MEGAN walked through the aisle as if she’s the bride. Well, she felt like she is. Lalo na ng makita niyang naghihintay din sa altar si Ken kasama si Seth. Siya ang huling maglalakad bago ang bride. Amazement ang nakikita niyang ekspresyon ng mga taong naroon habang nakatingin sa kanya kaya feel na feel talaga niyang siya ang ikinakasal.
Pero kinakabahan din siya dahil habang naglalakad siya’y magkahinang ang mga mata nila ni Ken. Pagkasabik, lungkot, panghihinayang at pagmamahal ang nakikita niya sa mga matang iyon. Ganoon din naman ang nararamdaman niya. Missed na missed na niya ito. Malungkot din siya dahil wala pang katuparan ang pagmamahalan nila.
Masarap sa pakiramdam ang isiping sila ni Ken ang ikakasal. Kaya naidalangin niya na sana’y maging totoo iyon sa near future. Tanggap mo na ba ang ginawa niyang kasalanan? Ang sagot niya, kailangan nilang mag-usap ni Ken.
Nag-beso sila ni Seth pagkatapos ay parang iniabot siya nito kay Ken. Wala silang nagawa kundi mag-beso rin. Hinalikan siya sa pisngi ni Ken. Paghawak pa lang nito sa balikat niya’y nanlamig na siya. Kinakabahan siya. At paglapat ng labi nito sa pisngi niya’y nag-init ang buong mukha niya. Ang init na nagmula sa labi nito ang nagdala ng kakaibang init sa buong katawan niya.
“You look great!” nakangiting bati nito pagkatapos. Wala naman siyang naapuhap na sasabihin. Her heart became erratic.
Nang dahil sa sinabing iyon ni Ken ay hindi siya masyadong nakapag-focus sa seremonyas ng kasal. Hindi naman siguro magagalit ng sobra-sobra ang Diyos sa ginawa niya dahil hindi naman sa simbahan ang kasal.
Garden wedding ang kasal nina Candy at Seth dahil na rin Old English ang theme noon. Doon na rin magre-reception. Sa kabilang bahagi ng garden.
Para sa kanya at siguro sa ibang guests, ideal wedding ang kina Candy at Seth. Kitang-kita ang pagmamahalan ng mga ikakasal. Higit sa lahat, siya ang nakaramdam ng sakit at saya sa pagmamahalang iyon. Siya rin ang naging dahilan kung bakit narito’t ikakasal ang dalawang ito. Kundi dahil sa pagkagusto niya kay Seth noon, naging malapit dito si Candy at nagkaibigan ang mga ito habang inilalakad siya ng huli sa una. Sa huli, masaya siya para sa dalawa.
“You may now kiss the bride!” masayang hayag ng pari.
Nagpalakpakan silang lahat habang pinapanood na maghalikan ang dalawa. This was their moment. When is going to be hers?
ISA SA mga naging hostess ng kasalang iyon ay si Megan. Marami kasi ang dumalo at hindi magkaugaga ang mga ikinasal sa kung sino ang uunahing asikasuhin kaya tumulong na siya. Babawi siya ngayon sa mga ito. Hindi siya nakatulong sa preparations kaya ngayon siya tutulong.
Hindi niya rin naiwasan ang mga tinatanong ng mga nakakausap niya.
“Hija, naunahan ka pang mag-asawa ng bunso mo. Hindi ka pa ba susunod?” tanong ng Tita Imelda niya na ina ni Tricia.
“Tita, darating din po ako do’n.” nakangiting sabi niya rito. Ganoon ang laging tanong ng mga nakakausap niya. Hindi naman siya nao-offend.
Hindi naiwasang mapagawi siya sa table ng pamilya nina Seth. Naroon ang mga magulang nito at maging ang pamilya nina Ken. Kilala niya ang mga naroon maliban sa isang couple na hula niya’y mga magulang ni Ken.
“Hello, everyone!” nakangiting bati niya sa mga ito. Nakangiting binati rin siya ng lahat doon kasama na ang mga magulang ni Ken.
“Timeout muna ako, Meg.” ani Tita Sonia.
“Okay lang po, Tita. Hindi po kasi ako nakatulong no’ng preparation kaya ngayon ako bumabawi.” aniya.
“Saan ka ba naman kasi nagpunta?” tanong ni Ate Iene na kapatid ni Ken.
“Sa Batangas po. Nagbakasyon lang ako.” sagot niya rito. Pagkatapos ay bumaling sa mga magulang ni Ken. “Have you eaten well, Ma’am, Sir?” tanong niya sa mga ito.
“Yes. The food’s great!” anang matandang lalaki.
“I would make your caterer on top of my list. Sila ang kukunin ko sa susunod na party sa bahay at sa kompanya.” sabi naman ginang.
“The caterer would surely be happy to hear that, Ma’am, Sir.” sabi niya.
“Who’s this pretty lady here, Ken?” tanong ng ginang sa anak.
“Mom, this is Megan, Candy’s sister. Meg, this is my Mom and my Dad.” pakilala ni Ken sa kanila. Nakipagbeso sa kanya ang ginang at kinamayan siya ng Daddy nito. Nakaramdam siya ng pagtatampo dito. Kung hindi pa nagtanong ang ina nito ay hindi pa siya ipakikilala.
“So, she’s the one we bought pizza for.” nakangiting saad ni Mrs. Lopez. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya akalaing alam nito ang tungkol doon.
“Kasama ko siya noong bumili ako.” paliwanag ni Ken.
“Ken, tumayo ka muna diyan at magku-kwentuhan lang kami.” utos nito sa anak. Agad namang tumalima si Ken. Pinaupo siya ng ginang sa upuan nito na mukhang excited na excited.
Ano naman kaya ang sinabi rito ni Ken tungkol sa kanya?
“Sorry about my Mom. Excited lang iyan na makipagtsismisan.” bulong sa kanya ni Ken. Tinanguan lang niya ito.
“So, kumusta ang bakasyon mo, Megan?” tanong nito.
“Okay naman po. Maganda po ang isla. You should go there.” aniya.
“Gusto ko nga. Pero ang sabi ni Ken may ginagawa pa raw doon. At saka, sa mga kakilala lang ng may-ari ang nakakapasok do’n.”
“Mayroon pa nga pong inaayos. Pero ‘pag tapos po noon ay io-open na po sa public ang lugar. Makakapunta rin po kayo roon.”
“I hope so. Dapat------------“ hindi na nito naituloy ang sasabihin ng magsalita ang emcee.
“Calling up all single ladies out there! Come on here on the dance floor please.” anunsyo nito. Alam na niya kung ano ang gagawin doon.
“Hija, may boyfriend ka na ba?” tanong ng ginang.
“Wala pa po.”
“O, eh ano pang ginagawa mo diyan? Huwag kang magpahuli. Pumunta ka na roon at nang makapag-asawa ka na rin.” udyok nito. Hindi lang naman ito ang nagpilit sa kanya. Nakita siya ng iba pang abay at hinila papunta sa dance floor. Wala na siyang nagawa kundi ang sumama.
Kanya-kanyang pwesto ang ibang mga abay. Sa may tabihan siya pumuwesto. Parang gusto namang makipagpatayan ni Ate Femi para lang makita ang bouquet. Alam niya, higit sa kanya, ito ang inuulan ng tukso. Mas matanda kasi ito sa kanila ni Candy pero wala pa rin itong asawa. Twenty-five na siya at treinta na ito. Si Candy ay twenty-three pa lang.
Pumuwesto si Candy sa gitna ng dance floor ilang metro ang layo sa kanila.
“Ready?” tanong ng emcee.
“Yes!” sigaw ng ibang abay maliban sa kanya. Bago pa man ihagis ni Candy ang bouquet nito ay kumindat ito sa kanya. Parang nahulaan na niya ang gagawin nito.
“One, two, three!” inihagis ni Candy sa direksyon niya ang bouquet. Itinaas niya ang dalawang kamay niya para sambutin iyon dahil tatamaan siya sa mukha niya.
“Woohoo!” sigaw ng mga tao. Nilapitan siya ng mga abay at niyakap siya.
“Congratulations, Miss Megan! Mukhang may susunod na namang kasalan mula sa pamilya ng mga Formosa.” anang emcee.
Lumapit sa kanya si Candy at niyakap siya.
“Congrats, sis!” nakangising saad nito.
“Sinadya mo ‘yon!” sita niya rito.
“I just want you to be happy.” katwiran nito.
Ang sumunod na nangyari ay kinuha ni Seth mula sa ilalim ng gown ni Candy ang garter na nakalagay sa hita nito. Nagsigawan ang mga tao dahil sumasayaw-sayaw pa si Seth habang umilalim ito sa gown ni Candy. Maging siya’y nakisigaw na rin at tawa siya ng tawa.
“Congratulations.” anang baritonong boses mula sa likod niya. Alam niyang si Ken iyon.
“Should I be thankful for that? Wala pa akong groom.” biro niya.
“Ikaw lang eh. Ayaw mo na sa’kin.” Napatda siya.
“I’ve heard that before.” makahulugang saad niya.
“What are you saying?” nagtatakang tanong nito.
“You should ask your guys. Mukhang napag-trip-an ka nila no’ng party niyo para kay Seth.”
“Yeah. Pero, hindi ko itatanggi kung anuman ang narinig mo do’n. It’s all true.” Napangiti siya. “Huwag kang mag-alala, hindi lang naman ako ang napag-trip-an ng gabing iyon.” makahulugang saad nito.
“What are you talking about?” tanong niya pero bago pa man ito makasagot ay nakuha ng emcee ang atensyon nila.
“Calling all bachelors out there! Come on here on the dance floor. Miss Megan’s waiting.” anito.
“Ken, kailangan mo munang dumaan sa tradisyon bago ka pumorma kay Megan.” kantiyaw dito ni Seth. Hawak-hawak na nito ang garter. Namula naman siya sa hiya dahil napunta sa gawi nila ni Ken ang atensyon ng mga tao.
“Umalis ka na nga dito.” bulong niya rito.
Wala na rin naman itong ginawa dahil hinila na rin ito ng iba pang lalaki katulad ng ginawa ng mga babae sa kanya. Mukhang sila ang pinagti-trip-an ngayon. Pakiramdam niya’y kay Ken din ihahagis ni Seth ang garter.
At katulad nga ng hula niya, si Ken ang nakasambot ng garter dahil sa gawi nito inihagis ni Seth ang garter.
Naghiyawan ang mga tao. Napuno ng tuksuhan ang buong lugar. Kanya-kanya ang pang-aasar sa kanila. Maging ang mga magulang nila’y nakisama rin.
“OKAY, now tell me. Ano iyong sinasabi mo kaninang hindi lang ikaw ang napag-trip-an?” tanong ni Meg kay Ken habang itinataas ng huli ang garter sa hita niya.
“You should ask you girls.” nakangising saad nito. Kinabahan siya.
“Look, I want to talk about it now.”
“Okay. Sige. Narinig ko rin lahat ng sinabi mo ng gabing iyon.” kaswal na saad ni Ken.
“Ano?” nanlaki ang matang tanong niya.
“Higher!” sigaw ng mga tao. Tinaasan naman ni Ken ang garter.
“Come on, Meg. Don’t you dare deny it. You said you love me.”
“So?”
“So? So, I love you too. I’m so sorry, Meg. I didn’t mean to fool or hurt you a bit. Like I said before, totoo lahat ng sinabi ko sa party na iyon na narinig niyo. Tama ka, we just had fun and we made each of us happy. Pero hindi lang doon natatapos iyon, we also made love.” Dahil sa sinabi nito ay namula ang magkabilang pisngi niya. “Kahit naman hindi nila ako sabihang bantayan ka, gagawin ko dahil gusto ko. Attracted ako sa’yo noong una. Only God knows how much I wanted the first time I tasted your lips. It felt so heavenly and perfect against mine. I kept thinking you time by time after that. Doon ko nalaman na hindi lang basta attraction ang naramdaman ko para sa’yo. You brought out the true me. That’s why I love you, Meg.”
“Higher!” sigaw pa ng mga tao. Above the knee na ang taas ng garter. Sadyang dinadahan-dahan iyong itaas ni Ken para siguro makapag-usap sila ng matagal.
“You sure?” paninigurado niya.
“Of course, I am!” Napangiti siya.
“I love you, too!” nakangiting saad niya.
“Higher!”
“Talaga lang ha? Baka joke lang iyan.” nakangising tanong nito.
“I mean it when I say that.”
“You mean what?” Pinanlakihan niya ito ng mata.
“I love you.” nakangiting bulong niya rito.
“Higher!” Muli ay itinaas nito ang garter.
“Ano?”
“Teka lang, sumu-sobra ka na ha. Pero aminin mo muna sa’kin kung kailan mo pa nalaman na mahal mo ako.” pagpapakipot pa niya pero natatawa siya sa itinatakbo ng usapan nila.
“No’ng teenagers pa lang tayo.” Nagulat siya sa inamin nito.
“As in?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yup!”
“Bakit hindi mo man lang ako nilalapitan noon? Nagulat nga ako no’ng lapitan mo ‘ko sa isla eh.”
“Higher!” muling sigaw ng mga tao. Itinaas muli ni Ken ng kaunti ang garter.
“It’s because I know that you’re in love with Seth. Hindi ako makaporma sa’yo kaya kailangan ko munang um-exit.” paliwanag nito. “Kaya noong nalaman kong pinipilit mong mag-move on, more than willing akong tumulong. At dahil doon, minahal kita. That same attraction turned into love.”
“Ang tagal naman niyan! Mamaya na kayo mag-away. Tapusin niyo na muna iyan!” reklamo ni Seth.
“Teka lang! Huwag ka munang sumingit!” reklamo din dito ni Ken.
“Meg, please believe me.” nagsusumamong sabi nito. Ginagap nito ang kamay niya at hinalikan iyon. Napabayaan na ang garter. Kawawang garter! Narinig niya ang sigawan ng mga tao. Mas matinding tuksuhan ang sumunod. Pakiramdam niya’y mas namumula siya ngayon.
“Ay! Nagpo-propose!” sigaw ng designer nila. “Sinasabi ko na nga ba eh. May something sila!” kinikilig na saad nito.
“Shut up, will you!” saway dito ni Ate Femi. Gusto talaga niya ito para kay Ate Femi. May kalaban na kasi si Ate Femi sa pagkaintrimidita nito.
“Talaga? What about the we-did-it-because-we-like-to-do-it thing? You didn’t say you love me because I’m not pregnant or something, right? It’s that simple?” she asked in a mocking voice.
“Hey, I did it because I love you and I want to do it!” mariing tanggi nito. “Oh, right. Si Reigna ang ipinagkakaganyan mo. Iyong nakasalubong mong babae sa restaurant dati. But believe me, I really love you that’s why we did it. And for the record, I plan to marry you. Kung gusto mo ngayon na.” paliwanag nito na lalong ikinainit ng pisngi niya. Pinandilatan niya ito ng mata. “What? Totoo naman iyon eh.” nakangising saad nito.
“It’s not funny, Ken. Tapusin mo na ‘to.” Nahihiya na kasi siya. Sa kanila na nakapokus ang atensyon ng lahat. Tumayo na ito.
“Everyone! I want you all to know that I love Megan! Totally, completely, with all my heart. I really love her!”
Wow! Bumawi! Her heart rejoiced. Kilig na kilig siya.
Malakas na hiyawan at palakpakan ang sumunod.
“Anak, ‘yan ha. Tapos na ang problema mo. Sus! Ken, alam mo bang hindi makatulog iyan sa gabi sa kakaisip sa’yo. Pati ako ay hindi rin makatulog.” singit ng Papa niya.
“Papa!” saway niya rito. Nakangisi namang sinaluduhan ito ni Ken.
“Buking ka na! Huwag ka ng tumanggi. Pinahirapan mo pa ang loob ko sa sinabi mo sa’kin dati.” panunukso ni Ken.
“Hoy! Huwag mo akong sisisihin dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit nag-away tayo. ‘Tapos-------“ Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin dahil kinabig na siya nito at hinalikan sa paraang missed na missed talaga siya nito. His kisses told so. Lalong nagkaroon ng ingay dahil sa palakpakan at hiyawan ng mga tao.
“I love you! I love you! I love you! Gazillion times na ‘I love you’!” sigaw nito nang maghiwalay sila. “You don’t love Seth anymore, right?” tanong nito. Tiningnan niya sina Seth at Candy na nagkukulitan ngayon.
“Nope. He’s happy with my sister. I’m happy for the both of them. At kahit na may utang pa siya sa’kin, napagbayaran mo na naman iyon.”
“Ano iyon?”
“He gave you to me.” nakangiting sagot niya.
“What?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“I love you too!”
“Ano?”
“Maswerte si Candy kay Seth.” biro niya. Pero may katotohanan naman iyon.
“Maswerte ka rin naman sa’kin ah.” kunwa’y nagtatampong saad ni Ken.
“Oo nga eh. Kaya nga love na love kita eh.” nakangiting saad niya.
“Ha? What did you say?”
“I love you!” sigaw niya.
“Ano?”
“I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you.” she said until she ran out of breath. “See how much I love you?”
“Hay, salamat! Natapos din kayo sa drama niyo.” ani Ate Femi.
“O, siya. You may now kiss her, Ken!” sabi naman ng emcee. Nag-chorus pa ang mga tao sa pagsabi ng “kiss”.
“Paano ba iyan?” aniya.
“Eh, ‘di gawin.” anito.
Iyon lang at saka siya nito kinabig para sa isang buong pananabik na halik.
The one percent chance to happiness increased into one hundred percent full happiness!
Makaraan ang isang taon ay nagpakasal sina Ken at Megan kasabay ang pagsilang ng sanggol nina Seth at Candy. Binili nila sa pamilya Agustin ang isla at binuksan iyon sa publiko. Hindi naman nila tinanggal si Charie bilang manager niyon na ngayon ay happy in love kay Tristan at malapit na ring ikasal.
And as every love story ended, they lived happily together!