Chapter SJ: TIJ 56

Tumayo si Gideon sa harap niya at pinindot din ang bluetooth remote para mag-record ang video. “Game.”

Tumingala siya dito at ngumiti. Handa na siyang kantahin ang unang stanza ng One Love nang hawakan nito ang baba niya. Naipit ang salita sa lalamunan niya dahil tinitigan siya ng lalaki na parang gusto siyang tunawin. Then he devoured her lips like he haven’t eaten for days. She kissed him back. She couldn’t say no to Gideon Lee’s kisses. Kahit buong maghapon pa siya nitong halikan.

“IPINADALA mo pala kay Lola ‘yung video natin,” sabi ni Gideon habang nanonood sila ng balita tungkol sa tensyon ng North Korea at Amerika at kung paanong mapanganib kung sakaling biglang magpakawala ng missile ang taga-Norte para sa kanilang nasa South Korea.

Magkatabi sila sa couch. Nakahilig si Yana sa balikat ng lalaki. Gusto niyang malaman kung ano ang totoong sitwasyon dahil nag-aalala na ang mga tao sa Pilipinas. Gusto na nga ng tatay niya na umuwi na siya ng Pilipinas.

Dalawang oras na silang nakauwi mula sa pagdalaw sa lola nito at nangako siya kay Mi Su na ipapadala niya ang pictures nila dito ni Gideon. Nabanggit niya na may music video sila at gusto daw nitong makita.

“Oo. ‘Yung One Love,” sabi niya dito. Gumawa kasi siya ng slide show ng mga picture nila ni Gideon. “Nagustuhan daw ba niya?”

“Yes. Ipinagkalat na nga sa mga kaibigan niya.” At inabot sa kanya ang cellphone.

Halos matupok ang mukha ni Yana sa init nang makitang di video montage ang nagpe-play sa video kundi ang version kung saan hinalikan lang siya ni Gideon sa buong kanta. It was hot and passionate. Parang di nga siya ang humahalik dito lalo na nang isuklay niya ang daliri sa buhok nito at kagatin ang pang-ibabang labi ng binata. That was no prude. She acted like a vixen.

“No! No! Gideon, burahin mo iyan!” sabi niya at di alam kung anong gagawin. “Ang dami nang nakanood niyan.”

“Come on. Romantic naman. Saka kung ayaw mo, bakit di mo binura?”

“It is private,” angil niya sa lalaki. “Ano na lang ang iisipin ng mga tao?” Gustong sabunutan ni Yana ang sarili.

“That I am one lucky man to get to kiss someone like you. Saka masaya naman si Halmoeni. She is so convinced that you are so into me. Kitang-kita daw kung gaano ka ka-in love sa akin lalo na nang titigan mo ako.

Parang sinabuyan ng malamig na tubig ang dalaga. Ibig sabihin nagpapanggap lang ito nang halikan siya? Of course nagpapanggap lang siya. Ganoon din naman si Yana. Except when she kissed him, it was as close as giving him her heart and soul. Kahit nang halikan niya si Dong Uk ay di ganoon katindi ang nararamdaman niya.

Bigla siyang tumayo at patakbong umakyat ng hagda. “Matutulog na ako. Goodnight!” Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at nagkulong sa kuwarto niya.

Ngayon lang naging klaro sa kanya ang lahat. She let him kiss her and she kissed him back. Di naman siya nagpapanggap lang ng halikan nito. She enjoyed kissing him. At kailan pa naging libangan sa akin ang manghalik at magpahalik sa isang lalaki? Kahit kay Dong Uk di naman ako ganito.

Pagdating kay Gideon, nalulusaw ang logic niya. Nawawalan siya ng reservations. Parang natural lang sa kanya na halikan at yakapin ito. And she won’t allow the same liberties to another man, not even to her boyfriend for more than three years. Di ba, boring at prude ang tawag ni Dong Uk sa kanya?

Hindi lang ang halik na iyon. Si Gideon na lang ang nagpapangiti at nagpapasaya sa kanya. Minsan nakakalimutan na niyang nagpapanggap lang sila. Because he made her feel loved. He made her feel better about herself. Inalagaan siya ni Gideon. He broke his own rules just to please her. Handa rin siya nitong depensahan kahit sa sariling kaibigan. It was not so hard to love him.

Love him? Mahal ko si Gideon? Pero si Dong Uk ang boyfriend ko. Siya ang mahal ko. Siya ang pinuntahan ko dito sa Jeju Island. Siya ang babawiin ko.

Pero kalmado lang ang puso niya. Parang sinasabi na “Sinong Dong Uk?”. Nagbago na si Dong Uk. He broke her trust. He couldn’t support her when he needed her the most. Handa siyang magsakripisyo para dito kung kinakailangan pero para saan pa? Hindi na niya makapa sa puso ang pagmamahal na para dito. Parang salita na lang ang pagmamahal pero wala na siyang nararamdaman.

Pero sadyang walang dala ang puso niya. Kahit na mahalin pa niya si Gideon at tuluyang hiwalan si Dong Uk, malinaw ang usapan nila ng binata. Pansamantala lang ang lahat. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, maghihiwalay din sila. Mapuputol na ang palabas nila. Uuwi pa rin siyang luhaan.

“Anong gagawin ko?” tanong ni Yana. “Bakit napasok ako sa ganitong sitwasyon? May dalawa akong boyfriend. Isang taksil at isang fake.”

Mas madali para sa kanya na bawiin si Dong Uk. Malapit na siya. Pero wala na ring silbi kung iba na ang mahal niya. Nagmahal pa siya sa lalaking walang planong magmahal at magseryoso. Oras na malaman ni Gideon na mahal niya ito, tiyak na palalayasin siya nito sa buhay nito.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig sa kisame hanggang maring niyang may kumalampag sa gate. “Yana-ssi! Yana-sshiii! Mun jom yeol-eojuseyo!”

“Parang boses ni Dong Uk!” bulalas niya at bumangon sa kama. Sumilip siya ng bintana at nakita ang dating nobyo sa gate. Nagtatahulan na ang mga tao at nakakabulahaw na ito sa mga kapitbahay.” Lumabas siya ng kuwarto at tumakbo pababa ng hagdan. Kailangan umalis na ito bago pa magising si Gideon o kaya ay tumawag ng pulis ang kapitbahay. Baka damputin ito dahil sa pag-iingay.

“Yana-ssi!” nakangising sabi nito habang nakakapit sa railing ng gate. Napansin niya na namumungay ang mga mata nito.

“Dong Uk, what are you doing here? Are you drunk?”

“I saw your video. Y-You kissed Hyung,” tukoy nito kay Gideon bilang kuya. “You never kissed me that way. I want you to kiss me like that.”

“Go home to your girlfriend. Eu Jin must be worried about you.”

Umiling ito. “Saranghae Yana-ssi. You are the one I really love.”

“You have a funny way of showing it after fucking another girl? That is not love.”

“I don’t really love her. I was drunk at first and she was there. My parents want me to marry her because her father provided the loan for my business.” Ngumisi ito. “Yes, I fucked her because I need her money.”

Kinilabutan siya. “What?” Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nito o baka lasing lang ito.

“I did it for us, Yana-ssi. I want us to have a better future so I can also take care of your family you are leeches. So you will only have time for me. I will marry Eu Jin. Just give me one or two years. I will divorce her and marry you.”

At inangat pa nito ang dalawang daliri. Gustong masuka ni Yana. Iyon ba talaga ang plano ng lalaki? Ipinagkasundo na ito sa ibang babae pero di nito sinabi sa iba. Ginagamit lang nito si Eu Jin para ma-secure nito ang negosyo nito. Tapos… lumalabas na parang kabit siya? At sa palagay nito papayag siya?

Di niya alam kung magagalit sa lalaki o maaawa. Marami itong pangarap bago ito bumalik sa Korea. Natupad nga ang pangarap nito pero anong kapalit?

“What happened to you, Dong Uk?” naluluha niyang tanong. “What have you done to yourself? To us? You sold yourself?”

“Yes. For us. For our future,” walang gatol nitong sabi.

Anong future? Binaboy na nito ang relasyon nila. Di ito naging tapat. Kaya niyang mabuhay nang walang pera basta totoo lang sila sa isa’t isa. HIndi ganito.

“Yana, get inside!” utos ni Gideon sa kanya na nakatayo sa pinto. “Parating na si Eu Jin para sunduin siya. Iyon ay kung di mauuna ang mga pulis na damputin siya.”

Maya maya pa ay humimpil ang taxi sa harap ng gate nila Gideon at nagmamadaling bumaba si Eu Jin. “Dong Uk, let’s go.”

“Aniyo! I am still telling Yana-ssi that I love her. That I will only marry you for two years and we will divorce,” sabi ng lalaki at pilit siyang inaabot.

Nakita ni Yana kung paanong umagos ang luha sa mga mata ni Eu Jin pero pilit pa rin nitong hinila si Dong Uk palayo. Sampal dito ang sinabi ng lalaki. Klaro na sinabi ng lalaki na pera lang ang habol dito. Pero sa kabila ng sakit, wala siyang nakita sa mata ng babae kundi ang pagmamahal. Handa itong lunukin ang pride para lang kay Dong Uk.

Di na niya hinintay na umalis ang sasakyan. Hinayaan niya ang sarili na hilahin ni Gideon papasok ng bahay. Di pa sumasara ang pinto ay humagulgol na siya ng iyak. Niyakap siya ng binata. “Yana-ssi, mianhamnida,” hinging paumanhin ng lalaki. “Alam ko na masakit ang mga nalaman mo.”

“Bakit? Bakit gagawin iyon sa akin ni Dong Uk? Anong klaseng pagmamahal iyon?”

Bumuntong-hininga ang binata. “I don’t know. Pero ang alam ko, gusto ng magulang niya na isang Korean din ang pakasalan niya. And the business loan, baka kumuha si Gideon ng mas malaking puhunan gaya ng alok ng tatay ni Eu Jin pero may kondisyon. Alam mo naman na dati pa siya gusto ni Eu Jin.”

“Di man lang niya sinabi sa akin? Papapapaniwalain niya na kami pa rin pero magpapakasal na pala siya sa iba? Akala niya hihintayin ko lang siya? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit siya kahit nang sabihin natin na may relasyon na tayo. He still wants me. Kahit ikakasal na siya sa iba, gusto niya niya nandiyan lang ako. Ang kapal ng mukha niya.”

“Yana, magpahinga ka na. Sasaktan mo lang lalo ang sarili mo. Walang kahit anong magandang salita sa akin ang pwedeng mag-comfort sa iyo.”

Subalit nangunyapit lang siya Gideon. A part of her heart was mourning for Dong Uk. For the love they had lost. Binuhat siya ni Gideon at inakyat sa kuwarto niya. Inilapag siya nito sa kama pero yumakap lang siya sa leeg nito. “Huwag mo akong iwan ngayon. K-Kailangan ko ng kasama.”

Tumabi ang binata sa kanya at niyakap siya. Tahimik siyang umiyak habang hinahaplos nito ang buhok niya. Wala na itong kailangang sabihin na kahit ano. Gusto lang niyang maramdaman na di siya nag-iisa nang mga oras na iyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.