “Pangit!”

Tumawa lang ang lalaki. “Ulitin na lang natin ang pag-record. Gamitin ‘yung tripod tapos sa isang lugar lang tayo.”

“Sige.” Isang field na malapit sa rancho ng Udo Island sila nagpunta. Matapos I-set up ang cellphone nito sa tripod at humanap ng magandang anggulo, tumayo ang binata sa tabi niya. Si Yana ang pumindot ng music player para sa One Love. “Game na.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.