Paggising ni Vix ay wala na si Trick sa tabi niya. Maliwanag na ang sikat ng araw. Hindi niya alam na ganoon na kahaba ang itinulog niya. Parang noon lang bumawi ang katawan niya sa ilang araw na wala siyang tulog.
Her first night with Trick. Ilang babae ba ang di man lang nakatikim kahit isang halik sa unang gabi ng kasal nito? Siguro ay pagod lang si Trick. Iniisip din siguro nito na pagod din siya. Isang gabi pa lang ang nagdaan. Marami pang gabing dadaan sa kanila bilang mag-asawa. Katulad mamayang gabi…
Kahit paano ay masigla siyang bumangon. Pababa ng hagdan ay nasalubong niya ang kawaksing si Manang Meling. “Magandang umaga po,” bati niya.
“Gising na pala kayo, señorita.”
Luminga siya. “Nasaan po si Trick?”
“May aayusin sa kapitolyo ngayon. Na-cancel kasi ang ibang meeting niya kahapon dahil sa kasal ninyo. Sabi niya sa akin huwag ka nang gisingin dahil kailangan mo ng maraming tulog. Kumain na kayo ng agahan.”
Bumagsak ang balikat niya. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. “Thank you po,” mahina niyang usal at nalungkot nang ihain sa kanya ang paborito ni Trick na tapsilog. It was their first morning as husband and wife. Iniiwasan ba siya nito? “Uuwi daw po ba siya mamayang tanghalian?”
“Hindi niya sinabi sa akin. Gusto ko ngang pingutin kanina. Kakakasal lang ninyo pero trabaho agad ang inaatupag.”
“Biglaan po kasi ang kasal namin.”
“Siguro paghahandaan niya ang pulot-gata ninyo kaya tinatapos niya ang lahat ng trabaho,” may panunuksong sabi nito.
Hindi na niya alam kung gugustuhin pa ni Trick ng honeymoon. Mula nang pumasok sila sa kuwarto nila kagabi, ni dulo ng daliri niya ay hindi nito hinawakan.
Ipinilig niya ang ulo. Kasal na sila ni Trick. Wala na itong kawala sa kanya. Kailangan pa niyang ipakita dito na di ito magsisisi sa pagpapakasal sa kanya. Hindi siya dapat na maging negative.
“Manang, ano po bang trabaho ang maitutulong ko dito sa bahay? Saka pwede po ba tumulong din ako sa paghahanda sa tanghalian ni Trick?”
Tumango ito. “Ikaw na ang asawa niya ngayon. Ikaw na ang mamamahala sa bahay niya. Ano ba ang gusto mong gawin?”
Inikot niya ang paningin sa bahay. Despite of the house’s classic look, it was lacking in something. Noon pa niya iyon napapansin. “Parang gusto kong magpa-deliver ng bulaklak.”
“Ngayong may babae na dito sa bahay, pwede na siguro iyan.”
Matapos ang agahan ay nagpa-deliver siya ng mga bulaklak mula sa flower farm nila Freezia. Tiniyak niya na may makulay na vase ng bulaklak ang bawat bahagi ng bahay. Mula sa sala, kusina hanggang sa kuwarto nila ni Trick. It somehow lifted her spirits. Nagkaroon na kasi ng buhay ang bahay na dati ay may pagka-gloomy. Sana ay magustuhan iyon ni Trick.
Inilista rin niya ang gusto niyang kurtina at bagong decoration. She would discuss it with Trick of course. Bahay pa rin nito iyon kahit na kasal na sila.
Nagulat pa siya nang makitang alas diyes na ng umaga. Oras na para maghanda ng tanghalian. Nasa kusina siya nang dumating ang Mama niya.
“First day pa lang ng kasal ninyo, nagpapaalila ka na sa asawa mo,” komento nito pagbungad nito sa kanya.
Humalik siya sa pisngi nito. “It is a wifely duty, Ma. Hindi ako inaalila ni Trick.” Hindi niya natatandaang gumawa ng gawaing bahay ang Mama niya. She was more active in playing hostess to her father’s party and as his advisor.
“While you are happy playing housewife, ipapaalala ko lang sa iyo na malapit na ang filing ng candidacy. Baka nakalimutan mong ikaw na ang susunod na mayor ng San Martin.”
Parang may malaking batong pumatong sa balikat niya. Bigla niyang nakalimutan ang eleksiyon. Masyado siyang nakatuon sa pagiging asawa ni Trick. And she was enjoying her new role. Habang mabigat para sa kanya ang pagtakbo sa susunod na eleksiyon. Nakakapagod agad. “Yes, Ma. Hindi ko po nakakalimutan.”
TAHIMIK si Trick habang kumakain. Hapon na ito dumating pero nang sabihin ni Manang Meling na siya ang nagluto ng tanghalian ay nagpahain pa rin ito. Maganang kumain si Trick. But he was extremely quiet.
“Masarap ba?” tanong niya nang idulot dito ang fruit shake.
“You don’t hear me complaining.”
Not the kind of reaction that she expected. Ang Trick na kilala niya ay enthusiastic habang kumakain. He gives fair comment to her cooking. Kaya nga gustong-gusto niya itong ipagluto. Parang gourmet chef kasi siya kapag ito ang kumakain ng luto niya.
“Nagustuhan mo ba ‘yung mga bulaklak?”
He lazily gaze at the flowers direction and nodded. Tapos ay itinuloy nito ang pagkain. At least hindi ito umangal.
“Okay lang ba na magpagawa ako ng kurtina? I mean, para mas magkaroon ng kulay ‘tong bahay. Pero siyempre ikaw ang final say sa design.”
Iwinaksi nito ang kamay. “Have it your way. You are now the mistress of the house. Ikaw na ang bahalang mag-ayos nitong bahay kung may oras ka.”
Tumango siya. “Oo naman.” That was encouraging enough. “Dumaan pala si Mama dito kanina. Malapit na ang filing ng certificate of candidacy. Okay lang ba…I mean…I really want to run this eleksiyon.”
Sa gulat niya ay biglang humalakhak si Trick. “Hindi mo na kailangan ng opinyon o permiso ko sa pagtakbo o sa kahit anong gusto mong gawin, Vix. Hindi na kita mapipigilan. Nakuha mo na ang lahat ng gusto mo. Bakit kailangan mo pa ng approval ko? You can do whatever you damn please.”
Nasaktan siya. Kaya ba puro tango lang ito sa kanya dahil iyon ang tingin nito? Na hindi na mahalaga ang opinyon nito para sa kanya?
She lifted her chin up. “I’m just telling you because you are my husband.”
Ngumisi ito. “I am honored then. Thank you.”
Marriage with Trick was not as easy as she thought. His heart was not into it.
Kaya kinagabihan ay ihinanda na niya ang sarili. Hindi pwedeng lumipas ang gabi nang hindi siya nito nayayakap o hinahalikan. Tingnan lang niya kung matanggihan pa nito ang alindog niya.
Nag-pose pa siya sa harap ng salamin suot ang red na negligee. Handang-handa na siyang akitin si Trick. Subalit nagulat siya nang makitang nakahiga ito sa sahig. “Trick, anong ginagawa mo diyan?”
“Hindi muna tayo magtatabi dahil baka delikado sa baby natin,” anito at inilagay ang mga kamay sa ilalim ng ulo nito saka siya pinagmasdan.
“Ano?” bulalas niya. “Anong baby…”
“Ang ipinagbubuntis mo. I will touch you after you give birth.”
Nakatitig lang siya dito habang naglalaro ang nang-uuyam na ngiti sa labi nito. Ibig bang sabihin ay hindi siya nito hahawakan kahit kailan? Pinarurusahan ba siya nito dahil sa pagsisinungaling niya? At higit sa lahat, wala bang epekto dito ang alindog niya? “Trick, hindi ito magandang biro.”
Naglaho ang ngiti sa labi nito at naging matigas ang anyo nito. “Mas lalong hindi nakakatuwa ang sinabi mo na buntis ka kahit hindi naman.”
Lumuhod siya sa tabi nito. “Alam ko. May kasalanan ako. But I was desperate that time. Natatakot ako na mawala ka sa akin.”
“Of course. Sarili mo lang ang iniisip mo. Aren’t you proud of yourself? Na-accomplish mo ang gusto mo. Kasal na tayo at hindi kita pipigilan kung gusto mong tumakbong mayor or governor or congressman.”
No. Hindi siya masaya sa pakiramdam nito sa kasal nila. Akala niya kapag nakasal sila ay magiging madali ang lahat para sa kanila. Na babalik ulit ang pagmamahal nito sa kanya. That they could make it work. Pero lalo lang itong lumayo sa kanya.
“Bakit mo pa ako pinakasalan kung galit ka sa akin, Trick?”
He reached out and touched a lock of her hair. As if he was admiring her like a work of art. “Dahil nakompromiso na tayong dalawa. Alam mo na kapag nalaman ng lahat na hindi ka totoong buntis, mapapahiya lang tayong pareho sa mga tao. Ano na lang ang damage na magagawa noon sa pamilya mo? I saved you from yourself.”
“Pero wala kang planong tratuhin ako bilang tunay mong asawa?” tanong niya sa malamig na boses. Binawi ni Trick ang kamay at wala siyang mabasa sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi na nito kailangan pang sumagot. Nakumpirma na niya ang hinala niya. Ito ang leksiyong ibinibigay nito. Pinakasalan siya nito pero hindi niya ito makuha nang buo. Yumuko siya at inilapit ang labi sa labi nito. “I want to be a real wife to you, Trick. Hindi mo ba ako mapapatawad?”
“Matulog ka na, Vix,” sabi nito at tinalikuran siya.
Ilang sandali siyang nakatitig sa likuran nito. Hindi siya nito mapapatawad at hindi nito gustong maging tunay siyang asawa. Naluluha siyang sumampa sa kama at patalikod na natulog dito. Tahimik siyang umiyak. She felt miserable. Mag-asawa nga sila pero ayaw na nito sa kanya.
Hindi lang pagmamahal ni Trick ang nawala sa kanya. Wala na itong tiwala sa kanya. Nakaramdam siya ng pagsisisi. Sana hindi na lang niya ito pinakasalan. Hindi na sana niya ginawa ang kahibangan niya. Baka sakaling may pag-asa pa sila.
This was hell. Trick’s own brand of hell. Huli na para magsisi pa. Nasaktan niya ang lalaking mahal niya at ibinabalik lang nito sa kanya ang pagkakamali niya.
PAKUYA-KUYAKOY si Vix habang nakapangalumbaba sa harap ng laptop. Kae-email pa lang niya ng report na kailangan ng Kuya Guilbert niya. Maulan sa labas at walang importanteng engagement ang kapatid niya kaya pinili niyang sa bahay na lang magtrabaho. Kailangan din niya ng oras para kay Trick.
Nafu-frustrate na siya. Nauubusan na siya ng idea para suyuin si Trick. Parang wala naman kasing epekto ang ginagawa niya para dito.
Matapos ang huling komprontasyon nila kung saan tinulugan lang siya nito ay lalo itong naging malamig sa kanya. Umalis ito papuntang Stallion Island para sa princess trial ng Stallion Shampoo Makeover Challenge. Ngayong hapon ang balik nito kaya naghahanda na siya. Ayaw niyang isuko ang pagsasama nila ni Trick. Umaasa siya na makakabawi din siya dito.
“Aba! May gerlpren na pala si Senator Benitez. Sexy at batang-bata pa. Crush ko pa mandin ‘tong artistang ito,” narinig niyang sabi ng driver na si Mang Tikoy.
“Sus! Broken hearted iyan kay Señorita Vix dahil binasted siya at pinakasal si Señorito Trick,” wika Mang Mundo, ang hardinero nila.
Lumalabas na ngayon si Senator Benitez kasama ang nobya nitong si Kristalla Ramirez na isang sexy actress. Lumabas kasi ang balita mula sa kalabang kampo nito na kaya niya ito binasted ay dahil bading ito. Hindi niya alam kung totoo ang relasyon nina Kristalla at Arnulfo. Mabuti nga at di na siya nito ginugulo.
“Masyado namang sosyal iyong si Señorita Vix para kay Señorito Trick. Parang hindi mo mapagsusuot ng basahan iyon,” angal ni Mang Tikoy.
“Bakit mo naman pagsusuutin ng basahan? Kita mong señorita iyon. Magiging mayor pa nga iyon. Saka pinagsisilbihan niya si Sir Trick.”
“Hula ko napikot lang ‘yang si Señorito Trick. Mas gusto ko si Carmilette. ‘Yung ka-loveteam ni Señorito sa TV. Pareho kasi silang mahilig sa palaka. ‘Yung asawa niya mukhang di mo mapapakain ng palaka. Di mo ata mapapahawak iyon. Paano siya titira dito sa bukid? Sasaya kaya si Señorito sa kanya?”
Muntik na niyang sabunutan ang sarili niya. Ano bang problema ng mundo? Kailan pa naging basehan ng pag-ibig ang palaka?
Iyon pala ang tingin sa kanya ng iba sa trabahador ni Trick. Na masyado siyang sosyal para maging bagay dito. Member pa ata ang hardinero nito ng fans club nina Carmilette at Trick. Patutunayan niya sa mga ito na mahal din niya si Trick. Na hindi hadlang ang palaka para maging karapat-dapat siya dito.
Lumabas siya ng library at hinanap si Manang Meling. “Manang, may mahuhuli bang palaka sa bukid ngayon?”
“Aba’y oo. Maya maya lang pupunta ng bukid sila Tikoy at Mundo para ihuli ng palaka si Señorito. Gusto niya ng sinampalukang palaka kapag maulan.”
“Sasama po akong manghuli ng palaka.”
Napanganga si Manang Meling. “Pero Señorita…”
Wala nang nagawa si Manang Meling nang nagbihis na siya para sumama sa bukid. Nagbihis siya ng long sleeve na polo at malambot na jeans. Nanghiram na lang siya ng bota dahil wala siyang working boots.
Manghang-mangha sina Mundo at Tikoy nang makita siya. “Señorita, sigurado po ba kayo na sasama kayong manghuli ng palaka?” tanong ng una.
Tumango siya. “Bilang asawa ni Trick, kailangan ko pong matutunan iyon.”
“Madali lang naman po iyon. Tuturuan namin kayo, Señorita,” sabi ni Tikoy.
Pakanta-kanta pa siya habang papunta sa bukid. Sa daan pa lang ay nakakarinig na siya ng nagkakantahang palaka. “Señorita, mga palakang bukid lang ang huhulihin natin. Hindi lahat ng palaka ay pwedeng kainin.” Ipinaliwanag sa kanya ni Tikoy kung anong kulay ng palakang may lason.
“Tapos kukuha tayo ng suso para ipangpain sa kanila,” dagdag naman ni Mundo. “Ikakawit natin dito sa pamingwit.”
“Ah! Parang nanghuhuli lang tayo ng isda.”
Pagdating sa bukid ay nanguha sila sa suso na nakadinig sa mga pilapil. Napansin niya na may palangoy-langoy na na palaka. “Mundo, may palaka, o!”
“Pwede na ninyong hulihin iyan, Señorita.”
Tiningala niya ito. “Paano ko huhulihin?”
“Dadakmain po, Ma’am. Pero hindi ninyo iyon kaya, Ma’am.”
“Talaga?” Patutunayan niya kay Mundo at sa iba pang ayaw sa kanya na mali ang mga ito sa pangmamaliit sa kanya. Maingat ang naging lakad niya habang di inaalis ang tingin sa nagsu-swimming na palaka. Nang magkaroon ng pagkakataon ay tumalon siya at dinakma iyon. “Huli ka!”
Nadismaya siya dahil damo at putik lang ang nakuha niya. Habang ang palaka ay patuloy sa pagsu-swimming. HUmalakhak si Mundo. “Di ninyo kaya iyan.”
Hindi niya ito pinansin at patuloy na pinuntirya ang palaka. Nakailang beses siyang nag-swimming, nag-dive sa tubigan pero di pa rin siya nagtagumpay. Matapos ang ilang minutong habulan ay nakagawa siya ng perfect slide sa putikan at nakahuli rin siya ng palaka. “Huli ka!” sabi niya at hinigpitan ang hawak ang nagpupumiglas na palaka.
Subalit natigil ang pagsasaya niya nang makita ang pares ng boots na nakatayo sa harapan niya. Napalunok siya at dahan-dahang inangat ang paningin. Sinalubong siya ng madilim na mukha ni Trick.
“What the hell do you think you are doing?”
“Nanghuhuli ng palaka. Hindi ba obvious?” nakangisi niyang tanong.
“Bitiwan mo ‘yan at umuwi ka sa bahay!”