Chapter 16

WHAT IN the world happened to me? nawi-wirduhang tanong ni Adam sa sarili. Pero alam niyang hindi na siya dapat pang magtaka sa nangyari dahil nagkapalitan nga sila ng katawan ni Jared. Kumabaga, minor na lang ang pagiging allergic “niya” sa seafood. Maswerte si Jared sa katawan niya dahil wala siyang kahit anong allergy.

Pero dapat talagang pag-usapan nila ni Jared ang habit ng isa’t isa para hindi na muling mangyari ang ganito. Baka kasi may iba pang allergies si Jared. Isa pa’y natitiyak niyang maging si Jared ay marami ring gustong itanong sa kanya. Lalo na kapag nalaman nitong magkapitbahay sila ni Kris. Sigurado si Adam na kakastiguhin siya ng lalaki dahil doon.

May isang bagay ding na-realize si Adam sa pangyayaring ito—na kahit maaksidente ang sinuman sa kanila ni Jared ay hindi pa rin sila makakabalik sa kani-kanilang katawan. Bakit? Dahil aksidente nang maituturing ang nangyari sa kanya ngayon pero hindi pa rin sila bumalik sa dati. Kaya kailangan pa nilang umisip ng ibang paraan para makabalik sa dati. They’re taking the long process now but it’s better if they could find the quick step to go back to normal.

“Jared, gumising ka na d’yang, bata ka,” narinig ni Adam na sabi ng ina ni Jared na si Rita matapos nitong pagalitan ang natutulog na “anak”.

Actually, kanina pa gising si Adam. Pinili lang niyang hindi muna “magising” dahil hindi niya alam kung paano muling haharapin si Elice. Hindi pa rin niya matanggap—at mas lalong hindi siya makapaniwala—sa lahat nang ipinagtapat nito sa kanya kanina. Ang saktan si Elice ang pakiramdam ni Adam na pinaka-mabigat niyang kasalanan. Baka nga naging dahilan din ng paghinto ng tibok ng puso niya—nang pagkahimatay ni Adam kanina—ang kaalamang habang masaya siya ay nahihirapan naman ang isa sa mga babaeng mahalaga sa buhay niya.

Adam felt that sudden prick on his heart again. Nagkaroon yata siya ng komplikasyon sa puso dahil sa mga rebelasyon ni Elice. He felt tears well up on both sides of his eyes. Pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang pinapanood siya ni Chino at nang nanay ni Jared.

Bakit mamahalin ni Elice ang isang lalaking katulad niya? Sure, they have always been together since they were kids. Espesyal si Elice sa kanya at alam niyang espesyal din siya para dito. But not to the extent of loving him. He had always loved Elice. She’s someone he had always cared for. Pero wala iyong malisya sa kanya dahil matalik silang magkaibigan.

Hindi kaya naipagkamali lang ni Elice ang pagmamahal para sa isang kaibigan sa tunay na pag-ibig? sabi ni Adam sa sarili. Tama ka, Adam. Baka ‘yon lang ‘yon at kailangan mo ‘yong maipa-realize kay Elice. She deserves someone who’ll love her more than she deserves to be loved.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi in-acknowledge ni Adam ang nararamdaman ni Elice para sa kanya noon.

“Do you know what my dream is?” tanong ni Elice na nakakuha sa pansin ni Adam mula sa pagkain niya ng gawa nitong putahe. Siya ang palaging unang nakakatikim ng mga gawa ni Elicec. The privilege of being her best friend.

“To be a world-renowned chef?” hula niya.

Marahas na umiling si Elice pagkuwa’y pumangalumbaba ito sa harapan niya na tila ba nagpapa-cute sa kanya. “To have a white house with a family of four. Gusto kong twins ang maging anak para isang hirap lang at gusto ko sana boy and girl,” magiliw na sabi ni Elice.

Natawa siya sa mga sinabi nito pero nakikita rin niyang mangyayari ang mga iyon kay Elice. “Sure. You’ll have it. Pero sino naman ang gusto mong maging asawa? Huhulaan ko.”

“Sige. Go,” udyok nito sa kanya.

“Come to think of it, wala ka pang sinasabing crush mo sa’kin. Ni hindi ka pa nagkaka-boyfriend,” nag-iisip na sabi niya rito. Pero hindi niya ma-imagine na may ibang kasamang lalaki si Elice. Isipin pa lang niya ay parang naaalibadbaran na siya.

“’Yong lalaking gusto ko kasi, hinihintay talaga. Kailangan nang matinding tiyaga.”

“Elice, ‘yong mga worth it lang ang hinihintay,” seryosong sabi niya rito.

“Worth it siya. Maniwala ka sa’kin,” nakangiting sabi ni Elice.

“Fine. Si Nico ba ‘yan?” unang hula niya. Si Nico ang kanilang class representative. Maraming nagkakagusto dito dahil matalino at responsable ito.

“Nope. Not even close to my type,” umiiling na sabi ni Elice.

“Si Xavier?” ikalawang hula niya. Si Xavier naman ang basketball representative ng school nila na kasama sa SEABA games. Siyempre, kino-consider itong heartthrob sa school nila. Imposibleng hindi ito crush ni Elice. Wala ka rin namang maipipintas kay Xavier dahil mabait ito at gentleman pa.

“Hindi pa rin,” natatawang sabi ni Elice.

“Hay. Sino nga, E? Best friend mo ‘ko. Dapat alam ko ang mga ganyang bagay tungkol sa’yo. ‘Wag mong sabihing ako?” pabirong sabi niya rito.

Natigilan ito sa sinabi niya. Sumikdo ang puso ni Adam nang makita niyang namula ang mukha ni Elice. Siya nga ba ang gusto nito?

“I like you, Adam. You’re my dream,” sabi ni Elice na halatang pine-peke lang ang ipinapakitang lakas ng loob.

Hindi alam ni Adam kung paano magre-react doon. Hindi niya kailanman iniisip na magkakagusto sa kanya si Elice pero aaminin niyang espesyal ito sa kanya. May punto rin sa kanilang buhay na higit itong naging espesyal sa kanya pero kinalimutan niya ang anumang nararamdaman dito dahil ayaw niyang sirain ang kanilang pagkakaibigan. Isa pa’y ayaw niya ring pag-ukulan ng “half-baked love” si Elice. Dahil sa estado ng buhay niya ngayon ay hindi pa niya kayang magmahal. Selfish siya at hindi siya ang nararapat na lalaki para kay Elice. Kaya tinawanan na lang niya ito.

“Wow, E. Nag-level up na ang sense of humor mo ha. I’m so proud of you,” mabilis na sabi niya rito saka marahas itong niyakap. Pagkatapos ay pinisil niya ang magkabilang pisngi nito.

“Heh!” sikmat nito sa kanya sabay tulak sa kanya palayo. “Okay na ba ‘yong speech na ‘yon para sa future husband ko?” palusot nito pero nakikita niyang pinipigilan lang nito ang mapaiyak.

Adam’s heart was being twisted like a pretzel that very moment. Pero ayaw na niyang mas lalo pang maging selfish kung tatanggapin niya ang pagmamahal ni Elice noon gayong hindi naman niya iyon masusuklian. He was her best friend and he knows that it’s the best for the both of them.

“Tita, sabi nang doktor, maayos naman daw po ang lagay ni Jared. Wala po tayong dapat ipag-alala. Baka tulog pa rin siya ngayon dahil ‘yon ang kailangan nang katawan niya,” paliwanag ni Chino sa nanay ni Jared pagkatapos.

“Baka nga, kasi nagpunta siya sa Quezon kaninang umaga. May kailangan daw siyang puntahan do’n. Baka nga kulang lang siya sa tulog kaya ganyan. Maraming salamat, Chino,” pagkuwa’y pasasalamat ng nanay ni Jared kay Chino. “Alam kong nagkasamaan kayo ng loob noon ni Jared pero tinulungan mo pa rin siya ngayon. Sana’y hindi pa huli ang lahat para magkaayos kayong dalawa.”

Hindi sumagot si Chino doon pero alam ni Adam na hindi nagkikimkim ng sama ng loob ang kaibigan. Sigurado siyang kapag kinausap lang ito ng maayos ni Jared ay magiging magkaibigang muli ang dalawa.

“Anyway, kaibigan mo din ba si Elice?” pag-iiba ng usapan ng nanay ni Jared. Muntikan nang mapaungol si Adam dahil doon.

“Opo,” simpleng turan ni Chino.

“Talaga? Gusto ko siya para kay Jared,” tahasang sabi ng nanay ni Jared.

“Po? Naku, tita. Malabong mangyari ang gusto mo,” kontra dito ni Chino.

“Ha? Bakit naman?”

“Ah, eh. Siguradong hindi papayag si Adam d’yan.”

Hindi talaga, ngali-ngaling sumabat si Adam sa usapan ng dalawa.

“Bakit nasama si Adam dito? Kaya nga si Elice ang gusto ko para kay Jared dahil alam kong gusto ni Adam si Kris. Para hindi na mag-away pa ang magkapatid,” paliwanag ng nanay ni Jared.

“Kasi, tita…best friend po ni Adam si Elice. Kaya imposible po talaga ang gusto mo. Alam ni Jared ‘yon,” hayag ni Chino.

Exactly, Chino. Bravo!

“Ibig sabihin ay si Adam ang tinutukoy ni Elice na…mahal niya?” hindi makapaniwalang sambit ng nanay ni Jared.

“Paano n’yo nalaman ‘yan, tita?” hindi makapaniwalang tanong ni Chino.

Hindi napigilan ni Adam na bumangon at batuhin ng unan ang kaibigan. Alam nito na “in love” sa kanya si Elice pero hindi man lang nito sinabi sa kanya?

“Bakit ka nambabato?” reklamo ni Chino sa kanya.

“Sorry. Nananaginip pa yata ako kanina,” katwiran niya rito. Pagkuwa’y bumangon siya ng tuluyan mula sa hospital bed na kanyang kinahihigaan at hinarap ng maayos ang nanay ni Jared. “Stop pairing me with Elice. Ikaw mismo ang dapat nakakaalam na hindi maganda ang idinudulot ng kung anu-anong match-making na ‘yan. It won’t work with me and Elice.”

“Jared, kailan ka pa natutong sumagot sa’kin ng ganyan?” tila nasaktang tanong ng nanay ni Jared.

Napahugot ng isang buntong-hininga si Adam. He was…somehow guilty on that. “Kasi naman, tsk. Basta tigilan mo na si Elice.”

“Ayaw ko lang namang mag-away na naman kayo ni Adam. Hindi ko rin naman alam na si Adam pala ang best friend na tinutukoy ni Elice. Pero sige, hindi ko na kayo pipilitin pang dalawa. Anak, sana lang ikaw na ang mismong umiwas sa gulo ha? Hayaan mo na si Adam at si Kris,” pakiusap ng nanay ni Jared.

Tingin lang ang isinagot ni Adam dito dahil hindi naman siya si Jared para magbigay ng isang salita sa ina nito. Isa pa’y nagkapalitan lang sila ng katawan ni Jared, hindi puso. Kahit alam niyang mahal pa rin ni Jared si Kris ay hindi niya alam kung paano tatakbo ang puso nito. Come to think of it, hawak nga pala niya ang katawan ni Jared ngayon kaya bakit hindi niya subukang magmahal ng iba gamit ang puso nito?

Will that work?

“Okay ka na ba?” pukaw ng tinig ni Chino sa kanyang atensyon.

Tinanguan niya ito. “Salamat.”

“Sige. Nasa labas si Elice. Isasabay ko na siya pabalik sa hotel,” seryosong sabi nito sa kanya saka nagpaalam sa mama ni Jared.

Pagkaalis ni Chino ay saka naman dumating si Andrew. “Magha-half-day ako. May kailangan akong puntahan ngayon,” sabi niya rito. Dinampot niya ang suot na relo at ang cell phone ni Jared sa mesita sa tabi ng hospital bed na hinigaan niya kanina. “Ikaw na rin ang maghatid sa kanya,” dugtong na bilin niya kay Andrew na tumutukoy sa mama ni Jared.

“Saan ka pupunta, anak? Hindi ba dapat ay magpahinga ka sa bahay?” nag-aalalang kontra naman ng mama ni Jared.

“Okay na ako,” aniya rito saka lumabas sa kwartong iyon.

Habang naglalakad patungo sa elevator ay nagpadala siya ng isang text kay Jared na nagsasabing huwag na itong tumuloy sa ospital at kontakin na lang nito si Elice para sa susi ng kanyang bahay. Pagkuwa’y tumipa siya ng isang mensahe para kay Elice.

Thank you. You should love freely. But choose a better man. – Jared

Pagbaba ni Adam sa lobby ng ospital ay natigilan siya. Tila naging slow motion ang mga pangyayari sa ospital para sa kanya. Nakita niya ang isang pasyenteng sinugod sa emergency room. Kinausap ng isang nurse ang kasama nitong babae at tumango ang babaeng iyon sa kung anumang sinabi ng nurse.

“Gagawin namin ang lahat para iligtas siya,” iyon siguro ang sinabi ng nurse sa babaeng iyon, naisip ni Adam. Bakit tinanggap niya ang sinabi ng nurse gayong hindi pa naman siya sigurado kung maililigtas nga ng mga ito ang emergency patient?

Sunod niyang nakita ang isang babaeng umiiyak na yakap ng isang lalaki habang kausap ang doktor. Tila parehong binibigyan ng comforting words ng doctor at lalaki ang babaeng umiiyak. At maya-maya ay tumangu-tango ito sa dalawa.

Whatever they said to her, it was just for her own comfort. Some of them might not be true. Kaya bakit maniniwala siya sa mga ito? sabi ni Adam sa sarili.

Nakita niya ang isang nurse na nakikipagtawanan sa isang matandang pasyente at napatda si Adam sa mga sinabi ng matanda.

“Ano pa bang magagawa ko kundi ang tanggapin ang sakit ko, ‘di ba? Magtitiwala na lang ako sa inyong mga doktor dahil wala rin naman akong magagawa para gamutin ang sarili kong sakit kundi ang makipag-coordinate sa inyo. Lahat naman ng bagay ay may dahilan at solusyon. Mas gusto kong tingnan ang ganda ng buhay kaysa i-stress ang sarili ko sa hindi ka-gandahang dala niyon, ‘di ba? Minsan talaga sa buhay ng isang tao, may darating na hindi mo inaasahan pero marami kang matututunan. Palagi ko na lang tinatanggap ang lahat ng ‘yon at hanapan ng lang ng solusyon kung mahirap.”

Adam felt a big leap of his heart. Inikot niya ang paningin sa kanyang paligid at nakita ang buhay doon. All these people were in a hospital but they were still alive, facing problems that comes with life. Hindi niya akalaing maraming buhay na ganito sa isang ospital. For him, a hospital always reminds him of his mother’s death, of loneliness, hopelessness and of heartaches. But these people, knowing their own problems, were still going on with their lives.

Pinakiramdaman ni Adam ang kanyang sarili. He tried his best to move on for the past five years. Tumuloy naman ang agos ng buhay niya kahit na nawala ang mommy niya pero bakit pakiramdam niya ngayo’y tila hindi pa rin talaga umuusad ang kanyang buhay?

Because there’s still an unresolved thing in your past. There’s still the truth that you don’t want to accept. And there’s still someone you’ve always been running away from.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.