Chapter SOMETHING SCANDALOUS CHAPTER 6

MOVIE date.

Naisip ni Berrie na yayaing manood si Nathan ng last full show ng isang foreign movie na gusto niyang panoorin. Dahil weekday noon at hindi naman ganoon kasikat ang palabas, sigurado siyang kaunti lang ang makakasabay nila sa sinehan.

“Sorry kung pupuyatin kita ngayon,” muffled na sabi ni Berrie dahil sa suot niyang hot pink mask na may disenyong makapal na red lips na may mga stitch. Yakap-yakap niya ang malaking bag ng popcorn na binili ni Nathan kanina. “Alam ko namang may pasok ka pa bukas. Ngayon lang kasi ang available sched natin na tugma, eh. Bukas kasi, may shooting na `ko para sa isang minor role sa new drama ng TV station namin. Siguro tatagal din ng ilang linggo ang pagsu-shoot ko.”

“Oh, you’ll be busy?” halatang dismayadong tanong naman ng lalaki. May bitbit itong dalawang malalaking cup ng softdrinks.

“Not too busy to see you,” malambing na sabi niya. “Hindi ka naman siguro magrereklamo kung bigla na lang akong magdo-doorbell sa unit mo ng madaling-araw, `di ba?”

Ngumisi si Nathan at pabirong binunggo ang balikat niya. “I’d love that.”

Ngumiti lang si Berrie. In all fairness, gusto niya iyong ganito sila ng lalaki. Para silang totoong nagde-date at hindi lang basta hanggang kama ang ugnayan nila. Well, puwede naman siguro siyang magpanggap. Isa pa, kailangan niya itong gawin para i-level up ang relasyon nila.

Napahawak si Berrie sa batok niya nang may maramdaman siyang parang nakatitig sa kanya. Nang tumingin siya sa paligid, wala naman siyang napansing nakatitig sa kanya. Naka-disguise naman siya gamit ang mask at cap niya kaya sigurado siyang walang makakakilala sa kanya.

“What’s wrong, Berrie?” nag-aalalang tanong ni Nathan nang mapansin siguro nitong hindi siya mapakali kakatingin sa paligid.

“Wala naman,” kaila niya. “Akala ko lang kasi, may sumusunod ng tingin sa `kin.”

Tumingin ang lalaki sa paligid, pagkatapos ay hinawakan nito sa isang kamay ang handle ng dalawang soft drinks, saka siya inakbayan. “Baka may nakakilala sa `yo na fan. Pumasok na agad tayo.”

Tumango lang si Berrie.

Gaya ng kanyang inaasahan, sa balcony area ng sinehan siya inakay ni Nathan. Nasa pinakataas na row sila. Luckily, silang dalawa pa lang ang nandoon. Wala na sanang ibang tao ang pumuwesto roon.

“Why were you upset the other day?” biglang tanong ni Nathan nang makaupo na sila. Kasalukuyang trailers pa lang ng mga movie ang ipinapakita sa screen dahil pumapasok pa ang mga nakasabay nila sa sobrang ikling pila kanina. “Bigla ko lang naalala na naiinis ka no’ng magkasama tayo no’ng araw na `yon. Mukhang good mood ka na kaya ngayon ko lang naitanong sa `yo.”

“Ah.” Napasimangot si Berrie nang naalala ang problema niya. “`Yong manager ko kasi, pinipilit akong tanggapin ang sexy role sa isang horror movie. Dahil ayokong gumawa ng bed scene na wala namang impact sa story at halatang gusto lang akong makitang maghubad sa harap ng camera, tumanggi ako.”

“Is your manager giving you a hard time because of that?” nakakunot-noong tanong ng lalaki.

Nakalabing tumango siya. “Yes. Ayoko talagang gawin `yon, eh. I mean, Miss Ariella is trying to save my career. Pero hindi ko naman nararamdaman na kailangan kong magpa-sexy para lang sumikat uli. Basta steady lang ang pag-offer sa `kin ng mga cameo and minor roles, okay na `ko. Hangga’t visible naman ako sa public, hindi ako mawawalan ng trabaho.

“Sa totoo lang, naranasan ko na ang maging sobrang sikat no’ng peak ng career ko. Aaminin kong masaya ako no’ng time na `yon, pero sobrang stressed din ako sa dami ng bashers. Ultimo suot kong damit sa sarili kong bahay, nilalait nila. Mabuti na lang at nasa Canada na ang family ko. Kung hindi, papatulan sila ng mommy ko. Hindi ko pipigilan ang mom ko, if ever. Pero joke lang `yon. Hindi ko bibigyan ng sakit ng ulo si Mommy.”

Mahinang tumawa si Nathan.

“`Yon nga ang dahilan kung bakit nag-hiatus din ako,” pagpapatuloy ni Berrie. “Umayon naman ang lahat sa gusto ko, eh. No’ng nag-lie low ako, nabawasan din ang mga basher ako. Nakakakilos na `ko nang malaya kompara noon. Bihira na lang akong malagay sa balita. Saka mostly ang tsismis lang sa `kin recently, eh, ang pagiging laos ko raw kompara sa mga ka-batch ko. Mas gusto ko na `yong gano’n kaysa nababalita akong buntis o kaya nagda-drugs.”

“Do you love acting, Berrie?” seryosong tanong ni Nathan.

“I don’t know,” matapat na sagot niya. “Sumali lang naman ako sa reality TV show na nagpasakit sa `kin dahil gusto kong magsisi ang ex ko sa pang-iiwan niya sa `kin. Hindi ko naman pangarap na maging artista. Kaya sa totoo lang, bale-wala sa `kin kung sikat man ako o laos na. Kaya nga ganito lang ako ka-chill sa career ko.” Napaisip siya dahil sa tanong ng lalaki kaya unti-unting lumalim din ang naging sagot niya. “But I find acting fun, lalo na no’ng nag-improve ako dahil sa workshop.`Yon nga lang, mapili ako sa role dahil gusto ko, natsa-challenge ako sa ginagampanan ko. Mas gusto ko nang tanggapin ang minor role na challenging kaysa sa lead role na sabaw ang character ng bida.”

“‘Sabaw?’”

“Walang laman,” paliwanag niya. “Mababaw. Ganda lang. Gano’n.”

Tumango-tango si Nathan. “Oh.”

“Ang sabi ng manager ko, maarte raw ako sa pagpili ng role,” nakalabi nang pagpapatuloy ni Berrie. “Dahil daw sa kaartehan ko kaya ako nalalaos. Ayokong maapektuhan sa mga sinasabi niya pero minsan, naiisip ko na baka tama siya. I mean, hindi ako bothered na nalalaos na `ko. Bothered lang ako na baka dahil sa kaartehan ko, eh, iniisip ng mga nakakatrabaho ko na hindi ako seryoso sa career ko.” Bumuga siya ng hangin. “Hindi ko na alam kung sino sa `min ng manager ko ang may problema, Sir. Lalong hindi ko alam kung ano ba ang halaga ng acting sa buhay ko.”

Matagal bago sumagot si Nathan. “I think you take your craft seriously, Berrie. Dahil do’n, tingin ko, eh, mahal mo talaga ang acting.”

Kunot-noong nilingon niya ang lalaki na deretso lang ang tingin sa malaking screen habang kumakain ng popcorn. “Pa’no mo naman nasabi `yan?”

“Acceptable naman ang dahilan ng pagiging mapili mo sa role,” nakangiting pagsisimula ni Nathan sa paliwanag nito. “Considered na artist ang mga TV actors na gaya mo kaya may point ka. Tama lang na naghahanap ka ng depth sa mga character na ginagampanan mo. It only shows that you care about your career kasi iniingatan mo rin ang magiging image mo sa public. I mean, a role can make or break you. May mga artista na magaling umarte pero hindi sumisikat dahil hindi maganda ang roles na ginagampanan nila. Kaya mabuti na `yong maging safe ka, kaysa tumanggap ka ng role na ramdam mong hindi makakatulong sa `yo o sa career mo.”

“So you’re saying na okay lang na nagmamatigas ako sa pagtanggap do’n sa sexy role?”

Mabilis itong tumango. “Hindi naman pag-iinarte ang tawag do’n, Berrie. You’re actually being wise. Hindi ko sinasabing nakakasira ng career ang pagpapa-sexy ng mga artista. Ang akin lang, kung hindi ka pa handa at sa tingin mo, eh, pababagsakin ka imbes na pasikatin ng role na `yon, eh, di huwag mong tanggapin. Follow your gut feel. Madalas namang tama ang ganyang mga pakiramdam.”

Napangiti si Berrie at nakagat ang ibabang labi. Masaya siya na napagaan ni Nathan ang loob niya at natutuwa siyang malaman na concerned ito sa kanyang buhay. Pero mas kinilig siya nang mapansin kung gaano kaguwapo at ka-sexy ang lalaki ngayon habang unti-unti nang nagdidilim sa buong sinehan.

Tonight he wore a dark tailored-polo which accentuated his well-toned torso, especially his beautiful forearms. Nakabukas pa ang ilang butones ng polo nito kaya masisilip din ang malapad nitong dibdib.

Tumikhim si Nathan, halatang pinipigilan ang ngumiti. Nang magsalita ito, pabulong lang. At kahit wala silang ibang katabi sa row nila, siguradong siya lang ang nakarinig ng mga sinabi nito. “Akala ko ba, maganda `tong movie na pinapanood natin? Eh, bakit sa `kin ka titig na titig? The movie is starting, you know?”

“Wala akong sinabing mas maganda ang movie kaysa sa `yo,” pabulong na katwiran naman ni Berrie. Nang-aakit ang kanyang boses. “I have a confession, Sir. Napanood ko na ang movie na `yan no’ng first day pa lang. Pero isinama pa rin kita rito ngayon kasi gusto ko ring mapanood mo `yan. So don’t mind me. Let me watch you enjoy the movie.”

Mahinang natawa ang lalaki habang umiiling-iling. Inakbayan siya nito. “All right. I’ll try to concentrate on the film while you stare at me like a hot piece of meat that you probably think I am.”

Nakangiting tumango siya. Nathan was definitely a hot piece of meat she would kill for to have again and again. Nang sumandal siya sa dibdib ng lalaki at maamoy ang lalaking-lalaking pabango nito, bigla siyang nag-init. Madilim, malamig, at silang dalawa lang ang nasa row na iyon kaya bigla siyang naging pilya. Mabuti na lang talaga at nasa ibabang row ang karamihan sa mga kasabay nilang manood.

Tumingala si Berrie at nang tumingin naman si Nathan pababa sa kanya, ngumiti siya, saka niya ito ninakawan ng mabilis pero malalim na halik sa mga labi. Halatang nagulat ang lalaki pero hindi naman nagreklamo. Napangisi pa nga ito, eh.

Lalo siyang nag-init kaya hinila niya ang kuwelyo ni Nathan. Nang mapayuko ito, hinalikan niya uli ito sa mga labi. Sa pagkakataong iyon ay pumikit na siya at kumapit sa mga balikat ng lalaki nang siya na mismo ang nagpasok ng kanyang dila sa loob ng bibig nito. She played with his tongue and she moaned softly against his mouth when he dominated hers.

“Sshh,” marahang saway ni Nathan sa kanya nang putulin nito ang halikan nila at ang paglalaro ng kanilang dila. Bumuntong-hininga ang lalaki at binigyan siya ng pilyong tingin. “Paano ako makakapag-concentrate sa movie kung inaakit mo `ko?”

“Ano ba ang mas masarap?” nakalabing tanong ni Berrie. “Ako o ang manood ng movie?”

“Touche,” natatawang sagot nito, saka yumuko at ito naman ang unang humalik.

Again, Berrie moaned against his mouth, softer this time to avoid attention. She let him devour her mouth while she tried so hard not to cry from the pleasure his kisses were giving her. Lalo siyang nahirapang magpigil ng ungol nang malakas nang mula sa balikat niya ay bumaba ang kamay ni Nathan sa kanyang dibdib. He fondled her breast quite hard.

Hmm.

Naisip niyang gumanti kaya ipinagapang na rin niya ang kanyang kamay. Nang hawakan pa lang niya ang hita ni Nathan, mahina na itong napaungol. Habang patuloy ang lalaki sa paghalik sa kanya, narating na ng kamay niya ang destinasyon niyon. And, oh, someone was really, really excited.

Berrie cupped Nathan’s swollen cock. Bakat na bakat sa pantalon nito ang pagkalalaki na malamang ay gustong-gusto nang kumawala. Nang putulin niya ang halikan nila, tiningnan niya ang lalaki at napangiti siya nang makita ang matinding pagnanasa sa mga mata nito. Sarap na sarap ito sa ginagawa niyang paghimas sa nakaumbok nitong pagkalalaki. “Gusto mo bang gawan natin `to ng paraan, Sir Nathan?”

“Please,” paungol na pakiusap naman nito. “Ease me from my misery, Miss Diaz.”

“Sagutin mo muna ang tanong ko,” nakangising bulong niya. “Ano ang code na ginamit nina Jose Rizal at Leonor Rivera no’ng nagliligawan sila?”

Si Nathan naman ang ngumisi. “Taimis,” mabilis nitong sagot, pagkatapos ay muling pinisil ang dibdib niya. “Now, let’s go.”

MABUTI na lang at skirt ang suot ni Berrie para sa movie date na iyon. Wala na kasi silang oras ni Nathan na maghubad pareho dahil bukod sa init na init na sila, hanggang sa CR na lang sa loob ng sinehan ang inabot nila.

Suwerte sila at kaunti ang tao sa sinehan kaya hindi puno ang CR ng mga babae kung saan sila pasimpleng sabay na pumasok. Nagkulong sila sa pinakadulong cubicle.

“God, you’re so wet,” namamanghang bulalas ng lalaki nang ibaba nito ang panties niya. Nakaluhod ito sa likuran niya at kasalukuyang hinihimas ang basa niyang sentro. He even cupped her mound which made her moan. “I like it.”

Berrie ground her ass against his hand. “This is your fault, Sir.”

Natawa lang si Nathan sa mga sinabi niya. He spread her legs and grabbed her butt cheeks. Dahil sa ginawa nito, lalo siyang napayuko at napakapit sa pahabang bakal na konektado sa flush ng bowl na kaharap niya.

Kinagat ni Berrie ang ibabang labi nang maramdaman ang dila ni Nathan sa loob niya. His warm tongue traced its way from her clit to her cunt, back and forth. Until he decided to change his rhythm and thrust his tongue in and out of her moistened entrance like how his cock would.

“Sir, we don’t have forever,” reklamo niya. But she actually ground her ass on his face and moaned deliciously. Pero mabilis din niyang sinaway ang sarili. Ayaw niyang sumabog agad dahil lang sa pagpapaligaya ng dila ng lalaki. She wanted his monster cock.

“Sorry,” natatawang sagot naman ni Nathan nang ihiwalay ang mukha nito sa sentro niya. Tumayo ito pagkatapos ay narinig niya ang tunog ng pagkapunit ng foil. Mabuti na lang at imbes na sa kotse ay laging nasa bulsa ng lalaki ang condom nito. “I just can’t help but have a taste of you.”

Napangiti si Berrie. She loved it whenever Nathan went down on her, but maybe not tonight. They only had a few minutes and she would rather spend it being pounded by his monster cock than his tongue.

Ipinatong ni Nathan ang mga kamay nito sa balakang niya at idiniin ang matigas nitong pagkalalaki sa kanyang entrada. Dahil sa sarap niyon, sabay silang napaungol. Pareho namang mahina at kontrolado ang ginawa nilang pag-ungol. Kailangan nilang mag-ingat dahil puwedeng may pumasok sa banyo anumang oras.

The possibility of being caught actually added pleasure to this little adventure of them.

Pero mukhang gusto talagang magdahan-dahan ni Nathan. Hindi ba nito alam ang ibig sabihin ng quickie? Kaso, nang iangat ng lalaki ang suot niyang blouse at ilusot nito ang kaliwang kamay sa ilalim ng kanyang bra ay nawala ang lahat ng reklamo niya.

Nathan moved his left hand to her breast while the other hand to her pussy. He used his fingers of his left hand to play with her hardened nipple. Kaya pa niya sanang pigilan ang pag-ungol pero ang walanghiya at masarap na lalaki, ginalaw na rin ang isang kamay. The fingers of his right hand stroked her clit before they slid into her slit. He dipped his fingers in and out of her like how his tongue did earlier.

“Sir Nathan,” paungol na reklamo ni Berrie. “Wala ka pa bang naka-quickie noon?”

Natawa ang lalaki. “Not with you, Berrie. Hindi ko kayang madaliin `to kapag ikaw ang kasama ko. Well, not yet, at least. Gusto kong sulitin ang bawat oras na ginagawa natin `to para wala akong pagsisihan sa araw na matapos na kung ano ang meron tayo ngayon.”

Biglang nakaramdam ng lungkot si Berrie dahil sa mga sinabi ni Nathan. Pero mabilis din niyang nakalimutan ang tungkol doon nang ipasok na nito ang naninigas na pagkalalaki sa loob niya.

Actually, he thrust his cock far up her pussy that she almost cried in shock. Aaminin niya, medyo nasaktan siya sa ginawa ng lalaki dahil biglaan iyon at sobrang lalim. Pero naging ungol din ang saglit niyang pag-iyak dahil sarap na ang sunod na sensasyong kanyang naramdaman. She pushed back against his cock and pulled back, only to do it again. Gusto niya kasing maramdaman ang malalim nitong pag-ulos.

“That’s my job,” natatawang saway sa kanya ni Nathan, saka nito tuluyan nang inalis ang pagkalalaki sa loob niya. Pero pansamantala lang iyon. Hinawakan ng lalaki nang mahigpit ang kanyang balakang para siguro hindi siya makagalaw. “I’m in charge, Berrie.”

Nathan thrust deep inside her again, and pulled out. Berrie was about to complain when he felt the head of his cock almost in her entrance. Then without warning, he slammed himself back into her again. Malalim at sobrang bilis ng pag-ulos ng binata sa loob niya, isabay pa ang muling pag-ikot nito sa nipple niya gamit ang mga daliri nito. Ang isang kamay naman ni Nathan ay bumaba. While pounding in and out of her and pinching her nipple, he was also rubbing her clit with his other hand.

Napaungol na si Berrie. This was the first time Nathan had been rough with her, and she loved it. Sa dami ng pleasure spots niya na tinatamaan nito, hindi na siguro siya dapat magtaka kung bakit naramdaman na niya ang papalapit niyang pagsabog. At hindi nga siya nagkamali.

A few thrusts later, she finally exploded with a loud moan. So did Nathan. Halos sabay silang sumabog.

“I think we’re busted,” natatawang bulong ng lalaki nang dahan-dahan nitong inihiwalay ang ari sa loob niya. “Parang narinig kong bumukas ang pinto kanina.”

Kinuha ni Berrie ang tissue mula sa kanyang bag na binitawan niya sa sahig kanina. She used that to clean herself up. Hinubad na niya nang tuluyan ang kanyang panties at itinago sa bag niya. “Oo nga, eh. Umalis na tayo bago pa tayo damputin ng mga guard dito. Baka nagtawag ng security ang nakarinig sa `tin.”

Humarap si Nathan sa kanya at tinulungan siyang ayusin ang nagusot niyang damit. Pantalon lang naman ang itinaas ng lalaki kaya mas mabilis para dito ang maglinis at magbihis uli.

Napangiti siya. Gusto niya ang pagiging maasikaso ni Nathan kahit tapos na ang sex nila. Kumunot ang noo niya nang maalala ang mga beses na may nangyari sa kanila nito. May napansin siya. “Why always doggy-style, Sir? Is that your favorite position?”

Natigilan si Nathan. Namula ang mukha nito na parang napahiya, pero sumagot din naman ito. Hindi nga lang nakatingin sa kanya. “Habit na siguro. Kapag nakatalikod kasi ang babaeng ka-sex ko, hindi namin kailangang magtinginan. I thought having eye contact was too intimate for two people who are only having sex to give each other’s needs. Honestly, I prefer it that way.”

Kailangan bang aminin ni Berrie na nasaktan siya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.