Parang sinisilihan si Vix habang nasa security room. Matiim ang mga matang nakatitig sa kanya at parang inuuri siya. She didn’t like the feeling. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa nakaraan at iginagisa ng Spanish Inquisitors.
“May sama ka ba ng loob sa Stallion Shampoo Makeover Challenge kaya idinala mo dito si Miss Carinio dahil pakiramdam mo lalong lumala ang relasyon ninyong dalawa ni Trick?”
She almost let out an unlady like wolf whistle when Oliver delivered that question. Oliver was good. Di nakapagtatakang ito ang head ng security ng Stallion Island. Pero hindi siya nagtrabaho sa Congress nang ilang taon para lang magpahuli dito. Her charm would win him over.
Matamis ang ngiting gumuhit sa labi niya at uminom ng lemon iced tea na idinulot sa kanya. Tinanggihan niya ang kape. It was a good move, lalo na’t isang matinding interrogation pala ang daranasin niya sa kamay ng security personnels.
“Oliver, I am actually thrilled to see Trick on TV. Guwapong-guwapo ang boyfriend ko sa TV. And I am proud that he is mine,” kalmadong deklarasyon niya.
“Your wedding is postponed. Trick refuses to talk to you.”
Napamaang siya. “That’s a personal matter, don’t you think?”
“If it concerns the security of the riding club, then it is my business. I hope you understand. I just want to protect the island from intruders.” Saka nito bahagyang sinulyapan ang nananahimik na si Gabriella.
“Iniisip mong idinala ko si Gabriella dito para manggulo?” mataray niyang tanong. “Why would I do that?”
“You know why,” Oliver said calmly and looked into her eyes.
Napalunok siya. May kakaiba sa mga mata nito. As if he could see right through her. Na parang nababasa nito ang iniisip niya at tatakbuhin pa ng isipan niya. He was one scary guy. At nang mga oras na iyon, alam niyang hindi lang si Gabriella ang ikinokonsidera nitong threat kundi maging siya.
Then one fatal truth assaulted her. Hindi si Gabriella ang tunay na kalaban ng Stallion Island o ng Stallion Shampoo Makeover Challenge kundi siya. She wanted retribution because Trick’s Prince Charming stint pulled them further apart. At wala man lang naging concerned para pigilan iyon. para di na siya masaktan. And she would go through lengths to take Trick back. Hindi niya alam kung ano pa ang kaya niyang gawin para lang mabawi si Trick. She knew that deep in her soul.
Bumukas ang pinto at pumasok si Noah. “Ate Vix!”
Niyakap agad niya ang pinsan. “Mabuti naman dumating ka na. Look! Pagod na kami ni Gabriella at gusto na naming magpahinga. May extra guestroom ka naman, di ba? It is such an exhausting trip.” Gusto na lang niyang makaalis doon. Mas nakakakot si Oliver kaysa sa phobia niyang maglakbay sa tubig.
Umiling si Noah. “Hindi ko pwedeng bigyan ng access si Miss Carinio.”
“Bakit hindi mo pwedeng papasukin ang bisita ko?” mataray niyang tanong. “She’s a good friend. She’s not a criminal. I know her for years. Nagkakasama kami sa Congress. Hindi naman masamang tao ang nagtatanggol sa mga kababaihan.”
“You know what she is,” may kahinaang sabi ni Noah at sinulyapan si Gabriella. “Ate, huwag mo namang ikatang ang ulo ko sa pugutan. I still value my life. Gusto mo ba talagang gumawa ng gulo?”
“Gaano pa katagal bago ninyo ako ipatapon sa islang ito?” tanong ni Gabriella kay Ridge.
“Kung walang magbibigay ng access sa inyo sa loob ng apat na oras, you will be brought back to the mainland,” pormal na wika ni Ridge.
Nanlumo siya. Parang malabong mabigyan ng access si Gabriella. She felt bad. Hindi dahil idinala niya ito doon para manggulo. Naniniwala siya sa ipinaglalaban nito. The men in Stallion Island were so stubborn. Anong masama kung magpapasok ng mga women-oriented groups sa isla para mag-observe? Mga disenteng tao naman ang miyembro doon. Matinding pagbusisi ang ginagawa sa mga members bago makapasok. Hindi lang pera o kasikatan ang basehan kundi para maging member doon. The village lords lords must see something interesting with the candidate. Na kahit masungit o babaero pa ito ay may mabuting magagawa sa mundo. Iyon ang paliwanag ni Trick sa kanya.
Mukhang napuno na si Gabriella at tumayo. “Sabihin nga ninyo sa akin ang totoo. May itinatago ba kayo dito sa islang ito kaya ayaw ninyo akong papasukin?”
“Wala kaming itinatago, Miss,” sagot ni Evandro. Kasama nito ang ad executive ng Stallion Shampoo na si Aric na member din doon. “I am sorry for the inconvenience, Miss Gabriella. As you know, pina-process pa namin ang access ninyo sa isla.”
“At kailan naman ninyo ako bibigyan ng access?” tanong ni Gabriella.
“Just give us a few minutes. Gusto naming maging maayos ang pagpasok ninyo sa Stallion Island,” wika ni Evandro.
“How about the Stallion Shampoo makeover Challenge?” tanong niya.
Sinenyasan ni Evandro si Aric. Inabot nito ang isang papel kay Gabriella. “Nandito ang papers na kailangan ninyo para makapag-observe kayo sa amin. Gusto naming ipakita na sumusunod kami sa standard ng pangangalaga sa mga kababaihan. Wala kaming gustong i-degrade sa mga contestant namin at sa mga sectors na inire-represent nila. You are free to state your opinions regarding our next episodes if you want.”
“Gusto ko rin ng access sa program!” aniyang di mapigilan ang sarili. “Bilang future wife ng isa sa mga Prince Charming ninyo, may karapatan naman ako na malaman kung napapangalagaan ang reputasyon niya. At kung tinatrato siya ng tama. Hindi ko alam kung anong klaseng babae ang pinadidikit ninyo sa kanya.”
Ngumiti si Aric. “Mas maganda siguro kung magkaroon ka muna ng access kay Trick. Balita ko pinagtataguan ka niya.”
“What?” bulalas niya at hinila si Noah. “Nasaan ang surveillance dito. Gusto kong malaman kung saan nagtatago ang lalaking iyon.” Nilingon niya si Gabriella. “Gabriella, babalikan na lang kita.”
“It’s okay, Vix. We will take care of her,” sabi ni Evandro. Si Gabriella ay official nang bisita sa Stallion Island. Di na siya dapat mag-alala pa.
Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ni Evandro. Isang bagay na matagal na niyang gustong gawin dahil ilang taon na rin niya itong crush. Baka di na siya magkaroon pa ulit ng pagkakataon. “Alam mo matagal na kitang crush. Kapag di natuloy ang kasal namin ni Trick, pipikutin na lang kita.”
Hinila siya ni Noah palabas ng security room. “Halika na nga, Ate. Pati ako ipapahamak mo pa. Doon ka na lang kay Kuya Trick.”
“Nasaan ba si Trick?” tanong niya pagsakay ng electronic jeepney.
Huminga ito ng malalim. “Kailangan niya ng oras para sa sarili niya. Tapos dinadagan mo pa ng gulo.”
“Hindi ako gagawa ng gulo kundi siya sumali sa Prince Charming-Prince Charming na iyan. Hindi ito mangyayari kung nakipag-usap siya sa akin noong una pa lang. Hindi ito mangyayari kung…”
“Kumain ka na ba?” putol ni Noah sa mga tanong niya.
Umiling siya. “Hindi ako nagugutom.”
Hindi tatanggapin ng sikmura niya ang pagkain. Pakiramdam niya ay inaalon pa rin siya sa dagat. Banayad lang ang takbo ng e-jeepney pero parang nasa bangka pa rin siya. Nakakaliyo. Hindi niya iyon pinansin kanina dahil in-assault agad siya ng interrogation ng mga security personnel. The experience was worse than her motion sickness. Ngayong wala na ang pressure, inatake na naman siya ng hilo niya.
“May sakit ka ba?” tanong nito. “Namumutla ka, Ate. Saka parang nanghihina ka. Gusto mo dalhin kita sa medical center?”
Umiling siya at pumikit. “Ayoko. Kay Trick mo ako dalhin. Gusto ko siyang makita. Dalhin mo ako sa kanya.”
“Kung ayaw mo sa medical center, sa bahay ko na lang. papapuntahin ko doon si Doc Nathaniella.”
Hindi nakikinig ang pinsan niya. Hindi ba nito maintindihan na ang tanging mahalaga lang sa kanya ay si Trick? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya, mababaliw na siya kung hindi pa niya makikita si Trick. Kailangan niya itong makausap dahil marami na siyang inaksayang oras.
“Manong, para,” aniya sa driver ng e-jeepney at inilabas agad ang ulo bilang pagtatangkang lumabas.
Pinigilan siya ni Noah. “Are you crazy? Malakas ang ulan sa labas. Paano ka makakarating kay Kuya Trick ng ganyan ang kondisyon mo? Gumagapang?”
Pabagsak siyang umupo at sumandal sa upuan. Naramdaman niya ang pangingilid ng luha niya. She felt helpless and weak. “I just want Trick. Tawagan mo siya. Please.”
Hinang-hina na siya. Parang hinugot na ng lahat ng misfortunes na pinagdaanan niya kanina ang lahat ng enerhiya niya. At ni hindi pa sila nagkakaharap man lang ni Trick. Kailangang makita ulit niya ito bago na naman siya nito takasan at pagtaguan.
Masyado nang matagal mula nang huli silang magkita. Kung tatagal pa ng kahit isang oras na di niya ito nakikita o nakakausap, ikamamatay na niya.
Pumikit siya habang pinakikiramdaman ang pagtawag ng pinsan niya kay Trick sa pamamagitan ng Blackberry nito. “Ate…” anito at itinutok sa bibig niya ang cellphone nito.
“Hello.”
Something clenched inside her chest when he heard Trick’s voice. She missed him. Parang ilang taon ang itinagal ng ilang linggo nilang hindi pag-uusap. She couldn’t imagine how she could afford not to hear his voice. Or see him or touch him or kiss him. And she couldn’t last longer without him anymore.
“Trick, I am dying.”
TRICK kept on cursing himself several times over. Malapit na siya sa Stallion Pass nang matanggap niya ang tawag mula kay Noah. And he was baffled when he heard Vix voice. She told him that she was dying and he felt like he died on the spot.
Vix was always full of life. Hindi ito nauubusan ng energy. At ang Vix na narinig niya ay nanghihina. Walang buhay.
He let out another curse. Pinabilisan niya ang takbo ng kabayo niyang si Adrenaline Rush. Tanging kabayo lang ang pwedeng dumaan sa Stallion Pass dahil sa makipot na trek niyon. Sinagasa niya ang malakas na ulan para lang makarating agad sa medical center kung saan dinala ni Noah si Vix.
Dread crept right through him. Naalala niya kung paanong wala siya sa tabi ng mga magulang niya at kapatid nang mamatay ang mga ito. Hindi niya nagawang iligtas ang mga ito.
Ngayon naman ay si Vix ang nakatakdang mawala sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa renda ng kabayo at inutusan pa si Adrenaline Rush na bilisan lalo ang takbo. Naalala niya kung paano niyang iwasan si Vix nitong nakakaraang linggo. Kung paanong tuluyan na niyang di sinagot ang tawag nito.
Until it was Vix’s turn to refuse his calls. Ni hindi niya naisip na baka may sakit ito. O kung gaano niya ito nasaktan. Masyado niyang naisip ang pangakong hindi nito tinupad. Paano kung bilang na pala ang araw nito sa mundo at iyon na lang ang huling pagkakataon na magkasama sila? Tapos ay tinaguan pa niya ito.
“That’s stupid, Vergara,” bulong niya sa sarili.
Mabilis siyang bumaba sa kabayo nang dumating sa medical center at hinayaan ang groom na asikasuhin si Adrenaline Rush. Ni hindi siya nag-abalang tanggalin ang raincoat niya.
Nagimbal ang mga receptionist sa biglang pagsulpot niya. “My fiancee’s room?” tanong niya sa mga nakatulalang receptionists.
“Fiancee ninyo, Sir?” tanong ng receptionist na unang nakabawi. “Hindi po ba break na kayo ng girlfriend ninyo?”
Mariin siyang pumikit sa inis at binayo ang marmol na counter. “Ano ba kayo? Bilang na ang araw ni Vix sa mundo! I want to see her soon. And I don’t have time for stupid questions!”
Nanginginig ang mga receptionist sa pagbibigay ng numero ng kuwarto ni Vix. Nagulat din siya sa outburst niya dahil napakapasensiyoso niyang tao. He could easily dismiss impertinent questions and comments without an explosion of emotion. He was losing his cool. He was losing Vix for real.
Naglingunan ang mga tao sa loob ng silid nang bigla siyang pumasok. “Kuya Trick…” anang si Noah at nilapitan siya.
“Ano ba ‘yang itsura mo?” tanong ni Nathaniella na kausap nito.
Subalit hindi niya pinansin ang mga ito at nilapitan ang nakahimlay na si Vix. Umuklo siya sa tabi nito at hinawakan ang malambot nitong kamay. Hinaplos niya ang pisngi nito na walang kulay. “Vix, wake up. Nandito na ako.”
Subalit hindi ito sumagot o natinag man lang. He wanted to howl in despair. Nakita niya ang bakas ng paghihirap nito. At ito pa ang dumayo sa Stallion Island para makita siya. Kung alam lang niya na may sakit ito ay ibinigay na sana niya ang lahat ng gusto nito…
“Gusto ka talaga niyang makita kahit hinang-hina na siya, Kuya Trick,” malungkot na sabi ni Noah. “Ayaw siyang papuntahin ni Tita pero mapilit siya.”
Maaring alam na ng pamilya nito na malala na ang sakit nito. Kaya ayaw na ng Mama nito na magkausap pa sila ni Vix dahil lalo lang itong masasaktan. Their wedding was postponed, he refused to talk to him and his appearance at the Stallion Shampoo Makeover Challenge. Parang insulto ang huli kay Vix.
And now he felt sorry for everything. Kung maibabalik lang sana niya ang panahon, gagawin niya ang lahat para maging masaya si Vix.
“Doc Nathaniella, anong sakit niya?” tanong niya at nilingon ang doktora. Subalit hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ni Vix.
“She suffered from sea sickness. Nagbiyahe siya papunta dito nang naka-speedboat,” anang si Nathaniella. “At maalon kanina dahil sa ulan.”
Mariing nagdikit ang labi niya. bakit ito bumiyahe sa dagat samantalang ayaw may seasckness ito. kaya nga di sila sumasakayy ng yate. Kapag ipinapasyal sa isla ay lagi silang naka-seaplane. But she did it for him just the same.
“Ano pang sakit niya, Doc?”
“Hindi siya nag-agahan at mukhang wala rin siyang tulog. Idagdag pa ang matinding interrogation sa kanya kanina sa security area.”
Hinaplos niya ang buhok ni Vix. “Gaano na lang katagal ang buhay niya?”
“Ang tulog niya? mga ilang oras pa. Mukhang kailangan niyang magpahinga dahil stressed out din yata siya sa trabaho, gigising din ‘yan mamaya. You have nothing to worry about.”
“Nothing to worry?” Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang galit. “Vix is dying, Doc! Sinabi niya sa akin kanina.” Lalong bumigat ang dibdib niya. “Noah, narinig mo ang sinabi ni Vix. Malapit na siyang mamatay.”
Natigagal na lang siya Noah at tiningnan siya na parang di niya alam ang sinasabi niya. “Pero wala namang…”
“Sabihin na ninyo sa akin ang totoo!”
Hinawakan siya ni Nathaniella sa balikat at pinaupo sa couch. “I will talk to their family doctor about this. Nabanggit sa akin ni Vix na two months ago nagpa-general check up siya.”
“Sa tingin ko seasickness lang ‘yon,” sabi ni Noah.
“Sana nga. Sana nga iyon lang.”
Because he couldn’t imagine breathing and living the next days of his life knowing he would lose Vix forever.