Chapter FINAL CHAPTER SOMETHING SCANDALOUS

“I WILL not accept the movie offer and I will not renew my contract with you,” deklara ni Berrie kay Miss Ariella na kaharap niya sa mesa. Pinuntahan niya ito sa opisina para ibigay ang desisyon niya. “Wala na `kong pakialam kung ilabas mo man ang videos at pictures namin ni Nathan.”

“It’s your call,” malamig na sagot naman ng babae. “Good luck na lang sa `yo, Berrie.” Natigilan ito, saka sumimangot. “Isa pa, naunahan ka na ng boyfriend mo. Kahapon pa siya nagpunta rito at binili niya ang kontrata mo mula sa `kin. Dahil wala naman na `kong pakinabang sa `yo, pinakawalan na kita.”

Napangiti si Berrie. “That’s nice.”

Umirap si Miss Ariella. “Hintayin mo na lang ang paglabas ng scandal mo.” Kinuha nito ang phone at may kung sinong tinawagan. “Alexis, it’s time.”

Tumayo na siya at lumabas ng opisina ng dating manager. Nagulat pa siya nang paglabas niya, nakita niya sa gitna ng pasilyo si Nathan. Hindi lang ito basta nakatayo. May dala itong isang bouquet ng pulang rosas habang sobrang ganda ng pagkakangiti. Napangiti na rin tuloy siya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Alam kong pupunta ka rito, kaya sinundan kita.” Iniangat ng lalaki ang dala nitong bulaklak. “Congratulations. Malaya ka na sa manager mo.”

Sumimangot si Berrie habang pinipigilan ang sariling maiyak. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Nathan. “Binili mo nga ang kontrata ko. Eh, matatapos naman na `yon.”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “Hindi ko na kayang makita kang nakatali sa manager mo kahit pa ilang linggo na lang. Ayokong nagtitiis ka kung may magagawa naman ako para tulungan ka.”

Huminto siya sa harap nito. “Sorry, Nathan. Dahil sa `kin, magugulo ang mundo mo.”

“Sino’ng nagsabing mangyayari `yon?”

Napahikbi si Berrie. “Tinawagan na ni Miss Ariella si Alexis. Ilalabas na nila ang scandal natin.”

Marahang umiling si Nathan. “Berrie, magkausap kami ni Alexis kahapon. Bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa ginawa nating pagtulong sa anak niya, nagdesisyon siyang hindi na sundin ang utos ng manager mo. Nasa kanya naman na ang mga ebidensiya at ibinigay niya sa `kin ang mga `yon. Siniguro rin daw niyang wala nang kopya si Miss Ariella ng mga videos at pictures natin.”

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. “Totoo ba `yan, Nathan?”

Tumango ang lalaki. “Sinabi ko naman sa `yo na poprotektahan kita.” Inakbayan siya nito at inakay palayo sa opisina ng dati niyang manager. “Nang magpunta ako dito kahapon para bilhin ang kontrata mo at sabihin sa ex-manager mo na wala tayong pakialam sa scandal, nagkasalubong kami ni Alexis dito. Sinabi niya sa `kin na ibinigay na ni Miss Ariella sa kanya ang mga ebidensiya para maisulat niya ang scandal. Pero dahil nagbago na ang isip niya, he gave the evidences to me.”

Bigla silang may narinig na pagkabasag mula sa opisina ni Miss Ariella.

“Oops,” natatawang sabi ni Berrie. “Mukhang nalaman na ni Miss Ariella ang tungkol sa pag-atras ni Alexis.” Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. “Pero wala bang magiging problema si Alexis? Ang alam ko kasi sa ganyan, nagbabayad agad si Miss Ariella sa mga inuutusan niyang reporter.”

“Iba-blackmail naman daw niya si Miss Ariella at sasabihing binayaran siya ng manager mo para siraan ka kapag ginipit siya sa pera,” natatawang sabi ni Nathan. “Apparently, na-record niya ang phone call ni Miss Ariella nang utusan siya nitong gawan ka ng masamang article.”

Napabuntong-hininga na lang siya. Gusto sana niyang mag-alala para sa dating manager, pero ito naman ang nagdulot ng problemang iyon. Sana lang maging mabait na si Miss Ariella sa iba nitong talent, lalo na sa mga bata.

Natutuwa rin si Berrie na marunong palang tumanaw ng utang-na-loob si Alexis. Ganoon siguro nito kamahal ang unica hija nito.

Ongoing naman na ang kaso ni Alexa laban sa dalawang lalaki na nagtangka ng masama dito. Nakapagbigay na siya ng statement, ganoon din si Nathan at ang ibang mga witness sa bar noong gabing nangyari ang muntik nang pagtangay kay Alexa ng dalawang lalaki. Hanggang doon na lang ang tulong na maibibigay niya sa babae. Pero umaasa at ipinagdarasal niya na mapagbabayad nito ang mga manyak na lalaki kahit pa anak ang mga ito ng pulitiko.

Kumunot ang noo ni Nathan na parang may biglang naalala. “Alexis warned us though. Kapag nahuli raw uli niya tayong may scandal, hindi na raw siya magiging mabait.”

Natawa naman si Berrie. Yumakap siya sa baywang ng lalaki. “Then we have to be extra careful.”

NAPASINGHAP si Berrie nang marahan siyang itulak ni Nathan sa bookshelf sa storage room ng college building nito.

“How dare you not to wear anything under that black gown?” naggagalit-galitang tanong nito pero mas nangingibabaw ang pagnanasa sa boses. “So much for being extra careful.”

Kinagat niya ang ibabang labi nang mapansin ang excitement sa mga mata ng lalaki. Maging siya ay biglang nag-init at namasa dahil kung tingnan siya nito, para siyang hinuhubaran.

Well, she was almost naked under her black graduation gown. Ibinigay sa kanila iyon kanina bilang paghahanda sa graduation niya sa susunod na linggo. Dahil nasa university din si Nathan, naisip niyang akitin ito. Palihim silang nagkita sa isa sa mga lumang building ng school at ang suot niya lang ay ang gown niya at panties. Nagbihis lang siya ng ganoon noong padating na ang lalaki.

Agad-agad naman siyang hinila ni Nathan papunta sa storage room na hawak nito. Based on the bulge in his pants, he liked how she was dressed despite his complaints.

“Gusto mo bang ganito lang din ang isuot ko sa mismong graduation ko next week?” nang-aakit na tanong ni Berrie.

Nathan groaned playfully at dahan-dahan itong lumapit sa kanya nang nakangisi. “Ah, you really want to do something scandalous, huh?”

She moaned. Pinagdikit niya ang kanyang mga binti. Her pussy quivered in excitement but she didn’t want to come yet. “What’s on your mind, Sir?”

Ipinalupot ni Nathan ang braso sa baywang niya at kinabig siya palapit para siguro maramdaman niya ang matigas nitong pagkalalaki. Inilabas ng lalaki ang phone at binuksan ang video recorder. Hinalikan siya nito habang nakatutok sa kanila ang camera. “Berrie...” bulong ni Nathan nang maputol ang halikan nila. “Let’s make a scandal.”

The End

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.