EXCITED na naglakad si Rayanne papunta sa third floor ng Lighthouse Tower na naka-reserve sa grupo ni Yzaak. Hawak niya ang bote ng champagne para sa celebration nila. Nagpaganda muna siya bago umakyat doon. After putting on her favorite cologne, inilugay din niya ang mahabang buhok. It is time for a celebration. Ngayong natiyak na niyang di niya mahal si David, parang nakalaya siya sa kadenang nagtatali sa kanya. Maraming taon na siyang nasayang dito. Kaya gugulin na niya ang natitirang araw ng buhay niya para mahalin si Yzaak.
“Yzaak, I thought ballerinas are off your book,” sabi ni Jayden. “Specially Rayanne Nolliedo. Kaya nga ayaw mong pumunta sa exhibit niya, di ba?”
Natigilan siya nang marinig ang sinasabi ni Jayden. Siya ang pinag-uusapan ng mga ito. “Oo. Nagalit ka pa nang sabihin kong may irereto akong ballerina sa iyo,” sabi ni Chrome. “Sabi mo sa amin noong nakaraan, tinulungan mo lang siyang maka-recover. Gusto mo siyang mag-relax. Naka-recover na siya.”
“Concern ka lang dahil bestfriend siya ni Sylvette o baka in love ka nang tunay?” nanunuksong tanong ni Jayden. “Mukhang di lang siya ordinaryong babae sa buhay mo katulad nang sinasabi mo sa amin dati, ah!”
“Just shut up!” angil ni Yzaak. Gusto niyang hayaan na lang ang mga ito sa tuksuhan pero di niya mapigil ang sarili na makinig.
“Kung in love ka talaga sa kanya, ibig sabihin kinalimutan mo nang siya ang pumatay kay Sylvette?” tanong ni Jairon. “Sabi mo pinatay niya si Sylvette, di ba? Siya ang nagyaya kay Sylvette na mag-ballet. Sylvette had to push herself to keep up with her. Kaya nang mabuntis si Sylvette, siya rin ang nagbigay ng idea na magpa-abort.”
Pigil niya ang hininga nang idikit ang tainga sa pinto. Anong sinasabi ng mga ito? Akala niya ay matagal nang tapos iyon. Bakit bumabalik muli ang isyu tungkol kay Sylvette? Mahal siya ni Yzaak. Di na iyon importante.
“Yzaak, plano mo bang gumanti?” tanong ni Arvind. “Kilala kita. Mapagtanim ka ng galit. Imposibleng ma-in love ka sa babaeng pumatay sa kapatid mo. Nakalimutan mo na ba iyon?”
“So what’s this? You’ll make her fall for you and dump her?” Pumalatak si Jairon. “Pare, pag-isipan mong mabuti kung ano talaga ang gusto mong gawin.”
The taste of revenge is sweet. Tandang-tanda pa niya ang galit sa mukha ni Yzaak nang mailibing si Sylvette. Siya ang pinakahuling taong gusto nitong makita sa mundo. Napakatagal na panahon siya nitong di kinausap. Ni ayaw nga siyang sulyapan nito kapag nagkikita sila.
Pero nagbago ang lahat ng iyon. He helped her recover. Tinulungan siya nitong matagpuan ang sarili niya. Binigyan siya nito ng pagkakataon na mahalin ulit ito. And she thought everything was perfect.
Palabas lang ba nito ang lahat? Kaya ba naging malapit bigla sa kanya si Yzaak dahil may balak ito sa kanya? Kaya ba nagagawa na siya nitong yakapin at halikan ulit kahit na may galit pa rin ito sa kanya? Gusto lang siya nitong ihulog sa patibong nito? Pinaiikot lang siya nito para gawing tanga.
Di na niya matagalan ang katahimikan sa loob ng kuwarto. Wala siyang narinig na sagot mula kay Yzaak. Parang isang malaking sibat ang tumusok sa puso niya, paulit-ulit siyang sinasaktan. Hindi na niya iyon matatagalan.
Naramdaman na lang niya ang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi niya at napahikbi. Lumuwag sa kamay niya ang hawak na paperbag na may lamang champagne. Lumikha iyon ng ingay nang malaglag sa sahig at nabasag. Nagkapira-piraso iyon katulad ng puso niya. Hangos na lumabas ang mga nasa loob. Nagulat si Yzaak nang makita siya. “Rayanne, a-anong nangyari?” Lumapit ito at tinangka siyang ialis sa mga bubog. “Nasaktan ka ba?”
Naghangusan ang mga staff. Kanya-kanyang bilin kanya na iwasan ang bubog pero wala siyang naririnig. Nakatutok lang ang tingin niya sa nag-aalalang mukha ni Yzaak. “Totoo ba ang pag-aalala mo sa akin, Yzaak? You don’t to pretend that you care, you know.”
“Of course I care about you.” Niyakap siya nito at hinaplos ang braso niya. “Bakit ka umiiyak? Are you hurt? Anong nangyari sa pag-uusap ninyo ni David? Nagkausap daw kayong dalawa sabi ni Oliver.”
“I just found out that I don’t love him anymore and I am in love with you,” aniya sa matamlay na boses. “Para lang malaman na palabas mo lang ang lahat. Hanggang ngayon iniisip mo pa rin na ako ang pumatay kay Sylvette.”
Di makatingin nang diretso sa kanya si Yzaak. Napalingon na lang ito sa mga kaibigan na may naninising tingin. Guilt was written all over his face.
“Uh, oh! Trouble!” usal ni Jairon.
Tumikhim si Jayden. “Mas mabuti pa siguro kung mauna na kami.”
Nag-alisan ang apat pati ang mga staff ng restaurant pero nanatili sa kinatatayuan nito si Yzaak. Mabuti na ngang di na makialam ang mga ito. Baka pati ang mga ito ay madamay sa galit niya.
“Narinig mo ang usapan namin kanina,” mariin nitong wika. “I can explain. But it is not what you think.”
“What I think?” Isinuklay niya ang daliri sa buhok at napatingala. Patuloy lang sa pagguhit ang luha sa pisngi niya. “I will tell you what I think. Natatakot akong magmahal. Ayoko na! Pero para sa iyo, kinalimutan ko ang takot ko. Because you make me happy. You make me feel good. Sa kay David, okay lang naman sa akin kahit na di niya ako mahalin. Sa iyo, natatakot ako na mabalewala sa huli. I am willing to work things out with you. Napakalaki kong tanga. This is just revenge business for you. Basura lang ako sa tingin mo.”
Isinandig niya ang noo sa dingding. She had never felt so low in. She worked so hard to be worthy of everyone’s praises. Wala siyang taong sinaktan. Akala niya di na mauulit nang pagbintangan siya ni Yzaak na pinatay niya si Sylvette. Nang mahalin ulit niya iyon, akala niya ay nalagpasan na niya ang pagsubok na iyon. He lifted her spirits. He made her feel more beautiful as a person. Only to pull her back to the pit of hell.
Niyakap siya nito mula sa likuran. “Rayanne, no! Hindi kita ginagantihan. Kung anuman ang narinig mo…”
“They are your friends! Huwag mong sabihin na ni minsan sa buhay mo di mo ako pinagtangkaang gantihan? Na tuluyan nang nabura sa isip mo na kasalanan ko kung bakit namatay si Sylvette.” Umiling siya. “This is your plan. Your vicious plan. Malinaw na sa akin ang lahat.”
He was an expert in seduction. He used it with precision. Wala itong sinayang na oras. Lahat ng galaw nito ay para hatakin siya sa bitag nito. And she fell for it. And she was totally clueless. All this time, akala niya mahal din siya nito.
“Wala akong ganitong plano!” kontra nito. “Siguro noon may nasabi akong hindi maganda. Galit na galit ako noon. Kamamatay lang ng kapatid ko. Kahit ang lalaking nakabuntis sa kapatid ko muntik ko na ring ipakulam. Matagal na iyon.”
“But revenge is best served when cold.” Mapait siyang ngumiti. “Hindi kita masisisi kung hanggang ngayon gustuhin mo pa ring gantihan ako. Sylvette is your sister. You love her so much. Pakiramdam mo inagaw ko sa inyo ang kapatid mo. You lost her and I continued living. Pero sana maniwala ka naman sa akin. Mahal ko ang kapatid mo. Hindi ko siya inimpluwensiyahan na magpa-abort. Kahit sa bangungot, hindi ko gagawin iyon. NI hindi ko alam na buntis siya. Kung alam ko lang, sana in-encourage ko siya na buhayin ang bata.”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Naniniwala na ako sa iyo. Maniniwala ka rin ba sa akin kung sasabihin kong wala akong planong gantihan ka? Yes. May nasabi ang mga kaibigan ko. Nagtatanong sila. They are worried about you. About us. Ang nasabi ko noong nakaraan, hindi kailangang maging realidad hanggang ngayon.”
“Bakit? Ano ba ang totoo ngayon?”
Ginagap nito ang kamay niya. “The truth is I love you, Rayanne. Gusto ko lang na bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayang mahal kita.”
Sa nanlalabong mata, pilit niyang inaninaw ang sinseridad nito. Kaya pa ba niyang maniwala dito? Ayaw ba talaga siya nitong saktan? Parang masarap maniwala. Kung mahal siya nito, di na niya kailangan pang isipin ang sakit. Madali naman siyang makalimot. Pero paano kung nagpapakatanga pa rin siya? Kaya pa ba niyang bawiin ang sarili niya? Di kaya parang siya na mismo ang sumaksak sa sarili niya? Believing him would be suicide.
Hinawi niya ang kamay nito. “Too late. Napatunayan ko na kung gaano ka kagaling umarte, Yzaak. You are an expert in a game of pretense. Habang ang alam ko lang, magpakita ng totoong pagmamahal sa isang tao. Nanalo ka na. And you did a great job. Kung si David sinaktan ako dahil di niya ako minahal, mas nasaktan mo ako ako dahil minahal kita nang totoo tapos basura lang ang tingin mo sa akin. You intentionally made me fall for you just to crush me.
“This is your curse. Tama ka. Kahit na nasa taas ako at hangaan ako ng buong mundo, walang lalaking magmamahal sa akin. You got your wish. I hope that you are happy now. Sana wag ka nang magpakita sa akin. Huwag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Tirhan mo sana ako kahit konting dignidad. Para kahit sarili ko man lang magawa ko pang mahalin.”
Taas-noo niyang tinalikuran si Yzaak. “Saan ka pupunta?”
“I am leaving this island! I am leaving you!” Tapos na ang panaginip niya. Lahat ng nangyari sa lugar na iyon ay puro pagkukunwari. Walang totoo.
“You can’t do that. Di ka aalis dito nang walang permiso…”
“Pwede akong umalis dito anong oras ko man gustuhin.” Direkta niya itong tiningnan sa mga mata. Nasa kanya ang invitation ni Prince Rostam. Ang tanging makakapigil sa kanyang umalis ay si Prince Rostam lang mismo. “You can’t stop me, Yzaak. Kung pinahahalagahan mo pa ako kahit kaunti, pabayaan mo na ako.”
Nakatingin lang sa kanya si Yzaak at di siya pinigilan nang sumakay siya sa nagdaang jeep. Ayaw na niya itong makita. Tuwing nakikita niya na parang nasasaktan ito, na parang mahal pa siya nito, sinasaksak lang nito ang puso niya.
Ibinuhos niya ang luha nang mapag-isa sa villa nito at inempake ang gamit. Tapos na ang paghihiganti nito. Masaya na siguro ito. Bakit kailangang ang kaligayahan nito ay dusa ang maging katapat sa kanya? Gusto lang naman niyang magmahal. Hindi ba siya karapat-dapat na mahalin din? Matinding dagok ang iniwan ni David sa kanya. Pero ngayong kay Yzaak, di niya alam kung paano babangon. At makabangon man siya, di niya alam kung magagawa pang tumibok muli ng puso niya.
PALINGA-LINGA si Rayanne habang nilalagyan ng make up. Nasa location siya ng shooting ng Stallion Shampoo. Nasa Meditation Falls sila sa Mist Valley Village ng Stallion Island. Nagmistulang isang kaharian ng engkantada ang magandang falls dahil sa mga bulaklak na inilagay doon. Ang falls ang magiging background ng eksena niya.
Sleeping Beauty ang concept ng commercial. Isa siyang prinsesang kinainggitan ng isang mangkukulam dahil sa kanyang magandang buhok. She was cursed to sleep until a prince rescues her and wake her up with a kiss. At kapag nagising na siya, maganda pa rin ang buhok niya dahil sa Stallion Shampoo.
Isa iyong kakaibang concept para sa Stallion Shampoo. Ang di lang naiba ay isang tulad niya na nagsi-signify sa talento at lakas ng mga kababaihan ang magiging endorser at di mawawala ang guwapong lalaki na makaka-partner niya.
Wala siyang ideya kung sino ang ka-partner niya. Wala siyang pakialam. Basta ginagawa lang niya ang ballet moves at ekspresyon na kailangan niya. She was a great actress she must say. She could enchant her audience and they will have no idea that she was hurting inside. Ang lalaking inakala niya magmamahal sa kanya ang nanakit sa puso niya. She was like Sleeping Beauty, daang taon ang hihintayin para muling magising. Baka nga siya ay di na magising pa sa bangungot na iyon.
“Rayanne!” tuwang-tuwang tawag sa kanya ni Imhan.
“Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?” nagtatampo niyang tanong. Pangatlong araw na niya sa isla pero karamihan sa mga naging malapit sa kanya sa isla ay di niya nakikita. Kung may makita man siya, alangan siyang batiin. Mga malalapit na kaibigan kasi ni Yzaak ang mga ito lalo na si Jayden.
“Baka kasi hindi mo ako pansinin.”
“Bakit ko naman gagawin iyon? Kaibigan kita.”
“Baka kasi dahil kay Yzaak…”
Luminga siya sa paligid. Gaya nang nakakaraang araw, nagbabaka-sakali siyang makita ito. “Nandito ba siya? Magpapakita ba siya sa akin?”
“Wala siya dito sa isla ngayon,” malungkot nitong sabi.
Binalewala niya ang nararamdamang panghihinayang. Perhaps he cleared out for her. Di nga naman siya magiging komportable kung nasa paligid lang ito. At mabuti na rin iyon dahil baka mangibabaw ang katangahan niya at iyakan pa niya ito. She would definitely look weak and pathetic. Di na siya nito pwedeng saktan pa.
Tatlong buwan siyang namalagi sa Russia. Nagpe-perform siya sa Mariinsky Theater habang nag-aaral ng pagiging ballet teacher sa St. Petersburg Conservatory. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga dance notes. Maganda din ang balita niya sa mga bata sa Santa Inez. Isang araw ay babalik siya at tuturuan mismo ang mga ito.
Natutupad na niya ang pangarap niya pero may kulang pa rin sa puso niya. Si Yzaak. Sa unang isang buwan niya ay sinubukan ni Yzaak na makipag-ayos sa kanya. Ilang beses pa nga itong nanood ng show niya at nagpadala ng regalo pero ibinalik din niyang lahat. Ayaw pa niya itong patawarin. Mas gusto niyang panatilihin ang sakit sa puso niya. Di niya matanggap na nami-miss niya ito. Sana ay tulad na lang kay David ang nararamdaman niya para kay Yzaak. Madaling maglaho. Malas lang yata siya dahil tinamaan siya ng sumpa. Di madali sa kanya na kalimutan si Yzaak.
“Kailangan ko nang magtrabaho. Tawag na ako ni Direk,” sabi niya.
Humaga siya sa gitna ng kama. Ang eksenang kukunan nila ay ang paghalik sa kanya ng Prince Charming niya. Another loveless kiss. Isang lalaki lang naman ang gusto niyang humalik sa kanya. Si Yzaak. Pero di na niya ito mahahalikan pa. She was already out of his life. Hanggang pagpapanggap na lang siya na ito ang lalaking hahalik sa kanya mamaya.
Kakaibang kaba ang naramdaman niya nang lumapit sa kanya ang Prince Charming niya sa commercial. Pinilit niyang maging natural ang pikit niya. Bakit kakaiba ang kaba niya nang mga oras na iyon? Di naman ganoon ang nararamdaman niya kapag may kaeksena siyang ibang lalaki. There was something different around her. Parang nasa paligid lang niya si Yzaak.
Unti-unting lumapit sa kanya ang labi ng lalaki. She smelled the whiff of perfume so much like Yzaak’s. Nang magdikit ang labi nila, she could taste Yzaak’s kiss. Ganoon ba katindi ang imagination niya at naiisip niya si Yzaak ang humalik sa kanya?
She had a dreamy look on her eyes when she opened it. Ilang beses siyang kumurap nang matigagal siya. Si Yzaak mismo ang kaharap niya. He was wearing a Prince Charming’s costume. Ito yata ang pinakaguwapong prinsipeng nakita niya.
“YZAak, anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Cut!” sigaw ni Direk Romanov. “Hindi iyan ang dialogue mo! Take two.”
Humiga ulit siya. Di na siya mapalagay ngayon. Oo nga. Wala siyang pakialam kung sino ang model na hahalik sa kanya. Lipad na kasi ang utak niya noon. Pero paanong naging si Yzaak. Pwede ba iyon?
Nagulo na naman ang utak niya nang halikan siya nito. Pagdilat niya ay nakalimutan na niya ang dialogue at gagawin niya. “Bakit ikaw ang prince ko?”
“Cut!” bulyaw ni Romanov. “Hindi ba ninyo kayang ayusin iyan?”
“Sorry, Direk Rom!” sabi ni Yzaak. “Di ko agad nasabi ang dialogue ko.”
“Anong dialogue mo?” paniniyak ni Direk Rom para di niya makalimutan.
“Kahit one hundred years ka nang natulog, maganda pa rin ang buhok mo,” sagot ni Yzaak. “Okay na, Direk?”
“Get it right this time. I won’t tolerate idiocy,” mariing wika ni Romanov.
Gusto na niyang makuha ng tama. Gusto na niyang tapusin ang lahat sa kanila ni Yzaak. Nasasaktan lang siya. Parang torture sa kanya ang pangatlong halik nito. She missed his kisses. Di na siya nakatiis. Parang isang sarswela lang ang nangyayari sa paligid niya. Pinaglalaruan lang ba siya? Pinaglalaruan ang nararamdaman niya?
“Yzaak, hindi mo ako makukuha sa halik mo! Akala mo naman okay lang sa akin ang nangyayari? Na mapapatawad kita kapag hinalikan mo ako? Hindi!”
“I love you, Rayanne.”
He was now claiming her lips feverishly infront of the audience. Umusok ang tainga niya. Daig pa niya ang nakakagat ng chili sauce. But she didn’t need water to put off the fire that he ignited within her. She wouldn’t mind if the kiss would go on forever.
Nawala ang lahat ng takot, galit at hinanakit niya nang maglapat ang labi nila. Hangal nga yata siya. Isang halik lang nito, natunaw na ang lahat ng alaala ng pananakit nito sa kanya. Wala nang halaga ang lahat ng iyon.
“Cut!” sigaw ni Direk Romanov. “Hindi teleserye itong sinu-shoot natin. Stallion Shampoo fairy tale! Kung may issues kayo, ayusin muna ninyo.”
Di siya makatingi nang direkta sa mga tao maging kay Yzaak. Bumaba siya ng kama. “Mag-usap daw tayo,” aniya at naglakad papunta sa wooden bridge. Doon ay walang mambubulahaw sa kanilang dalawa. Di na niya kailangang magpanggap sa totoong nararamdaman niya o kahit ito man.
“May problema ba kung ako ang ka-partner mo?” tanong nito.
Inililis niya ang manggas ng medieval gown niya. “Pinaglalaruan ba ninyo ako? Akala mo ba natutuwa ako sa nangyayari ngayon? Madami namang matinong model sa mundo pero bakit ikaw pa ang kinuha?”
“Ayoko sana dahil baka magalit ka pero sabi nila ako lang daw ang bagay na maka-partner mo. Miss Vishneya even suggested it.” Kasabwat pa pala ang manager niya. And she was starting to hate that innocent look on his face.
“Oh, please! Don’t pretend anymore. Natatakot ka ba na gaganti din ako sa panloloko mo sa akin? Rest your worries aside. Masyado akong busy para isipin ka pa.”
Hinawakan nito ang magkabilang harang ng wooden bridge. “Ibig sabihin hindi mo ako nami-miss man lang?” Sumibi siya at di sumagot. Iniwas niya ang tingin dito. “O! Bakit hindi ka makatingin sa akin.”
Bumigay ang kinikimkim niyang emosyon. Lahat ng depensang ihinarang niya sa sarili ay tuluyang nabuwag. Tinalikuran niya ito at hinayaang umagos ang luha niya. “Why can’t you just leave me alone?”
“Ginawa ko na, di ba? Dalawang buwan na akong hindi nagpakita sa iyo.” Hinawakan nito ang balikat niya. “Kundi lang may emergency sa kompanya, di ako aalis. Okay lang kahit ipagtabuyan mo ulit ako. Tell me you don’t care about me anymore and I will go. Hindi ko na rin itutuloy ang commercial.”
Kinuyom niya ang palad niya. Nararamdaman pa rin niya ang init ng kamay niya sa balikat niya. Kaya ba niyang tiisin nang wala ito sa tabi niya? “Akala mo ba madali ito sa akin? I love you, Yzaak. Ang alam ko, wala akong ginawang masama sa iyo.”
“Alam ko! Iyong narinig mo sa mga kaibigan ko, tuksuhan lang namin iyon. Alam nila na galit ako sa iyo noon. Wala akong hilig na I-discuss sa kanila ang lovelife ko kaya pinagkatuwaan nila ako. But that’s it. Alam nilang mahal kita kahit tanungin mo.”
“Natural magkakaibigan kayo. Akala ninyo mapapaikot ninyo ako?”
Mahigpit nitong hinawakan ang balikat niya. Naramdaman niya ang frustration nito. Then he let her go. Naramdaman niyang kinintalan siya nito ng halik sa ibabaw ng ulo. “Alright. I won’t force you to believe me. But I love you. Kahit bulagin ko pa ang sarili ko sa galit at papaniwalain ko ang sarili ko na pinatay mo ang kapatid ko, mahal pa rin kita. And if I walk away right now, it doesn’t mean that I don’t love you anymore. I will always do.”
Naramdaman niya ang panlalamig nang bitiwan siya nito at naglakad palayo. Sabi ng utak niya, tama na hayaan niya ito. It was what she wanted after all. Aanhin niya ang lalaking gusto lang siyang gantihan. Pero bakit parang mali na hayaan itong lumayo na lang? Parang kapag pinakawalan niya ito, di na siya sasaya kahit kailan.
Nilingon niya si Yzaak. “I am throwing away my pride now, Yzaak. I don’t care if you still hate me. I can’t lie to myself. I love you and I can’t bear to live without you.”
Nakangiti itong bumalik sa kanya at inangkin ang labi niya. Sa wakas ay nakangiti na siya nang totoo. Iyon naman ang gusto niya. Ang makasama ulit ito at ang mahalin nito. She couldn’t ask for more. “Me, too. I didn’t know how I survived during these past months without you. Parang robot lang ako. Next time we will talk things out. Hindi na ako magpapadala sa galit at emosyon ko.”
“So do I.”
Nabulabog sila nang umalingawngaw ang boses ni Direk Romanov gamit ang megaphone. “Tapos na ba kayo diyan? Pwede na nating ituloy ang shooting nang makapag-party na tayo mamayang gabi?”
“AND THEY live happily ever after,” usal ni Yzaak at kinintalan ng halik ang noo niya. Sa wakas ay nagtapos ang shooting sa eksena kung saan sakay sila ni Winter’s Sleep. Tinakasan na nila ang party at pinili na lang magkwentuhan sa divan sa villa nito na tanaw ang dagat.
Humilig siya sa balikat nito. “I can’t believe it. You and me in a Stallion Shampoo commercial. Masarap palang maging princess kapag mahal mo ang prince mo.”
“Do I deserve to be a prince? Marami akong masasakit na salitang sinabi sa iyo noong mamatay si Sylvette. Hindi naman talaga ako galit sa iyo. Mas galit ako sa sarili ko. Di ko kasi naprotektahan ang kapatid ko. And I lashed it out on you.”
“Pero matagal na panahon mo akong hindi pinansin.”
“Dahil hanggang nitong huli, pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na sinungaling ka at kasalanan mo pa rin kung bakit namatay si Sylvette. Gusto pa rin kita kahit na ipinagmamalaki mo sa buong mundo na si David ang mahal mo.”
Nahuli niya ang pagtalim ng mata nito. “Nagseselos ka?”
“Of course! Kaya kunyari na lang suplado ako kapag nakikita kita. Lumambot na lang ang loob ko at na-realize ko na di mo kasalanan ang nangyari kay Sylvette nang makita ko ang picture ninyo sa exhibit. I was touched. At nang saktan ka ni David, sabi ko di ako papayag na maulit iyon.”
“Di ko makakalimutan nang sabihin mo na walang lalaking magmamahal sa akin. That’s your curse, right?”
“I am the one who is cursed. You cast me under your spell. Di ko matanggap na mahal ko ang babaeng inaakala kong pumatay sa kapatid ko.”
Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “I love you. Siguro tahimik na si Sylvette ngayon.”
“Bakit kahit one hundred years ka nang natulog, maganda pa rin ang buhok mo?”
“Siyempre Stallion Shampoo ang gamit ko,” recite niya sa dialogue niya. “And because I’m waiting for you to take me back, Yzaak Argoncillo. I love you.”
“I love you, too, my romantic princess.”