“SEERESS, mukhang may sakit ka. Magpahinga ka kaya muna. Some else can cover for your class tomorrow,” alok ni Alessandrace nang matapos ang klase niya.
“Okay lang ako, Sir. Wala akong sakit,” aniya at pilit na ngumiti kahit na alam niyang hindi iyon galing sa puso niya at di makikita sa mga mata niya.
Mataman siya nitong tinitigan. “You still look sick. You can get away from here for a while if you want to.” Saka niya nakita ang awa sa mga mata nito. Hindi niya kayang itago ang totoong emosyon dito lalo na’t alam ng buong Stallion Island ang nangyayari. Lahat ay nagtataka kung bakit ibang babae ang ipinagmamalaki ng mama ni Alfonso na gusto nitong makatuluyan ng anak samantalang silang dalawa ni Alfonso ang laging lumalabas.
Her heart was wretched into pieces. Kung pwede nga lang ay huwag siyang lumabas ng yoga classroom niya o cottage para huwag makitang magkasama sina Alfonso at Sheena. Isang araw pa lang ang lumilipas pero pakiramdam niya ay ilang buwan na ang lumilipas na hindi niya kasama si Alfonso. Marami siyang kailangang pigilan sa sarili niya. She didn’t want to expect too much. Di rin niya ginalaw ang pagkaing padala ni Alfonso sa kanya. She couldn’t stand his sweetness as long as things were not clear between them. Parang nakakapagod maghintay. At naroon din ang takot na baka wala nang Alfonso na babalik sa kanya.
“I will inform you tomorrow morning if I can make it. Anyway, kailangan ko lang sigurong lumabas ngayong gabi,” aniya at pilit na tumawa.
“Sinong kasama mong lalabas?” tanong nito.
“Si Sheena, ‘yung kaibigan ko. We have a lot of catching up to do.”
“Kasama ba ninyo si Alfonso?”
Nawala ang ngiti niya at umiling. “No. Kami lang dalawa. Don’t worry about me. Puntahan mo na si Miss Summeria. Baka mainip na iyon.”
Pinisil nito ang balikat niya bago siya iwan. Ihinanda na lang niya ang sarili sa pagkikita nila ni Sheena. Ngayon lang niya naranasan ang ganito. Kahit nang mag-break sila ni Orlando dati ay cool na cool pa rin siya. Mabilis niyang natanggap ang lahat. Ngayon naman ay parang zombie na ang pakiramdam niya. Hanggang kailan ba siya ganito?
Nang dumating siya sa Windy Café ay nakaupo na si mesa sa labas ng restaurant. It was acoustic night at nagsisimula nang dumami ang tao sa loob. “Kanina ka pa naghihintay?”
Umiling ito. “No. Kaaalis lang din ni Alfonso. Sabi ko nga samahan na niya tayo pero sabi niya dapat daw tayo lang ang magkwentuhan. Nakakainis, no? I really want to spend more time with him. Kung pwede lang lagi kaming magkasama.”
“Nag-enjoy ka sa bakasyon mo dito?” tanong niya.
“Oh, yes! Nag-horseback riding kami ni Alfonso kanina at iniikot din niya ako sa Nirvana Island gamit ang speedboat. Baka gusto mong sumama sa amin bukas doon. Minsan lang naman ako dadalaw dito kaya dapat pagbigyan mo ako.”
“Hindi na. Alam ko naman na kailangan ninyo ng panahon na mapag-isa.”
Drat! What was wrong with her? Parang ipinamimigay niya si Alfonso dito. Hindi ba mas maganda nga kung mababantayan niya ang mga ito? Pero siya rin ang nangako kay Alfonso na bibigyan niya ito ng panahon na bumawi kay Sheena. She must hold on that.
“Pero nami-miss kita. Pakiramdam ko kasi lumayo ako sa iyo at sa iba pang mga kaibigan ko nang ma-in love ako kay Frank,” tukoy nito sa dating nobyo nito. “Sa kanya lang umikot ang mundo ko. Kaya nang mawala siya parang ayoko nang mabuhay.”
Nang damputin nito ang cocktail drink na idinulot ng waiter ay saka niya napansin ang guhit sa pulsuhan nito. Pinigilan niya ang braso nito. May peklat na nakaguhit sa pulsuhan nito. Namutla siya at maang itong tiningnan. “Sheena!” bulalas niya. “Did you…”
“Try to kill myself?” dugtong nito. “Yes. Pakiramdam ko kasi katapusan na ng mundo ko noon. Minahal ko si Frank at akala ko magpapakasal na kami. Tapos basta na lang siyang nakipaghiwalay sa akin dahil bumalik ang ex-girlfriend niya. Parang gumuho ang mundo ko. Kahit nang nasa ospital ayaw ko nang kumain. Hindi rin ako nakikipag-usap sa ibang tao.
“Hanggang dinalaw ako ni Tita Magda. Sinabi niya sa akin na kung hindi ako lalaban para sa sarili ko, habambuhay akong magiging miserable. Nabanggit niya sa akin si Alfonso. Gusto daw ni Alfonso na bumawi sa akin kung hahayaan ko kaya nagkaroon ako ng pag-asa. Bukod kay Frank, si Alfonso ang lalaking nagpasaya sa akin. Hindi naman ako nagkamali. Ngayon lang ulit ako naging masaya.”
Gusto niyang maiyak para dito. Hindi niya alam na ganoon pala ang pinagdaanan nito. Kung naroon lang sana siya para dito nang mga panahong iyon. Ngayon ay parang ayaw na niyang sabihin dito ni Alfonso ang tungkol sa kanila. Baka siya pa ang magtulak dito para saktan muli ang sarili nito. Kundi siya nanggulo dito at kay Alfonso, sana ay masaya na ang mga ito ngayon. Baka di rin na-in love si Alfonso sa kanya. Now she felt guilty as hell.
Ginagap niya ang kamay nito. “Gusto kong maging masaya ka, Sheena. Kung saan ka masaya, susuportahan kita.” Kahit na sariling puso niya ang nasasaktan. Wala nang pag-asa para sa kanila ni Alfonso. If she had to give him up then she would. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit hindi masabi ni Alfonso ang tungkol sa kanila. Sheena was more devastated than she expected. She'd survive this even if her heart was dying inside.
SEERESS welcomed the sunrise with a sad smile. Maaga pa lang ay nasa dalampasigan na siya ng Nirvana Island at sakay ng kabayo. Ayaw niyang sikatan ng araw sa Stallion Island. Tinanggihan niya ang alok ni Sheena na mamasyal kasama ito at si Alfonso. Hindi siya ganoon kamasokista. She would just let Alfonso go without the bitterness. At least she was letting him go for the woman that was also close to her heart.
Itinali niya ang kabayo sa puno at saka nag-Indian sit sa buhanginan. She would reclaim her inner peace. Pagbalik niya sa Stallion Island ay saka niya kakausapin si Alfonso. He didn't have to hold on to his promise.
Nasa gitna siya ng pagme-meditate nang marinig niya ang yabag ng paparating na kabayo at ang paghinto niyon sa di kalayuan. "Seeress! Sino ang nagbigay ng permiso sa iyo na pumunta ditong mag-isa?”
Biglang nabulabog ang tahimik niyang mundo nang marinig ang sigaw na iyon. Dumilat siya at nilingon ang nagsalita. The man was on top of a black horse. Makisig na makisig ito sa suot na riding uniform. “Alfonso? Anong ginagawa mo dito?”
Bumaba ito ng kabayo at itinali sa isa pang puno. Saka madilim ang mukha nitong nilapitan siya. “Sinusundo ka. Nalaman ko na mag-isa ka lang na pumunta dito para mag-meditate.” Hinaklit nito ang braso niya at pilit siyang itinayo. “Are you trying to get yourself killed? Alam mo naman na delikado dito. Paano kung may poachers na naman na dumating? Paano kung ikaw naman ang kunin nila at ibenta nila?"
“This place is safe. Mas marami nang nagrorondang security dito. Wala na ring poachers na basta-basta makakapasok dito. This area is perfectly safe.”
“May usapan tayo. You are not coming here alone and definitely not without me.”
“Hanggang kailan ako di kikilos nang wala ka, Alfonso? Kailan ako babalik sa normal kong buhay?” tanong niya at puno ng sakit ang mga matang pinagmasdan ito. “Where is Sheena? Hindi ba dapat magkasama kayo ngayon?”
“I left her at the main treehouse. She’s safe there and you are not.”
“Siya ang kailangan mong bantayan. I am fine,” pagalit niyang sabi at hinaklit ang braso mula dito. “Ano na lang ang iisipin niya dahil iniwan mo siya dahil sa akin?”
Huminga ito ng malalim. “Plano ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa atin. Just give me a little more time.”
“Hindi mo kailangang sabihin sa kanya agad. Take your time, Alfonso. She needs you. Tama ka. Ngayon pa lang siya nakaka-recover sa break up nila ng boyfriend niya. She had a hard time. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit di madali sa iyo na sabihin sa kanya ang lahat.”
“Gusto mong magpanggap ako na gusto ko siya? Alam mo ba na habang tumatagal mas lalo akong mahihirapan na sabihin sa kanya ang totoo? And both of us will suffer. That’s taking it too far, Seeress. Unfair sa ating lahat,” he said in anguish.
“I am just making things easier for you. No pressure, Alfonso.”
“Sa tono mo parang sinusukuan mo na ako.”
Lumapit siya sa kabayong sinakyan niya kanina at tinanggal ang pagkakatali sa puno. “Bumalik na tayo sa main treehouse. Baka nag-aalala na sa atin si Sheena.”
“I miss you, Seeress,” sabi nito at malungkot ang mata siyang pinagmasdan.
Iniwas na lang niya ang tingin dito at sumampa sa kabayo. “Let’s go.”
Tahimik silang dalawa habang pabalik ng main treehouse. She couldn’t tell him that she missed him, too. Lalo lang niyang dadagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Masakit pala kapag wala kang kalayaan na sabihin ang nilalaman ng puso mo. She couldn’t even dare to look at him. Dahil nang mga oras na iyon, alam niyang hindi sa kanya si Alfonso.
Nang dumating sila sa main treehouse ay naabutan nila ni Alfonso si Sheena na kausap ang mga Sirens. “Hindi ko talaga maintindihan kung paano nangyari iyon. Hindi ba magkaribal kayong dalawa ni Seeress kay Alfonso? Pero bakit magkaibigan pa rin kayong dalawa?” tanong ni Merian dito.
“Excuse me?” tanong ni Sheena sa mga ito. “Anong magkaribal?”
“Matagal nang nagde-date sila Alfonso at Seeress,” sabi ni Francey at nanghaba ang nguso. “Sabi pa nga niya gusto daw niya ng babaeng magaling mag-yoga. Mega effort pa kaming manahimik at magkabali-bali ang buto para sa yoga. Iyon pala si Seeress na ang gusto niya.”
“Sa tingin ko girlfriend na ni Alfonso si Seeress,” dagdag naman ni Arianne. “Parang hindi naman sila nag-break.”
Nagkatinginan sila ni Alfonso. Anong gagawin nila ngayong naunahan na sila ng mga Sirens? Mukhang hindi rin nito alam kung anong gagawin. Bago pa sila makahuma ay nakita na sila ni Sheena at puno ng pagdududa ang mga mata nito.
Walang kangiti-ngiti itong lumapit sa kanila. “Totoo ba ang sinabi nila? You two are dating. Kaya ba alalang-alala si Alfonso sa iyo kanina? Baka naman girlfriend ka na niya?” anitong sa kanya na nakadirekta ang tanong. “Hindi ba ninyo sasabihin sa akin totoo?”
“Look, Sheena. I can explain. Hindi ko pa boyfriend si Alfonso but…”
“But we are dating,” dugtong ni Alfonso at ginagap ang kamay niya. “And I love her. Si Mama lang ang may ideya na gusto tayong i-matchmake. I am sorry, Sheena. Ayaw naming malaman sa ganitong paraan. Sasabihin din naman namin sa iyo pero di namin alam kung paano. Gusto naming maka-recover ka muna. Maging masaya ka.”
“Para lang bawiin ang kaligayahang nararamdaman ko. That is so unfair!” mangiyak-ngiyak nitong sabi. “Parang umaasa lang ako sa wala. Sa palagay ba ninyo hindi ko maiintindihan kung sasabihin ninyo sa akin ang totoo? Seeress, you are my dear friend. Sa iyo ko sinasabi ang lahat ng di ko nasasabi sa iba. Do you think I am happy with your silly sacrifice?”
Yumuko siya dahil hindi niya ito kayang tingnan ng diretso. Tama. Walang halaga ang sakripisyo niya para dito dahil sa huli ay masasaktan lang din ito. Kinagat niya ang labi. “Hindi ko rin alam ang gagawin ko, Sheena. Katulad ni Alfonso, gusto ko lang maka-recover ka. I want you to be happy again.”
Naggiyagis ang ngipin nito. “Hindi ko alam kung paano ako magiging masaya sa ginawa ninyo ngayon. Thanks for making me look like a fool. To think that I trusted you both.”
Nilagpasan siya nito at tumakbo pababa ng treehouse. “Sheena, wait!” Subalit sumakay na si Sheena sa nakaabang na e-jeepney at umandar iyon papunta sa direksiyon ng pier.
“Kawawa naman si Sheena, no?” anang si Francey at pumalatak. “Bakit hindi kasi ninyo sinabi agad sa kanya ang totoo?”
Matalim itong tiningnan ni Alfonso. “Hindi pa ba kayo masaya sa damage na ginawa ninyo? The next time you butt into our business, I’ll kick you out of the island for good. Masaya na ba kayo?”
“Baka kung anong gawin ni Sheena kapag hindi natin sinundan,” kinakabahan niyang sabi. “Alfonso, alam mo naman kung anong kaya niyang gawin kapag nasasaktan, hindi ba?”
“Come. Sabay natin siyang kakausapin ng maayos.” Kinintalan nito ng halik ang ibabaw ng ulo niya. “It’s better this way. Mabuting malaman niya habang maaga pa. I am sure she will understand.”
Sana nga. Dahil ayaw niyang may iba pang masaktan dahil lang sa pagmamahal niya kay Alfonso lalo na ang kaibigan niya.