Chapter Yue Anthony Zheng: Chapter 2

“Good morning Stallion Club! Good morning world!” sigaw ni Quincy pagkabukas ng bintana. It was a great day for her. Pakiramdam kasi niya ay nasa iba siyang mundo at may bagong buhay.

Lumabas siya ng staff’s house. She was wearing a black sporty blouse and black shorts. She was like a new person. Walang kinatatakutan kung ano ang dapat isuot. O kung may Yuan na magagalit sa kanya. Dahil sa mundong iyon, kaya niyang maging siya at walang makakapigil.

“Good morning, Quincy!” bati sa kanya ni Jhunnica.

“Good morning, Ma’am!” Ito ang manager ng Rider’s Verandah, isang restaurant sa Stallion Riding Club. Ito na rin ang boss niya mula sa araw na iyon.

“Magdya-jogging ka ba?”

“Yes, Ma’am. It is a wonderful morning! Gusto po ninyo akong samahan?”

“I’d love to but I have work to do. Well, just come back soon. May orientation pa kayong dalawa ni Miles. Saka parating na rin iyon.” Si Miles ay isa rin sa bagong pasok sa Rider’s Verandah at makaka-share niya sa staff’s house.

“Babalik din po ako agad, Ma’am. See you later.”

Kumaway siya at saka nagsimulang baybayin ang kalsada ng club na papunta sa forest trail. Stallion Riding Club was an enclave exclusively for bachelors and their horses. Nang pasundan niya ang galaw ni Yuan, natuklasan niya ang tungkol sa riding club. Doon daw madalas ang binata.

Ayon pa sa source niya, mahigpit daw ang riding club. Walang press na nakakapasok. Kung anuman ang nangyayari sa loob ng club, kung sinumang babae na kasama ng mga members ay di nakakalabas. Off limits din iyon sa mga reporters. Pinangangalagaan ng club ang privacy ng mga members. With the high membership fee, it was a place where members could relax. It was their world after all.

Ayon pa sa report, may sariling villa si Yuan sa loob ng club. Maybe it was where he did his affairs, away from the prying eyes of the press. So she did her best to enter the club without Yuan’s knowledge. Siya mismo ang kukuha ng ebidensiya laban dito para tuluyan nang di matuloy ang kasal nila.

Nagkataon na may opening para sa service crew sa Rider’s Verandah. She applied online and was called for an interview. She processed papers and documents under the name of Quincy Montoya. Quincy was the name given by Friza when they were in college. She was the Queen of C. Puro C daw kasi ang pangalan niya.

Pinalabas niya kay Yuan na nagpunta siya sa Europe kasama si Friza. Si Friza lang ang natuloy kasama ang nobyo nito. Saka siya lumipad papunta sa Pilipinas. For Yuan and her grandfather, she was a very honest girl. Ang alam ng mga ito ay isa siyang santa na sunud-sunuran at di kayang manglamang ng kapwa.

Naiba na rin ang personality niya pagpasok niya sa riding club. She would be the real Quincy. Hindi ang Quincy na binuo ng lolo niya at ni Yuan. It was the perfect disguise. At habang naroon, magagawa niya ang lahat ng gusto niya.

“This will be my world, too! Yahoo!” sigaw niya habang takbo nang takbo sa sidewalk. For the first time, she was able to breathe fresh air. Dahil magagawa na niya ang lahat ng gusto niya. “Konting panahon na lang, magiging malaya na rin ako. Just wait and see, Yuan. I’ll get rid of you soon.”

“Wow! Ang ganda ng bahay!” usal niyang di mapigilan ang paghanga. It was a country house flanked by two glassed in porches. Nasa likuran pa ng bahay ang mga pine forest. Parang napaka-presko at elegante ng bahay.

“Kay Mr. Zheng po iyan,” sabi ng street sweeper. “Halos lahat po ng bahay dito kanya-kanya ng ganda. Pero bahay niya ang paborito ko.”

“Zheng? Yuan Zheng?” tanong niya.

“Ay, opo! Si Sir Yuan nga! Iyong guwapong tsinito.”

Si Yuan nga iyon! Wala nang iba! Hahaha! Ito pala ang lungga mo, Yuan.

Kaya naman pala wiling-wili ang kumag dahil maganda ang lugar. It was like a paradise indeed. Napaka-relaxing kasi dahil maganda ang view. Puro berde.

“Madalas ba dito si Yuan Zheng, Manang?” tanong niya sa tagawalis.

“Oo naman. Halos linggo-linggo nandito siya. Iyong ibang members kasi dito na halos tumitira. May internet na daw kasi ngayon. Hi-tech na. Kayang magtrabaho dito kahit malayo sa opisina. Saka ang alam ko, dito rin idinadala ni Sir Yuan ang mga ka-business deal niya at dito rin niya ginaganap ang mga business conference niya. Parang interesado yata kayo sa kanya.”

Ngumiti siya. “Konti lang po. Kasi crush na crush ko iyan. Kaya lang sa magazine at sa TV ko lang siya nakikita,” palusot niya. Crush na crush ko siyang I-crush. Ika-crush ko ang pangarap niya para sa aming dalawa.

“Naku! Mapapansin kayo tiyak niyon. Hamak na maganda naman kayo kaysa sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.”

Tumaas ang kilay niya. “May mga babae po ba siyang idinadala dito?”

Bago pa nito nasagot ang tanong niya ay binulahaw na sila ng isang malakas na busina. Napapitlag siya at nakita ang white na Mercedes Benz SL550.

Lumapit siya sa kotse. “Hey! You have no right to blast the horn of your car. Nakakabingi! Akala mo kung sino ka! Kung may sakit lang kami sa puso, malamang inatake na kami dahil sa iyo,” gigil niyang sabi. Kung gasgasan kaya niya ang kotse nito para magtanda.

Nahigit niya ang hininga nang bumaba ang may-ari ng sasakyan. It was Yuan. Her old memories of him and the pictures at the magazine didn’t do him justice. He was too handsome. He was tall, his jet-black hair was blown by wind like an art and his eyes were chinky like a typical Tsinoy. But he was too intimidating when his eyes pierced hers. His lips were unsmiling. The sheer power of his aura made her hard to breathe. Parang tutumba na lang siyang bigla.

“Ikaw nga ang dapat kong ireklamo, Miss. Ang aga-aga, nandito ka na sa tapat ng bahay ko. I have the right to blow my car’s horn since you are blocking my driveway.”

“Pasensiya na po, Sir Yuan,” sabi ng street sweeper. “Nagkaka-kwentuhan lang po kami. Di naming napansin na dumating kayo.”

“Hindi ninyo kasalanan, Manang Luming,” sabi ni Yuan.

“S-Sige, Ineng. Aalis na ako,” anang matanda na nanginginig ang boses. Nagmamadali itong lumayo sa kanila ni Yuan.

Matalim siyang tiningnan. “How about you, Miss? Don’t you have plans to move out of my way? O baka naman gusto mo na buhatin kita para tumabi ka lang.”

“Eh, di tumabi,” sabi niya at lumayo sa dadaanan ng kotse nito. “The road is all yours, Your Majesty.”

Sa halip na bumalik sa sasakyan ay tumayo ito sa harap niya. “Who are you and who are you with?”

“Bakit kailangan mong malaman?”

“Because you can’t enter this club without an invitation. At ire-report ko sa kung sinumang member na nagpasok sa iyo dito ang ginagawa mo. Maybe you are some starlet or a socialite wannabe guest and you are interested with me.” Walang init sa mga mata nito nang pagalain sa katawan niya. “You don’t look bad.”

Napanganga siya. Iyon lang ang sinabi nito? She didn’t look bad? Pagkaganda-ganda nga niya. “I didn’t come here for you to assess me. Excuse me!”

Humalukipkip ito. “Nagpunta ka dito sa tapat ng bahay ko para kunin ang atensiyon ko. It looks like you are not wasting time. You already got me as your target. Unfortunately, I don’t need a companion right now. Next time maybe.”

Umiikot sa isip niya ang sinabi nito. “Target? Companion? Ano bang sinasabi ng kumag na lalaking iyon?” Habang inaanalisa niya iyon ay pasakay na ng kotse si Yuan. “Hey! Get out of the car. I still want to talk to you.”

Subalit di siya pinansin ni Yuan at pinaandar ang sasakyan. Napaurong siya upang di masagasaan. Kusang bumukas ang mababang wooden gate na nakaharang sa bahay nito pagtapat ng kotse nito. Wala na siyang nagawa para habulin ito.

Sinipa niya ang sidewalk sa sobrang gigil. “Bwisit ka talagang Yuan ka! You have no right to treat me this way.” Ganoon ba ang mga babae doon? Desperada na magpapansin dito kaya tatambay sa harap ng bahay nito at kulang na lang magpasagasa? “Well, I am not like your other women. I swear! Hindi ako papayag na makasal sa iyo. May araw ka rin sa akin. Just wait and see, Yuan Zheng!”

“SO how’s your first day, Celine? Is it grueling?” tanong ni Dra. Tamara Crisanto, isa sa mga veterinarian ng Stallion Riding Club.

“Ate Tammy, don’t call me Celine. I am Quincy from now on.” Ipinakita pa niya ang name plate na nasa dibdib. “Q-U-I-N-C-Y. Quincy!”

“Fine. So it is Quincy. You grew up a lot, girl. Hindi na talaga kita nakilala.”

They used to live in the same village until she and her grandfather decided to live in the States. Parang nakatatandang kapatid na niya ito. After all, Tamara and her were alike in many ways. Others used to tease them as nerds.

Kaya nang kailanganin niya ng tulong sa pagpasok sa Stallion Riding Club, ito ang tumulong sa kanya pati sa pagkuha niya ng bagong identity. She also backed her up to get the job at Rider’s Verandah.

“I have to change for the better. And this is the new me.” Ibinuka niya ang kamay. “And Stallion Club is my new world. Nobody can tell Quincy Montoya what to do. Definitely not Yuan Zheng. Kaya kahit mahirap ang trabaho ko dito bilang service crew, mas masaya naman. I knew I get this job on my own. Aside from your help, of course. At least I am far from Yuan Zheng’s influence.”

“You know that I support you, sister. Hindi mo kailangang magpakasal sa isang lalaki na hindi ka naman mahal. And if Yuan wants to marry you, he doesn’t have to treat you like a puppet. Show him what you are made of.”

“Iyan mismo ang gagawin ko!”

Gusto sana niyang humingi ng impormasyon kay Tamara sa kung ano ang gawain ni Yuan sa Stallion Riding Club. Ayaw nitong magsalita. Siya na daw mismo ang sumaksi kung ano ang ginagawa ng mga members ng club. Para makilala rin niyang mabuti ang lalaking pakakasalan.

Sa unang pagkikita pa lang nila ni Yuan bilang si Quincy, he already made an impression. May pagkasuplado nga ito.

“Bumalik ka na sa loob ng restaurant. Baka tapos na ang breaktime mo.”

Hinalikan niya ito sa pisngi. “Thanks for everything, Ate.”

“It is nothing. Besides, I also want to teach those Stallion men a lesson.”

Masigla siyang bumalik sa trabaho. Mababait ang mga kasamahan niya sa trabaho pati na rin ang ibang mga customers na members ng club kaya mukhang mawiwili siya sa trabaho na iyon. “Quincy, sa table five.”

Tumodo ang ngiti niya nang makita si Yuan sa table five. Kapag nga naman sinuswerte ang kapalaran. Pinagtatagpo tayo, mahal ko.

She used that endearment the first time she met Yuan. She couldn’t explain the feeling. Kinikilig siya kapag nakikita si Yuan tulad ng dati. Ni hindi niya maramdaman ang inis na nadarama niya kapag nakakausap ito sa phone at kung anu-ano ang utos sa kanya. Iba yata talaga kapag may face factor. Guwapo kasi ang kumag. Basta huwag magsasalita at magsusungit, nakakakilig.

“Good morning, Sir!” ngiting-ngiti niyang bati.

Nagulat ito at biglang sumama ang timplada ng mukha nang makita siya. “You? What are you doing here?”

I am your worst nightmare! Bwahahaha!

“I am here to get your order, Sir,” magiliw niyang sabi. Di ba nito nakikita na isa siyang magandang-magandang service crew?

“So you are waitress here.”

“Yes. I am not some starlet or a star wannabe. I am not interested to be your companion either.” Nasabi sa kanya ng ilang crew doon na ang mga babae na naglipana sa club ay companion ng mga members. Tama nga ang hinala niya. Doon idinadala ni Yuan ang mga babae nito. Pero nang oras na iyon ay mag-isa ito.

“At bakit nandoon ka sa tapat ng bahay ko kung di ka interesado sa akin?”

“I am just admiring your house. Masama po ba, Sir?”

“Hindi ka naman siguro magnanakaw, hindi ba? My house’s security is state of the art. Hiro made sure of that.”

At pinagbintangan pa siyang frustrated magnanakaw. Hampasin kaya niya ito ng menu sa mukha? Not the face! Sayang ang kaguwapuhan. Sayang ang lahi.

“May I have your order, Sir?” tanong na lang niya bago pa siya may magawa ng bagay na pagsisisihan niya. Mapupurnada ang plano niya.

“My usual breakfast, please.”

“Ah, may I know what your usual breakfast is?”

“Usual breakfast ko lang, hindi mo pa alam?”

Anong malay ko sa usual order mo? “I am just new here, Sir. So if you are kind enough, please tell me what your usual breakfast is.”

“Two servings of garlic rice, Italian sausage, bacon, sunny side up egg and Kape Cordillera. Got it?”

“Would you like to add anything, Sir?”

“Kapag nagdagdag ako ng ibang order, hindi na usual breakfast iyon.”

Tinawanan na lang niya ang pagka-antipatiko nito. “Oo nga naman, Sir. May point po kayo doon. Pasensiya na. That’s two servings of garlic rice, bacon, Italian sausage, sunny side up egg and Kape Cordillera, coming up.”

Pagkabigay ng order sa kitchen ay sumaglit siya sa locker room at sinipa-sipa ang dingding. She was imagining that it was Yuan’s handsome face. “Antipatiko! I will never allow you to treat me that way again. Gaganti talaga ako! At gagawa talaga ako ng paraan para di matuloy ang kasal natin, Yuan. I don’t want to spend the rest of my life kicking the wall or your face.”

“Grabe! Naharap mo ang masungit na customer nang hindi naiiyak?” sabi ng kasamahan niyang si Miles nang makaalis na si Yuan. “Kung ako siguro, nanginginig na ako. Parang ang sungit-sungit. Ni hindi pa nga ngumingiti.”

Ngumiti lang siya. Nakabawi na kasi siya sa inis niya. “Sa palagay ko, siya ang magiging paborito kong customer. Ano sa palagay mo?”

Tinapik siya nito sa balikat. “Sa tingin ko, lalamunin ka niya ng buo.”

Di siya papayag na si Yuan ang sumira sa araw niya. Siya ang sisira sa araw nito. I think it would be fun!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.