Chapter SOMETHING SCANDALOUS CHAPTER 9

GUSTONG sampalin ni Berrie ang sarili dahil sa pagsara niya ng pinto kay Nathan kanina. Ayaw niya itong itaboy pero kailangan niya iyong gawin para protektahan ang lalaki.

“Bakit hindi mo na lang sinabi kay Nathan ang totoo?” tanong ni Boo. Nasa passenger seat ito at nahimasmasan na.

Deretso lang ang tingin ni Berrie sa daan dahil siya ang nagmamaneho. Nawala na rin ang kalasingan niya kanina dahil sa komprontasyon nila ni Nathan kaya nagawa na niyang mag-drive. “Ayokong madamay si Nathan sa problema ko, Boo. Saka wala rin naman siyang magagawa. Hawak ni Miss Ariella ang scandal na sisira sa `ming pareho. Hanggang beast mode pa sa `kin ang bruha kong manager, magpapakabait muna ako sa kanya.”

Iiling-iling na pumalatak ang PA. “`Buti na lang, hindi ako nag-artista.”

“Hindi ka rin naman qualified maging artista,” biro niya.

Eksaheradong suminghap ito. “Grabe siya, o!”

Natawa lang si Berrie. At least, gumaang na ang pakiramdam niya kahit paano.

Ipinarada niya ang kotse sa parking space ng YouTopia, isang high-end bar na pag-aari ng ilan sa mga kaibigan niyang male models. Sa bar na ito, ligtas ang mga tulad niyang celebrity dahil ang mga guest doon ay tulad din niyang mataas ang posisyon sa society.

Isinuot niya ang pulang maskarang may disenyong wasak na maliliit na puso, tamang-tama sa estado ng damdamin niya ngayon.

“OMG, besh!” bulalas ni Boo habang nakatingin sa labas ng bintana. “Look at that.”

Dumukwang si Berrie para makita ang sinasabi nito. Nanlaki ang mga mata niya sa eksenang sumalubong sa kanya—isang walang malay na babae na buhat-buhat ng dalawang nagtatawanang lalaki. Mukhang papunta ang mga ito sa isang itim na van.

Bilang babae, masama ang kutob niya sa nangyayaring iyon.

“Hoy, Berrie! Saan ka pupunta?” natatarantang tanong ni Boo.

Bumaba si Berrie sa sasakyan nang hindi sinasagot ang PA. Binilisan niya ang lakad, saka niya nilagpasan ang dalawang lalaking pinagtutulungang buhatin ang walang malay na babae. Humarang siya sa dadaanan ng mga ito. Natigilan ang dalawang ugok sa tawanan at tumingin sa kanya.

“That girl is my friend,” pagsisinungaling niya sa muffled na boses dahil sa suot na maskara. “Saan n’yo siya balak dalhin?”

“That’s none of your business,” sabi ng mestizo. Napangisi ito nang pasadahan ng malaswang tingin ang katawan niya. “But if you really want to know, join us.”

Kinilabutan si Berrie. Kahit anong expensive ng accent at polo ng lalaking ito, hindi maipagkakailang isa lang itong walang kuwentang manyak. Duda nga niya kung kilala ba talaga nito ang walang malay na babae. “Let go of Sam,” pagsisinungaling uli niya dahil hindi naman niya talaga alam ang pangalan ng kawawang babae. Mabuti na lang talaga at magaling siyang umarte.

“Sam?” parang gulat na bulalas naman ng lalaking singkit. Binalingan nito ang mestizo. “I thought her name is Alexa.”

“I don’t know and I don’t give a fuck,” singhal naman ng mestizo.

Ah, hindi nga kilala ng dalawang manyak na ito ang babae.

“Ibigay n’yo sa `kin ang friend ko,” mariing sabi ni Berrie. “Mukhang hindi siya okay. Ako na ang mag-uuwi sa kanya.”

Binitwan ng mestizo ang babae at ibinigay ito sa kasamang singkit. Nakangising lumapit ang mestizo sa kanya at hinawakan siya sa pupulsuhan. “If you really want to join us, fine. Let’s go. The more, the merrier.”

Pinabigat ni Berrie ang katawan pero walang kahirap-hirap na nahila pa rin siya ng mestizo. Palibhasa, matangkad at malaki ang bulto ng walanghiya. “Let go of me!” Pinagbababayo niya ang lalaki sa matigas nitong braso. “Manyak ka!”

“Get your filthy hand off my woman, you douche!”

Nabigla si Berrie nang marinig ang boses ni Nathan. Pero mas nagulat siya sa sunod na nangyari. Marahas na tinapik ng lalaki ang kamay ng mestizo dahilan para mabitawan siya ng huli. Siya na ang kusang umatras nang tumayo si Nathan sa harap niya. Bigla na lang nitong sinapak ang manyak na lalaki. Hindi man natumba ang mestizo, napaatras naman ito habang hawak ang dumudugong ilong.

“Fuck!” sigaw ng mestizo, namumula ang mukha sa galit. Pagkatapos, ito naman ang sumugod ng suntok kay Nathan.

Thank God Nathan dodged the punch swiftly. Iyon nga lang, hindi pa rin tumigil ang mestizo.

Naiinis si Berrie sa sarili dahil sa kabila ng sitwasyon, hindi pa rin niya mapigilang mapansin kung gaano ka-sexy ang likod ni Nathan at kung gaano ka-firm ang puwitan nito. Wala man sa lugar, pero nangggigil siya at parang gusto niyang pisilin iyon o ang maglambitin sa malakas nitong braso. Sa kakaisip niya sa katawan ng lalaki, biglang nag-init ang pagitan ng kanyang mga hita.

Ang sarap mo talaga, Nathan! Pero I need to call help first.

Tatakbo pa lang sana siya papunta sa bar para humingi ng tulong sa mga bouncer, pero bigla niyang naitakip ang mga kamay sa kanyang magkabilang tainga nang marinig ang nakakabinging pagsipol gamit ang pito.

Nang tingnan ni Berrie ang pinanggalingan ng ingay, nakita niya si Boo na kasama ang dalawang naglalakihang bouncer. Pero ang may hawak ng pito ay isang guwapo, moreno, at matangkad na lalaki.

Napangiti siya. Kilala niya ang guwapong lalaki dahil ito ang may-ari ng YouTopia. Kaibigan din niya ang girlfriend nito na editor sa magazine kung saan minsan siyang naging cover. “Josh.” Itinuro niya ang mestizong lalaki na sa kabutihang-palad ay huminto na sa pag-atake kay Nathan. “Inaaway ng manyak na `yan ang love of my life ko.”

PARANG lintang hindi humihiwalay si Berrie kay Nathan. Nakayakap siya sa baywang ng lalaki na nakaakbay naman sa kanya habang nakaupo sila sa silyang nakahilera sa dingding malapit sa emergency room. Doon kasi isinugod ang babaeng walang malay na iniligtas niya sa bar kanina na ang pangalan ay “Alexa.”

Si Josh naman, ang isa sa mga may-ari ng YouTopia, nasa presinto kasama ang mestizo at singkit na lalaking nagtangkang tumangay sa walang malay na babae. Kasama rin ni Josh ang mga kaibigan ng biktima at ang mga ito ang nagpatotoo na walang balak sumama ang babae sa dalawang lalaki. Nag-CR lang daw si Alexa, pagkatapos ay hindi na bumalik. Sinisimulan na ang imbestigasyon.

“Are you hurt?” nag-aalalang tanong ni Berrie kay Nathan.

“Hindi naman ako tinamaan ng suntok ng tarantadong `yon, eh,” pag-a-assure nito na ngayon niya lang narinig na nagsalita ng ganoon. Humigpit ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya. “Ikaw, okay ka lang, baby?”

Tumango siya. “Bakit ka sumunod sa bar?”

Nathan scoffed. “`Tingin mo ba, papayag akong mag-bar ka na ganyan ka-sexy ang suot mo at hindi mo `ko kasama? Of course not.” Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. “Hindi ka puwedeng makipag-close sa ibang lalaki. Akin ka lang. You’re mine now, Berrie.”

Napangiti si Berrie. Dati, siya itong laging nang-aangkin sa lalaki. Pero ngayon, nabaligtad na ang sitwasyon nila. “Thank you for saving me, Nathan.”

“Don’t mention it,” marahang saway nito. “Anyway, pagdating ng guardian ni Alexa, ihahatid na kita pauwi. You must be tired.”

Tumango lang siya.

Kanina, kinuha ni Berrie ang phone ni Alexa na nakita niya sa nakasabit na maliit na shoulder bag sa katawan nito. Tinawagan niya ang number ng naka-register na Papa sa phone nito. Hindi ito sumasagot sa tawag kaya nagpadala na lang siya ng text.

Kanina, tumawag ang ama ni Alexa pero si Nathan na ang sumagot. Ayon sa ama ng babae, papunta na ito sa ospital kaya ito ang hinihintay nila ng lalaki ngayon.

“Alexa, anak!”

Napaupo nang tuwid si Berrie nang marinig ang boses na iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang tama nga ang hinala niya. “Alexis?”

Halatang nabigla rin ang matandang reporter nang makita siya. “What are you doing here?”

“Si Berrie ang nagligtas sa anak mo,” masungit na sagot naman ni Nathan dito. “Kaya mag-ingat ka sa tonong gagamitin mo sa kanya.”

Kunot-noong binalingan ni Alexis si Nathan. “Ikaw...” Nanlaki ang mga mata ng matanda. “`Yong boses mo... ikaw `yong kausap ko kanina?”

Tumango si Nathan. “Ako nga. Pero si Berrie ang nagligtas kay Alexa at hindi ako.”

Nabigla si Alexis pero hindi ito nagkomento. Alam na nito ang nangyari dahil kanina sa phone ay nasabi na ni Nathan ang lahat. Pero hindi naaalis ang pag-aalala sa mukha ng matanda.

“I heard you have a daughter that is around the same age as me. Hindi ka ba natatakot na siya ang makarma sa kabastusan mong `yan sa ibang babae? Sana lang, walang masamang mangyari sa kanya dahil sa kasalanan ng daddy niya.”

Nakagat ni Berrie ang ibabang labi nang maalala ang mga sinabi niyang iyon kay Alexis noon. Para palang isinumpa niya ang matanda kaya siguro nangyari iyon kay Alexa. Bigla siyang na-guilty pero ipinagpapasalamat niya na naroon siya sa tamang lugar at tamang oras kaya walang masamang nangyari sa babae.

“Berrie!”

Napatayo na siya nang makitang tumatakbo si Boo palapit sa kanya. Natataranta ang PA niya. “Bakit?”

“May mga reporter nang naghahanap sa `yo!” natatarantang bulalas nito. “Hindi ka na makakalabas ng ospital. Ang gulo-gulo na. Pa’no, `yong dalawang manyak, anak pala ng dalawang congressmen!”

Napapikit si Berrie. “Shit...”

Tumayo si Nathan at marahang hinagod ang likod niya. “Baby, wala ka namang ginawang masama. Don’t worry, kahit anak pa ng mga congressman ang dalawang manyak na `yon, hindi ako papayag na masaktan ka nila.”

Dahil sa mga sinabi nito, kumalma si Berrie. Marahan siyang tumango. Wala namang sinabi ang lalaki na hindi nito nagawa. She knew he was really going to protect her.

“Nagpa-reserve na `ko ng private room dito,” sabi naman ni Boo mayamaya. “Magpahinga muna kayo rito. Sinabi ko kasi sa mga reporter kanina na nasaktan ka rin nang tulungan mo `yong biktima para hindi ka nila guluhin. Alam na ng ospital ang gagawin.”

Napangiti siya. Kahit kailan talaga, maasahan ang assistant niya. “Thank you, Boo.”

Iwinasiwas nito ang kamay, pagkatapos ay ibinigay na sa kanya ang room number niya. “Magtago ka na, besh.”

Hinayaan ni Berrie si Nathan na akayin siya papunta sa kuwartong sinabi ni Boo. Pagdating doon, isinara agad nila ang pinto at ini-lock, pagkatapos magkatabi silang humiga sa kama. Kailangan nilang magyakapan dahil hindi naman kalakihan ang mattress.

“I feel guilty,” pag-amin niya. “Sinabi ko noon kay Alexis na ang anak niya ang magbabayad sa mga kabastusan niya sa `kin. `Tapos, napahamak nga si Alexa.”

“It’s not your fault, Berrie. Hindi naman ikaw ang nagsabi kay Alexa na mag-bar, at lalong hindi ikaw ang naglagay ng drugs sa alak na iniinom niya,” marahang sabi ng lalaki. Iyon ang intial diagnosis ng doktor kanina. May drugs sa sistema ni Alexa at iyon ang inalis ng mga ito. “Saka ikaw ang nagligtas kay Alexa. Alexis should be thankful to you instead.”

Bumuntong-hininga si Berrie. Sana lang maging maayos na ang lagay ni Alexa. Nakita niya kung paano nag-alala si Alexis para sa anak nito. Nadudurog ang puso niya kapag may magulang na sobra ang pag-aalala para sa mga anak. Bigla niyang na-miss ang kanyang mga magulang.

“Berrie... does this mean we’re okay now?”

Marahang umiling siya. “Kapag naging tayo, madadamay ka sa scandal ko, Nathan.”

“What scandal?” gulat na tanong ni Nathan.

Tumingala si Berrie. Lumabas na ang sobrang pagmamahal niya para dito at hindi na niya mapigilan. Ngayong ramdam niyang posibleng mahal din siya ng lalaki, naging matapat na siya rito para matapos na ang sakitan nila. “Si Miss Ariella, pinasundan pala niya `ko kay Alexis noon. Nakuhanan nila tayo ng picture at video during our intimate moments. Lalo na `yong sa CR ng sinehan. I mean, wala silang evidence na nag-sex nga tayo sa CR pero nakunan ng video ang sabay na pagpasok at paglabas natin kaya siguradong gano’n na rin ang iisipin ng mga tao.”

“Shit,” bulong ni Nathan. “I’ve been careless. Hindi ko napansin na may sumusunod pala sa `tin no’n.”

“We were too horny,” pag-amin niya. “Hindi na natin napansin ang nasa paligid. Hindi lang naman ikaw ang naging careless no’n, Nathan.”

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “`Yon ba ang dahilan kung bakit iniwasan mo `ko?”

Tumango si Berrie. “Pinagbantaan ako ni Miss Ariella. Kapag hindi ko raw pinirmahan ang contract ko at kapag hindi ko raw tinanggap ang movie offer, ilalabas nila ang pictures at videos natin.” Napalunok siya nang sumakit na ang kanyang lalamunan dahil sa pagpipigil ng iyak. “Instructor ka at nagmula sa disenteng pamilya, Nathan. Ayokong idamay ka sa magulong mundo ng showbiz.”

“Kaya magsasarkripisyo ka?”

Tumango siya nang marahan. “Sanay naman ako sa scandal.”

“But you hate the movie offer.”

Nagkibit-balikat si Berrie. “I can be professional.”

Marahang umiling si Nathan. “Don’t do it, Berrie. Hayaan mong ilabas nila ang pictures at videos na panakot nila sa `yo.”

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Pero maeeskandalo ka at ang pamilya mo.”

“Ikaw din naman, ha.”

“Pero sanay nga ako sa scandal dahil artista ako.”

“I don’t care,” sagot ng lalaki. Titig na titig ito sa kanya. “Wala akong pakialam sa mga mawawala sa `kin o kung itakwil man ako ng pamilya ko. I want to protect you, Berrie.” Saglit itong napaisip at namula ang mukha na parang napahiya. “Well, I can’t totally protect you. Kapag lumabas ang scandal, maba-bash ka. Pero mas gusto ko nang makita ka ng publiko na ako ang kasama sa mga intimate na eksena, kaysa naman makita kitang gumagawa ng bed scene kasama ang ibang lalaki, lalo na’t alam ko naman na labag sa loob mo ang paggawa niyon.” Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. “Kapag lumabas ang scandal, nasa tabi mo lang ako. I will buy out your contract from your evil manager so you can be free from her.”

Nangilid ang luha sa mga mata ni Berrie. Sinabi na nga ba niya, hindi siya nagkamali na si Nathan ang minahal niya. “You don’t have to do that.”

“I want to,” nakangiting sabi naman nito. “I never desperately want to protect anyone more than I want to protect you right now, Berrie. Let me do this.”

“Someone’s in love,” maluha-luhang biro niya.

“I am,” nakangiting pag-amin naman ng lalaki. “Pero ako lang ba?”

Natawa si Berrie kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. “Matagal na kitang mahal, `no.”

Ngumiti lang si Nathan, pagkatapos ay pumikit ito at hinalikan siya sa mga labi.

Akala niya, sweet and light lang ang halik na iyon. Pero kumubabaw sa kanya si Nathan habang nilalaro ng dila nito ang dila niya. Pumaloob na rin sa dress niya ang kamay ng lalaki para pisilin ang kanyang dibdib, na hindi mahirap gawin dahil sa plunging neckline niya.

Nanlalaki ang mga matang biglang humiwalay si Nathan sa kanya. “Wala kang bra?”

Natawa si Berrie sa reaksiyon nito. “My dress is designed in a way that I don’t need to wear a bra anymore, Sir.”

Lalo yatang nanlaki ang mga mata ng lalaki. “And you dare go out without me?”

Nakagat niya ang ibabang labi hindi dahil sa hinanakit ni Nathan. She felt him growing against his hips. “I’m sorry, Sir.”

“Sorry doesn’t cut it,” mahinahon at puno ng pagnanasang sabi naman nito. Hinubad na ng lalaki ang suot na polo na parang male stripper na dahan-dahang naghuhubad sa harap niya. Damn, how could someone be so sexy? “Kailangan mong bumawi, Miss Diaz.”

“Name three of Rizal’s women first, Sir Nathan,” natatawang hamon naman ni Berrie habang ibinababa na niya ang kanyang dress para hindi na mahirapan si Nathan na hubaran siya.

Bahagyang lumayo sa kanya ang lalaki para mahila niya pababa ang kanyang suot. Ngayon, exposed na ang kanyang dibdib at ang buong katawan niya dahil tanging panties na lang ang natira sa suot niya. But he instantly covered her with his warm body.

“Segunda Katigbak, his puppy love,” mabilis na sagot ni Nathan, pagkatapos ay ikinawit nito ang mga daliri sa waistband ng panties niya. “Leonor Rivera, his beloved cousin.” Isinubsob ng lalaki ang mukha nito sa kanyang leeg at ipinaraan ang dila nito sa balat niya habang ibinaba na nito ang kanyang panties. “Consuela Ortiga, daughter of an alcalde.”

Napaungol si Berrie nang maramdamang idinikit na ni Nathan ang pagkalalaki nito sa basa niyang sentro at ikiniskis nito ang sarili sa kanya. “Very good, Sir.”

Puno ng pag-iinit ang mga mata ng lalaki na nag-angat ng tingin. Bahagya itong lumayo sa kanya para alisin ang sinturon at buksan ang zipper ng pantalon na mabilis nitong hinubad kasama na ang boxer shorts nito. Then slowly, he cradled his heavy cock in his hand. Ang isang kamay naman ni Nathan ay ginamit nito para kuhanin ang foil sa bulsa. Binuksan nito iyon gamit ang ngipin. Hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa kanya.

Nakagat ni Berrie ang ibabang labi sa antipasyon.

Mukhang hindi na rin nakatiis si Nathan dahil binilisan na nito ang pagkilos. He slid the condom on, then held her hips tight. “I won’t be a coward this time, Berrie.”

She gasped in surprise when he rubbed his cock over her slit, parting her lips which made her clit throb in excitement. Kusang umangat ang balakang niya para mas maramdaman pa niya ang matigas na pagkalalaki nito sa loob niya. Hindi na siya makapaghintay na maranasan uli ang mga pag-ulos ng lalaki.

Pero mukhang may ibang plano si Nathan. Nilaro muna nito ang nipple niya gamit ang mga daliri nito. Pagkatapos, yumuko ang lalaki at inulan ng maiinit na halik ang leeg niya habang pinipisil-pisil ang isang dibdib niya gamit ang kamay nito.

Much to her surprise, she came. She had an orgasm just from Nathan playing with her breasts and feeling his monster cock between her legs. Damn, she probably missed him a lot.

“Oh,” natatawang sabi ng lalaki na bahagyang nagpabaon ng pagkalalaki nito sa loob niya. He seemed to be as thrilled as she was because his cock twitched against her entrance. “Someone’s excited.”

“Please, Sir,” paungol na pakiusap ni Berrie. “I missed you inside me.”

“Then keep your eyes open,” nakangiting sabi ni Nathan. “I want you to see how I truly feel for you.”

Nakangiting tumango lang siya saka, humawak sa abs nito na miss na miss na niya.

Nathan slowly and teasingly pushed his hips forward, stretching her in the most pleasurable way possible, until he was firmly inside her again.

She moaned loudly. Natawa naman ang lalaki, dahilan siguro kung bakit hindi agad ito kumilos.

“Baby, nasa ospital tayo. Kapag umungol ka nang ganyan, baka isipin nilang may masamang nangyayari sa `yo at sumugod ang hospital staff dito.”

“May scandal na tayo,” nakalabing katwiran naman ni Berrie. “Ano naman kung dagdagan natin ng mas steamy scene?”

“Point taken,” nakangiting sabi nito, saka ito umulos paabante.

Napaungol siya dahil sa sarap. Gusto sana niyang pumikit pero naalala niya ang sinabi ni Nathan. Napansin din niyang nakatitig lang ang lalaki sa kanya. Hindi nabawasan ang lalim at bilis ng pag-ulos nito sa loob niya.

Sa unang pagkakataon, nakita ni Berrie ang pagmamahal sa mga mata ni Nathan. Totoo ang sinabi ng lalaki. Handa na nga itong ipakita sa kanya ang damdamin nito. At tinatanggap niya iyon.

Ipinalupot niya ang mga braso sa leeg ni Nathan, dahilan para magdikit ang mga dibdib nila. Her soft breasts against his hard chest was a sexy contrast. “I love you, Nathan,” sabi niya, saka niya iniangat ang balakang para salubungin ang mga ulos nito.

Hinalikan siya ng lalaki sa mga labi. “I love you, too, Berrie.”

She spread her legs wider and this time, her hands found Nathan’s taut waist, down to his firm ass. Ibinaon niya ang mga kuko sa balat ng kaniig nang hilahin niya ito palapit pa sa kanya para lalo itong bumaon sa loob niya. Parang hindi pa siya kontento at ayaw niyang huminto ito sa paggalaw. Ipinalupot na rin niya ang mga binti sa baywang ng lalaki.

Napaungol si Nathan. Malamang, mas sumikip si Berrie dahil sa ginawa niyang pagpalupot ng mga binti niya sa baywang nito, kaya siguro mas nasarapan ang lalaki sa pag-ulos. In fact, she could almost feel his pleasure building up like her own. Pero hindi bumagal ang paggalaw nito.

Her hands moved from his ass up to his shoulders, and her fingers trailed down his back. Pawis na si Nathan kahit malamig sa kuwarto. Inisip niyang pinagpapawisan ang lalaki dahil sa pag-e-enjoy nito sa katawan niya. Hindi naman katakataka iyon dahil mas bumilis ang pag-ulos nito.

The moment he slammed into her deeper than before, she came without warning. She felt her pussy clench and unclench around his cock, and wetness coating him and the top of her legs.

“Wow,” komento ni Nathan nang sumabog na rin ito.His cum hit deep inside her still quivering pussy until he was empty. And she swore that he was more loaded right now more than he was last time. Mukhang napagod ang lalaki dahil basta na lang itong bumagsak sa kanya. “So this is how it feels like to make love with the right person, huh? No wonder they say it’s addicting.”

Napangiti si Berrie dahil sa mga sinabi ni Nathan. Niyakap niya ito. His weight was just enough for her to enjoy his wonderful body on top of her. “So it seems, Sir.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.