Chapter Alfonso Cordova Montinola: Chapter 13

SUNOD-SUNOD ang katok ni Seeress sa kuwarto ni Sheena. Nasa Island Guesthouse na siya, isang oras matapos umalis si Sheena. Natagalan bago bumalik ang yateng sinakyan nito papunta ng Stallion Island. They had to request for a Cessna plane to fly them to Stallion Island. Tumuloy daw agad si Sheena sa kuwarto nito at nagkulong. Matinding kaba ang naramdaman niya lalo na’t nang mag-break ito ang dati nitong nobyo ay maswerte lang itong naabutan sa kuwarto ng kapatid nito nang laslasin ito ang sarili nitong pulso. She didn’t like that scenario.

“Sheena, please open the door!” mangiyak-ngiyak niyang utos. “Please!”

“Hindi niya bubuksan iyan,” sabi ni Alfonso. “Pupunta na ako sa front desk para kunin ang keycard. Either I do that or I will bust the door. This is not good.”

Hindi agad niya binitiwan ang kamay nito. Mahigpit na ang hawak niya sa kamay nito sa Nirvana Island pa lang. ‘Bilisan mo, Alfonso. Mamamatay na talaga ako sa nerbiyos dito.”

Pinisil nito ang kamay niya. “Everything will be okay. Hindi natin hahayaan na may masamang mangyari as kanya.”

Mamamatay na talaga siya sa nerbiyos subalit wala siyang magawa. Patuloy siyang kumatok. “Sheena, I am sorry. Wala sa hurisdiksiyon ko na sabihin sa iyo ang totoo. Hindi ko naman intensiyon na saktan ka. Pareho lang tayong nasasaktan. Nasasaktan din si Alfonso. Hindi namin ito ginusto. Kaya lang namin itinago ang totoo para protektahan ka. Sabi mo ngayon ka na lang ulit nagiging masaya. We couldn’t take that happiness away from you. At kung kailangang isakripisyo ko si Alfonso para sumaya ka, gagawin ko.”

Wala pa rin siyang narinig na sagot mula dito. It was heart-wrenching for her. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para patawarin siya nito?

Di nagtagal ay bumalik si Alfonso kasunod ang manager ng guesthouse na may hawak na electronic keycard “Kapag hindi mo ito binuksan, bubuksan talaga namin ng pinto.”

Di pa rin sumagot si Shenna. Sa isang tango ni Alfonso ay ini-insert ang keycard sa pinto at dali-dali iyong binuksan. Naabutan nilang nag-eempake si Sheena ng gamit nito. Wala sa itsura nito ang suicidal. She was actually calm. Tiningnan niya ang pulsuhan nito. Mukhang hindi naman ito nagtangka na saktan ang sarili.

Nakahinga siya ng maluwag dahil mas karima-rimarim ang eksenang inaasahan niya. “I am glad you are okay. Akala ko kung ano nang nangyari…”

“Akala mo sasaktan ko na naman ang sarili ko? I am not that stupid. Hindi si Alfonso ang katapusan ng buhay ko. Mahal ko pa pala ang sarili ko. Aalis na lang ako para hindi makagulo sa inyo,” anito at isinara ang maleta nito.

“Look, Sheena. I am really sorry. I didn’t mean it to get this far,” wika ni Alfonso matapos tiyakin sa manager na kontrolado na nito ang sitwasyon. “Hindi masama ang intensiyon namin para sa iyo. Gusto ko nang sabihin sa iyo ang totoo nang dumating ka pero sinabi sa akin ni Mama na kailangan mo ng ilang araw para maka-recover habang nandito. Wala naman daw masama kung babawi ako sa iyo sa mga kasalanan ko.”

“Kasalanan?” Nagsalubong ang kilay ni Sheena. “Wala kang kasalanan sa akin. Wala ka ring kailangang bawiin. Ako siguro ang dapat humingi ng tawad. I used this opportunity to forget my ex-boyfriend. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya. Pero umaasa ako na makakalimutan ko siya sa pamamagitan ni Alfonso. Ni hindi ko pinansin na iba na ang pakikitungo niya sa akin. He was not as warm as before. Nakikita ko rin siyang malalim ang iniisip. I just don’t have the guts to ask him if there is another girl because I want to have someone by my side. That’s why I don’t want to impose on you anymore. Hindi na ako manggugulo. Mapapatawad ba ninyo ako? Alfonso? Seeress?”

“Of course,” sabi agad ni Alfonso. “Huwag mong isiping may ginawa kang masama sa amin. Mga kaibigan mo kami kaya naiintindihan ka namin.”

Niyakap ito ni Sheena. “Thank you for tolerating me and for being a friend. Sa lahat ng lalaking nakasama ko, ikaw lang ang hindi nagsamantala sa akin. Kaya siguro sinamantala ko ang pagkakataon na ibalik ang dati sa atin.” Bumaling ito sa kanya. “I am sorry, Seeress. Kaya pala malungkot ka nang magkasama tayo. Hindi rin normal ang inaakto mo sa akin. You tolerated my fantasies. Kung ibang babae lang siguro iyon baka sinabunutan na ako.”

“Hindi ko gagawin sa iyo. You are my friend. Kundi dahil sa akin, baka naman talaga si Alfonso ang boyfriend mo. Nakagulo lang ako sa inyo noon,” wika niya.

Umiling ito. “Hindi rin siguro. Looking back, he was not really that attracted to me. Ngayon naiintindihan ko na. He was destined to fall for you.”

“Sigurado kang okay ka lang?” tanong niya at pinisil ang balikat nito.

Tumango ito at niyakap siya. “Lagi kang nandiyan kapag kailangan kita. Ikaw ang lumalaban sa akin kapag niloloko ako ng ibang boyfriend ko. Now it is your turn to be happy. Iniisip ko kanina na nasasaktan ako pero di ko naisip mas nasasaktan ka kaysa sa akin. You love Alfonso, right?”

“Yes,” pag-amin niya at nakita niya ang pagngiti ni Alfonso.

“Then make him yours,” anang si Sheena at itinirik ang mga mata. “Huwag mong sabihing magpapakipot ka pa. None of this would have happened if you accepted his love right away. Sayang ang oras.”

“I think she learned her lesson,” sabi ni Alfonso at niyakap siya mula sa likuran nang bitiwan siya ni Sheena. “Sa palagay ko hindi ka na niya pakakawalan ngayon.”

“Mahalin mo ang kaibigan ko. Huwag mo siyang sasaktan o ikaw ang lagot sa akin,” banta ni Sheena.

“I already love her and I won’t hurt her. Seeress knows that.”

Mahabang sandali silang tinitigan ni Sheena. Marahil ay iniisip nito na sana ay makatagpo din ito ng lalaking magmamahal dito. Alam niya na makakahanap din ito ng lalaki para dito.

ISANG nakangiting Sheena ang ihinatid nina Seeress at Alfonso sa terminal ng Stallion Island. Na-realize nito na bago nito hanapin ng taong magbibigay ng kaligayahan dito ay kailangan muna nitong mahalin ang sarili nito nito.

"I think she'll get through this on her own," puno ng kompiyansang sabi ni Alfonso.

"Kung hindi niya kayang mag-isa, nandito tayong mga kaibigan niya." Magaan din ang loob niya dahil umalis si Sheena nang wala silang sama ng loob sa isa't isa.

“Ngayong okay na ang lahat, pwede na siguro nating ituloy ang date natin,” sabi ni Alfonso habang hawak ang kamay niya. “Hindi mo pa ako sinasagot hanggang ngayon.”

“Sigurado ka na okay na ang lahat?” tanong niya. “Ang Mama mo.”

Bumagsak ang balikat nito. "Ako na ang kakausap sa kanya."

"Sasamahan na kita."

“Nasaan si Sheena?” tanong ni Magda nang puntahan ito sa kuwarto nito sa guesthouse. “Umalis na siya? Hinayaan mo siyang umalis, Alfonso? Habulin mo siya! Habulin mo!”

“Alam na niya ang totoo, Ma. Alam niyang si Seeress ang mahal ko," wika ni Alfonso at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

“Mahal? Anong mahal? Katulad lang din siya ng ibang babaeng dumaan sa buhay mo," histerikal na sabi ni Magda.

“If I don’t love her, then why can’t I let her go?” hamon ni Alfonso.

“Seryoso ka ba? Mas pipiliin mo pa ang babaeng ito kaysa kay Sheena? Hindi mo ba naisip kung gaano kalaking damage ang magagawa nito sa bubuksan kong negosyo? Hindi mo rin ba naisip kung anong klaseng oportunidad ang pinakawalan mo kay Sheena? Hindi ka talaga nag-iisip,” anito at dinuro ang sentido ni Alfonso. Saka isang matalim na tingin ang ibinigay sa kanya. “Sinabi ko naman sa iyo na huwag mong guguluhin ang relasyon ni Sheena at Alfonso…”

"Ma'am, wala po akong ginagawang masama. Wala po akong sinabing kahit ano kay Sheena tungkol sa amin ni Alfonso," katwiran niya.

“Hindi si Seeress ang may kasalanan, Ma. Ang mga Sirens ang nagsabi kay Sheena tungkol sa amin,” anang si Alfonso at hinila siya sa likuran nito para depensahan ito sa mama nito. “Natanggap na ni Sheena ang tungkol sa amin. She’s happy for us. Why can’t you do the same? Irespeto ninyo ang pagmamahalan namin ni Seeress. Then stop making decisions for me, Ma. Matanda na po ako. Hindi rin ako magugustuhan ni Sheena dahil alam niyang hindi ko siya mahal. She deserves someone better. Isang lalaki na magmamahal sa kanya.”

“Pagmamahal? That is ridiculous. If it is not Sheena, then I will find you someone else,” anito at nagpalakad-lakad sa silid na parang nag-iisip na naman ng kandidata para ipakasal kay Alfonso. “Someone who is rich. Siguro maihahanap ka ng lola mo…”

“Hindi na po ako pakikialaman ni Lola. Ang gusto lang niya ay magmahal ako,” wika ni Alfonso. “Natagpuan ko na ang babae para sa akin, Ma. Si Seeress.”

Naningkit ang mata ni Magda. “Hindi siya ang gusto ko para sa iyo. I am your mother. I know what’s best for you.”

“Best for me? Bata pa lang ako kayo na ang nagdedesisyon sa akin. Iba ang kinilala kong ama dahil natakot kayong maghirap kapag itinakwil si Papa ng tunay niyang pamilya. Kayo rin ang nagdesisyon nang guluhin ang mga Montinola. Ngayon naman pati puso ko pakikialaman ninyo? Not anymore, Ma. Hindi na ako bata na mapapaikot ninyo. Stop making decisions for me. Alam ko na ang tama at mali. Alam ko kung ano ang mas mabuti sa akin. Magkaiba tayo, Ma. Gusto ko lang na magmahal at mahalin din. Natagpuan ko ang taong iyon at hindi ko na siya pakakawalan kahit kayo pa ang makalaban ko.”

Humawak siya sa braso ni Alfonso para ipakita kung gaano niya naa-appreciate na ipinaglalaban siya nito sa mama nito. Nakita rin niya kung gaano kalaki ang gap nito sa sariling ina. Alfonso didn’t like his mother’s way. Malapit siya sa sariling ina kaya alam niya kung gaano kasakit kay Alfonso na ang sarili nitong ina ang kumokontra sa lahat ng mga bagay na nagpapasaya dito.

Magda lifted her chin up. Matigas pa rin ito. “Kung ganoon hindi mo na pala ako kailangan. Aalis na rin ako.” Binuksan nito ang maleta at inilabas ang mga damit. "Mas importante ang babaeng iyan kaysa sa iyo. Gusto niyang manipulahin ka."

"Ma'am, wala po akong planong manipulahin si Alfonso at lalong di ko gugustuhin na mag-away kayo dahil lang sa akin. Nirerespeto ko po kayo bilang magulang ni Alfonso," malumanay niyang sabi. "Hindi man ako kasing yaman ni Sheena o ng ibang babaeng gusto ninyo para sa kanya pero nagsusumikap naman po ako para maging karapat-dapat sa kanya."

"You don't have to prove anything, Seeress,” sabi ni Alfonso. “Kahit si Sheena mataas ang respeto sa iyo. You are a good woman. At kahit kailan hindi ko naramdaman na pinagsamantalahan mo ako."

"So, ako na ang mapagsamantala. Ako na ang masamang ina,” puno ng hinanakit na sabi ni Magda at ipinaghahagis sa maleta ang mga damit nito.

"Ma, nagsumikap ako sa buhay para sa inyo. Ayoko nang masyado kayong nag-iisip tungkol sa pera. Ang gusto ko lang naman matagpuan ninyo ang mga bagay na magpapasaya sa inyo nang walang kinalaman ang pera. Gusto ko lang namang maging masaya kayo sa mga desisyon ko? Iyon ang gusto kong maramdamang pagmamahal ng isang nanay. Hindi 'yung bawat galaw ninyo puro para sa pansarili ninyong interes."

Mangiyak-ngiyak si Magda nang tumingin kay Alfonso. May matinding sakit sa mga mata nito at alam niyang nag-crack na ang matigas nitong puso. "Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin? Kapag di ko ba tinanggap ang babaeng ito, ilalayo ka niya sa akin?"

Nalungkot siya para kay Magda. Sa mga desisyong ginawa nito sa buhay nito, kinailangan nitong may saktang mga tao para maging masaya. Ginawa nitong bato ang puso nito. Takot din pala itong mawala dito ang lahat. Natatakot itong mag-isa.

"Hindi ko po ilalayo si Alfonso sa inyo. Kayo ang nag-iisang nanay niya. Alam ko pong mahal ninyo siya sa sarili ninyong paraan.” Kinuha niya ang box ng Kleenex sa bedside tabl at inabot dito. “Huwag na po kayong umiyak. Baka po tumanda ang itsura ninyo."

Pinunasan nito ang luha habang pinipigilang humagulgol ng iyak. "Babata at gaganda ba ako sa yoga na 'yan?"

"Yes." And she would also find her inner peace. Iyon ang kailangan ng ina ni Alfonso. Kapag natagpuan na nito ang katahimikan nito, marahil ay magiging masaya na ito sa mga bagay na tinatamasa nito ngayon at di na maghahanap pa ng iba.

"Turuan mo ako niyan sa susunod. Hindi pa kita gusto para sa anak ko pero handa akong pakisamahan ka. Gagawin ko ito para sumasaya si Alfonso"

"Thank you po,” nakangiti niyang sabi at nilingon si Alfonso.

"Ma, tuloy pa rin daw ang business venture ninyo ng tita ni Sheena. Kung gusto talaga ninyong magnegosyo, susuportahan ko kayo."

"Sa kabila ng ginawa ko?" marahan nitong tanong.

Niyakap ito ni Alfonso. "Mahal ko po kayo, Ma. Kahit ano pa kayo, di mababawasan iyon."

NAKANGITING lumabas ng cabin si Alfonso habang nakaupo naman si Seeress at pinapanood ang papalubog na araw. Hindi agad umuwi ang mama nito. Alfonso wanted to spend a little more time with his mother. Gusto rin ni Alfonso na makilala siyang mabuti ni Magda.

“Napagod si Mama sa pangingisda,” sabi ni Alfonso nang samahan siya sa deck. “It is not her thing. Mababaliw daw siya sa pagka-bored. Ipa-date na lang daw natin siya sa village lords.”

Isang malakas na tawa ang kumawala sa kanya. “Joker din pala ang mama mo.”

“Seryoso siya. He is still dreaming of a rich husband,” anang si Alfonso at napangiwi. “Well, that’s my mother for you. Saan mo gustong pumunta ngayon? It’s videoke night for members tonight. That would be fun.”

Humilig siya sa balikat nito at pumikit. “Dito na lang tayo. Sa dami ng nangyari nitong nakakaraang araw, gusto ko muna ng katahimikan.”

Pinisil nito ang ilong niya. “Na-miss mo ako?”

Ngumiti siya at marahang dumilat. “Yes. Iniisip ko na baka hindi mo na gustuhing sabihin pa kay Sheena ang tungkol sa atin. Minsan mahirap sabihin ang totoo dahil may masasaktan. I had to contend watching you from afar.”

“May mabuti rin palang naidudulot ang pagiging madaldal at intrimitida ng Sirens. They made things easier for us. Now everything is okay. Sheena knows the truth, nagkakasundo na rin kami ni Mama at girlfriend na din kita.”

Nakakunot ang noo niya itong tiningala. “Sinagot na ba kita?”

Nagulat ito. “Hindi mo pa ba ako boyfriend kahit inamin mo nang mahal mo ako? Mukhang kailangan kong i-secure ang sagot ko.” Inangkin nito ang labi niya. She felt like her heart was singing. “I’m totally synthesized to the harmonic vibrations of the cosmos, so I can tell that you and I belong together.”

Napangiti na lang siya sa sagot nito at hinaplos ang pisngi ko. “Pasado ka na. And yes, I love you, Mr. Alfonso Cordova Montinola.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.