Chapter SOMETHING SCANDALOUS CHAPTER 7

FINE, nasaktan nga si Berrie.

Mabuti na lang at busy siya ngayon kaya wala siyang masyadong time para isipin ang sakit na ipinaramdam ni Nathan sa kanya noong gabing aminin nito na ayaw nitong nakaka-eye contact ang babaeng ka-sex dahil masyado raw iyong intimate. Ibig sabihin, fuck buddy lang talaga ang tingin ng lalaki sa kanya.

Well, alam naman niya iyon. Siya lang naman kasi ang umasang mababago niya ang tingin ni Nathan sa relasyon nila. Kaya para siyang sinampal sa mga sinabi nito noong nakaraan.

“Your manager is dropping you like a hot potato.”

Kumunot ang noo ni Berrie sa mga sinabi ng pinsan niyang si Eleanor na kasalo niya sa mesa habang nagkakape sila sa Hot & Cold. Nang tingnan niya ito, napansin niyang nakatitig ito sa kanya na parang pinag-aaralan siya. “What do you mean by that, Ate?”

“Nabanggit ko sa `yo ang food account na hawak ko ngayon, `di ba?” tanong ni Eleanor na isang creative director ng isang advertising agency. “Actually, isang giant junk food company ang client namin. And you already worked with them. When my copywriters made a presentation for them, we actually suggested na ikaw uli ang kuhaning endorser. Dalawang taon ka na nilang model at hindi mo naman sila na-disappoint when it comes to sales dahil parating mabenta ang mga product na ikaw ang nag-e-endorse. Pero nang kinausap ng team namin si Miss Ariella, sinabi niyang hindi ka available to renew the contract with our client. In-insist niya na ang kunin namin, eh, `yong bagong young talent na hawak niya. Na-convince din niya ang junk food company na palitan ka.”

Napangisi nang mapait at umiling-iling si Berrie. Narinig na rin niya iyon mula kay Boo kaya hindi na siya nagulat. “So, sinusulot na niya ang mga project ko at ibinibigay niya `yon sa new talent niya?”

Marahang tumango ang pinsan. “She’s making another Berrie Diaz to replace you, dear cousin.” Binigyan siya nito ng nahihiyang tingin. “Sorry kung wala akong nagawa para ipaglaban ang posisyon mo bilang endorser ng junk food company na `yon. Sa kanila kasi dumeretso ang manager mo. They already made a deal when they told my team that we will replace you in the ads. Alam ko namang ayaw mong gamitin ang impluwensiya mo sa kompanya kaya hindi ko na rin pinatulan. Pero kung gusto mo, puwede akong gumamit ng power para maibalik ka bilang endorser ng traidor na junk food company.”

“Ganito naman talaga ang ginagawa ni Miss Ariella sa mga talent na ayaw nang sumunod sa kanya, so don’t feel sorry for that, Ate Eli,” nakangiting sabi niya. “I’ll be fine. Kilala ko ang manager ko. Saka ilang linggo na lang naman ang natitira sa kontrata namin ni Miss Ariella. Kapag natapos na `yon, maghahanap na `ko ng ibang talent handler. Or much better, baka mag-freelance na lang ako. Saka hayaan mo na ang endorsement na `yon. Baka naman talagang gusto na nila ng new face bilang model nila.”

“Berrie, you don’t have to continue being in showbiz if you’re already tired of the business,” marahang sabi naman ni Eleanor. “Our family owns the advertising agency I’m working at. Ngayong pa-graduate ka na at konektado naman ang course mo sa business natin, you can work for us. Hindi ko gusto na bina-bash ka ng kung sino-sino na akala mo kung sinong matatapang. Hanggang Facebook at Twitter lang naman.”

Iiling-iling na napangiti si Berrie. Noon pa man, si Eleanor na talaga ang high blood pagdating sa bashers niya. Sobrang protective sa kanya ng pinsan dahil alam nito na ito na lang ang nag-iisa niyang pamilya dito sa Pilipinas. Matagal nang sa abroad nakatira ang mga magulang ni Berrie at umuuwi lang ang mga ito kapag binibisita siya. O kaya, siya naman ang lumilipad sa Canada.

“Huwag kang ngumiti-ngiti lang d’yan,” saway ni Eleanor. Pagkatapos, kumunot ang noo nito. “May isa pa nga pala akong napansin sa manager mo no’ng nagpunta sila sa advertising agency natin. She’s with the reporter that bashed you endlessly before.”

Kumunot ang noo ni Berrie. “Si Alexis?”

Tumango ang pinsan. “I think pinapagawan ni Miss Ariella ng PR article sa Alexis na `yon ang bagong talent na hawak ng manager mo. Kung magngitian kasi ang dalawang `yon, `kala mo super close na. Eh, noon lang, laging magkaaway `yon kapag sinisiraan ka ni Alexis sa mga report niya.”

“Alexis is a tabloid reporter,” iiling-iling na sabi niya. “Gano’n na ba kadesperado si Miss Ariella para pasikatin ang new talent niya nang mapalitan na niya `ko?” Nangalumbaba siya. “Pero at least, hindi siya nagpasulat ng nakakasirang article about me. `Yon kasi ang paborito niyang paraan ng pagsa-sabotage sa mga talent niya na gusto niyang sirain ang career.”

“How can you be so sure na hindi gagawin `yon ng bruha mong manager? Hindi pa tapos ang kontrata n’yo at hangga’t hindi mo pa sinusunod ang gusto niya, huwag kang masyadong kampante. Marami na `kong nakitang artista na bumagsak ang career dahil sa nakakasirang issue. Ayokong mangyari `yon sa `yo, Berrie. So please be extra careful.”

Tumango si Berrie para hindi na mag-alala si Eleanor. “Yes, Ate Eli.”

Ngumiti lang ang babae, pagkatapos ay binigyan siya nito ng makahulugang tingin. “Naging busy ka lately, ha? Napansin ka na ba ng lalaking niligawan mo recently?”

Napabungisngis si Berrie at sinapo pa niya ang mga pisngi. Gustong-gusto talaga niya kapag ang love life niya ang pinag-uusapan. “Oo, Ate Eli.”

“You’re dating him? Congrats.”

Biglang nawala ang ngiti niya. Hindi siya makatingin nang deretso sa pinsan. “Well... we’re sort of dating, Ate Eli. Pero hindi sa paraang iniisip mo.”

Tumango-tango si Eleanor. “Ah, I get it. Most of my friends have that kind of relationship with their partners.” Umiling-iling ito. “Berrie, ngayon pa lang sinasabi ko na sa `yong hindi sa lahat ng oras, eh, nag-e-exist si Ashton sa No Strings Attached sa real world. Hindi lahat ng lalaking makaka-sex mo, posibleng ma-in love sa `yo. Don’t risk your heart hoping for something that only happens in the movies.”

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Berrie. Pero inasahan na niya iyon kay Eleanor. Her cousin had become this pessimist after breaking up with her boyfriend of twelve years. “Eh, Ate Eli, hindi imposibleng mangyari `yon, `di ba? Mahirap siguro, pero hindi imposible. You know me. Hindi ako basta-basta susuko nang walang magandang laban.”

Tinitigan siya ng babae, saka ito bumuga ng hangin. “Well, you’re on the right age to decide for yourself. You’re twenty-three and you’re a very independent woman. I trust you to take care of your heart, Berrie. Nabasag na `yan minsan, kaya huwag nang tanga, okay?”

Ngumiti siya. Kailangan niyang ngumiti para kahit siya, hindi mawalan ng pag-asa. “Nathan will learn to love me, Ate Eli. I swear.”

NABIGLA si Berrie nang pagbaba niya ng kotse niya ay biglang may kung sinong yumakap sa kanya mula sa likuran. Manlalaban na sana niya, hanggang sa naamoy niya ang pamilyar na men’s perfume na gustong-gusto niya. At siyempre, nakilala rin niya ang matigas na katawang iyon.

“Why catch Pokémons when I can catch you?” natatawang bulong ni Nathan, sabay halik sa pisngi niya.

Kunot-noong pumihit siya paharap dito. Ngiting-ngiti ang mokong. Base sa casual getup nitong long-sleeved shirt, shorts, at running shoes, mukhang nasa bahay lang ito buong araw. Nag-shooting siya kanina ng mahabang eksena kaya hindi niya nasagot ang mga text at tawag ng lalaki. Hindi na rin niya tiningnan ang mga ipinadala nitong picture dahil mahirap na, nasa bundok ang location nila. “Nakarating ka ba dito sa parking space sa kakahanap mo ng Pokémon, Sir?”

Natatawang tumango si Nathan. “Oo. Pero at least, hindi ako nainip sa kakahintay sa `yo. I was in your unit earlier, but I got bored so I decided to play games while waiting for you.”

May access na sila ng lalaki sa kanya-kanya nilang unit kaya hindi na iyon nakakapagtaka. Mas safe kasi para sa kanila kung nasa loob lang sila ng building, kaysa nagde-date sa labas.

Date?

Hay. Sino ba ang niloloko niya? Siya lang naman ang nag-iisip na date ang ginagawa nilang pagkain sa labas. Malamang para kay Nathan, warm-up lang iyon sa main event nila tuwing magkasama sila. Yes, sex ang tinutukoy niya.

Nawala ang ngiti ni Nathan at bahagyang kumunot ang noo. Parang may pag-aalala rin sa mga mata nito nang ikulong ang mukha niya sa mga kamay nito. “You look tired, baby. Nakakapagod ba ang shooting mo kanina?”

Marahang tumango si Berrie. “Medyo.”

“Aww, kawawa naman ang baby ko.” Yumuko ang lalaki at hinalikan siya sa mga labi. Matagal, mainit, malalim. Iyong klase ng halik na nangangahulugang handa na ito sa kanilang main event.

Bumuntong-hininga naman si Berrie at pinutol ang halik. “I’m not in the mood for this, Sir Nathan. Sabi mo nga, pagod ako. Gusto ko na sanang magpahinga.”

Mukhang hindi pa rin nakahalata si Nathan. Bumaba ang mga kamay nito sa kanyang baywang at kinabig siya palapit sa katawan nito. “I know the remedy for that, Berrie. Magiging good mood ka uli pagkatapos ng gagawin ko sa `yo.”

“Nathan,” mariing sabi niya, saka siya tumingala sa lalaki para ipakita ang emosyon sa kanyang mga mata. Lantaran niyang ipinakita na hindi lang pagnanasa ang nararamdaman niya para dito. Alam niyang naramdaman ni Nathan ang damdamin niya dahil binitawan siya nito at nailang sa ibinibigay niyang tingin dito. Tingin na may kalakip na pagmamahal at pagmamakaawa. “Alam ko ang iniisip mo. Sex na naman, `di ba? Itatalikod mo na naman ako kasi ayaw mong makipag-eye contact? Ayaw mong maging sobrang intimate sa fuck buddy mo sa emotional level. Alam mo ba kung ano ang na-feel ko nang sabihin mo `yon? I feel like crap. That you’re only using me to satisfy your needs.” Saglit siyang natigilan. Kahit sa sariling pandinig, sobrang hypocrite ng naging dating niya. “I mean, alam ko namang wala tayong romantic relationship. I’m also aware that what we have is purely physical. Pero ang sakit pa rin malaman na gano’n lang kababaw ang tingin mo sa `kin. Alam mo namang no’ng umpisa pa lang, gusto na kita. At hindi lang basta sex ang gusto ko sa `yo, Nathan.”

“Berrie...”

“Ayoko na,” deklara ni Berrie. “Ayoko nang maging steady sex buddy mo lang. I’m sorry, but this is my limit. Kung gusto mo rin ng higit pa sa sex, sabihin mo lang sa `kin. Let’s try dating each other, Nathan.”

Nanatiling nakatayo lang si Nathan sa harap niya. Naguluhan ito at hindi alam ang gagawin.

Nakagat ni Berrie ang ibabang labi. Sa totoo lang, mahirap para sa kanya ang ginagawa. She was giving up on Nathan and the mind-blowing sex with him.

Sa huling pagkakataon, pasimpleng pinaraan niya ng tingin ang magandang bulto ng katawan ng lalaki. Mami-miss niya ang pagdila niya sa leeg nito, ang pagkapit niya sa malalapad nitong balikat kapag sinasakyan ito, kapag humihiga siya sa malapad na dibdib ni Nathan, o kaya ay kapag naglalambitin siya sa mga braso nito. Ganoon din ang pagkalmot niya sa matigas nitong abs, sa likod, at ang minsang pagkagat-kagat niya sa tagiliran ng lalaki.

Ngayon pa lang ay gusto nang pagsisihan ni Bernie ang ginagawa niyang pagbitiw sa anumang mayroon sila ni Nathan. Hindi ba puwedeng makontento na lang siya sa sex?

Hindi ka sex doll, paalala niya sa sarili. Kung makikipag-sex ka sa lalaking gusto mo, at least man lang, eh, gusto ka niyang tingnan sa mga mata.

“I’m sorry, Berrie,” parang nahihirapang sabi ni Nathan mayamaya. “The last time I had a romantic relationship, I was devastated. Simula no’n, kinalimutan ko na kung pa’no tratuhin sa gano’ng paraan ang mga babaeng nakakasama ko.” Nasasaktang tumango-tango ito. “Tama ka, puro sex nga lang ang nasa isip ko. I can’t help it. What else do you want me to feel for you? Hindi ko na alam kung paano maging boyfriend o kung kaya ko pa bang maging gano’n kaseryoso uli.”

Nasaktan uli si Berrie. Ibig sabihin lang, hindi sapat ang feelings ni Nathan para i-risk ang puso nito sa kanya. “Pero `yon ang gusto kong klase ng relasyon, Nathan. Kung hindi mo maibibigay `yon, tapusin na lang natin `to.”

Nilagpasan niya ang lalaki nang hindi ito nililingon uli. Pero habang hinihintay niyang bumukas ang elevator, napahawak siya sa kanyang batok nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. Umasa siya na si Nathan iyon kaya pumihit uli siya paharap. Gusto niyang makita ang pagsisisi sa mukha nito. Kapag may nakita siyang kahit kaunti lang na pagmamahal sa mga mata ng lalaki, susugal uli siya. Tutulungan niya itong labanan ang takot nito sa pakikipagrelasyon.

Pero sa pagkagulat ni Berrie, nakatalikod na sa kanya si Nathan. Wala rin siyang ibang nakitang tao sa parking space maliban sa lalaki.

Hala. Sino `yong nararamdaman kong nakatingin sa `kin?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.