Chapter 12

NAGSILBING driver si Jared ng nanghihinang si Adam na nasa backseat. Hindi pa rin kasi ito maka-get over sa pag-inom ng herbal concoction ni Tatang Wasto. Pero ipinagpapasalamat na lang ni Jared na hindi ito nagreklamo pa tungkol sa albularyo. Iyon nga lang, hinding-hindi na raw ito babalik pa roon kahit kalian. Okay lang naman dahil sa tingin niya’y hindi rin sila matutulungan ni Tatang Wasto.

Ni-replay ni Jared sa kanyang isipan ang tungkol sa alamat ni Paraluman at pinag-aralan iyong mabuti. Naghahanap siya ng hint kung paano sila maaaring bumalik sa kani-kanilang katawan ni Adam. At least, alam nilang maaari talaga silang bumalik sa dati dahil ganoon din ang nangyari noon kay Paraluman.

Ang poot sa puso ni Adam ang dahilan kung bakit sila isinumpa—kung bakit sila nagkapalit ng katawan dahil ganoon ang nangyari kay Paraluman. Madness & dark wish—check. Soul or body swap—check. Ngayon, paano sila babalik sa dati?

“…natagpuan ang sariling may kalong na isang sanggol. Ang iyak daw ng inosenteng sanggol na iyon ang bumali sa salamangka ni Paraluman,” ayon sa kwento ni Tatang Wasto kanina.

So, kailangan naming magkaanak para bumalik kami sa dati? anang sarkastikong bahagi ng kanyang isipan. At paanong bigla na lang nagkaroon ng sanggol sa gitna ng kaguluhang iyon noon?

“Hey, nag-research ako ng tungkol sa soul switching or body swap,” pagkuwa’y sabi ni Adam. Hindi naman pala nito sinasayang ang oras sa paghiga sa backseat.

“Ano’ng nakuha mo?”

“According to Wikipedia, switches can be caused by magic items such as amulets, heartfelt wishes—check—or just strange quirks of the universe—this too. Now, the switches typically reverse after the subjects expanded their world views, gained a new appreciation for each other’s troubles by literally ‘walking in another’s shoes’,” paliwanag ni Adam.

“So, ibig sabihin ay matagal pa tayong magiging ganito,” sabi ni Jared saka napahugot ng isang buntong-hininga. Dahil kung ganoon ang usapan—‘new appreciation for each other’s troubles’—sa tingin niya’y hindi magiging ganoon kadaling tanggapin ni Adam ang lahat sa buhay niya. Hindi naman niya maaaring ipilit iyon dito.

“’Wag kang sumuko agad. Malay mo isa pala sa mga nakasaad dito ang paraan para bumalik tayo sa dati. Dahil nasubukan na natin ang albularyo-idea mo, bakit hindi din natin subukan ang mga nangyari sa movies na nakalista dito?” sabi naman ni Adam.

“Like what? Kissing? Get hit by a truck or lightning?” sarkastikong tanong niya kay Adam dahil ganoon naman lagi ang nangyayari sa mga pelikulang ganito ang tema.

“Fine. Bumalik na lang tayo sa Hidden Valley sa next full moon. Baka sakaling lumabas ng kusa ‘yong hidden spring. Kapag wala pa rin—“

“Adam, sa tingin ko ay walang magiging effective sa mga ‘yan sa kaso natin. Alalahanin mo kung paano nakabalik sa dati niyang katawan si Paraluman sa alamat. May natagpuan siyang sanggol na kalong-kalong niya. Ang iyak daw ng inosenteng sanggol na ‘yon ang bumali sa salamangka niya, ‘di ba?” putol ni Jared sa iba pang sasabihin ni Adam na sa tingin niya’y hindi naman makakatulong sa kaso nila.

“So, kailangan din nating magka-baby?”

Err, that doesn’t sound right. Pero imposibleng ‘yon nga ang ibig sabihin no’n. “Babies. Ano bang mayro’n sa babies?” tanong niya rito.

“Cute sila at inosente. Sila ang pinaka-pure na nilalang dito sa mundo until they grow up,” ani Adam sabay tawa.

Yeah. Parang ikaw. Pero…wait. “That’s it! Pure. We need something pure to undo this curse,” sabi niya rito.

“Parang mas posible pa ‘yong ‘appreciation’ thingy na sinabi sa research kaysa ang makahanap tayo ng something pure sa lagay ng mundo ngayon,” sabi ni Adam.

“Well, sa tingin ko rin. Pero handa ka na bang maging open-minded? Handa ka na bang tanggapin ang lahat sa’kin? Handa ka na bang palayain ang sarili mo sa nakaraan?” seryosong tanong niya rito. Sinulyapan niya si Adam gamit ang rearview mirror ng sasakyan at nakita niyang mataman itong nakatingin sa kanya.

Hindi ito nagsalita. Pero ramdam ni Jared ang pagrerebolusyon ng damdamin ni Adam dahil sa tanong niya na iyon. Alam niyang ini-imagine na nito ang magiging sitwasyon nila kapag tinanggap nito ang lahat. At alam niyang purong negatibong bagay iyon para dito. Pagkuwa’y may tumunog na cell phone.

“Sino ‘tong ‘Andrew’?” tanong ni Adam.

“Assistant ko. Sagutin mo at sabihin mong papasok ka pa lang,” utos niya rito.

“Hindi ako makakapasok ngayon,” sa halip ay sabi ni Adam nang sagutin nito ang tawag ni Andrew. Nanlaki ang mga mata ni Jared dito. “Sabihin mo sa kanyang may sakit ako. I assure you, he’d back off,” dugtong pa nito.

“Bakit sinabi mong hindi ka papasok? Hindi ako pwedeng ‘di pumasok ngayon!” pasigaw na sabi niya rito. Ginawa ba nito iyon para i-sabotahe ang plano ng team nila para sa Calypso project? “Ano’ng sabi ni Andrew?”

“Hinahanap ka daw ni da—ng presidente n’yo. Hindi tayo pwedeng pumasok ng ganito.”

“Paano si Kris?” sabi naman niya.

Natigilan si Adam doon. “Shit! Bakit kailangang ngayon pa tayo maging ganito? Dammit!” pagkuwa’y sigaw nito. Halatang frustrated sa sarili.

“Kung hindi ka sana humiling sa bukal na ‘yon, hindi sana tayo ganito. Dinamay mo pa ako,” sabi naman ni Jared dito.

“Hindi ko naman hinanap ang hidden spring na ‘yon. Kusa siyang nagpakita sa’kin. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, I’m sure na hihiling ka rin do’n. ‘Wag kang magmalinis, Jared. Sigurado akong may masamang-loob ka rin sa’kin,” mariing sabi ni Adam. Si Jared naman ang hindi makasagot ngayon dahil totoo iyon.

“Kailangan pa rin nating pumasok ngayon. Mamaya na ulit tayo mag-isip ng paraan para makabalik tayo sa dati. Basta iwasan mo na lang makita si Sir mamaya. Napag-usapan naman na ng team ko ang tungkol sa plano namin kahapon. Magkulong ka na lang sa opisina. Hindi rin naman ako masyadong lumalabas do’n. Hindi sila magtataka sa’yo. At kapag may natapos sa mga pinapagawa ko sa kanila, hayaan mo na lang. Oh, and don’t touch anything. Okay?” bilin niya rito.

Matagal bago sumagot si Adam. Tila pinag-iisipan pa ang sinabi niya. “Fine. Isa lang ang bilin ko sa’yo, Jared. Don’t touch Kris.”

ADAM strode his way through M Architect’s office confidently after he dropped Jared off in front of his office’s building. Binati niya rin ang mga empleyadong bumati sa kanya roon. Pero halatang nagulat ang mga ito sa pagbati niya. Nakalimutan niyang seryoso nga pala si Jared. Pero hindi naman niya kailangang maging suplado, sa isip-isip niya.

Wala namang masyadong pinagkaiba ang opisina ng M Archiects sa Villarosa & Associates maliban sa mga naka-frame na larawan ng magaganda at sikat na designs ng mga ito. And compared to their office’s playful wall decorations, M Architects has their simple yet sophisticated colors.

Pagpasok ni Adam sa opisina ni Jared ay nadatnan niya roon ang isang lalaking nag-aayos ng mga gamit sa mesa. Ito marahil si Andrew at kaagad siya nitong binati.

“Pinapatawag ka po ni Sir Roberto sa opisina niya, Sir Jared,” sabi nito.

Umupo si Adam sa swivel chair ni Jared at pinili niyang ignorahin ang sinabi ni Andrew. “Andrew, ayokong maistorbo ngayong araw. Ang mga may kinalaman lang sa Calypso project ang haharapin ko ngayon, maliwanag?”

Halatang ikinagulat ni Andrew ang sinabi ni Adam. “Pero sir, ang utos po ni Sir Roberto ay papuntahin ka daw sa opisina niya as soon as you check in.”

Iniikot niya patalikod dito ang swivel chair. “Go now, Andrew.”

“Sir, gusto mo bang ikuha ko kayo ng yelo para d’yan sa…pasa n’yo?” pagkuwa’y tanong ni Andrew.

Napahawak si Adam sa gilid ng kanyang labi—ni Jared pala nang maalala niyang may pasa nga pala ang loko. Nakalimutan niyang itanong kay Jared kanina kung paano at bakit ito mayroong pasa doon. “No need,” sabi na lang niya kay Andrew.

Nang marinig ni Adam na magbukas-sara ang pintuan ng opisina ay nagpakawala siya ng isang hininga. Hindi niya alam na kinakabahan pala siya. Pagkuwa’y iginala niya ang paningin sa opisina ni Jared. Maliit lang iyon—of course, hindi pa siya ang talagang boss. Minimalist ang dating at mahahalata mong puro trabaho talaga ang ginagawa ng may-ari niyon. Pero may nakakuha ng pansin ni Adam sa opisinang iyon. Mukhang out of place iyon sa buong opisina pero mahahalata mong iyon ang pinaka-mahalagang gamit para kay Jared doon.

Isa iyong naka-frame na sketch ng isang parehang pinagigitnaan ng pink cotton candy. Ang cotton candy lang ang tanging may kulay. Naka-side view ang couple at kapwa hinahalikan ng mga ito ang cotton candy. At naroon sa baba ng sketch na iyon ang…pirma ni Kris. Ibig ba nitong sabihin ay talagang hindi pa nakaka-move on si Jared? Ibig sabihin ay talagang may balak itong makipagbalikan kay Kris?

Fuck. At magkasama pa sila ngayon. Kahit ako ay siya…

Hindi na itinuloy pa ni Adam ang iniisip dahil may na-realize siya. Hindi na dapat siya humiling pa sa hidden spring dahil nasa kanya na—or at least, abot-kamay na niya—ang pinaka-mahalagang bagay sa buhay niya. Si Kris. And judging by the cotton candy couple sketch, he was sure that Jared envies him more.

Naihilamos ni Adam ang dalawang kamay sa kanyang ulo sa realisasyong iyon. Ang tanga-tanga ko, frustrated na sabi niya sa sarili. Pagkuwa’y hinugot niya ang cell phone ni Jared mula sa kanyang bulsa at tumipa roon ng isang mensahe. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin ni Jared kanina. Dahil kahit papaano’y naintindihan niya ang frustration na marahil ay nararamdaman ni Jared noon pagdating sa pagkakalayo nito kay Kris.

Fine. Let’s try understanding each other’s lives, anang text ni Adam kay Jared. Pagkatapos niyang i-send iyon ay nagulat siya ng bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina nito at iniluwa niyon si Roberto. At may dala itong…ice pack?

“I’d allow you to have your own way with the Calypso project now. Hindi na rin kita pipiliting makipag-date muli kay Tina,” sabi ni Roberto ng makalapit ito kay Adam.

Napataas ang isang kilay ni Adam dahil sa sinabi nito. So, hindi naman pala si Jared ang nagkusang makipag-date kay Tina kahapon. It was all this heartless’ guy’s doing. Pero ikinagulat ni Adam ang sunod na ginawa ni Roberto. Iniabot nito sa kanya ang dalang ice pack.

Adam smirked at him. “Hindi ko alam na marunong ka palang mag-aalala para sa ibang tao,” nanunuyang sabi niya rito.

“Marunong akong humingi ng tawad para sa mga kasalanang ginawa ko, Jared,” sabi naman ni Roberto. Napatda si Adam sa sinabi nito. Ibig sabihin ba niyon ay ito ang sumuntok kay Jared?

Pero ibig sabihin din niyon ay nagsisinungaling ito. Dahil ni minsan ay hindi nakatanggap ng apology mula rito si Adam. “What a very unskillful lie. Sigurado ka bang humingi ka na ng tawad sa mga taong nasaktan mo noon?” aniya rito saka ito tiningnan ng diretso sa mga mata.

Napakunot-noo sa kanya si Roberto. Matagal ito bago muling nagsalita at tiningnan siya ng mataman. “You’re right. May isang taong hindi ko pa nahihingan ng tawad. Pero iyon ay dahil hindi niya ako hinahayaang humingi ng tawad sa kanya,” makahulugang sabi nito kapagkuwan.

“Isang tao lang ba?” tanong niya rito saka ito pinukol ng tingin. Hindi na ba nito isinama sa bilang ang mommy niya dahil wala na siya?

“Yes. Si Adam. Matagal ko na siyang gustong makausap ng seryoso para humingi ng tawad, ipaliwanag sa kanya ang lahat ng mga pangyayari pero kilala mo naman ang kapatid mong ‘yon, palaging sarado ang isip. Pero mali rin naman ang mga approach na ginagawa ko sa kanya kaya kasalanan ko pa rin. Hindi ko naisip kung ano ang mararamdaman niya dahil inuna ko ang kapakanan ng isang anak na inabandona ko noon. Adam didn’t know what he had and what you don’t before. Pero kasalanan ko din naman dahil hindi ako naging mabuting ama sa kanya. Bago ko pa maayos ang lahat ay nawala na siya sa’kin,” mahabang litanya ni Roberto.

Adam felt like he’s going to be sick. May nahimigan siyang pagsisisi, panghihinayang at kalungkutan sa tinig ng ama at hindi niya iyon masikmura. Pakiramdam niya’y niloloko lang siya ng nakikita at naririnig niya. Had his father been always this affectionate? He had always appeared cold to him. Pero ito ba ang sinasabi ni Jared kanina na hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ni Roberto?

“Oo nga pala, nanggaling ka daw sa Quezon sabi ng mama mo para sa isang trabaho? Ano’ng ginawa mo do’n? Wala naman yata tayong project do’n,” nagtatakang tanong ni Roberto.

Shit. “May pinuntahan lang akong kaibigan,” palusot niya.

“Gaano ka-importante ang kaibigan na ‘yon at kailangan mong ma-late sa trabaho? That is so unprofessional, Jared,” sermon nito sa kanya.

“Yeah, yeah. Whatever. Ang mahalaga ay pumasok pa rin ako,” sabi ni Adam sabay ikot ng mata sa ama. Napakunot-noo na naman sa kanya si Roberto. “Sir,” dugtong niya nang maalalang magalang nga pala si Jared dito.

At ako ang suwail na anak. Pagkaalis ni Roberto ay ang nanay naman ni Jared ang hinarap niya—o ang tawag nito.

“Anak, nakabalik ka na ba ng Maynila?”

“Yes,” simpleng sagot ni Adam dito. Pigil niya ang hininga habang nakatapat sa kaliwa niyang tainga ang cell phone ni Jared at nakakuyom naman ang isa niyang kamay. He doesn’t know how to deal with Jared’s mother the most. Kaya niyang harapin si Roberto kahit gaano pa siya kagalit dito pero ang nanay ni Jared…ayaw niya rito pero hindi niya alam kung bakit hindi niya ito kayang bastusin.

“Kumain ka na ba ng agahan mo? Hindi ka na nakainom ng veggie juice mo. Gusto mo bang dalhan kita d’yan?” magiliw na tanong nito pagkatapos.

Yuck, nangingilabot na sabi ni Adam sa sarili. Kaya naman pala walang kaso kay Jared ang uminom ng kung anong concoction ni Tatang Wasto, umiinom ito ng veggie juice. “Uminom na ako. Bumili ako sa labas kanina. I have to go. May meeting pa ako,” nagmamadaling sabi niya rito.

“Teka lang, anak. ‘Wag mong kalimutan ang lunch date natin mamaya ha? Magkita tayo sa Silver Grande Hotel, okay?” sabi ng nanay ni Jared bago ito nagpaalam.

Tinawagan ni Adam si Jared pagkatapos. Emergency ito. Paano siya magpe-pretend bilang isang mapagmahal na anak sa ina ni Jared gayong ayaw niya rito?

‘Di ba ang sabi mo, susubukan mong intindihin ang buhay ni Jared? Kasama roon ang nanay niya, Adam. Tandaan mo, baka ito lang ang tanging paraan para makabalik kayo sa dati. Why don’t you live and let go? Live in the present and let go of the past. Hindi naman ibig sabihin no’n ay kalilimutan mo na ang mommy mo. Isipin mo na lang na kailangan mo itong gawin para sa future mo, anang isipan ni Adam.

Whatever, sabi na lang niya sa sarili. Ano ba ang ginagawa ni Jared at hindi nito sinasagot ang tawag niya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.