Chapter Leigh Armaund Lopez: Chapter 2

Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Nag-aalala si Lee sa walang hiyang maniac na nambastos sa kanya? “I just want to tell that jerk that he can’t get away with it. Ni hindi nga siya repentant kahapon. Binigyan ko lang ng hustisya ang ginawa sa akin! Ibig sabihin dapat pinabayaan ko na lang sila kasi kawawa?”

“No! Masyado mo lang yata siyang gustong parusahan. Sino ba ang gustong mabastos? Pero ibang bagay na kung gusto mo siyang sirain. Sobra na iyon.”

Naggiyagis ang ngipin niya. Parang siya pa ang masama ngayon. “I was violated. Can you really blame me? Sending police blotter to a lawbreaker’s workplace is an SOP. Parang public announcement kapag may shoplifter.”

Umiling ito. “I don’t think it’s right. My friends think this is just ego-tripping. Gusto mong patunayan na magaling ka. Nasampahan mo na siya ng kaso. Let the law do its job.”

Siya na nga ang biktima, siya pa ang masama ngayon. Ngayon ay naiintindihan na niya kung para saan ang takot ng mga ito nang makita siya. They were so scared of what she could do. Isang halimaw ang tingin ng mga ito sa kanya na handang sumila sa anumang madaanan nito.

She was not a monster. Isa lang siyang babaeng ipinaglalaban ang karapatan niya. Tapos si Lee pa ang magsasabi sa kanyang mali siya. Akala niya ay naiintindihan siya nito.

“I am sorry if your sensibilities were offended. Pero ganito ako kapag ginago ako! I won’t let anybody violate me!”

It was so frustrating. Kung mahal siya nito, dapat ay suportahan siya nito. Di ito dapat nakikinig sa mga kaibigan nito. Those freaking egotistical male. Anong klaseng tao ang kakampi at maaawa pa sa isang bastos? Nagkakampihan ba talaga ang mga lalaki kahit na mali ang kabaro ng mga ito?

“Sana kinonsulta mo muna ako bago mo ginawa iyon.”

Nilingon niya ito. “Do I really have to?”

“Boyfriend mo ako!” anito sa mataas na boses. “Hindi ba may karapatan din akong malaman ang mga desisyon mo?”

Siya ang na-offend. Siya ang nabastos. Kailangan pa ba niyang ipaalam dito? Siya ang inagrabiyado kaya karapatan niyang magdesisyon.

“Kung sasabihin ko ba sa iyo, papayag ka? Maiintindihan mo ako?”

“Masyado ka kasing matigas!” anito at mariing pinagdikit ang labi.

Matigas? Gusto lang niyang bawiin ang dignidad niya. Ibang Lee ang nakikita niya. Katulad na rin ito ng mga kaibigan nito na halimaw ang tingin sa kanya.

“Stop the car, Lee!” utos niya. Naninikip ang dibdib niya sa galit.

“Nasa Libis pa lang tayo,” sabi nito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

“Wala akong pakialam kung nasa Libis pa lang tayo. Hindi ko lang matatagalang makasama ka. Know what? Wala kang ipinagkaiba sa lalaking bumastos sa akin.”

Bigla nitong itinigil ang sasakyan. “Hey, that’s too much!”

Sinamantala niya ang pagtigil ang sasakyan at bumaba ng kotse nito. Dali-dali niyang pinara ang paparating na taxi. Sinubukan siyang habulin ni Lee.

“Pinay, come back!” tawag nito.

Subalit sumakay na siya ng taxi at inutusan niya ang driver na pasibadin iyon palayo. A weak spot in her wanted to cry out. Pero tinatagan niya ang sarili. Kung di kayang irespeto ni Lee ang paniniwala niya, mabuti pang huwag itong magpakita.

“GIRLS, mag-practice pa tayo!” ungot ni Pinay sa mga kabanda. “Na-miss kong makasama kayo. At nagustuhan ko ang new song ni Freya.”

Nasa soundproof music room sila sa bahay ng may-ari ng Conspiracy Bar kung saan sila madalas nagpa-practice. Di naman iyon malayo sa boarding house ang Tita Yolie niya kaya convenient sa kanilang magkakaibigan.

“LQ siguro kayo ni Leigh Armaund,” sabi ni Andrya. “Maghapon mo na kasi kaming kasama. Dati di ka mapakali isang oras mo lang iyong di makita.”

Nanghahaba ang nguso siyang pumiraso ng maruya. “Ayoko lang siyang makita ngayon.” Kahit ilang beses nang gustong makipagkita ni Lee sa kanya ay iniiwasan niya ito. Di pa nawawala ang inis niya dito.

Ego-tripper. A monster. Hindi siya ganoon. Kaya magdusa muna itong di siya makita hangga’t di nawawala ang galit niya.

“Hindi ba may dinner kayo ngayon sa boarding house?” tanong ni Freya.

Kinuha niya ang drumstick at itinuktok sa gilid ng mesa. “Bahala siya sa buhay niya!” Matagal mawala ang galit niya. Mabuti nang huwag muna niya itong makita dahil baka ano pang masabi niyang hindi maganda dito.

Pumalatak si Haellene. “Dapat inaayos agad ninyo ang gulo. Minsan na nga lang magsabi ng opinion iyong tao, inangilan mo pa.”

Inikot niya ang tingin sa mga kaibigan. “Mali ba talaga ako?”

Uminom ng bottled water si Andrya. “Babae ako. Tama lang iyong ginawa mo. Naiganti mo ang lahat ng babaeng nabastos sa mundo na di makalaban.”

“Siguro natakot si Lee dahil nagdesisyon ka nang di siya kinokonsulta. Paano kung balikan ka ng maniac na iyon? Iniisip ka lang niya,” paliwanag ni Haellene.

“Gugulpihin ko lang ulit ang maniac na iyon!” sabi niya.

“Gusto rin siguro niyang maramdamang importante siya sa buhay mo. Na sa mga importanteng desisyon mo, iniisip mo rin siya,” dagdag ni Freya. “Kaya kausapin mo na si Lee. Huwag mo nang tikisin.”

“Ibababa ko ang pride ko para sa kanya?” Niyakap niya ang sarili. Di yata iyon madali para sa kanya. Pero nami-miss na rin naman niya si Lee. Gusto niya itong makita. To hell with her pride. Di rin naman siya sasaya kung patuloy niyang titikisin si Lee. “Fine! Pupuntahan ko na siya.”

The weight was lifted off her as she walks home. Siguro di na masamang isuko niya minsan ang pride niya. Oras na siguro para mag-usap sila. Siguro naman ay magso-sorry na ito sa kanya at hahayaan siya nito.

Pagdating sa boarding house ay tumuloy agad siya sa kusina at naabutang nagluluto ang Tita Yolie niya. “Tita, anong niluluto ninyo para kay Lee?”

“Tumawag ang maid nila Lee. Hindi daw siya makakapunta dahil masakit ang lalamunan niya. Tiyak na mahihirapan iyong kumain. Kawawang bata.”

Nakonsensiya siya. Plano pa mandin niyang huwag makipagkita dito kanina. Iyon pala ay may sakit ito. “Tita, ipagluto mo pa rin siya. Dadalawin ko ang boyfriend ko. Oras naman para alagaan ko siya, di ba?”

“DADALAW ka lang sa may sakit, naligo ka pa ng pabango. Hindi kaya mahilo lang si Lee sa iyo at lumala ang sakit niya?” angal ni Freya nang dumaan si Pinay sa harap nito nang paalis na siya papunta sa bahay ni Lee.

“Magdadala lang ng kalabasa soup iyan, ha! Kuntodo paganda pa,” pang-aalaska naman ni Andrya. “Mabibinat iyon sa katititig sa cleavage mo.”

“Wala namang cleavage,” sabi ni Haellene na naglilinis ng bass guitar nito.

“Teacher Haellene, di mo naman masyadong inaapi ang dibdib ko,” aniya at sinapo ang dibdib. Di naman siya bosomy. At least alam niyang mahal siya ni Lee di dahil sa katawan niya kundi sa pagkatao niya.

Nag-peace sign lang si Haellene. “Humayo ka na at magpakarami!”

“Amen!” sabay na sagot ni Andrya. “Magpagaling kamo si Lee.”

“Titiyakin kong gagaling siya. Aalagaan ko siya.”

Mula nang magkakilala sila ni Lee, wala na itong ginawa kundi ang alagaan at pagsilbihan siya. Minasama niya pati ang pagmamalasakit nito. Gusto lang sana siya nitong protektahan kaya ayaw nitong ituloy pa niya ang pagpo-forward ng blotter sa kompanyang pinapasukan ng nang-maniac sa kanya.

Dapat ay maipakita niya dito na kaya niyang alagaan ang sarili niya at kaya rin niya itong alagaan dahil mahal niya ito. Handa na siyang kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo nila. She’d make it up with Lee.

Pagdating sa bahay ng mga Lopez sa Teacher’s Village ay naabutan niya ang nakatatandang kapatid ni Lee na si Torque na nagluluto ng barbeque sa garden.

“Pinay, anong ginagawa mo dito?” tanong nito.

“Dadalawin ko si Lee, Kuya. Hindi daw kasi siya makaka-attend ng dinner dahil may sakit siya. Ipinagluto siya ni Tita Yolie ng kalabasa soup.”

Kumunot ang noo nito. “May sakit ba si Lee? Sinundo kasi siya ng mga kaibigan niya kanina. May overnight daw sila sa Laiya. Akala ko kasama kanila.”

“W-Wala siyang nabanggit sa akin na aalis sila. Baka naman para lang sa mga boys iyon.” Pagdating sa mga kabarkada ay nahihirapang tumanggi si Lee.

“Dito ka na lang mag-dinner,” yaya ni Torque.

“Hindi na, Kuya. Uuwi na lang po ako.”

Dismayado siyang umuwi ng bahay. Naabutan niyang nagdya-jamming sa garden ang mga kaibigan niya pagbalik. “Ang bilis mo naman!” sabi ni Freya. “Anong nangyari sa inyo ni Lee?”

“Wala daw siya. Sinundo siya ng mga kaibigan niya. Pumunta sa beach.” Umupo siya sa ibabaw ng beat box at ipinatong sa lamesa ang calabasa soup. “Baka lalong magkasakit ang mga iyon.”

“Baka mamaya may kasamang babae,” pananakot ni Andrya. “Siyempre beach iyon. Walang sakit-sakit sa mga lalaki.”

“Huwag ka nang man-demonyo,” saway ni Haellene at tinakpan ang bibig ni Andrya. “He loves you. So bumawi ka sa kanya. At sa idea ko, tiyak na lalong mai-in love sa iyo si Lee.”

GUSTO nang isumpa ni Nova ang unibersidad na pinapasukan. Nawalan siya ng oras kay Lee sa sobrang dami ng kailangang gawin sa school. Ni hindi na siya makatulog minsan. Kapag ganoong pagkakataon ay sadyang di siya inaabala ni Lee. Magpapakita lang ito kapag hiningi niya ang tulong nito sa mga projects. Baka akala nito ay tuluyan na siyang nagalit dito at wala siyang planong kausapin pa ito.

Dalawang linggo pa ang lumipas at semester break na nila saka lang niya naharap ang plano niyang pagdalaw dito. Sabado noon at nang tumawag siya sa bahay ay wala daw planong umalis si Lee. Bitbit ang balloons at bulaklak ay nagpahatid siya sa taxi sa bahay ng mga Lopez.

Nang pagbuksan siya ng maid ay inilapat niya ang daliri sa sariling labi. “Nasaan si Lee?”

“Nasa garden po, Ma’am.”

“Thank you. Huwag ka na lang maingay na nandito ako.”

Gusto niyang sorpresahin si Lee. Tiyak na magugulat ito sa sorpresa niya. Noon lang kasi niya naranasan na magbigay ng bulaklak sa lalaki.

She was hoping that they could patch things up this time. Nakapag-isip-isip siya. Maaring sa isang punto ay may pagkakamali siya. She just hoped that Lee would understand her point more.

Naulinigan niya ang boses ni Lee. May kausap ito sa garden. Baka may bisita ito. Naulinigan niya ang boses ng mga kaibigan nito. Pinili muna niyang magtago kaysa magpakita agad. It was one of her hobbies. Nafa-fascinate siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga lalaki minsan. Marami kasi siyang nadi-diskubre lalo na kay Lee. Mamaya na lang siya magpapakita.

“Panalo ka na kay Kari, Lee! Maganda, matangkad, maputi, makinis, weakness mo din ang pagka-chinita niya at hanggang ngayon mahal na mahal ka pa rin. Balikan mo na,” sulsol ni Bob.

Kumunot ang noo niya. Kari… Karissa… ang ex-girlfriend ni Lee. Dalawang taon ding tumagal ang relasyon ng mga ito. Kabe-break lang nina Lee at Karissa nang makilala niya ang una. Di naman siya taong insecure sa magaganda at tipong beauty queen. Pero minsan na niyang naranasan na ma-insecure nang makita niya si Karissa. She was like a goddess. Di nga niya alam minsan kung ano ang nakita ni Lee sa kanya samantalang milya-milya ang layo niya sa babae.

“Kaya nga nag-set up kami ng outing para sa inyo. Para naman ma-clear ang utak mo at makita mo na kayo ang para sa isa’t isa,” sabi naman ni Hendrick. “Ano? Baka naman di mo lang sinasabi na kayo na ulit.”

Nanlamig siya sa kinatatayuan at hinapit sa katawan niya ang lobo at ang bulaklak. Nag-outing ang mga ito kasama ang ex-girlfriend ni Lee na si Karissa? At mula noon ay di na siya kinausap man lang ni Lee? Ni hindi siya tinawagan. Akala niya ay dahil lang gusto nitong makapag-concentrate siya sa finals week niya at magawa niya ang mga requirements sa school. Iyon pala ay ibang babae na ang iniisip nito. NI hindi man lang niya iyon naramdaman.

“Oo nga! Magdamag kayong magkasama. Umamin ka na!” sabi ni Bob.

“Wala! Si Pinay lang ang pinag-usapan namin,” kontra ni Lee.

“Ang hina mo! Si Pinay pa rin ba ang pinag-usapan ninyo kahit nang hinalikan ka na niya? Di naman ako naniniwala diyan,” sabi ni Hendrick. “Dapat nga nakipag-break ka na doon sa girlfriend mong amazona. Magiging miserable lang ang buhay mo sa kanya dahil gagawin ka niyang under the saya. Baka araw-araw ka lang niyang gulpihin. Itatakwil na kitang kaibigan, pare!”

Amasona. Iyon nga naman ang tingin ng mga ito sa kanya. Ayaw ng mga kaibigan ni Lee sa kanya. Pero pati ba naman si Lee magpapadala sa mga ito? Paano na ang pagmamahalan nila.

Parang sinaksak siya dahil hinalikan ito ng ex-girlfriend. Ang mala-diyosa nitong ex-girlfriend. Abnormal lang ang lalaking di papatulan ang ganoon ang kagandang babae. And Lee was definitely a hot-blooded male. Tiyak niyang di ito isang tuod. Ebidensiya na nga na di man lang ito nakipag-usap sa kanya sa loob ng ilang araw. He was definitely affected.

“Habang maaga sinasagip ka na namin sa miserableng buhay,” dugtong ni Bob. “Karissa is the one for you. Pagsisilbihan ka niya. Parang hari ka na susundin no’n. ano? Papupuntahin na ba namin siya dito para makapagdesisyon ka na?”

It was suddenly too much! Hanggang kailan siya tatayo doon at makikinig sa mga ito? Hihintayin pa ba niyang dumating si Karissa at panooring magkabalikan ang dalawa? Magmumukha na lang ba siyang busabos at hihintayin kung kailan magpapakita si Lee para makipag-break sa kanya?

Over her dead body!

Lumabas siya sa pinagtataguan at matiim ang anyong hinarap ang tatlo. “Bago ninyo papuntahin ang Karissa na iyon dito, bakit hindi muna makipag-break sa akin si Lee ngayon na?”

NAGLINGUNAN ang tatlo kay Pinay. They were totally flabbergasted and guilty at the same time. Kung di lang siya galit na galit nang mga oras na iyon, gusto niyang pagtawanan ang pagkasindak sa mukha ng mga ito. At natitiyak niyang ngayon pa lang ay nanginginig na ang mga kaibigan ni Lee sa takot sa kanya. They should be.

Gusto niyang pagpuputukin ang mukha ng mga ito nang mga oras na iyon. She thought she had a perfect boyfriend and a perfect relationship. Tapos ay malalaman na lang niya na nakipagkita ang boyfriend niya sa ex-girlfriend nito. They kissed and she didn’t know what else. At ngayon ay sinusulsulan na ng mga kaibigan nito na hiwalayan siya. That was simply great!

Si Lee ang agad na nakabawi sa tatlo. “Pinay, what are you doing here?”

Naglakad siya palapit dito. “Makikipagbati, ibababa ang pride.” Isinalya niya sa dibdib nito ang bulaklak at lobo. “Only to find out that you kissed your ex-girlfriend behind my back. Iyon din ba ang dahilan kung bakit makikipag-break ka sa akin? Masyado ko nang naapakan ang pagiging lalaki mo while your goddess ex-girlfriend will serve you like a king anytime.”

Naglayuan ang mga kaibigan nito. Naglakad palayo sa kanya dahil sa takot na basta na lang niyang hablutin ang mga ito at gulpihin. “Lee, dude! Aalis na kami. Tawagan mo na lang k-kami…” At bago matapos ang sentence ni Bob ay nasa gate na ito at si Hendrick. Malamang ay nangangaligkig na ang mga ito sa takot.

Nanatili pa rin si Lee sa kinatatayuan nito. “Ang bilis tumakas ng mga kaibigan nito. Mas matapang ka ba sa kanila o di ka lang makaalis dahil sa sobrang takot mo sa akin?”

Inilapag nito ang lobo at bulaklak sa upuan at saka pinagpag ang damit. “Wala akong kasalanan sa iyo.”

“Bakit? Nabagok ka na ba at natauhan na okay lang na lokohin mo ako habang kasama mo ang ex-girlfriend mo at di ka na nagi-guilty na pagtaksilan mo ang girlfriend mo na ginawa kang under the saya for a year?”

“Pinay, I love you. Hindi nagbabago iyon. Kahit na ano pang sabihin ng mga kaibigan ko o ano pang tingin mo sa akin, mahal kita.”

Ngumisi siya. “Your friends think you are weak because of me. Huwag mong sabihin na di nasasaktan ang pride mo. Kaya nga okay lang sa iyo na kaladkarin kung nila sa ex-girlfriend mo. Totoo bang may sakit ka?”

“Inutos nila iyon sa maid ko. I was literally abducted. Sabi nila ihahatid nila ako sa boarding house ninyo pero sa Laiya pala nila ako dadalhin. May magagawa ba ako samantalang madami sila? And Karissa was there.”

“And you kissed. And you were with her the whole night.” Tumingala siya at mariing pumikit. Torture sa kanya ang ilang sandali magkasama ang mga ito. “May nangyari ba sa inyo?”

“Nothing,” kaila agad nito.

“Malamig sa beach! Magkasama kayo buong magdamag at walang nangyari?” Direkta niya itong tiningnan sa mga mata. “Sa palagay mo ba maloloko mo ako?”

“We talked about you the whole night.”

“And do you think I would take that bullshit? Umamin ka na! Kasama mo siya buong magdamag dahil hihiwalayan mo na ako. Na mas sasaya kang kasama siya. And I am nothing but a nuisance to you.”

“So I admit! When she kissed me, she begged me if we can still hit it off like before. Kasama ko siya buong magdamag but we just talked. Sinubukan ko kung may mararamdaman pa rin ako sa kanya tulad nang dati. If I could still enjoy her company. Kung may nararamdaman pa ako kahit kaunting pagmamahal o attraction sa kanya. I still want to feel my worth as a man.”

“At hindi mo nararamdaman ang pagiging lalaki mo kapag kasama kita?”

Bumagsak ang balikat nito. “You are just too self-reliant. Hindi ko alam kung kailangan mo pa ako sa buhay mo.”

His ego was bruised. He was just like any ordinary egotistical guy after all.

“So this is about your ego?”

“This is about our relationship.” Hinawakan nito ang balikat niya. “Gusto kong maramdaman na mahal mo nga ako. Na kailangan mo rin ako. Gusto kong maramdaman na importante ako sa iyo.”

“Gusto kong maniwala na mahal mo pa rin ako. But you waited long enough to tell me everything. I was tortured for days and it took you long enough to tell me that you have a problem with your damn pride. Hinihintay mo bang habulin kita just to soothe your ego. I hope you ego is now satisfied. Nandito na ako. I bough balloons and flowers and I am even willing to apologize to you. Happy now?”

Niyakap siya nito. “Kung anuman ang narinig mo kanina, I hope we can forget about it. Karissa doesn’t mean a thing to me. I love you.”

She didn’t hold in your arms him back. Mistula siyang malamig na bangkay habang yakap nito. Ni hindi siya makagalaw o makakurap man lang. She was numb.

“Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ito.”

Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya at naguguluhan siya nitong pinagmasdan. “Pinay…”

“Lee, akala ko natagpuan ko na ang lalaking magmamahal sa akin. Na pahahalagahan ako kung ano at sino ako. I have to be tough. Hindi madali ang buhay para sa akin. I am expecting you to respect that. Pero sa nangyayari sa atin ngayon, I think failed that test.”

“What? Kaaayos pa lang natin ng problema.”

Marahan siyang umiling. “I can’t be that weak woman you want me to be. Not even for your love. At ayoko na maramdaman mong tinatapakan ko ang pagkalalaki mo. You deserve a woman who is better than me then.”

“No! I love you!” Pinigilan nito ang balikat niya. “I will try my best to be a better man for you. Do you want me to beg? I will.”

Tinapik niya ang pisngi nito. Nakita niya ang lahat ng pinagdaanan nito para sa kanya. Nasaktan na din niya ito nang ilang beses dahil naapakan ang ego nito. He gave up having the upper hand in their relationship. His friends must be terrorized by her presence. Mukha siya lang ang malaking pagkakamali sa buhay nito. Di rin niya kayang makasama ang lalaking di tinatanggap ang lakas niya bilang babae.

“You go back to Karissa, Lee. Maybe your friends are right. She’s the one for you. You don’t have to beg her. Hindi ka magiging under.” Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. “I-I just hope that you will be happy.”

Tumakbo siya palabas ng gate ng bahay nito para di nito makitang nasasaktan siya. She had to give him up. Bago pa niya kailangang isuko ang sariling pagkatao niya. Bago pa siya nito kamuhian habang pinangangatawanan niya ang paniniwala niya.

Naging masaya siya sa piling ni Lee sa loob ng isang taon. But there was an old terror that was creeping her for life. Mula sa isang lalaki na mahal na mahal ang sarili nito. That he was so full of himself that he didn’t take no for an answer.

Ayaw niyang makita si Lee sa kalagayang iyon. Na magmistula na lang halimaw ang pride nito at kakainin silang dalawa. She promised on her mother’s grave that she would do everything so she won’t be like her. Na di siya sasaktan ng kahit sinong lalaki. At bago pa mangyari iyon dapat ay makatakbo na siya palayo. And that was what she was doing now. She was escaping from love before it’s too late.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.