Chapter Misha Santoros: Chapter 10

Napuyat si Rahya dahil sa party nang nagdaang gabi. Sa pagbabalik ni Rome, dito na naman na-focus ang lahat ng atensiyon. aas lang naman sa kanya kung bumalik ito. She was happy for the family. Nakita niya kung paanong nawala ang pag-aalala ni Don Ildefonso at ng Tita Almira niya sa pagbabalik nito. Pero di niya alam. Parang may takot pa rin sa puso niya lalo na’t nakita niya ang pasimpleng pagdikit ni Rome kay Misha.

Nag-ring ang cellphone niya. Kahit na tinatamad siya ay pilit niyang sinagot iyon. “Good morning, Sunshine! How’s your sleep?”

Umungol siya nang marinig ang boses ni Misha. “Inaantok pa rin ako. Pwede bang hindi na lang ako pumasok?”

“Mami-miss naman kita. Gusto pa mandin kitang makasamang mag-lunch.”

Sumilay ang ngiti sa labi niya. Ito ang dahilan kaya lagi siyang sinisipag sa trabaho. Nai-inspire kasi siya. Para nga lang makasama ito, willing siyang magtrabaho minsan kahit pa holiday. “Okay. Pupunta ako diyan.”

“Ilang buwan din pala akong nawala. Nakaka-miss din ang trabaho ko. Iba kasi ang mga kasamahan ko sa Thailand. Nagpapaduguan kami ng ilong. Hirap silang mag-English. It was horrible!” kwento ni Rome habang umiinom ng aloe vera juice pagpunta niya sa garden para mag-agahan. Naging media coordinator ito sa Bangkok. Mukha namang okay ito doon pero di rin nakatagal. She was on her own after all. At nasanay si Rome sa buhay na lagi itong pinagsisilbihan.

“Lalo po kayong gumanda, hija. May boyfriend ka ba sa Bangkok?” tanong ni Almira.

Nanghaba ang nguso nito at hinalo ng straw ang juice. “Kabe-break lang namin. Nasasakal ako sa kanya. And he is a lousy kisser. He isn’t as hot as Misha.”

Muntik na siyang masamid sa hinihigop na soup. SHe couldn’t easily attest that he was not a lousy kisser. Pero paano nitong nasasabi iyon? DI ba nito alam na boyfriend na niya si Misha? Wala bang nakapagsabi dito?

“I really want to apologize to him. I was nasty to him. Di ko siya inintindi sa trabaho niya. Patatawarin kaya niya ako?”

“I am sure he will forgive you,” sabi niya. “Mas mabait na si Misha ngayon.”

“Talaga?” Bakas ang lungkot sa mga mata nito. “Bakit ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko? Gusto ko talaga siyang makausap.”

Di pa niya natatanong si Misha kung ano ang nararamdaman nito sa pagbabalik ni Rome. Nang magkita ang dalawa kagabi, bahagyang malamig ang pakikitungo ni Misha kay Rome. Kung pagbabasehan ang mga galaw ni Misha, di na nito planong ibalik ang dating relasyon sa dating nobya. Ewan lang niya kay Rome.

“Rahya can help you with that,” anang si Lolo Ildefonso. “Makikinig sa kanya si Misha. Kaya nga bumait si Misha dahil sa kanya.”

Tumuwid siya ng upo. Di niya inaasahan na siya ang ituturo ni Lolo Ildefonso. She was suddenly uncomfortable. Pero kaya ba niyang hindian ang matanda? Hindi ba’t ang priority niya ay ang magpapasaya dito? “Kung hindi makikipagbati si Misha sa pinsan ko, humanda siya sa akin,” aniya at pilit na ngumiti.

Malinaw naman pala Rome ang sitwasyon nila ni Misha. Siguro ay gusto lang nitong mag-sorry. Wala naman sigurong masama doon. Para magkasunod na lang ang lahat. Di na lang niya papansinin ang masamang kutob niya.

Ginagap ni Rome ang kamay niya. “That’s so sweet! Sabi na nga ba ikaw lang a ng maasahan ko. Kaso baka mamaya hindi pa rin niya ako kausapin.”

“Magagawan iyan ng paraan,” sabi ni Don Ildefonso. “Rahya, may date ba kayo mamaya ni Misha?”

“Opo. Mamayang lunch,” sagot niya.

“Bakit hindi ninyo isama si Rome para naman makapag-usap silang dalawa?”

“S-Sige po, Lolo!” Harmless lunch date. Kasama lang niya ang pinsan niya at ang boyfriend niya na ex-boyfriend nito. Pag-aayusin lang niya ang dalawa. Para rin iyon sa ikatatahimik ng lahat. Ayaw niyang may hinanakit pa rin si Misha sa pinsan niya.

Pasakay na siya sa kotse papunta sa opisina nang habulin siya ni Rome. “Rahya, I have a little favor to ask. Pwede bang mamayang lunch ako na lang ang magpakita kay Misha. Gusto ko lang siyang makausap na mabuti.”

Nagulat siya sa suhestiyon nito pero napilitan na ring tumango. “Okay.”

Kinintalan siya nito ng halik sa pisngi. “I will just him at the resto. Bye!”

Natitigilan siya. Di niya alam kung tama ang mga nangyayari. Nagkibit-balikat siya. Paranoid lang siguro siya. Ano ba ang ikakatakot niya? Mag-uusap lang ang dalawa.

“RAHYA, thank you! Malaki ang ipinagbago ni Misha at sabi niya malaki ang kinalaman mo doon. Ipina-realize mo daw sa kanya ang mga pagkakamali niya. Kaya sa palagay ko wala na kaming magiging problema ni Misha. We can work it out,” kwento ni Rome habang kausap niya ito sa telepono matapos ang lunch date nito kay Misha. “Konti pa siguro magiging close ulit kami katulad ng dati.”

“That’s good. Dapat lang naman siguro na magkasundo kayo dahil sayang naman ang pinag-awayan ninyo. I am glad that you enjoyed your lunch.”

She sounds okay. Pero kung alam lang nito na nato-torture siya nang di kasamang mag-lunch si Misha habang kasama ang pinsan niya.

“Tatanungin ko si Lolo kung okay lang na magtrabaho pa rin ako diyan. You won’r really mind, right? Kahit naman si Misha nag-agree sa akin.”

“Of course. Part ka naman talaga ng kompanya.”

She felt rotten when she put the phone down. Saan ba nanggagaling ang takot niya sa pagbabalik ni Rome. As if she was taking over everything. Ano naman ngayon? Binabawi lang naman nito ang para dito. Basta ba huwag nitong gagalawin si Misha, walang magiging problema sa kanya.

Nagulat siya nang tuloy-tuloy na pumasok si Misha sa opisina niya. Namumula ito sa galit. “What’s the game this time, Rahya?”

“What game?” inosente niyang tanong.

“Pagdating ko sa restaurant, si Rome ang nandoon at hindi ikaw.”

Itinaas niya ang dalawang kamay at pinaupo ito. “Misha, I am sorry. Akala ko okay lang na magkaayos kayong dalawa. Gusto ko ring ayusin ni Rome ang buhay niya.”

Na-realize na ni Rome ang pagkakamali nito. Bumalik na ito sa pamilya nila. Ibinabalik na ulit nito ang dating buhay.

“Rahya, it’s okay if she just wants to apologize. Na tinanggapo niya ang pagkakamali niya at di na niya uulitin. Pero di lang iyon ang gusto niya sa akin. She wants me back. Gusto niyang ibalik namin ang relasyon namin dati.”

“What?” Tumingala siya dahil nag-akyatan lahat ng dugo sa ulo niya. Kaya pala di niya gusto ang pakiramdam sa pakikipag-usap kay Rome. “Baliw ba siya? Iniwan ka na niya dati. Ginulo niya pati ang kompanya. She even had a boyfriend in Bangkok.”

Her heart was crushed. Pinagkatiwalaan niya ang pinsan niya. Akala niya ay

Nagtagis ang bagang nito. “Pare-pareho lang tayong nagkamali. Akala ko magbabago na ang pinsan mo. She’s still the same old rotten princess. Wala siyang pakialam kahit na boyfriend mo ako. She just wants to have me. At lahat ng bagay na makakapag-appease sa ego niya.”

“Anong sinabi mo sa kanya nang sabihin niyang gusto niyang bumalik sa iyo?”

Gumuhit ang sinikong ngiti sa labi nito. “I told her never again.” Hinapit nito ang baywang niya at pinaliguan ng halik ang mukha niya. “Dahil ang alam ko, isang babae lang ang gusto kong halikan. Isa lang ang babaeng di nawawala sa isip ko. That’s you. I love you, Rahya.”

She could feel his sincerity. Kahit siya ay nararamdaman ang kaibihan ng pakikitungo ni Misha sa kanya at kay Rome noon. Misha would go through lengths just to please her. Di niya inaasahan na ito pa ang lalaking bubuo ng pangarap niya. At pinatutunayan lang nito na handa itong pangatawanan ang pagmamahal sa kanya.

“I love you, too, Misha. Kung ayaw mong mawala ako sa buhay mo, I won’t leave.” Di niya tiyak kung ano ang gagawin ni Rome ngayong tinanggihan na ito ni Misha. Pero kilala niya ang pinsan niya. She would definitely come back with a vengeance.

Handa siyang protektahan ang pagmamahalan nila ni Misha.

MGA basag na vase at mamahaling crystal sculptures ang bumungad kay Rahya pagpasok ng mansion ng mga Avenuel. Nag-overtime siya sa opisina. Gusto pa nga siyang sunduin ni Misha pero pinauwi na niya ito dahil may breakfast meeting pa ito kasama ang lolo niya at ilan sa members ng board kinabukasan. Napaurong siya nang humagis sa paanan niya ang pinakamalaking Swarovski crystal angel sculpture ni Almira.

“Diyos ko! Rome, stop it!” saway ni Almira dito at hinawakan ang kamay nito.

“Ma, hindi ako titigil hangga’t hindi bumabalik sa akin si Misha.” Nanlilisik ang matang tiningnan siya ni Rome. “Kasalanan mo ito! Di ko alam kung anong gayuma ang ipinainom mo kay Misha. Bakit ayaw na niyang bumalik sa akin?”

Lumupasay sa sahig si Rome at parang batang nag-iiyak. Tinangka niyang lumapit pero nag-alangan dahil bayolente na ang pinsan niya.

“Rome,lasing ka ba?”tanong niya nang mapansin ang nabasag na flask ng brandy.

“Hindi pa ako lasing dahil kilala pa kita,” nakangisi nitong sabi at pilit na tumayo. “Alam mo bang nagpunta ako sa condo ni Misha kanina? I tried to entice him so I could take him back. I even bought this ridiculously expensive nightgown. Pero ni hindi niya ako pinansin. Pinagbantaan pa niya ako na ipapakaladkad sa security kung hindi ako aalis. How dare him! Ikaw lang naman ang ipinalit niya sa akin.”

What’s wrong with her? Parang bata itong nagmamaktol dahil di nakuha ang gusto, ginugulo na naman nito ang ibang tao. Di na talaga magbabago si Rome.

“Anak, tanggapin mo na ng hindi ka mahal ni Misha,” pakiusap ni Almira at hinaplos ang buhok ni Rome. “Marami pang ibang lalaki diyan.”

Yumakap ito kay Almira. “Mama! Si Misha lang ang gusto ko. Ayokong maging katulad mo. Ni hindi man lang naipaglaban si Papa.”

“Pero iba ito. Ikaw ang nang-iwan kay Misha. Hayaan mo nang maging masaya si Misha at ang pinsan mo. Please,” naluluhang pakiusap ni Almira.

Nagpapadyak si Rome. “Ayoko, Ma! I want Misha! Magpapakasal pa kami! I will be a good wife. Hindi ako magiging demanding.”

“Rome, magkape at matulog ka na lang. You are a mess. Pati si Tita Almira pinag-aalala mo pa. Maawa ka naman sa mga collections niya,” sabi niya at hinawi ng paa ang mga nabasag ni Rome. Tinanguan niya ang mga katulong na napilitan na lang mag-usyoso kaysa maglinis sa takot na matamaan ni Rome. “Pakilinis na po.”

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Rome. Siya namang pagdating ni Don Ildefonso mula sa pagdalaw sa ilang kaibigan sa kabilang village. “Anong nangyari dito? Bakit parang dinaanan ng giyera ang bahay ko?”

Tumakbo si Rome at yumakap sa paanan ni Don Ildefonso na nakasakay sa wheelchair. “Lolo! I want Misha. Di na daw niya ako kayang mahalin dahil kay Rome. Pero pwede ba iyon, Lolo? Ayokong mawala siya sa akin. Please help me.”

“Hush now!” Hinaplos ni Don Ildefonso ang noo ni Rome. “Kung gusto mo si Misha, hihiwalayan siya ni Rahya.”

“Or she’ll lose her job, right?” nakangiting tanong ni Rome at pinahid ang luha.

“Whatever makes you happy, darling,” sabi ni Don Ildefonso.

Nanlamig ang dugo niya. Ganoon lang? Ibibigay niya si Misha kay Rome at kapag hindi ay gagawing hostage ang trabaho niya? “Lolo, that’s unfair!”

Matiim siyang pinagmasdan ni Don Ildefonso. “Gagawin mo ang lahat para sa pamilyang ito, Rahya. Kaya gagawin mo ang magpapasaya sa apo ko.”

Tinusok ng lahat ng nagkalat na bubog ang puso niya kasabay ng pamumuo ng luha sa mata niya. Her grandfather didn’t care about her happiness. Pagbibigyan nito anumang gustuhin ni Rome dahil ito ang totoong apo. At siya ay mistulang tau-tauhan lang doon na susunod sa gusto ng mga ito.

Umakyat siya sa kuwarto niya kaysa may masabi pa siyang hindi maganda. Kinuha niya ang bag sa ilalim ng kama. Hindi na siya makakatagal sa bahay na iyon.

“Rahya, aalis ka ba?” tanong ni Almira nang makitang ineempake niya ang gamit niya. “Hindi mo naman dapat pansinin ang sinabi ng lolo mo. Sinabi lang niya iyon para tumahan na si Rome.”

“Tita, hindi naman na bata si Rome para I-pacify pa niya. I know Rome is your daughter. A real Avenuel. Hindi naman ako totoong Avenuel. Tanggap ko naman iyon. Ginagawa ko naman ang lahat para sa pamilyang ito.” Patuloy sa pag-agos ang luha niya habang ihinahagis ang damit sa kama. “Ibinigay ko ang lahat. Pero bakit kailangang pati si Misha kunin din sa akin?”

“Kasalanan ko ito. Hinayaan kong ma-spoil si Rome. Hindi ko gustong saktan ka niya. Nila. Pero kaligayahan ng anak ko ang iniisip ng lolo mo.”

“Tita, I may not be a real Avenuel pero sana naisip ninyo na tao din ako. May karapatan din akong maging masaya at magmahal sa lalaking mahal din naman ako. Hindi lang naman si Rome ang tao sa mundo. Sa ginagawa ninyo, di lang karapatan ko ang tinapakan ninyo bilang tao. Pati si Misha sinasagaan na rin ninyo.” Kahit labo-labo ang damit sa maleta ay isinara pa rin niya ang zipper. “I love you, Tita. I love this family. Pero gusto ko pa ring mahalin ang sarili ko sa kabila nito. Just leave me with that.”

Wala itong nagawa nang lumabas siya ng kuwarto hanggang tuluyan siyang umalis sa bahay na iyon. Di na siya lumingon man lang.

NAKASUBSOB ang mukha ni Rahya sa unan habang umiiyak sa kwarto ni Imhan. Wala naman siyang ibang matatakbuhan kundi ang kaibigan. Buong gabi siyang umiyak hanggang paggising niya sa umaga. Wala na siyang pamilya. Wala na siyang trabaho. Di niya alam kung hanggang kailan magiging kanya si Misha.

“Tama na iyang iyak na iyan, girl. Tama naman ang desisyon mo na iwan sila. Ni hindi sila naging considerate sa feelings mo. Hindi naman sila Diyos! Kung makautos sila parang sila lang ang may karapatang mabuhay,” sabi ni Imhan at inilapag ang oatmeal drink sa bedside table.

“They practically held my life for years now. Sila na ang tumayong pamilya ko mula nang maulila ako.”

“Kaso nga hindi pamilya ang trato niya sa iyo. Di sila kawalan sa iyo. Sapat na ang pagsisilbi mo sa kanila. You sacrificed a lot for them. Di naman pwedeng pati puso mo isakripisyo mo. Mga baliw pala sila.”

Bumangon siya. “Sigurado ka? Hindi ako masamang tao sa ginawa ko?”

“Huwag mong pakialaman ang opinion nila. May Diyos na nakakakita sa lahat ng ginagawa natin sa kapwa natin. At huwag kang matakot dahil nasa tama ka. Kung wala ka nang trabaho, makakahanap ka rin. Kapag lumipat ka sa ibang ad agency, pag-aagawan ka nila tiyak.”

Umiling siya at uminom ng oatmeal drink. “Imhan, ayoko namang gawin iyon sa pamilya ko. Pati na rin kay Misha. Mahal ko rin naman ang Define Ads.”

“Bahala ka na nga.” Tumayo ito nang mag-ring ang doorbell. “Tingnan ko lang kung sino.” Pagbalik nito ay kasama na nito si Misha. Iniwan din sila nito para magkasarilinan.

Niyakap agad siya nito. “God! It’s true. Umalis ka na nga sa mansion.”

“Misha!” Nakahanap ulit siya ng isang kakampi dito. “Gusto nilang iwan kita para kay Rome pero di ko ginawa. Tinupad ko lang ang pangako ko sa iyo.” Ayaw niyang iwan si Misha. Aalis lang siya kung gusto nito.

“You did the right thing. Hindi mo sila dapat pagbigyan.”

“Pero babawiin nila sa akin ang lahat. Wala na akong trabaho.”

Kumuha ito ng panyo at pinahid ang luha niya. “Tumawag sa akin si Tita Almira kaninang umaga. Di siya nakatiis ikwento sa akin. Umalis ka na nga sa mansion. At pupunta ang Lolo mo sa opisina para I-reinstate si Rome bilang creative director. Baliw ba ang lolo mo? Di makaka-survive ang kompanya nang wala ka.”

“Gagawin niya ang lahat para kay Rome.”

Hinaplos nito ang buhok niya. “Okay. Fix yourself. Pupunta tayo sa opisina ngayon. Haharapin natin sila.”

TIYAK ANG bawat lakad ni Misha habang sinasabayan ito ni Rahya. Nasa conference room na daw si Don Ildefonso at si Rome, hinihintay ang binata. She was ready for war. Di sinabi ni Misha kung ano ang plano nito. Pero sa itsura nito ngayon, parang nakahanda na ang battle armor nito. Ang kailangan lang niyang gawin ay lumaban para dito.

Disgusto agad ang bumakas sa mukha ni Rome nang makita siya. Wala namang ekspresyon si Don Ildefonso. “Show Rahya out. Hindi natin siya kailangan dito, Misha. Ibabalik ko na si Rahya bilang director ng Creative department.”

Hinawakan nang mahigpit ni Misha ang kamay niya. “I am sorry, Don Ildefonso. I own half of this company. And I say that Rahya stays. She’s the best person for the job. And she’s also the perfect woman for me.”

Napasinghap si Rome. Bakas ang pagkapahiya nito dahil tahasan itong inayawan ni Misha. “Lolo,” anito sa nagsusumbong na boses.

“Rahya is not a real Avenuel. Rome is,” giit ni Don Ildefonso. “Parang sinabi mo na rin na hindi mo ako nirerespeto na parang lolo mo.”

Natatakot siya para kay Misha. Ayaw niyang magbitiw ng banta si Don Ildefonso laban dito. Ayaw niyang madamay si Misha sa problema niya pati ang kompanya.

Ngumisi si Misha. “Kung ayaw mong tratuhing apo si Rahya, tratuhin mo sana siya bilang tao. At may karapatan din ako bilang tao. You can control her, old man but not me. I thought you are a sane and wise man. I guess not.”

Napamaang si Don Ildefonso. “Alam mo ba ang sinasabi mo? Kinakalaban mo na ako dahil lang sa babaeng iyan.” Bumaling sa kanya si Don Ildefonso. “Ikaw, Rahya. Dinamitan ka namin, inalagaan, binigyan ng pangalan at edukasyon. Kung hindi dahil sa amin, wala ka sa iyo ang lahat ng tinatamasa mo ngayon.”

Malungkot siyang ngumiti. “I am grateful for what you did to me, Lolo. Kaya nga ginawa ko noon ang lahat para sa pamilya natin. Mahal ko kayo. At naniniwala ako na kahit di ako tunay na Avenuel, gugustuhin din ninyong maging masaya ako.”

“At my expense!” angil ni Rome at tumayo. “Wala kang karapatan kay Misha! Nagkataon lang na ikaw ang available nang maghiwalay kami.”

“You are available but I still don’t want you,” sopla ni Misha dito. “Rome, hindi sa iyo iikot ang mundo. Magpasalamat ka dahil mabait sa iyo si Rahya. Hindi niya sinabi ang kalokohang ginawa mo sa kompanya. Sa mga ginawa mong gulo, baka pagsisihan ni Don Ildefonso na naging tunay ka niyang apo.”

Naalarma ang don. “Anong gulo ang ginawa ni Rome?”

Pinigil ni Rome ang kamay ni Don Ildefonso. “It is nothing, Lolo. Gawa gawa lang naman iyon ng dalawang iyan para I-discredit ako.”

“Matagal ka nang na-discredit, Rome,” sabi niya. “Kung hindi lang sana magbubulag-bulagan si Lolo, hindi hahantong ang lahat sa ganitong gulo. At hindi ko sinabi ang mga ginawa mo para sa pamilya. Ayokong masaktan si Lolo.”

“At kung ipipilit ninyo ang gusto ninyo, ibubulgar ko iyon. Mag-reresign din ako bilang presidente nitong kompanya,” banta ni Don Ildefonso.

Hinampas ni Don Ildefonso ang mesa. “You can’t do that! Para saan pa ang pinaghirapan naming ng lolo mo kung sisirain mo lang?”

“Then think about your actions. As far as I am concerned, kami ni Rahya ang dalawa sa pinakaimportanteng tao dito sa kompanya. We can easily start from scratch as this company crumble from your real granddaughter’s hands,” kampanteng sabi ni Misha.

Nanlumo si Don Ildefonso. Nakita na siguro nito ang scenario. Masyado itong nabulag sa pagmamahal kay Rome. Iwinaksi nito ang kamay. “Leave now, you two.”

“Do you want us to leave the company for good?” tanong ni Misha.

“No. Just leave the conference room. I will talk with my granddaughter.”

“Lolo, bakit di mo sila aalisin?” angal ni Rome. “They can’t easily get away…”

“Shut up, Rome!” narinig nilang bulyaw ni Don Ildefonso nang paalis sila ng conference room.

Nakahinga siya nang maluwag. “It’s over.”

Kinintalan siya ng halik ni Misha sa noo. “Yes. And we are still together.”

“Naaawa ako kay Lolo. Ayoko namang saktan siya.”

Ginagap nito ang kamay niya. “Huwag kang mag-alala. Your grandfather is tough. Na-realize na niya ang pagkakamali niya. Bahala na siya kay Rome.”

Yes, Rome. A nasty creature who would get anything she wants. Sana lang ay di magkasakit ang lolo niya sa konsumisyon dito.

“Thank you. Hindi mo ako pinabayaan.”

“If I am the same old Misha, baka wala akong pakialam kahit sinong babae ang ibato sa akin. I don’t give a damn about emotion. Gusto ko lang pera. Pero nang mahalin kita, ikaw na ang mundo ko. So don’t you dare leave me.”

Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “I won’t.” Sa pagtataka niya ay hinila siya nito papunta sa elevator. “Saan tayo pupunta?”

“Hinihintay na tayo ng getaway vehicle natin sa taas.” Pagdating nila sa rooftop ay naghihintay ang helicopter sa helipad. “Sumakay ka na. Aalis na tayo.”

“Bakit?”

Inalalayan siya nito ng helicopter. “Kung tatanggapin ni Lolo ang bluff ko na aalis tayo ng kompanya, plano kong tumakas papunta sa Stallion Island. Doon tayo magpaplano para sa bagong kompanyang itatayo ko. I can easily handle it with my connections.”

“Pero hindi naman na natuloy, di ba?”

“I just want to be alone with you. Na-miss kita, eh.”

Humilig siya sa balikat nito. “I love you, Misha.”

And she knew that she could live her life in a fairy tale with her Prince Sungit.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.