“ADAM. Adam. Adam…Adam!”
Nagulat si Jared dahil sa pagsigaw ni Elice sa may tapat ng kanyang tainga. Nakalimutan niyang siya nga pala si Adam ngayon. Nagreklamo siya rito pero tumawa lang ang babae. Nasa Villarosa & Associates’ office silang dalawa dahil may tinatapos pa siyang plano at naroon naman si Elice ngayon dahil hinatid nito roon ang sasakyan ni Adam.
“Himala ah! From being a procrastinator to a very dedicated architect. Ano’ng nakain mo? Sabihin mo sa’kin nang maipagluto kita araw-araw,” pabirong sabi ni Elice.
Napailing siya rito. “Hindi ba pwedeng kailangang-kailangan ko lang talagang tapusin ang mga ‘to ngayong araw?” sagot naman niya rito. Pero ang totoo’y hindi siya mapakali ng may naiiwang trabaho sa opisina.
Maliban doo’y may usapan sila ni Adam na pareho silang a-absent bukas dahil uuwi sila sa Marinduque para kumonsulta sa isang pinaghihinalaang “witch” na nakatira doon. Baka sakaling may alam itong ritual na makakapagpabalik sa kanila ni Adam sa kani-kanilang katawan.
Muling lumapit si Elice sa kanya at binuklat ang folder na naglalaman kanina ng mga contents ng planong ginagawa niya. “Kakabigay lang nito sa’yo ngayon ah. Oh,” ani Elice habang itinuturo ang date ngayon sa cover ng folder.
Tumikhim siya at itinabi ang folder. “May malaking project kaming ginagawa nina Kris kaya gusto ko agad tapusin ang ibang project na binigay sa’kin,” paiwas na sabi niya rito na may bahid namang katotohanan. Hindi ba ganoon ang gagawin ni Adam?
“Ah. Dahil kay Kris. Fine,” tumatangong sabi nito.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ni Elice. Naghahanap ng hint na nagseselos ito. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito kay Adam. At tanga lang si Adam dahil hindi ito napapansin iyon.
“Oh, bakit?” kastigo nito kay Jared nang mapansin nitong nakatitig siya rito.
“Wala. Hindi ka pa ba uuwi? May pasok ka pa bukas, ‘di ba?” aniya rito.
Ito naman ang nagmasid ng mabuti sa kanya. “There’s something fishy about you today. Feeling ko may tinatago kang sikreto sa’kin.”
“Ano namang isi-sikreto ko sa’yo?”
“You tell me. Parang nagbago ka in a short span of time. Katulad ngayon, you’re a procrastinator pero heto’t daig mo pa ang naghahabol ng deadline kung tapusin mo ang planong ‘yan gayong kabibigay lang sa’yo n’yan kanina. Not that this is a bad thing but it’s just…not so you. At bakit may contact ka pala kay Jared? Since when were you close with him? Isa pa, bakit parang napakakalmado mo yata kahit alam mong naka-date ko siya kanina?” pangangastigo sa kanya ni Elice.
Natigilan si Jared. Nabasa kaya nito ang text niya kay Adam kanina? “He contacted me first,” palusot niya rito. “At ano’ng gusto mong maging reaksyon ko sa date n’yo ni Jared? You’re big enough to handle yourself, Elice. Alam ko namang hindi ka na uulit pang muling makipag-date kay Jared.”
Si Elice naman ang natigilan sa mga sinabi niya ngayon. Pero kasabay ng pagkagulat ay sakit ang nakita niya sa mga mata nito. Shit. Ano ba’ng mga sinabi ko?
“R-right. You really are weird today,” sabi ni Elice na tila kinikilala pa siya. “Anyway, sa labas na lang kita hihintayin. Magpapahangin lang ako.”
“Elice, may dinner kami ni Kris ngayon kaya ‘wag mo na akong hintayin,” nag-aalangang sabi niya rito. Hindi niya intensyong saktan si Elice pero hindi rin niya ito gustong imbitahan sa dinner nila ni Kris gayong gusto niyang sulitin ang oras na magkasama silang dalawa.
“Ah, okay. Next time na lang.”
“Yeah. Next time,” sang-ayon na lang niya rito. Pagkaalis ni Elice ay sakto namang tumawag si Kris, so it wasn’t really the time to feel guilty. “Oh? Pauwi na rin ako,” sabi niya pagkasagot sa tawag nito.
“Eh? Nasaan ka ba? Pabalik ako sa office dahil may nakalimutan ako do’n,” sabi naman ni Kris sa kabilang linya.
Napangiti si Jared. “Ah, this must be fate. Nasa office pa rin ako. Hintayin na lang kita dito.”
“Ah, talaga? Sige. ‘Tapos sa labas na lang tayo kumain. Baka late na tayong makauwi at makakain kung magte-takeout tayo ng Chinese food,” sabi pa ni Kris.
Natawa si Jared sa sarili. Kahit wala namang nakakakilig sa sinabi nito’y kinikilig siya.
“Okay. Whatever you say. See you.”
“AYOKO na!” halos habol ang hiningang sigaw ni Kris.
Sa isang Asian buffet restaurant kasi sila kumain ni Adam. Masyado niyang nagustuhan ang mga dimsum, sushi at samgyeopsal kaya napakabigat ng tiyan niya ngayon. Pero heto si Adam at patuloy pa rin sa pag-iihaw ng karne sa grill na nasa gitna ng kanilang mesa.
“Kumain ka pa. I always love it when you eat,” nakangising sabi ni Adam.
Inilingan niya ito. “Feeling ko puputok na ang tiyan ko,” sabi niya rito. Bilang patunay ay pinakita niya ang bondat niyang tiyan dito. “Kailangan ko ‘tong i-gym! Bakit kasi pumayag pa akong mag-buffet tayo ngayon?”
“I’d still love you kahit tumaba ka,” magiliw na sabi ni Adam sa kanya.
“’Sus! May nagsabi din sa’kin ng ganyan noon,” pabirong sabi niya rito.
Nakita niyang natigilan si Adam. Bumalong ang lungkot at pagsisisi sa mukha nito na ikinakunot ng noo ni Kris. Naroon na naman ang kakaibang kutob ni Kris na hindi niya mawari kung ano. Basta ang alam niya’y may iba kay Adam ngayon—na may nagbago dito.
“Kris, kung…gusto bang makipagbalikan sa’yo ni Jared, matatanggap mo siyang muli? Mabibigyan mo ba siya ulit ng chance kapag lumapit siya sa’yo?” seryosong tanong ni Adam sa kanya.
See? May weird talagang nangyari dito, sabi ni Kris sa kayang sarili. Ngayon lang tila naging seryoso si Adam sa harapan niya—kahit na alam niyang may katotohanan naman ang mga sinasabi ni Adam sa kanya noon pabiro man nito iyong sabihin. Adam always has a way of creating a fun vibe though the topic or the situation is serious. It’s weird that he’s serious in a normal occasion like this and he appears to be calm and collected. Parang si Jared. At kanina pa niya iyon nararamdaman dito.
“Isa lang ang nasa isip ko na may kinalaman kay Jared ngayon at ‘yon ay ang manalo sa bidding ng Calypso project laban sa kanya,” sagot ni Kris kay Adam.
Ngumiti sa kanya si Adam pero banaag pa rin sa mga mata nito ang lungkot at pagsisisi. “Right. We’ll get them.”
Inubos lang nila ang huling batch ng inihaw ni Adam bago sila lumabas sa restaurant. Pero sa paglabas nila ay bigla namang buhos ng ulan. Hindi naman iyon malakas pero wala silang dalang payong kaya nagpatila muna sila ng ulan sa café katabi ng buffet restaurant.
Ah, rain. I hate you, sa isip-isip ni Kris. Mas gusto niya talaga ang maaraw kesa ang maulan dahil pakiramdam niya’y ang lungkot-lungkot ng paligid tuwing umuulan. Pero may isang masayang alaala siya sa ulan noon.
Nasa may grandstand ang buong klase nina Kris dahil nagsu-survey sila ng lugar. Kailangan kasi nilang i-drawing ang lugar sa kani-kanilang interpretasyon. Nagsisimula nang gumawa ng sketch si Kris nang makita niya ang isang patak ng ulan sa kanyang sketch pad. Hindi siya mahilig magmura pero nagpakawala siya ng isang mahinang mura nang magsunud-sunod ang mga patak ng ulan. Napabalik tuloy sila sa kanilang classroom.
Yakap ni Kris ang kanyang sketch pad para matabunan ang basing bahagi ng kanyang dibdib. Puti kasi ang pang-itaas nilang uniform kaya bakat doon ang suot niyang itim na bra. Nagulat siya nang pagpasok niya sa kanilang classroom ay may humila sa kanya at agad siyang sinuotan ng malaking jacket—si Jared.
“Magpalit ka n’yan at patuyuin mo na lang ang uniform mo sa dryer sa CR,” sabi ni Jared sa kanya sabay abot sa isang puting t-shirt. Napamata lang dito si Kris. Nakalimutan niya ang ulan dahil mas malakas pa sa mga patak na iyon ang tibok ng kanyang puso ngayon.
Umugong ang malakas na tuksuhan sa loob ng kanilang classroom. “Naku! Binakuran na talaga ni Jared si Kris!” sigaw ng isa nilang kaklase.
“Ano’ng ‘binakuran’? Inangkin na ‘kamo!” tukso naman ng isa pa. Dahil doon ay tila nakalimutan din ng katawan ni Kris ang lamig na dulot ng pagkabasa niya sa ulan dahil biglang nag-init ang buong katawan niya—lalo na ang kanyang mukha. There’s something possessive about wearing someone’s shirt. It makes the whole world know that you’re his and he’s yours.
Pinisil ni Jared ang ilong ni Kris para kunin ang kanyang atensyon. “’Wag mo silang pansinin,” sabi nito sa kanya saka siya marahang itinulak palabas ng kanilang classroom.
May ngiti sa labi na nagtungo si Kris sa ladies’ room na malapit sa kanilang classroom. Ginawa niya ang sinabi ni Jared. Habang nagpapalit ng damit nito’y inamoy pa niya iyon at niyakap-yakap. Alam niyang para siyang tanga pero wala siyang pakialam. Kinikilig siya at hahayaan niyang kiligin ang sarili niya.
“Kris, kayo na ba ni Jared?” tanong ng isang kaklase niya habang nagpapatuyo siya ng kanyang uniform.
“Hindi pa,” sagot niya rito.
“Uy, hindi ‘pa’. Pero malapit na ba?” nanunuksong tanong nito.
Natawa siya rito. “Konti na lang,” aniya.
Nang matuyo ang kanyang uniform ay nagpalit siyang muli niyon. Naghanda na siya sa susunod na klase at sa halip na ibalik kay Jared ang mga ipinahiram nitong damit ay hindi niya ginawa.
“Aba, Miss Kris! Hindi mo na ‘ko kailangang ipakulam dahil sa’yong-sayo na ako,” pabirong sabi ni Jared nang hindi niya ibinalik dito ang kanyang damit.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ano’ng ‘kulam’? Lalabhan ko lang bago ko ulit ibalik sa’yo,” katwiran niya rito.
Natawa at napailing sa kanya si Jared. “’Sabi ko nga. Pero alam mo na ha?”
“Na ano?”
“Na love kita,” nakangiting sabi nito.
Kinagat ni Kris ang pang-ibaba niyang labi para pigilan ang sarili sa pagngiti. Lampas-ulo na yata ang kilig na nararamdaman niya ngayon. “Oo na.”
“Oo na? As in, sinasagot mo na ‘ko?” hoping na tanong ni Jared. Pero dahil dumating na ang susunod nilang professor ay hindi na niya ito nasagot pa. Napangisi na lang siya rito.
Iyon na lang ang naging klase nila para sa araw na iyon dahil hindi daw makakapasok ang huli nilang professor. Kaya maaaga silang makakauwi ngayon. Pero bago umuwi ay dumaan muna si Kris sa volunteer organization na kinabibilangan niya dahil umuulan pa rin at wala siyang dalang payong. Nagpaalam na sa kanya si Jared pero hindi nagtagal ay nagpunta din ito sa clubroom nila na may dalang payong na pulos smiley face.
“’Sabi mo kasi ayaw mo sa ulan dahil nalulungkot ka tuwing umuulan. Kaya ito ang binili ko para sa’yo,” magiliw na sabi ni Jared saka ipinatong sa mesang nasa harapan ni Kris ang paying na binili nito.
“Hindi mo naman kailangang bilhan pa ‘ko nito,” sabi niya pero thankful siya sa thoughtfulness nito.
“Pero gusto ko. At may isa pa akong bagay na gustong gawin,” ani Jared.
“Ano?” kunot-noong tanong ni Kris.
Sa halip na sagutin ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. “Ito. Sa’yo na ang t-shirt ko. Pati na rin ang puso ko. Babawi na lang ako sa ganito. Mas better naman talaga ang ganito kaysa t-shirt lang na sinuot mo ang yakapin ko, ‘di ba?”
Ipinilig ni Kris ang kanyang ulo para maalis sa isipan ang alaalang iyon dahil tila ramdam pa rin niya ang kilig na naramdaman niya noon hanggang ngayon. It’s all in the past, sabi ni Kris sa sarili.
On the other hand, marami siyang masasayang alaala ng ulan pagkatapos noon nang maging parte si Jared ng buhay niya. But life is a cycle—you’ll be happy and hurt again. Kaya kung sasagutin niya ang tanong ni Adam kanina ay “hindi” siguro ang isasagot niya rito. Dahil may posibilidad na masaktan siyang muli. At sino bang may sabing gusto siyang balikan ni Jared?
“Café latte for Kris,” sabi ni Adam nang ibigay nito ang kanyang order.
Nagulat siya ng puno ng smiley ang cup at sleeve ng kape niya. “Oh? Ano’ng ginawa mo dito?” aniya. Somehow, it reminded her of that smiley umbrella that Jared had bought her before.
Ugh. Stop it, self. Bakit ba panay ang alala ko kay Jared ngayon? If this keeps up, I might fall in love with him again because of those memories, sabi ni Kris sa sarili.
“Mukha ka kasing malungkot kaya ‘ayan,” sabi ni Adam.
“Thank you, Adam. I’ll keep the sleeve,” nakangiting sabi niya rito.
“Can you keep me instead?” banat ni Adam.
Natawa siya sa banat nito at sa halip na sagutin ito’y uminom na lang siya ng kape. Pero napaisip din siya kung kaya ba hindi pa rin tumitigil sa pangungulit sa kanya si Adam ngayon ay dahil hindi niya ito binibigyan ng malinaw na sagot. Was she giving him false hopes?
“Adam, let’s get things straight here,” aniya.
“Go on,” udyok nito sa kanya.
“Mahal mo ba ako just because you do o mahal mo ako dahil sa koneksyon ko kay Jared? Not really my connection with him, pero ‘yong katotohanang pakiramdam mo ay pareho tayong biktima kaya nakahanap ka ng kakampi sa’kin? So, you want us to stick together. Gano’n?” seryosong tanong niya kay Adam.
Hindi siya nasagot ni Adam. Nakatitig lang ito sa kanya na tila pinag-iisipan din ang sinabi niya kaya nagpatuloy siya sa mga gusto niyang sabihin dito.
“Am I giving you false hopes? If yes, I’m sorry, Adam. Gusto kitang maging kaibigan at ayaw kitang masaktan kaya hindi kita maitaboy ng hard. Pero gusto kong ipaliwanag sa’yo na hindi ko talaga matatanggap ang pagmamahal na ibinibigay mo sa’kin. Sure, I do appreciate it and I like you. Pero hindi kita kayang mahalin ng buong-buo,” paliwanag niya rito.
And Adam did the weirdest thing since she met him, he simply nodded.