She desperately wanted freedom from Yuan, her fiancé who didn’t even know who she really was and what she really wanted. Pero malinis si Yuan. He was one of the top ten young businessmen in the country. And a respected one too. At walang babaeng naidikit sa pangalan nito. Sounds like a perfect man for her.
Kaya nagtrabaho siya sa Stallion Riding Club, ang secret hideaway ni Yuan. Gaya ng inaasahan niya, nasa lugar na iyon ang mga sekreto ni Yuan na magagamit niya para makawala dito.
But she started to change her mind the moment he kissed her.
“Lolo, I don’t want to marry Yuan Zheng,” walang gatol na sabi ni Quincy sa abuelo na si Loreto Tan.
Sinulyapan siya nito na parang nawawala na siya sa sarili. “Crizelda Celine, you came all the way to Huntington Beach just to tell me that?” anitong parang gustong matawa sa sinabi niya. “Give me another kind of joke.”
She wanted to slump but she had to maintain her poise. Di nga naman iyon bagay sa suot niyang ruffled skirt at blouse na may ka-partner na bolero. Tiyak na pagagalitan siya ng lolo niya. “I am not joking. I won’t travel from Florida to California just to give you a lame joke. I am serious! I don’t want to marry him.”
Sumandal ito sa rocking chair at inuga iyon. Iyon ang paborito nitong lugar sa bahay na iyon. The beach house was his grandfather’s retirement haven. “I don’t see anything with wrong Yuan. He is handsome, virile and hardworking. He has a great acumen for business. A very serious man. Wala ka nang mahahanap na lalaki katulad niya.”
“He is stiff. Ni hindi siya marunong ngumiti,” reklamo niya.
Yuan or Yue Anthony Zheng was a Filipino-Chinese young businessman. Malapit ang pamilya nila sa isa’t isa. Dangan nga lang ay sa States ito lumaki. Matalik na magkaibigan ang mga lolo nila na nag-date back pa noong mga bata ang Loreto niya at kasamang tumakas sa China ang lolo ni Yuan.
Eighteen na siya nang makilala niya si Yuan sa mismong debut niya. He was twenty-three then. Kadarating lang nito sa Pilipinas para pangalagaan ang Zheng business empire na sinimulan pa ng lolo nito. Noon niya nalaman ang kasunduan ng mga lolo nila. Na pagdating ng edad na beinte tres ay ipapakasal siya dito.
“Hindi ka nagrereklamo sa ngiti ni Yuan noon,” sabi ng lolo niya. “Saka ganoon naman talaga si Yuan. Di sanay ngumiti. But that doesn’t mean that he won’t be a good husband to you.”
“That’s what I thought before,” usal niya at inikot ang mga mata. “But Lolo, I changed. And I don’t think Yuan would suit as my husband.”
Nagkibit-balikat ito. “I think you two are perfect.”
She used to be young and naïve. Wala pa siyang sariling identity at sunud-sunuran lang sa nakatatanda sa kanya. Namatay ang mga magulang niya bata pa lang siya kaya ang Lolo Loreto na niya ang nag-alaga sa kanya. Kaya anumang hilingin nito sa kanya, kailangan niyang sundin.
Mukha siyang nerd nang makilala ni Yuan. Puro mahahabang damit ang suot niya dahil conservative ang pinanggalingang pamilya. Naka-salamin pa siya dahil malabo ang mga mata niya. Ganoon pa rin ang itsura niya ngayon dahil iyon ang gustong makita ng lolo niya at ni Yuan. Isang babae na mukhang nabubuhay sa unang panahon. Isang babaeng daig pa ang robot na sunud-sunuran.
Pero nang mag-aral sa States, nalaman niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Kung ano ang gusto niyang ayos sa sarili, isuot, maging trabaho at klase ng lalaki na gusto niyang pakasalan. Pero di niya masunod ang lahat ng iyon. Nakatakda na ang buhay niya mula nang itakda ang kasal nila ni Yuan. Kung dati ay lolo lang niya ang kumokontrol sa buhay niya, ngayon ay may Yuan pang nakasali. Mas tyrant pa yata.
“I don’t like him,” giit niya.
“But Yuan likes you, hija. Sa dinami-dami ng babae na may gusto sa kanya, ikaw pa rin ang pinili niyang pakasalan.”
Only because our family said so. Sa palagay niya ay wala rin namang choice si Yuan. Di nga lang halata. Tanggap na kasi nito na magpapakasal sila.
“I don’t think he likes me, Lolo. Look, he doesn’t have time for me. Ilang beses na siyang nagpunta dito sa States pero hindi man lang niya ako nadalaw. Noong graduation ko, ni hindi siya makapunta. Mas pinili pa niyang pumunta sa business conference sa Shanghai kaysa sa akin.”
“Women! Puro sarili lang ninyo ang iniisip ninyo. Yuan is a working man, hija. Saan ba nanggagaling ang mga regalo na ibinibigay niya sa iyo tuwing may okasyon? You may not see him physically but he never forget about you. Hindi ba lagi ka rin niyang tinatawagan? He always checks on you. Laging tinatanong kung ano ang gusto mo. Kapag kasal na kayo, magkakasama rin kayo. Huwag kang mainip.”
As if I am too eager to marry that nonstop working machine. Siya ang kahuli-hulihang lalaki na gusto kong pakasalan. “Ganoon din ba siya kapag kasal na kami?”
“Huwag mong masyadong hanapan si Yuan. Hindi lang isang kompanya ang pinatatakbo niya. He is running an empire. Dapat nga matuwa ka dahil isang responsableng lalaki ang pakakasalan mo.”
Umuklo siya sa harap nito at ginagap ang kamay nito. Maraming amunisyon siyang nakahanda sa paghaharap nila ng lolo niya. Kailangan niya itong makumbinsi na huwag nang ipakasalan sa kanya si Yuan Zheng.
Pakiramdam kasi niya ay nauubusan na siya ng opsiyon. Her time was running out. Baka bukas-makalawa ay sinusukatan na siya ng wedding gown para sa kasal nila ni Yuan. Hindi na siya makawala pa.
“Lolo, I want to ask for your permission. I want to talk so Yuan directly. Sasabihin ko sa kanya na magba-backout ako sa kasal namin habang maaga pa. Para walang sinuman sa amin ang mapapahiya.”
Namutla ito at biglang sinapo ang dibdib. “Hindi mo magagawa iyan, Celine!”
Naalarma siya nang makitang nahihirapan itong huminga. “L-Lolo!” Hinaplos niya ang dibdib nito. “Lolo! Nurse! Nurse!” tawag niya sa private nurse nito.
Lumabas ang nurse at inasikaso ang lolo niya. Sapo niya ang noo habang mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ang lolo niya. Siya pa yata ang papatay dito.
Na-stabilize naman ang kondisyon nito matapos gamitin ng nurse ang inhaler. Idinala sa kuwarto ang lolo niya para makapagpahinga.
“Hayaan mo muna siyang magpahinga. Huwag mo na siyang masyadong pag-alalahin,” sabi ng nurse na isang Filipino. “Sensitive na ang kalagayan niya. Kaya sa ngayon, sumunod ka muna sa kahit anong gusto niya.”
“Thank you,” sabi niya at pumasok sa kuwarto. Kalmado na ang lolo niya subalit bakas pa rin ang dilemma na pinagdaanan kanina. “How are you feeling?”
“Much better. Gusto mo bang mamatay na ako?”
Umiiyak niyang pinagsalikop ang mga kamay sa isang kamay nito. “Hindi po, Lolo. You know how much I love you.”
Hinaplos nito ang buhok niya. “Kung mahal mo ako, susundin mo ako. Pakakasalan mo si Yuan, hindi ba?”
“Paano kung hindi kami maging masaya, Lolo?”
“You know that your marriage is a sign of our family’s friendship. Marami kaming pinagdaanan ng lolo ni Yuan. Our bond is tight. At gusto naming na maipagpatuloy iyon hanggang sa inyo. We can’t cut that bond.”
Hindi rin lingid sa kaalaman niya na malaki ang naitulong ng mga Zheng sa negosyo ng pamilya nila. Malawak kasi ang impluwensiya ng mga ito.
“I recognize that bond. I know that you treat Lolo Molino like a brother. But marriage is different. It is forever. At wala kaming bond ni Yuan na katulad ng sa inyo ni Lolo Molino. We don’t even see each other. I don’t know much about him and he doesn’t know much about me.”
He doesn’t even know the real me. Hindi niya ma-imagine na makakasama ang isang lalaki na emotionally detached sa kanya at walang alam sa kung ano ang gusto niya. Malayong-malayo si Yuan Zheng sa pangarap niyang pakasalan.
“Dadating din kayo doon. Magkakakilala rin kayong mabuti. And you will definitely like Yuan. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na kapag nakatalikod ang babaeng pakakasalan, kung sino-sinong babae ang kasama. Although I am well aware that many girls run after him. He is quite a catch.”
“Lolo, maybe he sounds so perfect. But I want to marry someone whom I am in love with. Paano kung hindi ako ma-in love kay Yuan?”
“Mai-in love ka rin kay Yuan. Kung may makikita lang sana akong hindi maganda kay Yuan, ako mismo ang puputol sa kasunduan ng pamilya natin sa mga Zheng. But Yuan is perfect. Kung mawawala man ako sa mundo, alam ko na iiwan kita sa mabubuting kamay. Yuan will take care of you. Will you give him a chance?”
Maasim siyang ngumiti. “Yes, Lolo. I will try it for you.”
Parang gusto niyang magpapalahaw ng iyak nang yakapin ang abuelo niya. Pakiramdam kasi niya ay dahan-dahan na siyang tinatabunan nang buhay. Marrying Yuan was like being buried alive. A death sentence. Ayoko pang mamatay.
“DID you receive the package? Iyan ang gusto kong isuot mo sa party ni Uncle Logan sa Los Angeles. Nagpadala na rin ako ng plane ticket para kay Lolo Loreto.”
“Yuan, I am not sure if I could come. Busy kami sa gallery,” sabi niya habang ine-edit ang mga pictures na kuha niya sa Huntington Beach nang huling dalaw niya sa Lolo Loreto niya. “We have an exhibit the next day. Kailangan nila kami dito.”
“I told you, you don’t have to work,” sabi ni Yuan. “Kaga-graduate mo pa lang. Dapat nagre-relax ka muna.”
Ayon dito, kaya nitong I-provide ang lahat para sa kanya. Yuan was a young billionaire. At tutol na tutol ito sa pagtatrabaho niya sa maliit na gallery ng kaibigan niya na nasa Miami. Kung di pa niya sinabi na gusto lang niyang libangin ang sarili niya, di siya nito papayagan na magtrabaho sa gallery pansamantala.
“Nandito na naman tayo. You know how much I hate being idle.”
“Okay. Basta huwag kang mawawala sa birthday ni Uncle Logan. He is expecting you. Kung hindi ka papayagan umalis dahil kulang kayo ng tao, magpapadala na lang ako ng tao diyan para mag-substitute sa iyo.”
“You don’t have to. I can handle it,” salo agad niya. “Magkita na lang tayo.”
“Hindi ako makakapunta sa birthday ni Uncle. I have a business engagement in Japan. Kaya nga ikaw ang papupuntahin ko para mag-represent sa akin.”
“Okay,” matabang niyang sabi. “Yuan, hindi mo ba ako iko-congratulate?”
“What for?”
“I won Photographer of the Year in an amateur photography competition. It is an online competition and I bet other contestants from all over the globe,” excited niyang tanong. “I sent the entry by email. Hindi mo ba binasa ang email ko sa iyo?”
“I haven’t opened my personal email yet. Business email lang ang lagi kong binubuksan. Hindi ko alam na may talent ka sa photography.”
She dreamt of being a photographer. Kaya lang ay nag-insist ang lolo niya na Business Management ang kunin niyang course. Iyon daw kasi ang mas bagay na course sa kanya ayon kay Yuan. “If you haven’t read my email, then you don’t know that I am flying to Australia soon. May offer ako para sa isang rural newspaper para maging photographer. I think it is a great opportunity. Traveling to different places. Meeting unique people. What do you think, Yuan?”
“Rural press photographer? At the outback? No way!” mariing wika nito. “I won’t allow my future wife to work like that. I am not insane.”
Pinigil niyang umingit. Sabi na nga ba’t kokontrahin siya nito. Bakit pa kasi umasa-asa pa siyang papayagan nito? “Please! Kahit six months lang. I just want to try working on a different environment. I really love to get that job. Kasi hindi ko na ito magagawa kapag kasal na tayo, hindi ba?” malambing niyang tanong. Baka sakaling matunaw ang puso nitong bato at payagan siya.
“It is a definite no, Celine. Not for a minute would I allow you to work as a photographer. You don’t have to. If you want to travel, I will provide for you. You may even go with your friends. If I have time, I will even come with you.”
But you never have time for me. I even doubt it if you’ll look at me if we are together. Saka hindi ako mag-e-enjoy. Hindi ko magagawa ang gusto kong gawin dahil kokontra ka naman. Killjoy ka kasi!
“Thanks, Yuan. You are so sweet,” malambing niyang sabi sabay ngisi nang nakakaloko. “I will think about that trip to Europe.”
“Good.” Parang may alaga ito na aso na sumusunod kapag inutusan ng sit at lie down. “Just don’t forget about Uncle Logan’s birthday party, okay?”
“Okay. Bye!” matamlay niyang sabi.
She shut down her laptop computer. Wala na siyang ganang mag-edit ng pictures. Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa isang malaking kahon. Na kailangan siyang diktahan pati ang mga bagay na magpapasaya sa kanya.
Pinagdiskitahan niya ang package na padala ni Yuan. There was a red four-layer tafetta gown. It was the elegant yet conservative gown that Yuan chose for her. He ordered it online to a Paris-based designer. May kasama na iyong bag, jewelry at sapatos. And a hairdresser was already commissioned to do her hair. Iyon na rin ang bahala sa ayos niya.
Inilapat niya ang gown sa katawan at itinaas ang mahaba niyang buhok. She could imagine what she would look like on his uncle’s birthday. She looked like an elegant yet boring woman. And with that gown, she looked like a birthday cake.
It always worked that way. Yuan provided everything according to his taste of perfection. Wala na siyang kailangan pang baguhin dahil itinakda na nito ang lahat. And she hated it. And she simply hated her reflection at the mirror. It was not her.
Bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok ang kaibigan niyang si Friza. “Who is that girl I see staring straight back at me? Why is my reflection someone I don’t know?” kanta nito habang sumasayaw-sayaw sa likuran niya.
Umalis siya sa salamin at inilapag sa box ang gown. “Stop it, Friza! Mag-paint ka na lang. Huwag kang kakanta. Lalong umiinit ang ulo ko.”
Friza was her friend since college. Naging dorm mates sila at kaklase sa ilang subject sa University of Florida. Noong una ay di niya ito maintindihan. Palibhasa ay artist. Friza was a free soul while she was a caged bird.
Mula nang makasama si Friza, saka niya unti-unting natutuklasan ang gusto niyang gawin sa buhay. Natuto siyang magdamit ng gusto niyang damit. She even discovered her talent in photography. Nabuo na rin sa isip niya kung anong klaseng lalaki ang gusto niyang makasama habang buhay. Malayo sa ilusyon na binuo niya kay Yuan. Pero ganoon pa rin. Kontrolado pa rin siya ng lolo niya at ni Yuan.
“So is it the trip to Australia or the birthday bash in Los Angeles?”
Lalong dumilim ang mukha niya. “You know the answer.”
“Yummy Yuan Zheng won,” sabi nito sabay sipol.
Matalim niya itong sinundan ng tingin habang hinahaplos ni Friza ang picture ni Yuan na nasa tabi ng bedside lamp niya. It was a picture taken during her debut. She kept it because she fell in love with Yuan at first sight. He was like a handsome prince in romance novels. Tinapunan siya nito ng atensiyon kahit na mukha siyang nerd, big glasses and all. And she was grateful to find out that he was her future husband. She thought everything was perfect. Hanggang magising siya sa ilusyon niya. She knew the real her and saw the real Yuan. They didn’t match.
“He is so irritating!” she said through gritted teeth. “Hindi ko daw kailangang magtrabaho dahil siya naman ang pakakasalan ko. Kung gusto ko daw, bumiyahe na lang ako sa Europe kasama ka. Siya pa daw ang gagastos.”
Napapalakpak ito. “Wow! That’s great! Mag-Europe na lang tayo.”
“Gusto kong pumunta sa Australia. Ayoko sa Europe. Gusto kong magtrabaho. I want to stand on my own two feet. I want a taste of life. I don’t want to be a plain girl who has to be told what to do. I want to be free. I want to be my own woman. I want to be me!”
“Ayaw nga ni Yuan iyon! At kung ipipilit mo ang gusto mo, sasama lang ang loob ng lolo mo. Gusto mo bang matuluyan siya?”
Umiling siya. “Kaya ko nga ginagawa ito para kay lolo, hindi ba?”
Minsan na niyang tinangka na ipakita sa abuelo ang bagong siya. She was wearing a checkered mini-skirt and sleeveless blouse. Excited pa mandin siyang ipakita na may sense of fashion na siya. At ang resulta, inatake ito sa puso. Sinermunan pa siya ni Yuan. At sinabi nito na mula noon, ito na ang mamimili ng damit na dapat niyang isuot at babagay sa kanya bilang magiging asawa nito.
It was the start. Yuan took charge of her life. Kaya kapag haharap siya sa lolo niya o sa kahit sinong malapit kay Yuan, saka lang siya nagsusuot ng damit na bigay nito. Nagiging malaya lang siya na magsuot ng gusto niya kapag kasama si Friza.
“Friza, I can’t imagine living my life with Yuan. I can’t breathe whenever I talk to him or whenever I use the things that he gave me. Kapag kaharap ko ang lolo ko, pakiramdam ko niloloko ko lang siya. Di kasi niya nakikita ang totoong ako. Ayoko ng ganito. Parang sinasakal ako.”
“Then what should you do? We already did an investigation. Yuan is so clean. Puro nga achievement ang makikita mo sa record niya. A cum laude when he graduated from Harvard, one of the top ten young businessmen in the Philippines and he was branded as King Midas. Lahat ng business na hawakan niya, nagbu-boom. Wala ring babaeng nali-link sa kanya. Though some women tried to attach their names with his. You can’t get away from him.”
Ngumisi siya. “You think so? There is no such thing as a clean guy. Everyone has skeleton in his or her closets. And I assure you, matutuklasan ko iyon. Ako mismo ang titiyak na makakawala ako sa kanya.”
Hindi siya papayag na makasal kay Yuan bago matuklasan ang kasiraan nito. She had to work soon before it was too late.