It was hell. Malakas ang ulan nang umalis ng resort si Vix papuntang Stallion Island. Tahimik siyang nananalangin na sana ay hindi lumubog ang speedboat na sinasakyan niya. Maalon ang dagat. Sa dinami-dami ng pagkakataon na pwedeng umulan, kung kailan pa bumibiyahe siya sakay ng bangka.
“Gusto mo pa bang ituloy ito?” tanong ni Gabriella. Dati na silang nagkakasama sa Congress kung saan naglo-lobby ito ng mga batas na nais magtanggol sa karapatan ng mga bata at mga kababaihan.
“Yes,” aniya sa matatag na boses.
“I still think this is crazy,” she whispered.
“For desperate people, it doesn’t matter. Pareho tayong desperada, Gabriella. Hindi mo magagawa ang misyon mong tiyaking napoprotektahan ang mga kababaihan sa Stallion Shampoo Makeover Challenge kung nasa labas ka ng Stallion Island. The best way to prove your apprehensions is get inside. At ipinaglalaban ko naman ang lalaking mahal ko na biglang nag-iba dahil sa makeover challenge na iyan. Baka bago matapos ang makeoever challenge na iyan, ibang babae na ang pakasalan niya. I won’t let it happen.”
Hindi siya nag-aksaya ng panahon matapos makapagdesisyong babawiin niya si Trick sa malupit na paraan. Nagpa-book agad siya ng flight papuntang Palawan at nagpaalam sa kapatid niya na pupunta ng Stallion Island. Hindi niya ipinaalam sa Mama niya ang plano niya dahil tiyak na pipigilan siya nito.
Dinayo niya ang resort kung saan tumutuloy ang mga kasapi ng Bangon Kababaihan kung saan miyembro si Gabriella. Inalok niya ang mga ito na tutulungan niyang makapasok sa Stallion Island. Ayaw kasing bigyan ng access ang mga ito na makapasok sa Stallion Island dahil allergic ang mga kalalakihan doon sa mga feminist. Ang mga ito lang ang makakabulabog sa isla at sa Stallion Shampoo Makeover Challenge. She had no other choice. Iyon lang ang naiisip niyang paraan para pansinin at kausapin siya ni Trick.
“Itutuloy mo pa rin kahit di maganda ang pakiramdam mo?” tanong nito at binigyan siya ng mineral water.
“Okay lang ako,” aniya at mahigpit na humapit sa kinauupuan niya. “I can manage. I will survive. Ang importante makapasok tayo ng Stallion Island.”
She had sea sickness. Mabuti kahit paano ay umepekto ang Bonamine na ininom niya bago sumampa ng bangka kundi ay baka gumulong na siya sa panlalambot kanina pa. Nanghihina pa rin siya dahil sa takot na baka mamaya ay lumubog sila. Tuwing pupunta siya sa Stallion Island ay lagi lang siyang naka-eroplano at di rin siya mapasakay ng yate dahil di rin niya nae-enjoy.
Mula sa resort ay sumakay siya ng speedboat patungong Stallion Island. Hindi kakayanin ng salapi niya na kumuha ng chartered flight na maghahatid sa kanya mula sa resort hanggang sa Stallion Island. That was extremely extravagant at tiyak na aalertuhin si Trick bago pa man lumapag ang eroplano. She wanted an element of surprise. Iyon ang advantage niya.
“At sigurado ka na papasukin nila tayo kahit kasama mo ako?” diskumpiyadong tanong ni Gabriella.
“They won’t say no. Imagine what kind of ruckus will be created once they throw you out of the island. At mas malaking gulo naman ang mangyayari kundi nila ako papapasukin. This is war, my dear.”
There was no turning back now. Isinumpa na siya ng Mama niya. Kung di pa daw siya babalik at ititigil ang kahibangan niya kay Trick ay itatakwil siya nito.
Hindi niya iyon pinansin. Ayaw na niya ng pakiramdam na lagi siyang naiipit sa sitwasyong gaya niyon. Ayaw na niyang mawalan lagi ng choice para lang i-please ang mga tao sa paligid niya. Kundi niya susundin ang Mama niya, masasaktan si Trick. Kundi naman niya susundin si Trick, magagalit ang Mama niya.
She’d set the rules this time. She’d please the people she loved in her own way. Kaligayahan naman niya ang iisipin niya. Pwede siyang maging mayor ng San Martin nang hindi isinusuko si Trick. Tatanggapin siya ulit ni Trick dahil handa siyang ipakita kung gaano siya kabangis oras na di ito bumalik sa kanya.
Kung tutuusin ay sumusugal lang siya. Hindi niya alam kung mababawi niya si Trick. Pero hindi siya iiyak na lang sa isang tabi habang pinagtatawanan ng mundo habang nagpapa-cute ang ibang babae sa boyfriend niya on national TV.
Nagtigas-tigasan siya pagbaba ng speedboat at nakataas ang noo. Subalit hindi pa handa ang mga tuhod niya at muntik na siyang mangudngod pagtapak niya sa wooden pathwalk ng pier.
“Miss Vix!” Dali-dali siyang inalalayan ni Gabriella. “Kaya mo pa ba.”
“Kaya ko pa.” kaya pa niya ang kahihiyan. In-adjust niya ang Dior shades niya at humawak nang mahigpit sa braso nito. Mabuti na lang talaga at nandoon si Gabriella para alalayan siya. “And stop calling me Miss Vix. Vix na lang dahil magkaibigan na tayo ngayon.” Sinadya niyang idiin ang salitang “kaibigan”. After all, iyon ang magiging cover up ni Gabriella pagpasok ng Stallion Island. They could never turn her friends away.
Nilabanan niya ang panghihina hanggang makarating sa reception ng Pavillion Terminal kung saan mistulang isang eleganteng airport terminal iyon. Doon sinasala ang lahat ng pumapasok sa Stallion Island. Nakatutok sa kanila ni Gabriella ang paningin ng lahat. Hindi niya iyon pinansin. Simula na ng laban.
“Good morning, Seychelle!” bati niya sa receptionist.
“Miss Vix!” gulat nitong sabi at namutla nang makita si Gabriella. “Kasama po ninyo ang…”
“My friend, Gabriella Carinio,” kampante niyang pagpapakilala kay Gabriella.
Nagpapalit-palit ang tingin ni Seychelle sa kanya at kay Gabriella. “Pero siya po ay… nakita ko po siya sa TV na…”
Mahina siyang tumawa. “I know. Sikat na sikat siya ngayon. Pero masyado na siyang napagod sa trabaho kaya nag-decide akong isama siyang magbakasyon. Could you please tell my cousin Noah to fetch me? Pagod na pagod na kami sa biyahe. Thank you.”
“For a moment, Ma’am,” anito at may kinausap sa headset nito.
Pinaupo muna sila nito sa waiting lounge. Di nagtagal ay nilapitan sila ng isa sa mga assistant head ng security na si Ridge. “Miss Elizaga, pwede po ba namin muna kayong imbitahan ni Miss Carinio sa security office. SOP lang po.”
“Of course,” kampante niyang sabi at tumayo.
Naramdaman niya ang tensiyon sa katawan ni Gabriella subalit pinipilit nitong maging matapang. Idinala sila sa lounge at ihinarap sa security head na si Oliver. Laging nakangiti si Oliver kapag nagkikita sila subalit sa pagkakataong ito ay matiim ang anyo nito. Parang dalawa silang delinkwenteng bata na ipinatawag sa principal’s office. Ang karaniwang bisita na nasa guest list ay sa waiting lounge lang naghihintay. Pero kung walang official member na magbibigay ng access o may di magandang record, kailangan munang dumaan sa security office para malaman kung papapasukin o tuluyan nang paaalisin sa isla.
“Miss Elizaga, welcome to Stallion Island again,” sabi ni Oliver at kinamayan sila ni Gabriella. Ni di man lang nadagdagan ang pagkagiliw nito.
“Thanks!” aniya at umupo agad. “Ngayon lang ako nakadalaw sa opisina mo. This is nice for a change. Natawagan na ba si Noah para sunduin kami?”
“I am afraid kailangan muna nating hintayin ang desisyon ng village lords kung papapasukin ang kaibigan mo, Miss Elizaga. Just yesterday, she was protesting and questioning the existence of our club. I don’t know what is her business here,” prangkang sagot ni Oliver.
“She’s my dear friend. Gusto kong ipakita sa kanya na maganda ang Stallion Island at gentleman ang mga lalaki dito. Na hindi naman ako magbo-boyfriend ng hindi member dito kung alam kong may kababalaghang nangyayari dito,” sabi niya.
Lalong kumunot ang noo ni Oliver. “We still have to wait for the village lord’s verdict. For now, sit back and relax.”
HINDI maiwasang ngumiti ni Trick habang pinagmamasdan ang picture nila ni Vix noong college na nasa laptop niya. Kuha nila iyon sa Sunken Garden. Mukha itong si Madonna noong 1980’s sa costume nito at nagpapalobo pa ng bubble gum. Marami ang nagsasabi na weird si Vix pero para sa kanya ay unique ito. Iyon ang naka-attract sa kanya kay Vix. Opposites attract. Kung makulay na tao si Vix, siya naman ay simple lang.
Despite their differences, their minds meet. Kaya nga magkasundo sila at tumagal ang pagkakaibigan nila. And he was expecting that their relationship would run smoothly as well. He was wrong. Ngayon ay parang tuluyan nang nawala si Vix sa kanya.
Sana ay bumalik na lang sila sa dati. When things were uncomplicated. Noong hindi pa sila nahahadlangan ng mga pangarap at paniniwala nila.
“Naks! Hindi ko alam na nag-date pala sila Jose Rizal at si Madonna noong araw,” singit ni Dare at nakisilip sa laptop niya.
Saka lang niya naalala na nasa Stallion Wave siya kasama ang iba pang members. Dahil umuulan ay hindi sila makapag-horseback riding at iba pang outdoor activities. Sa Stallion Wave na nag-ipon-ipon ang iba. Nakagawian na iyon ng ibang members dahil aliw na aliw ang mga ito na panoorin ang mga aktibistang ipino-protesta ang Stallion Shampoo Makeover Challenge. Subalit dahil umuulan ay walang protesta ang mga ito ngayon. At dahil walang mapaglibangan ay mukhang siya ang pag-iinitan ng mga ito.
Matalim niyang tiningnan si Dare at isinara ang laptop. “Hindi ko kamukha si Jose Rizal. Matangkad naman ako doon.”
Siniko siya ni Slade na kasama niyang Prince Charming sa makeover challenge. “Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ng girlfriend mo? Kaya pala sesenti-senti ka pa rin ngayon.”
“Nagkausap na ba kayo ni Ate Vix?” tanong ni Noah na nasa gilid niya.
Umiling siya. “Ayaw daw niya akong kausapin. At kung gusto man akong kausapin ni Vix, sana noon pa niya ginawa. Maybe she doesn’t care anymore. Baka mas importante sa kanya ‘yung manalo sa eleksiyon kaysa sa akin.”
Ito ba ang paraan nito para makipag-compromise? Ine-entertain nito ang ibang lalaki? Hindi bale sana kung ang dati nitong crush na si Evandro ang i-entertain nito. At least he was a decent man. But not Arnulfo Benitez who was a wolf in sheep’s clothes. Paano niya ito sasagipin kung bukas ang mga mata nitong umapak sa kumunoy?
“Women. Kapag nakilala mo sila at sinabi nilang mahal ka nila, akala mo sa iyo na iikot ang mundo nila. Magugulat ka na lang dahil kapag mas pinili nila ang ambisyon nila, you mean so little to them,” komento ni TJ na isang sikat na music producer.
“Experience ba kay Kaetria ang tinutukoy mo?” tanong ni Illac na isang social enterpreneur. TJ had a serious relationship with the controversial dance goddess Kaetria Mosqueda. Kaya naman maraming bulung-bulungan ngayon sa Stallion Island dahil isa si Kaetria sa magiging mentors sa makeover challenge at ang usap-usapan ay kabilang ito sa harem ni Prince Rostam.
Madilim ang mukhang binalingan ito ni TJ. “Hindi ko alam na interesado ka pala sa mga tsismis.”
Nagkibit-balikat si Illac. “I can’t help it. I am a fan.”
“Paano kung biglang dumating si Vix dito at makipagkita sa iyo?” tanong ni Maxim. “Kakausapin mo ba? Makikipagbalikan ka ba?”
Pumalatak si Noah. “Naku! Kung biglang susulpot dito si Ate Vix, ibig sabihin malaking gulo iyon. Hindi mo alam ang takbo ng utak ng babaeng iyon. Masyadong impulsive.”
Kinatok na lang niya ang kahoy na mesa saka binuksan muli ang laptop. Mahirap nang magpakasiguro. Hindi si Vix ang klase ng babae na tatahimik lang kapag may nangyayaring hindi maganda. Kung di ito masaya sa paglabas niya bilang Prince Charming sa Stallion Shampoo Makeover Challenge, dapat ay sumugod na agad ito para ilabas ang galit nito.
At kung tatapak si Vix sa Stallion Island, there would be more than just confrontation. She would surely bring hell over. Naalala niya nang lokohin ito ng ex-boyfriend nito na nagpakasal sa ibang babae. Kundi nila ito napigilan ay baka nagulpi na nito at nabalatan ng buhay ang ex-boyfriend nito saka ipinahiya sa publiko.
Nakakatakot ang totoong Vix kapag hindi ito napigilan. At ngayon ay mas nakakatakot ito dahil di niya alam kung anong tumatakbo sa utak nito.
“Drat! Nandito si Ate Vix!” bulalas ni Noah at biglang tumayo habang nakatingin sa Blackberry phone nito.
“Si Vix?” bulalas niya at dali-daling pumasok sa ilalim ng mesa. Sa kamamadali ay naumpog ang ulo niya. “Oh, damn!” Bigla siyang nag-panic at hindi na niya napigilan ang panginginig ng katawan niya. “Noah, tiyakin mong hindi lang joke iyan. Masasakal kita.”
“Seryoso ako. Nandito siya,” sabi nito.
Sumilip si Zach sa ilalim ng mesa. “Bakit ka biglang nagtago?”
Inilagay niya ang daliri sa labi. “Shhhh!”
Baka mamaya ay nasa paligid lang si Vix. Sana naman ay nakuha na ng mga ito ang clue na ayaw niyang magpakita sa dating nobya. Anak ng… hindi pa siya handa na harapin ito. Bakit bigla na lang itong susulpot sa Stallion Island? Nagtayuan ang balahibo niya. He didn’t like the feeling. Masama ang kutob niya kapag ganoon ang pakiramdam niya. May masamang mangyayari.
Sinilip siya ni Noah sa ilalim ng mesa at tinapik sa balikat. “Relax! Nagpapasundo pa lang siya sa terminal.”
“Huwag mong sabihing papapasukin mo siya dito,” aniya. Kung gusto ni Vix na mag-usap sila, pagbibigyan niya ito. Pero sa sarili niyang schedule. At hindi sa Stallion Island. He wanted it to be private. Kung marami itong gustong sabihin sa kanya, marami rin siyang gustong ssabihin dito.
Nagkibit-balikat si Noah. “Kilala mo naman si Ate Vix. Mukhang kikikay-kikay iyon pero kapag hindi mo pinagbigyan, daig mo pa ang nag-create ng tsunami. Gusto mo bang lalo tayong magkagulo dito?”
“Under ka, Trick?” tanong ni Audric.
“Under the table,” taas-noong sabi niya. Masunurin siyang boyfriend. Hindi siya under the saya. Nagtatago lang siya para umiwas sa gulo.
“Mabuti na lang di alam sa labas na may member tayong under,” komento ni Quillian na mino-monitor naman ang mga programs na pino-produce nito sa maliit na TV sa cellphone nito. “Masisira ang kakisigan natin dito.”
“Kapag na-in love ka din, tingnan ko lang kung isipin mo pa ang kakisigan mo,” katwiran niya. Palibhasa ay hindi pa nai-in love ang maraming members doon. Ang alam lang ng mga ito ay mag-enjoy sa mga babae at huwag seryosohin. Tingnan lang niya kundi niya pagtawanan ang mga ito kapag na-in love din.
“Kung mahal mo si Vix, bakit mo tinitiis?” tanong ni Zachary.
“Kailangan niyang matutong tumupad sa pangako.”
Hindi maganda ang hilatsa ng mukha ni Noah nang senyasan siyang lumabas ng mesa. Idinala siya nito sa bahagi ng restaurant kung saan walang ibang tao. “Mukhang mas malaking gulo pa ang dala ni Ate Vix. Alam mo bang kasama niya si Gabriella Carinio?”
“’Yung leader ng mga aktibista na nagpoprotesta?” bulalas niya.
Marahan itong tumango. “Mukhang gusto talaga niya ng gulo.”
Mariin siyang pumikit. “Ano bang gusto niyang patunayan?”
Pinisil ni Noah ang balikat niya. “Kuya Trick, sana kapag nagkita at nag-usap kayo, lagi mong isipin na mahal ka ni Ate Vix.”
Bumuntong-hininga siya. He was not sure about that anymore. “Hindi ko pa siya kakausapin ngayon. Pupunta muna ako sa Stallion Pass. Kailangan kong mag-isip. Kung kailangan mo ng tulong sa anumang gulong gagawin ng pinsan mo, ipa-contact mo na lang ako.”