Chapter SJ: TIJ 62

NAGISING si Yana na parang may hinuhukay na subway railway sa ulo niya. Sinapo niya ang ulo at gumulong sa malambot na kama. “Ang sakit sa ulo! Hindi na po ako lalaban,” usal niya nang maalala na tumagay siya ng soju sa bar ni Gideon at sinundo daw siya ng kamukha ni Lee Dong Wook. Bigla siyang nagising sa naalala “Lee Dong Wook? Saan naman ako dadalhin ni Lee Dong Wook?”

Dumilat siya at marahang bumangon. Pamilyar sa kaya ang silid. Ang kaibaha lang ay ang decal sticker sa bintana at sa dingding na sila mismo ni Gideon ang nagdikit nang huling beses na nandoon siya. “Nasa bahay ako ni Gideon. Siya ang sumundo sa akin.”

Sa bar niya ito pumunta. Malamang ipapasundo siya ng kaibigan nitong si North. Sinubukan niyang alalahanin lahat ng ginawa nang nagdaang gabi. At least hindi siya nag-striptease sa kung kaninong estrangher o kay Gideon mismo. Mas nakakahiya. Ano bang meron sa Jeju Island na tuwing bumabalik ako nawawalan ako ng boyfriend? Ano bang isyu sa akin ng mga may lahing Koreano na ito? Matino naman akong girlfriend sa kanila. May balat ba ako sa puwet?

Kahit na mahilo-hilo pa siya, bumangon siya at tumuloy sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Di siya pwedeng magtagal sa bahay na iyon lalo na kung itinaboy na siya ng lalaki.

Naghihilamos siya nang katukin ni Gideon ang pinto. “Yana-ssi! Yana-ssi! Nandiyan ka ba?” Urgent ang boses nito. “Open the door! Kapag di ka sumagot agad, tatadyakan ko itong pinto.”

“Huwag kang pa-action star, Gideon Lee. Naghihilamos lang ako.”

Saka lang ito tumigil sa pagkatok. “Mianhe,” hinging paumanhin nito sa malumanay na boses. “Baka kasi natumba ka. I just want to make sure you are okay.”

Hindi siya okay. She was still hurting. Gideon had trust issues. Di bale sana kung ibang babae ang kalaban niya katulad ng kay Dong Uk. Hindi. Si Gideon mismo ang kalaban niya. Paano niya ito ipaglalaban kung ayaw na siya nitong mahalin? Kahit anong gawin niya, di madali dito ang magtiwala, kahit na maganda pa ang intensiyon niya at wala siyang kasalanan.

She took her time. Ayaw pa niyang umalis sa bahay at buhay nito. Binuo na niya ang mga plano sa buhay para dito. Di ako pwedeng dito lang sa banyo. Kailangan ko pa rin siyang harapin.

Mas maginhawa na ang pakiramdam niya. Pero paglabas niya ng banyo, parang gusto na naman niyang maiyak nang makita ang nobyo. Bagong ligo ito at fresh na fresh. Naamoy agad niya ang bango nito nang lapitan siya nito para alalayan.

“Hangover?” tanong nito.

Marahan siyang tumango. “Salamat sa pag-uuwi at pag-aasikaso sa akin. Aalis din ako. If you are kind enough to call for a taxi…”

“No. Hindi ka aalis sa bahay na ito nang may hangover.” Pinaupo siya nito sa kasama at idinulot sa kanya ang tray na may essentials para magamot ang hangover niya. “Gusto mong subuan kita ng soup?”

“Kaya ko na ang sarili ko. Di rin naman ako magtatagal. Tatapusin ko lang ang birthday party ng lola mo tapos babalik na ako ng Pilipinas bukas na bukas din.”

“Basta ka na lang aalis? Ni hindi mo ako ipaglalaban?” tanong nito. “Mabuti pa pala si Dong Uk…”

“Gideon, pagod na kasi ako sa inyong mga Koreano at may lahing Koreano. Kay Dong Uk, alam ko may pagkukulang ako. Alam ko anong Ia-adjust ko. Alam ko na may ibang babae akong karibal. Pero sa iyo, anong magagawa ko kung wala kang tiwala sa akin? Wala kang gustong pakinggan. Sarili mo lang. Wala naman akong magagawa kung ayaw mo na akong mahalin. Kaya walang silbi kung magtatagal pa ako dito. Pag umalis ako bukas, di na ako tatapak ng Korea kahit kailan. Di na ako magbo-boyfriend ng may lahing Koreano kahit na kailan. Malas ako sa inyo.”

Maiiyak na naman siya kaya sinunod-sunod na lang niya ng higop ng sabaw para di siya tuluyang maiyak. Pero kusang kumawala ang luha sa kaliwang mata niya hanggang sumunod naman ang sa kanan.

He gently wiped her tears away with his finger. “Mianhamnida, Yana-ssi. Ang laki kong tanga para isipin na ganoon lang kadali na talikuran ang pagmamahal ko sa iyo samantalang halos mamatay ako nang malaman kong wala ka sa bahay ni halmoeni. For almost twenty years, galit na galit ako sa nanay ko. Nasanay ako na huwag magtiwala. Kagabi, malaking shock sa akin na makaharap ulit siya. Ang totoo, galit ako sa sarili ko dahil gusto ko siyang yakapin na parang walang nangyari. Parang bata ulit ako na miss na miss ang nanay niya. And I couldn’t do that to myself to I lashed it out on you. Ayokong maging mahina. Ayokong maging uto-uto. Ayoko nang umasa. At kahit na si halmoeni ang nakipagsabwatan kay omma, alam ko na di ako pwedeng magalit sa kanya.”

“Alam mo naman na wala akong choice kapag may hiningi sa akin. And it was not a big deal then. Isinabay lang ako ng nanay mo galing sa airport. Hindi naman siya ang sorpresa ko kundi…”

“May interview ka bilang teacher sa tatlong school dito sa Jeju.”

Tumigil sa pagtibok ang puso niya. “Alam mo na?”

“Sinabi mo kay Lee Dong Wook,” nakangising sabi nito. Ginagap nito ang kamay niya. “Yana, hindi ako perpekto. Nag-a-adjust din ako sa relasyon natin. Alam ko palpak akong boyfriend. At di kita masisisi kung sa palagay mo ayaw mo na akong ipaglaban. Pero hindi kita basta-basta susukuan. Gagawin ko ang lahat para patawarin mo ako. So, last night, nandito si omma. Nag-usap na kami.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Kinausap mo na siya?”

“Yes. Dahil alam ko na hindi mabubuo ang pagmamahal at tiwala ko sa iyo nang hindi ko hinaharap ang nakaraan ko. So, I stopped being a baby and manned up.”

“Ginawa mo talaga iyon para sa akin?”

“Nee,” anito at tumango. “Because I cannot imagine a second passing by without loving you. Kahit na mas safe para sa akin na mabuhay nang walang pagmamahal, it was no life at all. You gave me a reason to smile and to be happy. I don’t want to go back to being the fuck boy with meaningless existence. Gusto ko na may dahilan ako na ngumiti tuwing gigising ako sa umaga. I want you in my life. Because I can’t just unlove you and I don’t want to.”

Hinaplos niya ang pisngi nito. “Pero hindi madali na harapin ang nanay mo.”

“Tama ka. Galit pa rin ako pero kagabi ko lang narinig ang side ng kwento niya.” Bumuga ito ng hangin. “Totoo na sobrang loyal niya sa pamilya niya. Ang di ko alam, loyal din siya kay appa.”

“Pero nag-divorce sila. Iniwan niya kayo.”

“Kailangan niyang gawin iyon para mailabas si appa sa kulungan. You see, dahil sa kagagawan ng kapatid ni omma na nakadispalko ng pera matapos ipasok ni appa sa trabaho, makukulong siya. H-Hindi naman kami mayaman noon. So my mother became desperate. Nilapitan niya ang lalaking pakakasalan sana niya kundi lang siya na-in love kay appa at nagtanan. Gusto pa rin niya si omma. Ang kondisyon niya, bibigyan siya ng pera para mabayaran ni appa ang utang kung magdi-divorce sila at siya ang pakakasalan.”

Nahigit niya ang hininga. “You mean, your stepfather?”

Marahan siyang tumango. “Kaya di ko maintindihan kung bakit sinisisi ni appa ang sarili niya sa pag-alis ng nanay ko. Di ko maintindihan kung bakit mahal pa niya ang babaeng nang-iwan sa amin.”

“Because my mother made the ultimate sacrifice to keep my father out of jail. To think that I hated her all those years.”

Natutop niya ang bibig. “Kaya kung magkwento siya tungkol sa tatay mo kagabi, puro masasaya lang. Na parang di niya pinagtaksilan. I feel guilty that I judged her. Tama. Di nga pwedeng basta na lang husgahan ang isang tao o sitwasyon. Laging may kabilang mukha ang kwento.” Parang revelation lang sa isang Korean drama. Nangingilid ang luha sa mata ng nobyo. And her heart squeezed painfully. Niyakap niya si Gideon. “I am sorry you had to go through all the pain.”

“Ang hirap pala na buong buhay ko, nabuhay ako sa galit. Nasanay na ako doon. I refused her letters and her gifts. Kanina, idinala niya ang lahat ng regalo dito. Isang kahon. Kasama doon ang mga sulat ni omma sa akin. Ipinaliwanag niya lahat. How sorry she was. Di siguro masabi ni appa sa akin ang totoo dahil sa sobrang kahihiyan. At kahit mahal nila ni omma ang isa’t isa, wala siyang nagawa. Tiniyak din ni halmoeni na totoo ang kwento ng nanay ko. Naiintindihan ko na lahat.”

Kumalas siya sa pagkakayakap dito at pinisil ang balikat nito. “At least you are free now. Alam mo na ang totoo.”

“Pero di pa rin iyon excuse para saktan kita. Kaya nakikiusap ako sa iyo na bigyan mo ako ng chance. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para sa makabawi.”

“Just love me and trust me. Alam mo na hindi kita tatraidurin. At hindi kita iiwan hanggang gusto mo ako sa tabi mo.”

“Itutuloy mo na ang interview mo? Di ka basta aalis?”

“Hindi na. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito.”

Nagsalubong ang kilay nito. “May hangover ka pa rin?”

Marahan siyang tumango. “Ang lakas ng tama ng soju sa akin.”

Ngumisi ito. “I know the best cure for that.” Then he kissed her lips. Yes, it was the best cure for her hangover and her heartache.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.