JARED heaved a frustrated sigh. Mula nang mag-usap sila ni Kris kanina ay hindi na siya nito kinausap pang muli. In fact, nagkampo ito sa istasyon nito. Tila ba muli na naman itong nanlamig sa kanya kahit nasa katawan siya ni Adam ngayon. At isa pang problema ni Jared ay ang mga kasamahan ni Adam sa trabaho. Naiilang siya sa mga tinging ibinibigay ng mga ito na para bang tinubuan pa ng isang ulo ang katawan ni Adam.
Ilang tao na ba ang lumapit sa kanya at nagtanong kung “okay” lang ba siya? But Jared knew it was about his manner. Paano ba siya aaktong parang si Adam sa harapan ng mga ito? Hindi naman siya natural na outgoing at happy-go-lucky. And besides, can’t they accept that there are those days that people can’t really be into socialization and being themselves? He didn’t know how Adam does it. Pero hindi siya marunong magkunwari na palaging “okay” ang lahat.
Naihilamos ni Jared ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Paano ba siya tatagal ng ganito? Kailangan na nilang magkapalit ng katawan ni Adam dahil hindi niya alam kung kakayanin pa niyang magkunwari.
“Kung hindi mo talaga kayang magtrabaho ngayon, umuwi ka na lang,” anang pamilyar na tinig ni Kris mula sa kanyang likuran. Nang lumingon si Jared ay nakita niyang may bitbit itong tissue at Gatorade. “Dinala ko ‘to dahil you know…”
Napangiti si Jared at kahit paano’y nakahinga siya ng maluwag. “Wala na akong constipation.”
“Sigurado ka? Baka nahihiya ka lang sa’min dito,” sabi naman ni Kris.
Napailing siya rito. “Wala na talaga pero hindi pa ako kumakain.”
“Ha? Bakit?”
“Hinihintay kasi kita. I’m sorry about earlier,” hinging-paumanhin niya rito.
“Ah. Wala ‘yon. May naalala lang talaga ako,” simpleng sabi nito. Pero alam ni Jared na naalala nito ang kanilang nakaraan. “Anyway, kung gusto mo, sumabay ka na sa’kin palabas para mag-lunch. Pero hindi kita masasamahan. I have to go out on a meeting. May nag-request daw kasi kay Sir Carlos na ako mag-design ng bahay nila. Inaanak yata ni Sir sa kasal,” pagkuwa’y kwento nito.
“Okay. But should we have dinner later?” anyaya niya kay Kris.
“Sige. Pero since busy tayo ngayon, pwede ring mag-takeout na lang tayo ng pagkain ‘tapos iuwi natin sa bahay. Speaking of, may nagsabi sa’kin kanina na hindi mo daw dala ang sasakyan mo. May nangyari ba?” nag-aalalang tanong ni Kris.
Adam, you lucky jerk, sa isip-isip ni Jared. Dapat ay matuwa siya na nag-aalalang muli si Kris para sa kanya. Pero hindi naman siya mismo ang inaalala nito. On the other hand, susulitin niya ang mga sandaling kasama niya si Kris.
“Ah, ginamit ni Elice ‘yong kotse ko. Kukunin ko nga mamaya sa kanya,” sabi niya rito.
“Oh, okay. Pero pwede ka rin namang sumabay sa’kin pauwi. Magkapitbahay lang naman tayo,” nakangiting sabi ni Kris saka ito nagpaalam na kukunin lang ang mga gamit sa station para makaalis na silang dalawa.
Sandali lang. Mali ba ako ng dinig o sinabi talaga ni Kris na magkapitbahay sila ni Adam? hindi makapaniwalang tanong ni Jared sa sarili. Pero hindi ugali ni Kris ang magsinungaling o mag-joke kaya… What. The. Fuck?!
Agad kinuha ni Jared ang cell phone ni Adam at tinipa ang kanyang numero doon. Pero ilang ring na ay hindi pa rin sinasagot ni Adam ang kanyang cell phone. Hindi pa ba tapos ang lunch date nito sa kanyang ina? Sinulyapan ni Jared ang wall clock ng lugar. Pasado ala-una na. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan. Mula niyang d-in-ial ang kanyang numero pero hindi pa rin sumasagot si Adam.
“Adam, tara na,” tawag sa kanya ng tinig ni Kris. Sumunod si Jared kay Kris pero patuloy pa rin niyang tinatawagan si Adam. “Sinong tinatawagan mo?”
“Si Elice. Kukunin ko kasi sa kanya ‘yong kotse ko kasi nando’n ang susi ko sa bahay,” simpleng paliwanag niya rito. Frustrated na tinapos ni Jared ang pang-apat na tawag niya kay Adam. Sa halip ay tumipa siya ng isang mensahe dito saka muli itong sinubukang tawagan.
“Adam?” anang isang pamilyar na tinig sa ika-limang tawag ni Jared kay Adam.
“Sino ‘to?”
“Si Elice ‘to. Adam…May nangyari kay Jared,” sabi ni Elice sa kabilang linya na medyo nanginginig pa ang boses.
Ito ba ang sanhi ng masamang kutob niya kanina? Ano’ng nangyari kay Adam—sa katawan niya? At bakit si Elice ang nakasagot ng tawag niya? Bakit magkasama ang mga ito? Nasaan ang mama niya?
“Ano’ng nangyari, Elice?” kinakabahang tanong niya rito.
“Nasa ospital kami ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari. One time he was eating heartily and then, h-he was gasping for air next. ‘Tapos bigla na lang siyang n-nahimatay. Oh, God. What should I do, Adam?”
Damn. Did Adam eat shellfish? tanong ni Jared sa sarili. Iyon lang ang tanging rason kung bakit nangyari iyon kay Adam. Allergic kasi siya sa shellfish at ganoon ang reaksyon ng katawan niya kapag nasosobrahan siya ng kain ng kahit anong shellfish. At sinisisi niya ang sarili kung bakit nakaligtaan niyang sabihin iyon kay Adam.
“Calm down, Elice. Nasaan kayo?”
Sinabi ni Elice kung saang ospital nito dinala si Adam. “Tinawagan ko na rin ang mama niya,” pagkuwa’y sabi nito. Napakunot-noo si Jared dahil doon. Kilala din ni Elice ang mama niya o nakuha lang nito ang numero ng mama ni Jared sa phone niya na dala ni Adam?
Hindi kaya…Shit. Si Elice ba ang ikinu-kwento sa’king babae ni mama noon na nakilala niya sa isang cake shop? tanong ni Jared sa sarili.
“Sige. Pupunta ako d’yan,” sabi na lang muna ni Jared kay Elice. Mamaya sila mag-uusap ni Adam tungkol sa mga nangyari.
“Pupunta ka? Bakit? I mean…” tila nag-aalinlangang sabi ni Elice at alam niya kung ano ang iniisip nito.
“I’ll see you later, Elice. Calm down,” pagpapakalma niya dito saka tinapos ni Jared ang tawag. Sakto namang nakababa na sa ground floor ang elevator.
“May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Kris kay Jared.
“Wala naman masyado. Kailangan ko lang puntahan si Elice,” paiwas na sagot niya rito.
“Oh, okay. See you later, then,” paalam ni Kris saka sila naghiwalay ng landas.
Tumawag ng taxi si Jared at bumiyahe patungo sa ospital na pinagdalhan ni Elice kay Adam. At habang lulan ng taxi papunta roo’y iniisip na ni Jared kung paano siya magpapaliwanag kay Elice o sa mama niya kapag nag-abot sila roon. Ahh, bahala na.
BAKIT tumawag si Adam kay Jared? tanong ni Elice sa sarili nang matapos ang tawag ni Adam. Una sa lahat, hindi niya akalaing may numero pala ng isa’t isa ang magkapatid. There’s really something weird happening today. Tila ba mas lalong lumiliit ang mundo ng magkapatid—nila. Ano’ng gagawin niya kapag nag-abot si Adam at ang nanay ni Jared dito sa ospital? Tinawagan din kasi niya ang nanay ni Jared dahil sa nangyari at papunta na ito roon ngayon.
“Allergic siya sa seafood. Anything shellfish, actually,” sabi ni Chino sa doktor na tumitingin kay Jared—na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Marahil ay nakita ni Chino ang plato ng pagkain ni Jared kanina nang tulungan nitong buhatin si Jared pasakay ng ambulansiya.
Napasinghap si Elice dahil sa sinabi nito. Sinugod nila sa ospital si Jared dahil bigla na lang itong nag-collapse habang kumakain sila sa Silver Grande. Hindi niya akalaing iyon pala ay dahil allergic ito sa seafood. Kung ganoon, bakit um-order pa ito ng seafood marinara kanina? Natuwa pa naman si Elice na ang version niya ng seafood marinara ang pinili ni Jared kanina. Not that Jared doing that is something special. Natutuwa lang talaga siya kapag maraming tao ang kumakain ng putaheng iniluluto niya.
Si Chino na ang kumausap sa doktor dahil sa kanilang dalawa ay ito ang mas may alam kay Jared kaysa sa kanya. Ngayong araw lang nga nakausap ni Elice si Jared. Pero isang makabuluhang unang pag-uusap iyon dahil sa hinaba ng panahon ay kay Jared lang niya nasabi ang lahat ng nasa loob niya.
“Bakit hindi mo sinabing may—“ Jared stopped at midsentence. Tila ba may ipinapaalala ito sa sarili na hindi nito dapat sabihin kay Elice. “Whatever. Let’s just eat,” pagkuwa'y sabi nito at pumili sa menu na nasa harapan nito.
“Hindi naman na natin kailangang ituloy ang date na ‘to,” sabi naman ni Elice dito.
“I agree. Pero gusto kong kumain,” ani Jared. Hinayaan na lang ito ni Elice na um-order ng pagkain.
Hindi um-order si Elice dahil kanina pa siya nakakain pero humingi siya ng chamomile tea sa waiter. “I don’t mean to pry but...are you still willing to fight for her? Kahit alam mong may iba na siyang mahal?” hindi napigilang tanong niya kay Jared. Hindi sumagot si Jared sa tanong niya pero gusto ni Elice na iparating dito ang inisiip niya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Hanga ako sa’yo. I wish I’d be brave enough to fight like you, pero ayoko rin namang ipilit ang sarili ko sa isang taong alam kong kailanma’y hindi ako maaaring mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Well, siguro kasi iba naman ang sitwasyon natin sa isa’t isa. You were her first love. Whatever happened, she loved you. In my case, I was the only one in love. So, it’s a hopeless case. At kahit best friend ko si Adam, I couldn’t help but to root for you too. Hindi dahil ayokong magkatuluyan sila ni Kris kundi dahil alam kong mahirap maging thirdwheel o side character, much more, a villain.”
Totoo naman, hindi ba? Kahit ano pa man ang nangyari sa pagitan nina Kris at Jared noon, kahit ilang taon pa man ang lumipas, at least, may pinagsamahan na ang dalawa. At siguro’y iyon ang pinanghahawakan ni Jared ngayon. Siguro ay iniisip nitong may tsansa pa itong mahaling muli ni Kris. Pero marahil nga ay mayroon itong tsansa—kung katulad ng sa kanya ang puso ni Kris. Kung kahit anong gawin nitong limot sa unang pag-ibig nito’y hindi pa rin nito iyon magawang kalimutan. Kung sa bawat pagde-deny nito sa sariling hindi na nito mahal pa si Jared ay mas lalo lang tumitindi ang pagmamahal nitong iyon. Katulad ng puso ni Elice pagdating kay Adam.
Kung ganoon man ay maswerte si Jared. Dahil walang ganoong tsansa si Elice pagdating kay Adam. She was never a love interest for him. She’s always going to be his best friend.
“Stop,” mariing sabi ni Jared. Masama ang tingin nito kay Elice na para bang may nasabi siyang mali. Mali ba ang mga nasabi niya? “Stop treating yourself like a second-rate girl because you’re not, Elice. You deserve someone better. Not Adam. He’s...a jerk.”
Binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti. “Ah. Tama ka. May mas better pa nga d’yan kay Adam. But the sad truth is, no one’s ever gonna come close to my heart except him. I’ve loved him since time immemorial.”
You’re pathetic, Elice. You shall not cry! mariing sabi niya sa sarili dahil nag-init na ang gilid ng kanyang mga mata.
Naihilamos ni Jared ang mga kamay sa mukha saka mariing umiling kay Elice. “Sige nga. Bakit siya? Bakit mo siya mahal?” tila nanghahamong tanong ni Jared sa kanya. Hindi rin nakalampas sa pandinig niya ang tila pagkairita sa tinig nito.
“Bakit nga ba eh, hindi naman niya ako mahal, ‘di ba? I wonder about that too, sometimes. Pero maalala ko pa lang ang mga oras na kasama ko siya, masaya na ako. Makita ko lang na okay siya at masaya siya, masaya na rin ako. It’s like my heart has a mind of its own telling me to do everything just to stay as close as possible with Adam. Kahit hanggang best friend lang ang turing niya sa’kin. Pathetic, right? Minsan, tinatanong ko ang sarili ko, ganito ba talaga ang magmahal? Nakaka-tanga? Pero kung pwede lang talagang pigilan ang puso matagal ko nang nagawa.”
Humugot siya ng malalim na hininga at tumingala sa magarbong chandelier ng Silver Grande. Para na rin pigilan sa pagpatak ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa gilid ng kanyang mga mata. “Bakit mahal ko si Adam? Maybe it’s because of his warm hugs or maybe because I know that he’ll always care for me? Ah, hindi iyon. I think love isn’t supposed to be a feeling of security, right? Lemme see. Ah! Maybe it’s because I love how fearless he is when it comes to expressing his feelings or maybe because he’s just a dork going around with my crazies? Ah, wala akong magandang reason na maibibigay sa’yo ngayon kung bakit ko siya mahal, Jared. But it has always been him.”
Pagkatapos niyon ay nagpaalam si Elice na pupunta sa ladies room. Umiyak lang naman siya roon at pagbalik niya sa dining hall ay nahihirapan na ngang huminga si Jared. Kaya humantong sila dito sa ospital. Pero natakot talaga si Elice kanina nang sabihin ng doktor na kung hindi nila kaagad nadala sa ospital si Jared ay baka namatay na ito.
“Hindi mo kasalanan,” sabi ni Chino sa kanya nang umalis ang doktor. Ginulo pa nito ang buhok ni Elice na madalas nitong gawin sa mga nakakabata dito pati na rin kay Adam. “Kasalanan ng lalaking ‘yan kung bakit siya nagka-ganyan ngayon. Alam naman niyang allergic siya, kumain pa rin,” dugtong pa ni Chino saka ito mariing umiling habang nakaharap sa tila natutulog pa ring si Jared.
“Will you ever consider him your friend again?” curious na tanong ni Elice kay Chino.
“Pwede. Pero maraming taon na ang nakalipas. Hindi na kami magiging close katulad noon. Isa pa, baka magselos si Adam. Kilala mo naman 'yon,” natatawang saad ni Chino na ikinatawa din ni Elice.
“Ah, oo nga pala. Alam mo bang may contact pala ang magkapatid sa isa’t isa?” pagkuwa’y tanong niya rito.
Napakunot-noo si Chino. Halatang hindi ito makapaniwala sa sinasabi niya. “Paano mo naman nasabi?”
“Tumawag si Adam kanina sa phone ni Jared,” aniya rito.
“Ha? Akala ko sa’yo siya mismo tumawag,” hindi makapaniwalang sabi ni Chino.
Umiling siya. “Papunta siya dito ngayon.”
“Weird. ‘Tapos papunta rin si Tita Rita,” sabi ni Chino na tila ba nai-imagine na nito kung anong mangyayari kapag nag-abot sina Adam at ang nanay ni Jared.
As if on cue, dumating ang nanay ni Jared doon kasunod ang isang nurse na nagsabing hanggang dalawang tao lang daw ang pinahihintulutang manatili sa emergency ward kasama ang pasyente. Nagkatinginan sina Elice at Chino pero bumulong siya rito—habang pinagagalitan ni Rita ang anak nitong wala pa ring malay—na kailangan niyang hintayin si Adam sa labas at naintindihan naman siya ni Chino.
Ano nga kaya ang mangyayari kung magkita sina Adam at ang nanay ni Jared? Wait, nakita o nakilala na ba ni Adam ang babae? Elice wondered.