“MOMMY, it’s me, Adam. Hindi ako mukhang si Adam ngayon pero alam kong alam mo kung ano ang nangyari sa’min ni Jared from up there. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa’yo. It’s still hard to be here, mom. It’s still hard for me to see you like this when you’re supposed to be here with me.”
Hindi alam ni Adam kung nakailang beses na siyang magsabi ng ganoong litanya sa harapan ng puntod ng mommy niya. Pero hindi katulad noon ay mas magaan na ang dibdib niya ngayon. Hindi niya alam kung dahil iyon sa mga bagay na nalaman niya ngayong araw o dahil sa unti-unti niyang pagtanggap sa presensiya ni Jared at nang mama nito. But a part of him was so glad that he can now breathe without that big of an angst against life.
“You’re brave, mom. Brave enough to accept and let go. May gusto pa sana akong itanong sa’yo pero hindi mo na ako magagawang sagutin ngayon. But still…why did you choose to love him, mom? Iku-quote ko si Elice. ‘Gano’n ba talaga ang magmahal? Nakaka-tanga?’” litanya pa ni Adam. Pagkuwa’y natawa siya sa sarili. “You’ll probably answer like what Elice did. Sabi niya, kung pwede lang daw pigilan ang puso matagal na niyang ginawa. But I felt so pathetic, mom. I’m not supposed to hate them. They’re supposed to hate us! Hate me!”
Napaluhod si Adam sa harapan ng puntod ng kanyang ina. Hindi niya nakaya angm halu-halong emosyon na nabubuhay sa kanyang puso ngayon. Pakiramdam niya’y malamig ang buong paligid pero may nagsisilakbong init na nagmumula sa kanyang puso. Na-overwhelm siguro siya sa mga emosyong naramdaman kaya napaluha na rin siya ngayon.
“All this time, akala ko’y ako ang biktima. Sure, dad is cold but mom, your love turned him to into that cold monster. We turned him to be like that. Kaya mommy, alam kong nangako ako sa’yo noon na gagawin ko ang lahat hindi lang sila maging masaya pero katulad ng ginawa mo, I will let go. Natatandaan mo pa ba ang mga sinabi mo sa’kin noon kung bakit ka na-in love kay daddy?”
“’Gwapo, matipuno at mayaman, gentleman, responsable, masinop at magaling kaya tinitingala ng lahat ang daddy mo. Pero higit pa sa mga ‘yon, compassionate siya at mapagmahal sa kapwa. Hindi niya tinuturing bilang mga utusan ang kanyang mga empleyado. The most wonderful thing that I loved about your dad? It’s his smile.’ Iyon ang sabi mo sa’kin no’ng bata pa ako. Kaya mommy, I’ll give both you and dad what you want. I’ll give dad back his smile. At para mangyari ‘yon ay hindi ko dapat hadlangan ang pagpapakasal niya sa mama ni Jared.”
“This might probably hurt you but I’m not betraying you, mom. I’m just doing what I think is right and what’s best for all of us. Nakakapagod din. Kaya magpahinga na tayo, mommy. Rest in peace, okay? I’ll live my life to the fullest.”
Pinakawalan ni Adam ang lahat ng angst at frustration na nararamdaman niya mula pa noong nakalipas na limang taon. Iniyak na niya ang lahat ng sama ng loob niya roon. Totoo ang sinabi niya kanina. Hahayaan na niyang pakasalan ng daddy niya ang mama ni Jared. Hindi na siya makikialam pa sa mga ito. Hahayaan na rin niyang ang tadhana ang maghusga kung sino ba sa kanila ni Jared ang nararapat para kay Kris.
He’ll go with the flow but he will not lose his battles without trying either.
Dahil siguro sa kakaiyak ay nakatulog si Adam sa may gilid ng puntod ng kanyang ina. Nagising na lang siya dahil may naramdaman siyang pagtapik-tapik sa kanyang balikat at mukha. Akala niya’y panaginip lang nang makita niya ang mukha ng kanyang ama pero totoo pala iyon nang magsalita ito.
“Ano’ng ginagawa mo dito?”
Obviously, dumadalaw sa mommy ko, gusto sanang isagot ni Adam dito pero mabuti na lang at hindi niya ginawa dahil sa itinawag nito sa kanya.
“Jared,” sambit ni Roberto sa pangalang nakikita nito sa kanya.
“I came here to give my respect,” seryosong sagot niya rito. Tumango ito at nag-alay ng mga bulaklak at kandila sa harap ng puntod ng kanyang ina.
“You may go now,” utos sa kanya ni Roberto.
“Did you ever love her?” curious na tanong ni Adam sa ama.
“I may not have loved her but I respected and chose to marry her,” sabi nito. Pagkuwa’y nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. “Pero ‘yon siguro ang dahilan kung bakit may malaki akong kasalanan kay Adam. I wasn’t able to appreciate his mother’s love. Kaya akala niya siguro’y hindi ko rin siya mahal. He might’ve felt neglected. Pero hindi ko rin naman alam kung paano siya susuyuin dahil pareho kaming nagkaroon ng matigas na puso.”
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Ninamnam at isinapuso ni Adam ang mga sinabing iyon ng kanyang ama. His father cares for him after all.
“Try again,” sagot niya rito saka ito tinalikuran at naglakad palayo.
Dapat ay pupuntahan ni Adam si Jared sa Villarosa & Associates’ building pagkagaling niya sa sementeryo dahil sinabi nito sa text na naroon pa daw ito. Pero nang makita niyang lumabas doon si Elice at maya-maya’y pumasok naman si Kris ay nagpasya siyang sa apartment na lang niya ito hintayin. Iyon nga lang, hindi siya pinayagang matahimik ng curiousity at pagseselos niya kaya nagpasya siyang sundan sina Kris at Jared.
Napabili pa siya ng eye glasses at face mask para masundan ang mga ito na parang isang stalker. He tried blending in with the crowd when the two of them entered a buffet restaurant and the café near it later. Nakaupo lang siya patalikod sa mga ito kaya hindi siya nakikita ng dalawa. At iyon din ang dahilan kung bakit narinig niya ang mga sinabi ni Kris.
Adam knew that Kris doesn’t love him the way he loves her. But it wasn’t a hopeless case. Naniniwala siya na hindi naman hopeless ang nararamdaman niya para dito. Na balang araw ay matututunan din siya nitong mahalin. Pero nakita na niya ngayon kung bakit hindi siya nito matutunang mahalin.
She was still in love with Jared. Or the memories of him that she can’t let go of. Or the years that they’ve spent together before.
Pero napaisip siya sa mga sinabi ni Kris kanina—sa mga tanong na para sa kanya.
“Mahal mo ba ako just because you do o mahal mo ako dahil sa koneksyon ko kay Jared? Not really my connection with him, pero ‘yong katotohanang pakiramdam mo ay pareho tayong biktima kaya nakahanap ka ng kakampi sa’kin so, you want us to stick together. Gano’n?”
No. Adam was certain that he loved her because she inspired him. Pero anong magagawa niya kung kahit gaano pa siya katagal manatili sa piling ni Kris ay hindi pa rin siya kayang mahalin nito? Ito ba ang isa pa sa rason kung bakit nagkapalit sila ni Jared? Para ma-realize niya na wala siyang pag-asa kay Kris?
Fuck. That spring is really teaching me a hard lesson.
“PAANO ka nakapasok dito?” gulat na tanong ni Jared kay Adam nang mabungaran niya itong nanonood ng TV pagpasok niya sa apartment nito. Kararating lang niya doon dahil hinintay pa nila ni Kris na tumila ang ulan bago umuwi.
“May spare key ako sa ilalim ng doormat sa labas ng apartment ni Kris. Bakit ngayon ka lang nakauwi?” tanong ni Adam.
“May tinapos pa akong trabaho—“
“What? You shouldn’t do that! Alam ng lahat na hindi ako nag-i-stay sa office para magtapos ng trabaho. Isa pa, bakit mo pinakialaman ang trabaho ko?” kastigo ni Adam sa kanya. Kaya pala ganoon na lang ang gulat at pangangastigo sa kanya ni Elice kanina.
“First of all, that’s a habit you shouldn’t be proud of. And honestly, hindi ako mapakali na makitang ganoon kagulo at katambak ang mga papeles sa office desk mo. You’re welcome, Adam,” sarkastikong sabi niya rito.
Adam made an exasperated sigh. “Bahala ka. Ikaw naman ang maghahanap ng palusot kapag may nakapansin na nagbago ka.”
Napakamot si Jared sa kanyang noo nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ni Elice kanina. “Sa tingin ko ay naging harsh yata ako kay Elice kanina. Ang weird ko daw kasi bakit daw hindi ako nagalit sa kanya gayong nalaman kong nakipag-date siya sa’yo. Sabi ko naman sa kanya, matanda na siya para gumawa ng mga sarili niyang desisyon. At nasabi ko din sa kanyang magdi-dinner kami ni Kris kaya baka—teka, alam mo bang may gusto siya sa’yo?”
“I know. You win, Jared,” sabi nito sa kanya. Napakunot-noo siya rito. “Alam ko na kung bakit ito nangyari sa’tin. It’s…for me. For me to see and know things I didn’t know before. This is life telling me that I’m so immature and selfish before. Kaya tama ka sa mga sinabi mo sa’kin noon,” seryosong sabi ni Adam.
“May…nangyari ba?” tanong niya rito.
“Ah, alam mo na siguro dahil si Elice ang nakasagot ng tawag mo kanina. Why the hell are you allergic to shellfish? You’re missing out on life,” natatawang sabi ni Adam.
Si Jared naman ang napabuntong-hininga. Adam was trying to be comedic to dismiss all the crazy things that he’s feeling right now—Jared had bet.
“Anyway, ginawa ko ang sinabi mo kanina. Hindi ako lumabas ng opisina mo at sinunod ko ang gusto ng mama mo. As you know, s-in-et up kayo ng mama mo ni Elice. Uunahan na kita, kahit na alam kong wala kang balak na patulan si Elice pero kung sakali mang maisip mo, don’t even dare go near her,” pagkuwa’y banta ni Adam.
“Kaya mo bang hindi kumustahin o lapitan man lang ang best friend mo habang nasa katawan kita?” tanong naman ni Jared dito.
“No. Pero marami pang paraan para magkaroon ako ng contact sa kanila,” ani Adam.
Sumang-ayon si Jared sa sinabi nito. “Kumusta ang mama ko? At si Papa, nahalata ka ba niya?”
“Your mother is…such a mom. And that man, I don’t think he noticed. But I guess, somehow, he changed,” makahulugang saad ni Adam. “Si Kris? Kumusta siya? Nakahalata ba siya? Ang project namin kumusta?” pag-iiba nito ng usapan bago pa siya makapagbigay ng komento tungkol sa sinabi nito sa kanilang ama.
Siyempre, nasaktan noon si Adam sa kanilang ama dahil pakiramdam nito’y pinabayaan ng matandang Marasigan ang mommy nito. Pero hindi rin naman makontra ni Jared ang labis na pagpapahalaga noon ni Roberto sa kanila ng mama niya dahilan para maramdaman nina Adam ang neglect at abandonment mula rito. Ang masasabi lang niya’y maaari namang ayusin ang relasyon ng mga ito—nilang lahat—ngayon.
“Kris is fine. Wala kang dapat ipag-alala sa kanya. At hindi ko pakikialaman ang proposal n’yo,” seryoso at nangangakong sabi niya rito. Sa wala pang mahigit bente-kwatrong oras na pagkakapalit nila ng katawan ay marami nang natutunan si Adam. Life must’ve slapped him hard on the face today.
“Right. Pero hindi pa rin ako sumusuko kay Kris. Enjoy being with her while you can,” nakangising sabi ni Adam.
Siya naman ang napangiti dito. “I’ll make it last for sure.”
“Masaya ka pa rin kahit ako ang nakikita niya sa’yo?” tila nang-aasar na sabi ni Adam. “Ah, that hidden spring had really cursed me. Ako ang humiling pero ikaw ang nakinabang?”
“Don’t you think this is life’s way of saying that Kris is not meant to be for you?” seryosong sabi niya rito. Naalala niya ang mga sinabi ni Kris kanina. Gusto na niya sana iyong sabihin kay Adam pero dapat nito iyong marinig mula mismo kay Kris.
“Ah, is that so? Fine. Subukan mong kunin muli ang loob niya,” tila nanghahamon namang sabi ngayon ni Adam.
“I will.”
“Fine. Oo nga pala, Jared. Maintain the cleanliness of my apartment, okay?” bilin ni Adam.
“Saan ka tutuloy?” kunot-noong tanong niya rito. Ipinagtaka niya iyon dahil kaninang umaga lang ay mariin nitong ipinagpipilitan na sa apartment nito sila parehong titira—dahil kapitbahay nga nito si Kris. Ano’ng nangyari sa araw nito para ganoon kadaling magbago ang isip ni Adam?
“Saan pa kundi sa bahay n’yo. Ayokong makahalata ang mama mo. Oh, and while you’re me right now, don’t forget to do what Elice wishes to. Take care of her too at ipapangako ko sa’yong walang mangyayaring masama sa mama mo,” seryosong sabi ni Adam saka ito naglakad patungo sa exit ng rooftop.
“’Will do,” sabi na lang niya rito kahit nagugulumihanan pa rin siya sa mga desisyon ni Adam ngayon.
“One more thing, Jared. I’m sorry,” nakatalikod na sabi ni Adam. Pero gayunpama’y pakiramdam ni Jared ay natanggal na ang batong limang taon nang nakapatong sa puso niya—at siguro’y ganoon din ang pakiramdam ni Adam ngayon.
Fuck. This is both a miracle and a curse.
---
FIVE DAYS later. Adam can’t help but to pace back and forth inside Jared’s bedroom. Ngayong hapon na ang “paghaharap” sa pagitan ng M Architects at Villarosa & Associates pero hindi pa rin sila bumabalik sa dati. Naihilamos ni Adam ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha. Ito na yata ang pinakamadugong linggo para kina Adam at Jared hindi lang dahil sa kanilang pagpapanggap at pagtatago kundi na rin sa paggawa ng kani-kanilang proposal.
Nagpunta na rin sina Adam at Jared sa Marinduque para subukang humingi ng lunas sa isang kilalang “witch” o nagpaparaya doon—kahit hindi niya maintindihan ang koneksyon sa nangyaring pagpapalitan nila ng katawan ni Jared. Ayon kay Jared ay baka maari raw kontrahin ng witch ang nangyari sa kanila. Pero wala rin namang nagawa ang witch na iyon dahil hindi pa rin sila bumabalik sa dati. Katulad din ito ni Tatang Wasto.
“Jared, kain na tayo,” sigaw ng mama ni Jared mula sa labas ng kanyang kwarto.
Awkward pa rin si Adam sa mama ni Jared—dahil hindi naman ganoong kadaling gustuhin ito—pero nagawa naman niyang makahinga at makatagal sa bahay ng mga ito sa loob ng limang araw. That’s a good thing, right? Hindi naman niya pinipilit sa kanyang sarili na tanggapin ito sa buhay niya o sa buhay ng daddy niya. Honestly, he missed having a mother and Jared’s mother is a superb one. Kahit minsan ay nasasakal siya sa pagbe-baby nito kay Jared—o sa kanya—makakasiguro siyang aalagaan nito ng higit pa sa inaasahan ang daddy niya.
“Anak, nakausap mo na ba si Adam?” tanong ng mama ni Jared sa kanya habang kumakain sila ng agahan.
“Oo,” simpleng sagot niya rito.
“Okay na kayo? Gusto daw ba niyang pumunta? Ano’ng sabi niya?” sunud-sunod na tanong ng mama ni Jared.
“Okay daw,” mahinang tugon ni Adam. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tila nag-init ang gilid ng kanyang mga mata kaya nagpaumanhin siyang kukuha ng tubig sa ref. Ipininagpasalamat na lang niyang hindi siya pumiyok nang sabihin niya iyon.
“Alam mo, anak, gusto ko talagang makausap si Adam. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko naman aagawin ang pwesto ng mommy niya. Siguro, pwede niyang isipin na…family addition lang ako? ‘Ay, parang masama din naman ‘yong pakinggan, ‘di ba? Hay, pasensiya na rin kung naging ganito kakomplikado ang buhay natin, anak.”
Gusto itong sigawan ni Adam dahil sa mga sinabi nito. Naalala niya dito si Elice. Bakit ba may mga taong mas iniisip pa siya kaysa sarili ng mga nito? Adam was stricken by a big bag of guilt again. Dahil hindi niya maharap ng maayos ang mga ito. Pero pakiramdam din niya’y may mainit na kamay na humawak sa kanyang puso.
“Hindi mo na kailangang kausapin pa si Adam. Ang gusto lang niya ay…maging masaya kayo ni…papa.”
Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na tinapos ni Adam ang pagkain at nag-ayos na papuntang opisina. Pagdating niya sa M Architects ay inayos ng team ni Jared ang lahat ng dapat ayusin bago sila pumunta sa Silver Grande Hotel kung saan na-move ang venue ng presentation para sa Calypso project. Binigyan niya ng special instructions ang mga ito para matapos ang proyektong iyon ayon sa direksyon ni Jared. At ibinilin naman ni Adam kay Jared na sundin lahat ng sasabihin ni Kris.
Habang patungo sa venue ay binuksan ni Adam ang kanyang Facebook Messenger—na siyang tanging method of contact niya kina Kris, Elice at Chino habang nasa katawan pa niya si Jared.
Adam Elizondo Marasigan: You did great, Kris! You got this.
Kris Roxan Caniete: Bakit nag-message ka pa sa’kin gayong magkasama tayo?
Adam Elizondo Marasigan: Para mas dramatic. ;)
Napangiti si Adam nang makita ang malaking smiley na ipinadala ni Kris. Pero natigilan siya. He’s such a jerk. Sinasabi niyang mahal niya si Kris pero hindi naman niya maalis sa kanyang isipan si Elice. At the end of the day, pareho lang siyang nagiging unfair sa dalawang babae. Pareho lang niyang masasaktan ang mga ito kaya siguro’y dapat itigil na niya ang lahat.
Just die, Adam.