Chapter Yzaak Argoncillo: Chapter 9

Napipikit na ang mata ni Rayanne sa antok pero di pa rin niya tinitigilang panoorin sa home theater ni Yzaak ang mga video na kuha nang nakaraan nilang pagdalaw sa Santa Inez. Kasalukuyan siyang nagsasayaw at ang mga bata. Habang nasa isang kamay naman niya ay ang papel at lapis. Busy siya sa pagno-note sa mga galaw na nakikita niya.

Pumitlag siya nang maramdaman ang halik ni Yzaak sa noo niya. “Mukhang hindi ka na lumabas dito sa entertainment room maghapon.”

“Nasa Manila ka naman kaya wala akong masyadong gagawin.” May business meeting ito na kailangang asikasuhin. Nakipagkita rin ito kay Vishneya para ipadala ang ibang gamit niya. Di niya napansin na ilang linggo na siya sa isla. At ngayon ay may bago na siyang pagtutuunan ng pansin.

“Kanina nasa Manila ako. Pero paano bukas? Ilang araw mo nang tinititigan iyang video na iyan. Parang gusto ko nang magselos.”

Yzaak was less colder these days. Di tulad dati pa na nalulukot agad ang mukha nito kapag pinag-usapan ang ballet, ito pa mismo ang naghahatid sa kanya sa dance studio. Di rin siya pwedeng lapitan ng Sirens kapag naroon. Di na rin makapagpa-cute sa kanya ang mga lalaki sa isla dahil kay Yzaak. Nobody would dare mess with his girl.

“Importante lang ito. Hindi mo alam, baka ang mga dance notes na ito ang mag-iiba sa mga plano ko sa buhay.”

Umupo ito sa tabi niya sa couch. “Masyado naman yatang malalim iyon.” Sinubukan nitong intindihin ang mga sulat niya pero ibinaba lang nito ang papel. Napansin nito ang mga lumang dance notes. “Madami ka na palang nagawa.”

“I bring those wherever I go. Lahat ng ethnic dances na napapanood ko, sinusubukan kong gawan ng dance notes para hindi ko makalimutan. Ewan ko bakit ginagawa ko iyon dati samantalang alam ko namang classical ballet lang ang gusto kong gawin. Pero habang kasayaw ko ang mga bata sa Santa Inez, mukhang nakita ko na kung ano ang gusto kong gawin sa kanila. I want a fusion of ballet with different ethnic dances.”

“That is an immense task.”

“At hindi ko siguro iyon maiisip o magagawa kundi ako nakapagbakasyon.” Masyado siyang busy sa pag-iisip noon sa mga tours niya at kung paano mai-impress si David sa sayaw niya. Ngayon, mas may direksiyon ang iniisip niya kahit na di niya basta-basta maa-achieve ang mga plano niya.

“Ibig sabihin wala ka pang balak bumalik sa trabaho?”

“Pwede na akong bumalik sa trabaho pero dapat mas maluwag ang schedule ko. Gusto kong mag-enroll sa ballet teaching class sa Vaganova. And I will have more time in my hands for this ballet fusion and for you.”

Gusto rin niyang tulungan ang iba’t ibang mga mahihirap na kabataan ng iba’t ibang cultural groups katulad ng Santa Inez. Sayang naman kung mawawala ang katutubong musika at sayaw ng mga ito sa pagpasok ng sibilisasyon. Kung makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya, pwede niyang iangat ang kultura ng mga ito kasabay ang pag-angat ng sining niya bilang ballerina.

Sumandal ito at tiningnan ang malaking LCD TV nito. “Hindi ko alam kung kaya mo pa akong isingit sa schedule mo. Once you leave this island, you might forget about me. You will go back to your glamorous world and more.”

Humilig siya sa balikat nito. “Mas gusto mo na dito lang ako?”

Humugot ito ng malalim na hininga. “I want you to experience everything. Hanapin mo ang bagay na magpapasaya sa iyo.”

“Paano kapag umalis na ako?”

Akala niya ay malulungkot ito pero ngumiti lang ito. “Maliit lang ang mundo. Pwede kitang puntahan kahit nasaan ka kahit kailan ko gustuhin.” He laced his fingers with hers. Saka nito idinikit ang likod ng palad niya sa pisngi nito. “I just want to know where I stand in your life.”

Mahabang sandali niya itong tinitigan. Wala siyang matagpuang salita para sa eksaktong nararamdaman niya dito. Kung pwede lang basta na lang niyang ibigay ang puso niya dito, gagawin niya. “You are the one that I can’t get out of my head. Kahit pa minsan pakiramdam ko ako ang pinakakinamumuhian mong tao sa mundo, hindi ko magawang magalit sa iyo. Kahit yata simangutan mo ako o isagawan I will always love you. I loved you once. Hindi naman iyon nawala. Nagpahinga lang siguro ang puso ko dahil nasaktan natin ang isa’t isa dahil sa pagkamatay ni Sylvette. But if I would be given a chance, I want to go back to that time when you still love me.”

“This is your chance, Rayanne. Our chance.”

“Then I’d die if I can’t have you again.”

They found themselves in each other’s arms and their lips merged. Parang dam na umapaw ang lahat ng nararamdaman nila para sa isa’t isa. It was like yesterday, nang di pa namamatay si Sylvette.

She was the one he was looking for all her life. Isang mahabang pagtulog ang pagkakawalay nila sa isa’t isa. Ngayon ay di na niya pakakawalan pa ang pagkakataong makasama ito.

“Do you really want to gamble your heart with me, Rayanne?” bulong nito at kinintalan siya ng halik sa noo.

“Kung mamahalin mo ako nang buo, I am willing gamble. Sana nga ikaw na, Yzaak. Hindi ko na ma-imagine ang sarili ko na magmamahal pa ng iba.”

“Paano kung bumalik si David at handa siyang mahalin ka?”

She grimaced. “Huwag na siyang bumalik. Wala na siyang aasahan sa akin. I have my own life now with you.”

“Hindi mo pa sigurado hangga’t di pa kayo nagkikita ulit,” pasubali nito.

Nag-aalinlangan pa rin ito sa nararamdaman niya para dito. Kahit siguro sabihin niya dito na natunaw na ang pagmamahal niya nang malaman niyang mahal pa rin nito ang dating asawa at di siya nito kayang mahalin, di ito maniniwala hangga’t di pa rin niya napapatunayan. Then she’ll prove to him one day… in her own time.

“BALLET with dance moves from different ethnic dances? That is very promising,” wika ni Benj, ang sikat na choreographer ng Cordillera performing arts group na nagpe-perform maging sa ibang bansa.

Namangha si Leonard na pinsan ni Sapphire nang mapanood ang video ng mga bata. Isa itong theater arts performer at nagbibigay din ng libreng cultural dance training sa mga bata.

“My girlfriend writes musical plays and an anthropologist at the same time. Kung mai-interview namin ang mga villagers para malaman ang folk stories nila, pwede niyang gawan ng play ito. At kung magiging scholar namin sila sa foundation, we can enhance their dancing skills and their cultural arts as well.”

Dumalaw ang mga ito sa Stallion Island para makita ang mga dance notes niya at ang Santa Inez. Maganda ang response na nakuha niya sa mga ito.

“Sa palagay ko matutulungan kita para ma-polish ito. I already danced with a great choreographer. He is based in California. He incorporated neoclassical ballet with African dance and music. But it took him two decades to polish,” wika naman ni Wolf na kagrupo din ni Leonard.

“Good,” aniya nang makabawi. “Kung makukuha natin ang tulong niya, di na tayo aabutin ng dalawang dekada para I-polish ito. I hope we can work this out before I leave for St. Petersburg.”

May ilang buwan pa siyang bakasyon kahit na nakikiusap ang director niya sa Mariinsky Theater na bumalik siya sa agad dahil maraming patron ang naghahanap sa kanya. Kung babalik siya ng St. Petersburg, plano niyang mag-enroll sa St. Petersburg Conservatory para kumuha ng degree bilang ballet teacher. Marami pa siyang gustong matutunan at magawa. She was more than a dancing doll now. She loved herself more. Mas mahal din niya ang sarili dahil mahal siya ni Yzaak. Napaka-supportive nito sa mga plano niya. Kaya tiwala siyang matutupad nang tuluyan ang mga pangarap niya. Then she Yzaak would have a serious talk later in time. Kailangan nilang pag-usapan ang magiging plano nila sa isa’t isa.

Ihinatid niya ang tatlong kalalakihan sa yate ni TJ. Ang mga ito ang magkakasamang dadalaw sa Santa Inez. Pwede na siguro siyang tumuloy sa Lighthouse Tower kung saan naghihintay si Yzaak.

Naghihintay siya ng masasakyan nang lapitan siya ng mga Sirens. They were wearing frilly dresses. Masyadong makulay ang mga ito dami ng accessories. Kulang na lang ay putungan niya ng star sa ulo para magmukhang Christmas tree.

“We have an offer. Babayaran ka namin kahit magkano mo gusto kung ikaw ang magtuturo sa amin ng ballet,” taas-noong alok ni Merian. Mukhang natuto na ito ng leksiyon na huwag siyang kalabanin. Ngayon ay sasalpakan pa siya nito ng pera para lang turuan itong mag-ballet.

“Sorry. I am busy at the moment.”

Wala siyang balak aksayahin ang panahon sa mga taong wala namang talento. Baka masira pa ang pangalan niya kapag pinatulan ang offer ng mga ito.

Hinarangan siya ni Merian nang sinubukan niyang umiwas. “Mayaman ako! Kaya kong doblehin ang kinikita mo sa ballet.”

“Marami akong importanteng gagawin. Kailangan ko pang tingnan ang contract na pipirmahan ko para sa Stallion Shampoo commercial.” Gusto niyang ipamukha dito na kung mayaman ito, may pera din naman siya. At magkakapera pa.

Ang art niya ay di lang naman base sa pera. Nasa puso niya ang sining niya. At nararamdaman niya kung isinasapuso din ng isang tao ang ballet. At mukhang walang puso naman ang mga kaharap niya. Gusto lang magyabang.

Naglabas si Merian ng ilang libong perang papel at ipinaypay sa sarili. “How silly! Tumatanggi sa pera.” Dinuro siya nito. “Ibig sabihin mas gusto mong makasayaw ang uncivilized na taga-Santa Inez kaysa makasayaw ako, ang sikat na si Merian de Vera?”

“Alam mo, hindi naman ako ganoon kagaling sa ballet. Ang totoo mag-aaral pa nga lang ako sa St. Petersburg Conservatory para maging ballet teacher,” malumanay niyang paliwanag.

“St. Petersburg Conservatory,” sabi ni Sassy habang inililista ang lahat ng sasabihin niya. “Ah! Iyong may malaking telescope ba iyon? Doon din nag-aaral ang mga astronaut at mga astronomist, di ba? Gusto mong maging astronaut? Pangarap mo sigurong maging unang ballerina na makarating sa outer space.”

Ngiti lang ang isinagot niya dito. Malamang ay observatory ang tinutukoy nito. Walang kwentang kausapin pa ang mga ito. “Mabuti pa, bumalik ka na lang sa Vagamundo Ballet Academy. I am sure marami ka pang matututunan sa kanila.”

Ballerina na austronaut? Mukhang pwede niyang sunod na ilagay sa agenda niya iyon. Napagkatuwaan niyang I-save iyon sa reminder niya sa sketch pad niya nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. “Rayanne!”

Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Nawala ang ngiti niya nang makaharap si David. “Hi!” bigla na lang nanulas sa dila nila. Di iyon ang karaniwang ibabati ng isang babae sa lalaking mahal nito o minsang minahal.”

“Hindi na kita nakilala. You look exotic!”

“The sun loves my skin. Ikaw! Anong ginagawa mo dito sa Stallion Island?”

“May ilang art works ako na ide-deliver sa The Peak.” Ang The Peak ang palasyo ni Prince Rostam na nasa pinakamataas na bahagi ng isla. “H-Hindi nasabi sa akin ni Oliver na nandito ka.”

“I don’t want you to know,” direktang sagot niya. Ayaw niyang magkaroon ng mabigat na hangin sa paligid habang kausap ito. Pero di niya maiwasan. Sa loob ng ilang taon, si David ang lalaking minahal niya.

“I understand.” Tumango ito. “And we miss you at ballet. Hindi nga ako nanonood ng ballet show mula nang mawala ka. Ibig bang sabihin babalik ka na?”

“Yes. I will enroll at St. Petersburg Conservatory to take up ballet teaching. I am also working with another group for a ballet fusion with different cultural dance. I know it’s not classical ballet but it is promising.”

“Hindi pa na-mention sa akin ni Maya kung ano ang next show mo.”

Nagkibit-balikat siya. “I am still on vacation. Baka pagka-enroll ko na sa conservatory saka ako babalik sa ballet company.”

Pinakiramdaman niya ang sarili niya habang kausap ito. Ni hindi siya na-excite nang makita ito. Ni hindi niya ito na-miss. Kahit ang tibok ng puso niya ay normal. Wala namang kakaiba sa nararamdaman niya kay David. Ni hindi na nga niya maalala na nasaktan siya nito. Parang isang normal na kaibigan lang ang nasa harap niya ngayon.

“May iba ka bang pupuntahan ngayon?” tanong nito.

“Yzaak is waiting for me.” Plano niyang sorpresahin si Yzaak. For the boys lang daw ang mini-conference nito kasama ang ilang kaibigan nito. Maybe it won’t hurt if she’d see him for a while. Nami-miss na niya ito.

Habang mabanggit lang niya ang pangalan ni Yzaak, parang kinikiliti na ang puso niya. At kahit na pagkwentuhin siya ng mga bagay tungkol kay Yzaak, di siya magsasawa. Kahit pa kakwentuhan niya si David, kay Yzaak lumilipad ang utak niya.

Ginagap nito ang dalawang kamay niya. Parang di nito iniintindi ang tungkol sa magagandang balita niya dito. “Rayanne, galit ka pa ba sa akin? Ayaw mo pa rin bang bumalik sa stage dahil sa mga nasabi ko sa iyo?”

Natigilan siya. Akala ba nito ay nagrerebelde siya dito kaya ayaw na niyang mag-perform? “No! David, look at me. Masaya ako ngayon. And it has nothing to do with you. But it’s good to see you ag ain. I want to know if I’m still in love with you.”

“Because of Yzaak Argoncillo?”

Marahan siyang tumango. “Yes. Ayoko lang maging unfair sa kanya. I am sorry that I have to bother you with this.”

“Hindi ka pa rin ba sigurado kung mahal mo ako o hindi? I can help you.”

Hinawakan nito ang balikat niya at kinabig siya palapit dito. Nahigit niya ang hininga nang unti-unti nitong ilapit ang labi sa kanya. Hahalikan siya nito.

“David, no!” tutol niya at ubod ng lakas itong itinulak. Dali-dali niyang nilagyan ng distansiya ang sarili niya at niyakap ang sarili. Kinikilabutan siya kung maisip niya na hahalikan siya nito. She couldn’t even bear the thought of it. Lalo siyang nainis nang humalakhak ito na parang nakakaloko. “Huwag mo nang uulitin iyan.”

“Bakit? I thought you are in love with me all this time.”

Naipadyak niya ang paa. “In love ka pa sa asawa mo dati. Saka kapag hinalikan mo ako, sisigaw ako dito!” banta niya.

Humalukipkip ito at itinapat ang mukha sa kanya. “Nakuha ko na ang sagot mo. You are not in love with me. You never were.”

Gulat niyang inangat ang tingin. “That’s not true. Minahal kita!”

“Nararamdaman ko na may pader na nakaharang sa ating dalawa. You like me but you don’t desire me. Pareho lang tayo. Na-attract ako sa pagiging artist mo. At grateful ka lang sa akin dahil ako ang naka-inspire sa iyo na magsayaw ulit. But with Yzaak it is a different case. You are not just a plain ballerina. You live and breathe ballet now. You can live in a fairy tale with your prince even off the stage.”

“Right! So I am not in love with you.” Sa simula pa lang ay mahal na niya si Yzaak. Hindi iyon nawala kahit nang layuan siya nito nang mamatay si Sylvette. Niyakap niya si David. “Thank you for helping me. I owe you.”

“Just don’t give up on your craft. I will always support you, friend.”

Friend. Dati ay di niya matanggap na kaibigan lang siya ni David. Pero ngayon ay maluwag na ang loob niya. Kaibigan nga lang siguro ang turing niya dito.

Tiyak na ang lakad niya papunta sa Lighthouse Towers. Pupunta na siya sa lalaking mahal niya. Kay Yzaak. She’d continue loving and dancing for him.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.