Chapter 39

NAGKAKASIYAHAN na ang lahat pero nanatiling nakaupo si Megan sa couch doon sa entertainment room nila. Doon nila naisipang isagawa ang bridal shower nila para kay Candy. Tutal ay pajama party naman iyon. Malaki ang entertainment room nila kaya kasya silang lahat doon. Naroon lahat ng kaibigan ni Candy pati na rin mga pinsan nila.

Kanina ay nagsayawan sila at ngayon naman ay kantahan. May sinusunod kasing program list ang kaibigan ni Candy na si Kite. Pagkatapos daw ng sayahan ay open-forum naman. At iyon ay pangungunahan ni Candy. Siyempre, gigisahin nila ito. Iyon ang purpose ng bridal shower na iyon.

Malalaman nila lahat ng sekreto ni Candy!

In a way, naiinggit siya sa kapatid niiya. Talo pa siya nito. Candy has a blooming career, a man she could spend her lifetime with, and soon, a baby. Biglang-bigla ay gusto na rin niyang magpakasal. Pero, paano naman siya magpapakasal ay ni wala pa nga siyang boyfriend?

Bigla tuloy niyang naalala si Ken. Kung siguro’y hindi na lang sana ito naging si Kenneth Lopez na pinsan ni Seth. Kung sana’y hindi ito nagpunta sa isla para bantayan siya. Kung sana’y hindi ito nagsinungaling sa kanya at sinabi sa kanya noong una pa lang ang totoong pakay nito. Masaya sana silang babalik sa lungsod. And who might know, they’ll be the next in line to exchange vows.

Nalulungkot at nasasaktan siya sa kinahinatnan ng love story nila. Imbes na babalik siya sa Maynila ng wala ng problema, heto’t may panibagong problema na naman. Bakit ba ang malas-malas niya pagdating sa pag-ibig? She failed her first love, and now, the second. Kailan pa ba niya mahahanap ang “love” na para sa kanya? Kailan pa siya liligaya?

“Ate, kanta ka na.” untag sa kanya ni Tricia.

“Ayoko nga!” mariing tanggi niya.

“Hoy! Ikaw na lang ang hindi kumakanta dito.” sita ni Ate Femi.

“Huwag kang KJ, ‘te.” segunda pa ni Candy.

“Sige. Kapag kumanta ako, hindi na ako mag-aabay sa kasal mo ha.” biro niya rito.

“Woooooo!” kontra ng lahat.

“Lintik! Oo na. Kakanta na!” inis na saad niya. Kinuha niya ang mic at tangkang pipili siya ng kanta ng biglang pumailanlang sa kwarto ang tono ng kantang “Ocean Deep” ni Cliff Richard na ni-revive ni Carol Banawa. “Teka, bakit ito? Ayaw ko nito. Mellow. Gusto ko iyong happy.” reklamo niya.

“Okay lang ‘yan. Bagay na bagay sa’yo iyan.” ani Tricia.

“Sige na, ‘te. Gift mo na sa’kin.” pakiusap ni Candy. Nagpalakpakan ang lahat. Inirapan niya lang ang mga ito.

“Love, can’t you see them alone? Can’t you give this fool a chance? A little love is all I ask...A little kindness in the night...Please don’t leave me behind. No, don’t tell me love is blind. A little love is all I ask, and that is all.” kanta niya.

Parang patama naman sa kanya ang kantang iyon. Kung sinadya man ng mga ito ang kantang iyon ay mapapatay niya ang mga ito. Pero wala namang alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Ken. Depende na lang kung nagkwento si Ken. But she doubted it. Guys are egoistic. Lalo lang grumabe ang nararamdaman niya ngayon.

“Woohoo! Ang galing!” sigaw ng isa.

Nilingon niya ito at nanlisik ang mga mata niya rito, pero hindi naman niya iyon sinasadya sa masamang paraan.

Ocean deep nga, naisip niya. Tama ang mga pinapasaring sa kanya ng mga kasama niya ngayon. Maybe this was really her song. Should she ask Cupid for “love”? Well, Cupid had definitely given her her love but it didn’t go well enough.

Damn! gusto na niyang maiyak. Ano bang pinasok niya? Kung sana’y hindi na siya humingi pa ng tulong kay Ken. But he was so irresisteble!

Tumatatak sa isip at puso niya ang kada lyrics na kinakanta niya. Nang matapos ang kanta’y nagpalakpakan ang lahat. Bago pa man magsimula ang “open-forum” ay nagpa-excuse siya sa mga ito. Uminom siya ng maraming tubig para makalma ang sarili. Nang maayos-ayos na ang pakiramdam ay bumalik siya sa kwartong iyon.

Maybe she needs to open up. Love is her weakness. Ayaw man niyang biguin ang ama niya pero hindi niya kaya ang problemang inihahatid sa kanya ng pag-ibig.

PABALIK na sana siya sa entertainment room ng makita niyang nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya ang Papa niya. Nakatayo ito sa may kitchen door.

“’Pa, gising ka pa?” tanong niya.

“Naramdaman ko kasing hindi mapakali ang isang anak ko.” makahulugang sabi nito.

“’Pa, I’m all right.”

“You can lie to me but you can never lie to yourself, Meg.” kumuha ito ng juice sa ref. “Nagtampo na ako sa’yo noong umalis ka at hindi man lang nagpaalam sa’kin. Pinalampas ko iyon. ‘Tapos, ako na lang pala ang hindi nakakaalam ng problema mo sa pamilya natin, pinalampas ko rin iyon. Huwag mong sabihin sa’kin ngayon ang problema mo, naku! Hindi ko na mapapalampas iyon.”

Natawa siya rito. Umiiyak na yumakap siya rito.

“’Pa, you know that I’m a tough girl but I have weaknesses too.” aniya.

“I know that, baby. All of us do.”

“Papa, ilang beses ka ng nasaktan dahil sa love?” tanong niya ng kumawala siya sa yakap nito.

“Naku! Hindi lang isa. Marami na. Being hurt has reasons. Dahil nasaktan ako, naging mas matatag pa ako. Hindi ko rin nagawang saktan ang Mama mo dahil alam ko iyong feeling ng nasasaktan. It’s not always a negative feeling to be hurt. Natutulungan ka rin noon na malaman na hindi para sa’yo ang isang tao.”

“Natakot ka bang magmahal dati? Na baka masaktan ka lang. Alam mo iyon, madami ka ng experience in which nasaktan ka. Hindi ka ba natatakot na magmahal ulit?”

“Hindi maiaalis sa tao ang makaramdam ng takot. But you have to take the risk if you really love the person. If you love, dapat alam mo rin na pwede kang masaktan. Kung ayaw mong masaktan, huwag ka na lang magmahal. Pero hindi naman pwede iyon, ‘di ba? All you have to do is face the consequences of love. Dapat alam mong mabuhay ng nasasaktan. Tao ka lang. Walang mangyayari sa’yo kung itatago mo man iyon dahil lang natakot kang sabihin. That’s why linguist invented the word try, chance and risk.” mahabang litanya nito.

“What if you fell in love with someone and that someone turned out to be just the biggest joke in your life. Will you still love her?”

“So, the problem’s with Ken? Alam mo, pag-uwi niyo lahat kami napansin na may something nga sa inyo. Ano ba iyon?”

Inilahad niya ang buong pangyayari dito. Walang takot na ikinwento niya lahat. Komportable siyang magkwento sa Papa niya dahil alam niyang matutulungan siya nito.

“I’m so sorry, baby. Hindi ko alam na makakasakit pala sa’yo iyon. Nag-aalala lang kasi kami sa’yo kaya pinakiusapan namin si Ken na bantayan ka. Pero kung na-in love kayo sa isa’t isa, hindi na namin kasalanan iyon. I think the guy really love you, anak. Ang mabuti pa, mag-usap na lang kayo ni Ken.” payo nito.

“Hay naku! Ewan. Basta. Bahala na!” naiinis na wika niya. Si Ken pa ang kinampihan ng Papa niya. Palibhasa, parehong lalaki. “Thank you for lending me your ears, ‘Pa. For giving me your time. And thank you for siding with Ken!” kunwa’y nagtatampong saad niya.

“I’m not siding with him.”

“Akyat na po ako. Good night, Papa. I love you.”

“Bakit parang labas sa ilong iyon.” biro nito.

“Bukas na lang iyong totoo.” ganting biro niya.

MARAMI-RAMI na rin ang nainom ni Ken dahil sa kalalagay ni Seth ng alak sa baso niya. Dapat nga’y ito ang nilalasing at pinagti-trip-an pero mukhang siya ang napagkasunduang kulitin ng lahat.

Hindi siya nakatanggi sa mga ito dahil siya mismo ay gusto ring uminom. Masyadong masakit ang conflict nila ni Megan. God, how much he missed her!

“Pare, ano ba kasing problema mo?” tanong ni Jethro. Isa sa mga malapit nilang pinsan ni Seth.

Present sa bachelor’s party ni Seth ang mga pinsan at kaibigan nito kabilang na ang mga teammates nito.

“Teka, bakit ba ako ang topic niyo? ‘Di ba dapat si Seth? Siya naman ang ikakasal eh.” aniya.

“Pare, ayos na ayos si Seth. Napag-trip-an na namin ‘to kanina. Muntikan na nga niyang mahalikan iyong chick kanina kung hindi lang naisip si Candy. Tsk. Tsk.” sabi naman ni Ryan. Teammate ni Seth.

“O, eh ‘di dapat tinuloy mo. Sayang iyon! Party mo ‘to. Dapat magpakasawa ka na sa mga babae dahil ilang araw na lang ay ikakasal ka na.” sabi niya kay Seth.

“Loyal ako, dude.” nakangising saad nito. “I-share mo na kasi ang problema mo sa’min. Mukhang tungkol kay Megan iyan eh.” pasimula nito.

Napabuntong-hininga lang siya saka uminom ng alak.

“WE DON’T have any relationship aside from the fact that he’s my so-called tutor!” narinig ni Megan na sabi ni Tricia nang pumasok siya sa kwarto. Mukhang ito ang ginigisa ng mga babae roon.

Naupo siya sa tabi ni Ate Femi sa may lapag ng couch. Doon kasi nakalatag ang sleeping bag niya na inuupuan nila.

“Talaga? Sayang naman. He’s a hunk and a superstar and an ultimate genius and I think he loves you.” parang nangongonsensiyang saad ni Leila. Kaibigan ni Candy.

“So? I don’t care!” mariing wika ni Tricia. Hindi siya maka-konek.

“Teka, kadarating ko lang? Ano ba iyan? Sino bang pinag-uusapan dito?” tanong niya.

“Si Jon Drix Yuchengco!” kinikilig na saad ni Aj. Pinsan din nila at kasing-edad ni Tricia.

“You mean, si Drix na kapitbahay niyo?” tanong niya kay Tricia.

Ang angkan nila ay nagmula sa Pampanga kung saan congresswoman ang ina ni Tricia. Magkakapitbahay silang magkakamag-anak roon. Kilala niya si Drix. Ang alam niya’y outstanding student ito sa unibersidad na pinag-aaralan ni Tricia kung saan din sila nagtapos ni Candy at ni Ate Femi. May share kasi roon ang Tito Mandy nila na ama ni Aj kaya doon sila nag-aral.

“Yup.” simpleng sagot nito.

“O, ano namang masama kay Drix? Tama naman ang sinasabi ni Leila ah.” aniya.

“Ate, I can’t love him. If I love him, it’s like...like I’ve fallen for Kuya Tyrone.” malungkot na paliwanag nito.

Naintindihan na niya ngayon ang inhibisyon ng pinsan niya. Si Tyrone ang Kuya nito na namatay dahil sa isang aksidente. Matagal na iyon. It has been four years. Naiintindihan niya kung bakit nag-aalangan si Tricia kay Drix dahil kasi’y kaugali nito si Tyrone. Hindi na siya ngatataka roon dahil noon pa ma’y alam niyang idolo ni Drix si Tyrone.

“Trish, Tyrone is your brother and Drix is your...well, lover. There’s a difference.”

“Tama!” sang-ayon sa kanya ng lahat.

“At ang sinabi mo, you “can’t”. Iba ang ibig sabihin no’n sa “don’t”. Get it?”

“Ate, it’s complicated.” nagbuga ito ng hangin.

“’Ay naku! Iba ang nakikita ko.” sabi ni Kite.

“O siya, siya. Pag-isipan mo, Trish. Change topic na.” ani Ate Femi.

“Okay. I have a question for you, guys.” ani Jaselle.

“Ano iyon?” excited na tanong ni Candy.

“What is love for you? Individual ang sagot ha.” anito.

“Ikaw muna, Ate Femi.” ani Candy.

“Sige. Love? Love has no borders.” nakangiting saad nito.

Kanya-kanya ang depinasyon ng lahat sa pag-ibig. Tudyuhan dito, tudyuhan doon. Habang nagbibigay ang mga ito ng depinisyon ukol sa pag-ibig, kitang-kita niya na inspired ang mga ito at talagang galing sa puso lahat ng sinasabi. Natutuwa siya sa mga ito.

“Ikaw, Meg. What’s love for you?” baling sa kanya ni Ate Femi. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin.

“Ate, it’s okay. You could tell us about your first love.” ani Candy.

“Candy, alam mo ba, naka-move on na ‘ko kay Seth. And I realized that it wasn’t the love for me. It wasn’t even love that I’ve felt for Seth. Siguro, kasi, simula pagkabata siya na ang crush ko. Akala ko, naging love na iyon. But I discovered it wasn’t until I’ve found the true meaning of love. Until I’ve found the guy I’ve fallen really in love with. It was a feeling of bliss and all the possibility you can ever imagine. When love found me, I was at my worst but everything seemed right.” makahulugang saad niya.

Nagpalakpakan ang lahat matapos niyang magsalita. She felt tears wet her cheeks. Niyakap siya ng mga kaibigan at kamag-anak niya.

“We really learned a lot from what you said, Ate Meg.” ani Kite.

“Sus! Sa’kin lang iyon. Iba-iba tayo.”

“Pero hindi nga. It sound so meaningful.” sabi naman ni Aj.

“Bata ka pa, Aj.” aniya habang pinupunasan ang pisngi.

“Pero sabi nga ni Ate Femi. Love has no borders.”

“’Ayan! Change topic na. Kung anu-ano na nag natututunan ng mga ito.” sabi niya. “O, bakit ka nakatingin sa’kin?” asik niya kay Ate Femi.

“Since, kadarating mo lang. Gusto kong malaman mo na ako ang namumuno ng forum na ‘to since I’m the oldest.” paliwanag nito.

“I should’ve known.” sarkastikong sabi niya. Ngumisi lang ito.

“Ready na ba iyan, Cands?” tanong nito kay Candy na may kung anong kinukutingting sa cell phone.

“Oo. ‘Eto na.” anito at saka ibinigay kay Ate Femi ang cell phone nito.

“Meg, ang maririnig mo ay pawang katotohanan. Kung anuman ang gusto mong sabihin pagkatapos nito’y pwede mong i-share sa’min. We’re more than willing to listen. And I assure you, we’re going to help you.” nagniningning ang mga matang sabi nito. Nagtaas siya ng isang kilay.

“Hoy! This is supposed to be Candy’s secret-all-out forum. Bakit napapunta sa’kin ang usapan?”

“Lahat naman tayo gigisahin dito. Katatapos pa lang nga ni Trish o. At saka, kanina pa natapos si Candy. Ang tagal mo kasi sa baba eh.” Siguro ay si Candy ang inuna ng mga ito kanina habang kausap niya ang Papa niya.

“Eh, bakit ako na? Dapat kayo------------“ hindi na niya naituloy ang sasabihin ng marinig niya ang tinig na nagmumula sa cell phone.

“Pare, sino ba ang problema mo?” tanong ng isang tinig na hindi niya maaring ipagkamali. Alam ni Megan na si Seth iyon. May naririnig na background music mula sa kinaroroonan ng mga ito pero mahina lang. Palagay niya’y nasa isang kwarto ng bar ang mga ito.

“A hard-headed-------no, let me correct that. Hard-hearted gal that spells M-E-G-A-N!” mapaklang saad ng lalaki. At kilalang-kilala niya iyon. Hindi niya maaring makalimutan kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon dahil iyong lalaking iyon ang sanhi ng sakit ng ulo at puso niya ngayon. Si Ken!

Tahimik lang silang nakikinig. Walang gustong gumawa ng ingay. Mukhang maraming nainom si Ken at napagbiruan ito ng mga kasamahan.

“Do you love her?” eksahaderong tanong ng isa pang tinig na hindi niya kilala.

“Damn it, yes! But she thought I just fooled around her!” mariing wika nito.

Hindi siya nakagalaw pagkatapos marinig ang mga sinabi nito. Hindi siya makahinga. Wala pa ring nag-iingay ni isa man sa kanila. Akala niya’y tapos na ang “interview” na iyon pero hindi pa pala.

“Do you know why I have been rude to women? Because I was fooled by my first love, Rosie.” Ikinwento nito ang tungkol sa first love nito at kung paano ito naloko. Napamaang siya. The guy has a reason. Well, siguro nagkamali siya sa panghuhusga rito pero, still, naging rude pa rin ito sa mga babae.

“Then, Megan came. She was my biggest karma. May gusto na ako sa kanya noon pa man pero hindi ko siya ma-pormahan dahil kay Seth siya may gusto. And then, I had my chance. I showed her who I really am. We build something...a connection, an understanding...only to be ruined by a mistake I made before. I want her to know that I really love her. And I love her still. So much. Hindi lang iyon dahil iniutos ng kung sinuman. It’s because I wanted to love her with or without a favor asked from me. I missed those times with her. I missed her. I love her. I missed her. I love her. Megan...” he chanted like a kid and she loved it.

“Iinom mo na lang iyan, Ken! Kung ayaw niya, ‘di huwag. Find someone new.” suhestiyon ng isnag tinig. Lintik!

“I’ll do that!” sabi ni Ken. Oh, no you won’t! Nagpupuyos ang kalooban niya sa sinabing iyon ni Ken. Sumuko agad ito. Ang kapal talaga! But she’s glad that he could actually say he loves her even behind her back.

“So, what would you like to say?” excited na tanong ni Ate Femi.

“Nasagot ko na lahat sa isip ko.” aniya.

“’Andaya ni Ate! Kanina, ako ang sinasabihan mo. ‘Tapos, hindi ka man lang mag-o-open.” nagtatampong saad ni Tricia.

“Ang sinabi niyo lang naman kanina eh, ‘pwede kong sabihin’. Sorry. Ayaw ko eh.” wala sa loob na sabi niya. Kung kanina’y nais niyang mag-share sa mga ito, ngayo’y hindi na matapos niyang marinig ang mga pinagsasabi ni Ken.

He has reasons and she has hers. Mas makabubuti na sa kanilang dalawa na lang ang problema dahil sila naman talaga ang involve doon. Ayaw niyang may madamay pang iba. Kung sila ang nagsimula, sila rin dapat ang tatapos.

Tangkang matutulog na siya ng hawakan siya sa magkabilang braso nina Ate Femi at Jaselle.

“Ikwento mo muna sa’min, ‘te.” pangungulit ni Jaselle. Isang kaibigan ni Candy at isa rin sa mga bridesmaid. Napilitan siyang maupo dahil alam niyang hindi rin naman siya tatantanan ng mga ito.

“Okay. Nagkasama kami sa isla sa Batangas kung saan ako nag-stay to recover. You know...And then, we got along well. Actually, he...he helped me moved on. Sabi niya, for me to move on, I need to fall in love again. Hindi ko iyon sineryoso. Biniro ko pa nga siya eh.” Natawa siya nang maalala ang gabing iyon noong una siyang halikan ni Ken. Pinatatag niya ang sarili upang hindi siya maiyak. “Pero, masamang biro iyon. I got carried away. Hindi ko namalayan na mayroon na palang ‘something’ between us. Kontento na kasi ako basta masaya kami. Because all I really cared about was to be happy.”

“He said he loves me. Akala ko, sa wakas, magiging masaya na rin ako. Iyon pala, kalokohan lang ang lahat. Alam niyo na pala kung nasaan ako dahil sinabi ng empleyado ko at alam niya rin iyon pero hindi man lang niya sinabi sa’kin. I felt like a toy being toyed by someone or a group. Inaamin ko, nagtampo ako sa inyo noon pero mas nagalit ako kay Ken dahil naroon na siya, may choice siyang sabihin sa’kin lahat pero hindi niya ginawa, instead, patuloy niya akong niloko. Pagkatapos, sinabi niya sa’kin na we did everything because we both like to do it. I really felt being downed by someone I really like. I trusted him, but seems like I trusted a wrong person.”

“I hate being toyed around, especially by someone you so much thought you’d be happy with. Someone you love, as in really love.” sabi niya.

“Ate...” anas ng ilan doon. Nasa mga mata nito ang pangongonsola at awa.

“Oh, come on, you guys. Don’t take pity on me. I’ve done my part in this forum. Now, matutulog na ako.” iyon lang at nahiga na siya saka pinikit ang mga mata.

Papa God, I hope that this would end soon. Pero thank You po kasi ibinigay mo ang problemang ito sa akin. Mas naging matatag pa po ako at reasonable. Thank you rin po sa mga taong sinugo mo para makatulong sa’kin. Marami po akong natutunan. Maraming salamat po! piping dalangin niya.

Magaan-gaan na ang pakiramdam niya ngayon dahil alam niyang mahal talaga siya ni Ken. May pag-asa pa ang love story nila.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.