Nagdadabog na umakyat ng villa si Vix. Kasunod niya ang galit na galit na si Trick. “Anong pumasok sa isip mo? Anong alam mo sa panghuhuli ng palaka? Bakit hindi ka na lang pumirmi dito sa buhay? Why are you always looking for trouble?” sermon nito sa kanya na hindi tumitigil mula nang sunduin siya nito sa bukid.
She was tired and wet. Hindi madaling manghuli ng palaka. Pagkatapos ay sesermunan lang siya nito. Hindi na niya mapigilan ang sarili na mainis dito.
“Oo na. Wala na akong idinala sa iyo kundi problema at sakit ng ulo. Nothing really pleases you, Trick. Kahit anong gawin ko, mali para sa iyo. I just want you to love me again,” maluha-luha niyang sabi. “Na tratuhin mo akong totoong asawa.”
“At sino naman ang may sabi sa iyo na manghuli ka ng palaka?”
Humikbi siya at pinahid ng likod ng palad ang luha niya habang paakyat ng hagdan. “Sila! Ang mga tao. Tingin nila hindi ako bagay maging asawa mo. Mas bagay daw kayo ni Carmilette dahil pareho kayong mahilig sa palaka. Ni hindi ko nga alam na mahilig ka sa palaka. ALam mo ba kung ano ang pakiramdam ko? Asawa mo nga ako pero parang nakikita ng ibang tao na hindi ako ang babaeng bagay sa iyo.”
He cut his head through the air. As if he was dismissing her claim. “That’s childish, Vix. Asawa kita. Bakit mo sila pakikinggan?”
“I don’t feel like I am your wife. Sana nga hindi mo na lang ako pinakasalan. If this is your idea of revenge, then you succeeded. Sana masaya ka na kasi nasasaktan ako at miserable ako. Magsama kayo ng palaka mo,” sabi niya saka pumasok sa kuwarto at pabalabag na isinara ang pinto.
Iniiyak niya ang sama ng loob niya sa shower. Nakakapagod din pala. Wala pa silang dalawang linggo na mag-asawa pero pakiramdam niya ay sampung taon na siyang miserable. Hindi naman siya masokista. Hindi lahat ng pananakit ay kaya niyang tanggapin. Kung ayaw na nito sa kanya, iiwan na lang niya ito. Doon na lang ito sa babaeng mukhang palaka at mahilig sa palaka kung gusto nito. Tutal ay iyon naman ang gusto ng mga fans nito. Ayaw na niyang makipagkompitensiya.
Nagdesisyon na siyang mag-alsa balutan paglabas ng banyo pero pumasok si Trick dala ang tray ng umuusok na pagkain. “Nagpaluto ako ng sinampalukang isda kay Manang Meling.”
“Bakit hindi palaka ang ipinaluto mo?” tanong niya sa malamig na boses.
“Dahil hindi ka kumakain ng palaka.” Inilapag nito sa kama ang tray ng pagkain. “Masarap ‘yung sabaw habang mainit pa.” Tahimik siyang sumunod dito. “Gusto mo bang suklayan kita?”
Nagtataka siya. Anong sumapi kay Trick? After a long time, he was treating her like a princess again. Weird. Nasanay na kasi siyang sinusungitan nito. Bigla niyang na-miss ang dating Trick.
Inamoy nito ang buhok niya. “Amoy Stallion Shampoo ka na. Hindi ka na amoy putik,” natatawa nitong sabi.
Matalim niya itong sinibat ng tingin. “Manahimik ka diyan, Hudas! Kasalanan mo kung bakit nag-amoy putik ako.”
“Pwede ka naman kasing manghuli ng palaka nang di nagsu-swimming.”
“Gusto kong patunayan kay Mundo na presidente ata ng loveteam ninyo ni Carmilette na deserving akong maging asawa mo. I feel insecure, Trick. Parang kahit anong gawin ko, hindi ako sapat para maging asawa mo.”
Niyakap siya nito mula sa likuran. “Kasalanan ko. I didn’t make you feel secure. You betrayed me. Nasaktan ako dahil ayoko ng minamanipula. Parang hindi na ikaw ang Vix na kilala ko.”
“Hindi ko naman talaga gustong saktan ka, Trick. Nagi-guilty rin ako dahil pinikot ko. Wala akong ibang maikakatwiran kundi mahal kita. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para ipakita na mahal talaga kita.”
“Wala kang kailangang patunayan sa akin mula ngayon. We will start anew. Paggising mo bukas, magbabago na ang lahat.”
NANIBAGO si Vix nang paggising niya ay may mainit na katawang nakayakap sa kanya. It was Trick. Hindi na ito sa sahig natulog kagabi kundi sa tabi niya. buong gabi siya nitong niyakap. They didn’t make love. He didn’t even kiss her. Pero malaking bagay na para sa kanya ang yakap nito.
Naramdaman marahil nito na gising siya kaya dahan-dahan itong dumilat. “Good morning,” bati nito.
Kinintalan niya ng halik ang baba nito. “Good morning.”
Tinitigan niya ito. He never cease to take her breath away. Naalala niya ang pangarap niya na paggising niya bawat umaga ay ito ang makikita niya. At sa unang pagkakataon mula nang ikasal sila ay ngayon lang siya nagising kasama ito.
Kinuha nito ang kumot at itinakip sa mukha nito. “Huwag mo akong titigan. Nahihiya ako.”
Humalakhak siya. Mahiyaan pa rin si Trick hanggang ngayon. Hinatak niya ang kumot mula dito. “Bakit ka nagtatago? Ang guwapo mo kayang Hudas.”
Bumangon ito. “Parang gusto ko yatang mag-horseback riding. Sama ka sa akin?”
“Saan naman tayo magho-horseback riding? Wala namang kabayo dito.”
“Sa Stallion Island.”
“CONGRATULATIONS!”
Nagulat si Vix pagbungad niya sa beach ng Wave Village nang makita ang mga taong nag-aabang sa kanila ni Trick. May dala pang banner ang mga ito. naroon ang mga members na hindi nakasama noong kasal nila.
Niyakap siya agad ni Ayumi. “Omedetto!”
Sumunod ang iba pang kababaihan na naging malapit sa kanya. Welcome na welcome talaga siya ng mga ito. Kahit na binabatikos siya sa labas ng Stallion Island, masaya siya dahil may mga totoo siyang kaibigan doon.
“Wala kami sa wedding ninyo kaya dito na lang kami babawi,” sabi ni Tennessee. “Nagpahanda si Draco ng dinuguan.”
“Dugo ba ‘yan ng tao?” tanong niya sa masungit na si Draco na siyang resident vampire ng Stallion Island.
“Trick, buti di ka pa naubusan ng dugo dito sa asawa mo,” sabi ni Draco.
Tumawa lang si Trick. “Muntikan na.”
Na-miss niya ang tunog ng tawa nito. Bumalik na ang Trick na nagmahal sa kanya. Ang Trick na laging nakangiti at masaya tuwing kasama siya.
Mabilis ang naging kilos nila kanina dahil dumating agad ang helicopter. Akala nga niya ay simpleng horseback riding lang ang gagawin nila sa Stallion Island. Iyon pala ay may ihinandang sorpresa sa kanila ang lahat.
“Kumain ka na,” sabi ni Jazzmire. “Ipinahanda ni Kuya Trick ang paborito mo. May isaw dito, atay…Gourmet nga lang. Luto ni Lord Rouen.”
“Ipinaluto ni Trick para sa akin?” Niyakap niya si Trick na kausap ang village lord na si Raddison. “I love you, Trick! I love you talaga!”
“Ang mura naman ng presyo ng I love you mo. Isaw lang,” sabi ni Raddison.
“Siyempre naman. Kay Trick lang nasusunod ang luho ko.”
Sumingit si Gianfranco. “Ngayon lang ako nakakita ng babaeng luho na ang pagkain ng isaw at inihaw na atay.”
“Kumakain ka ba ng palaka?” tanong ni Aric at dinalhan siya ng adobong palakang bukid.
Kumuha siya ng isang piraso. “Hindi. Pero nakapanghuli na ako nito.”
“Sino ang nagsabing hindi kayo bagay ni Vix?” biglang naitanong ni Quillian. “I thought she’s the total “It” Girl.”
“Diyan kayo mali!” Kumagat siya ng hita ng palaka. “Not bad. Masarap pala ito. Parang manok lang.”
Mas gusto nga niya ang ganito. Hindi niya ikahihiya kung ano ang kinakain niya at kaya niyang gawin. At tanggap siya ng mga tao sa paligid niya. Naa-appreciate ng mga ito ang kasimplehan niya.
Tumutulong siya sa pag-iihaw ng isaw nang bulungan siya ni Akeesha. “Ate Vix, nandiyan si Carmilette.”
Tumigil siya sa pagpapapaypay ng baga at lumingon sa direksiyong tinitingnan ni Akeesha. Kausap ni Carmilette si Trick at may dala pa itong cake. Tumalikod siya kahit na nakaramdam siya ng kaunting selos. Siya na ang asawa ni Trick. They are working things out. Hindi siya magpapaapekto kay Carmilette.
“Vix, pwede ka bang makausap ni Carmilette?” untag ni Trick sa kanya.
Ihinanda na niya ang sarili sa paghaharap nila. Isang simpleng ngiti ang ihinanda niya nang humarap. “Sure.”
Iniwan sila ni Trick. Nakatayo lang doon si Carmilette. Hawak nito ang cake pero sa paa nito ito nakatingin. “Congratulations!” Inabot nito ang cake sa kanya. “Nang malaman kong may celebration para sa kasal ninyo, isiningit ko talagang mag-bake. Masaya ako para sa inyo.”
“Ako ba ang kausap mo o may dwende sa paa mo?”
Inangat nito ang mukha at nanlalaki ang matang umiling. “Sorry po. Para ito sa inyo. Ano… wala ‘yang lason. Di nga lang iyan kasing sarap ng cake na gawa ninyo. Pero sana ma-appreciate ninyo.”
Kinuha niya ang chocolate cake. “Salamat. Paano mo nalaman na nagbe-bake ako?”
“Sinabi po ni Sir Trick. Ikinukwento kasi niya sa akin kung gaano kasarap kayong magluto. Lagi daw kasi ninyo siyang ipinagluluto. Mukhang masaya siya ngayong kasal na kayo kasi lagi na ninyo siyang ipinagluluto.”
Nag-alala siya. Hindi niya alam kung masokista ang batang ito. “Okay lang ba sa iyo na makasal kami? Hindi ba gusto mo rin siya?”
Ngumiti lang ito. “Crush lang po iyon. kahit naman sinong babae mai-in love sa isang prinsipe katulad niya. Pero alam ko naman na sa simula pa lang ikaw talaga ang mahal niya. Ang totoo naiinggit na naiinis ako sa iyo. Akala ko kasi sinaktan mo siya. Na ipinagpalit sa ambisyon mo. Iyon kasi ang usap-usapan ng mga staff. Pero hindi mo siya ipinagpalit doon sa senador na napapanot na, di ba?”
Tumawa siya nang bigla nitong natutop ang bibig. “Shhh…”
“Sorry! Sorry po. Taklesa talaga ako minsan. Pero hindi talaga ako in love sa asawa ninyo. Mabait lang talaga siya sa akin.”
Naintindihan na niya kung bakit natutuwa si Trick kay Carmilette. Ganoon din kasi siya kakulit at kaldaldal noong magkaeadad pa sila. Natagpuan na lang niya ang sarili na tumatawa sa mga kwento nito.
At sa araw na iyon, nagkaroon siya ng little sister. Si Carmilette.
“VIX, kailan ka unang nagkagusto sa akin?” tanong ni Trick sa kanya. Madaling araw na noon pero nagkukwentuhan pa rin sila sa balkonahe ng log cabin sa Stallion Pass. Malamig sa bahaging iyon dahil nasa bundok at puro puno sa paligid subalit di nila alintana ang lamig. Nakasalampak sila sa rug sa sahig habang nire-reminisce nila ang mga nangyari nang nakaraan nila. Isa iyon sa mga bagay na madalas nilang gawin noong magkaibigan pa sila pero ngayon lang ulit nila nagawa matapos ang mahabang panahon. Masyado kasi silang naging busy. And now, as if they have all the time in the world to talk.
Hinipan niya ang mainit na tsaa. “Hmmm… Noong swimming class natin. Gusto kitang laging ka-partner sa swimming at lagi akong nagpapaturo sa iyo dahil patay na patay ako sa abs mo.”
“Aha! So sinasamantala mo ako. Yakap ka ng yakap sa akin noon.”
Ngumisi siya. “Ngayon mo lang nalaman?” Hinawakan niya ang laylayan ng T-shirt nito. “Patingin nga ulit ng abs mo.”
Pinigilan nito ang laylayan ng T-shirt nito para hindi niya maiangat. “Vix!”
“Nahiya ka pa. Nakita na nga ng maraming tao ‘yang katawan mo. Wag mong ipagkait sa akin ang karapatan mo bilang asawa ko.”
“May karapatan akong maghubad kung kailan ko gusto ko at ayaw ko.” Pinitik nito ang noo niya. “Matulog ka na. Alas kuwatro na ng madaling araw.”
“Hindi pa ako inaantok. Kung gusto mo maglaro na lang tayo ng tong-its.” Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Strip tong-its. Kapag natalo ka, kailangan mong maghubad.”
He cursed. Hindi kasi ito magaling mag-tong its. “Sige. Isang beses pagbibigyan kita pero pagkatapos noon matutulog ka na.”
Mukhang malas talaga si Trick dahil hindi maganda ang baraha nito. Maswerte naman siya dahil wala pang limang minuto ay talo na ito. “Paano ba iyan? Maghuhubad na iyan. Maghuhubad na iyan.”
Isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa kanya saka nito hinubad ang t-shirt nito. “Okay na? masaya ka na?” sabi nito at saka tangkang ibabalik ulit ang t-shirt.
“Hoy! Hindi pa ako tapos tumitig,” angal niya at inagaw ang T-shirt dito.
“Vix!” Hinila nito ang T-shirt at natumba ito sa paghatak kasama siya. Napahiga ito sa sahig habang siya naman ay nasa ibabaw nito. Napasubsob siya sa dibdib nito. “Are you okay?” nag-aalalang tanong nito.
“I am not,” she answered in a raspy voice. She felt the powerful body underneath hers. She wanted to possess this man. “How about a kiss to make me feel better?”
He cupped her face then gently kissed her lips. Maingat na maingat ito subalit hindi nito pinutol ang halik. There was something in his kiss that was telling her that he would willingly give her something more. Give her anything she wanted.
Hindi na niya kailangan pang magsalita. Alam na ni Trick ang gusto niya.
Nagulat siya nang ilayo nito ang mukha sa kanya. “Vix, my phone is ringing.”
“Ano?” bulalas niya. “Trick, abala ‘yang cellphone mo. Pasasabugin ko iyan.”
“Must be an emergency.” Nawalan siya ng pagpipilian nang sagutin nito ang tawag. Nakasimangot siya nang bumalik ito. “I have to go. Member ang tatay ng grupo ng mga magsasaka sa bayan nila. Nagprotesta sila dahil nalaman nila na isang bodega doon ay may lamang smuggled na mga gulay, sibuyas at bigas. Nasalanta na sila ng tornado at ayaw bilhin ang ani nila. Tapos ganoon pa. Ngayon nga lang sila nagkaroon ng maganda-gandang ani.”
“Grabe naman ‘yung gahamang may bodega na iyon.”
Hinaplos nito ang noo nito. “Nagkagulo sa rally dahil inutusan daw ng may-ari na magpaputok ang guwardiya. May mga nasaktan kasama na ang tatay ni Carmilette. Pupunta ako sa ospital at baka may maitulong ako.”
“Sasama ako sa iyo, Trick. Please? Gusto kong makatulong.”
Mahabang sandali siya nitong pinagmasdan. “It might not be wise, Vix. Kilala mo ang may-ari ng bodega. Si Senator Benitez.”