Maluha-luha si Sofiajade nang silipin ang children’s ward ng ospital. Parang sinasaksak ang puso niya sa iyak ng mga ito. “Anong ginagawa ng enterovirus sa kanila?”
“This one is Entero virus-seventy-one,” sagot ni Reiven. “Mga sanggol at bata ang nabibiktima nila. Maraming komplikasyon ang naidudulot niyan kasama na ang meningitis.”
Marahan silang naglakad sa hallway. “Wala pa rin bang gamot hanggang ngayon? Kawawa naman ang mga bata.” Ang balita nga niya nang tumama iyon sa China ay mahigit dalawampung bata ang namatay.
“May bakuna tayo na makakapigil sa mga komplikasyon. Wala kaming specific na anti-viral therapy. As there is no vaccine for this virus, control measures during outbreaks are focused on classical hygiene measures including frequent hand-washing and disinfection of soiled clothing and surfaces. Kaya tumutulong kami para di na kumalat ang mga sakit.”
Ginagap niya ang kamay nito. “Reiven, wala tayong nagawa para sa anak natin. Ni hindi natin siya narinig na umiyak. Ni hindi ko siya naramdaman na gumalaw sa loob ng katawan ko. Pero pwede mo pang iligtas ang mga batang ito. Kahit sa kanila may magawa ka. Para sa anak natin.”
Lumamlam ang mga mata nito. “Yes. Gagawin ko iyon. And you don’t have to worry. Sabi ng doctor mo, pwede pa ulit tayong magkaanak. You are healthy.”
“Alam ko. Ayoko lang makaramdam ng sakit ang mga nanay dito. Ayokong danasin nila ang sakit na mawalan ng anak.”
“We are doing everything we can. Alam ko ang pakiramdam mo.”
“Reiven, minsan ba naiisip mo pa rin si Keziah?” tanong niya.
“Oo. Itinuring ko pa rin siyang kaibigan kahit na ganoon ang nangyari. Isa pa, ginawa niya ang lahat para mailigtas ako. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nangyari sa kanya. Ang sabi ng mga imbestigador, wala siya sa site ng pagsabog. Tutol si Keziah sa ginagawa ng papa niya. Maaring siya mismo ang dahilan ng pagsabog sa laboratory. Sana nakapagtago siya bago pa iyon. Sana rin hindi siya nahuli ng miyembro ng mga kulto. Sabi ni Myco, kamatayan daw ang ihinahatol ang kulto sa mga tumatraidor sa kanila.”
“Reiven, parang nakita ko kasi siya kanina. Iyong babaeng nakabangga sa akin, kahawig niya. Tapos nang makita niya ako, basta na lang siyang umalis. Hindi kaya si Keziah ang babaeng iyon?”
“Baka naman kahawig lang niya.”
“I was mean to her. Nagseselos ako dahil mahal ka rin niya. Kahit pa ganoon, ayoko namang mapahamak siya.”
“I know. Gusto mo bang magdasal tayo para sa kanya? Baka gusto lang niya na maalala natin siya.”
“Ipagdasal na rin natin ang mga bata dito para gumaling.” Gusto rin niyang ipagdasal ang anak nila ni Reiven.
Palabas na sila ng simbahan na sakop ng ospital nang pumasok ang isang histerikal na babae doon at nag-iiiyak. “Hindi ikaw ang totoong Diyos. Kung ikaw ang Diyos, dapat hindi mo binigyan ng sakit ang anak ko!”
Kumapit siya sa braso ni Reiven. “Anong nangyari?”
“Nanay siya ng isa sa pasyente ko.” Lumapit si Reiven sa babae. “Misis, huminahon po kayo. Ginagawa po namin ang lahat para sa anak ninyo.”
“Naniniwala din ba kayo sa Diyos na iyan? Hindi iyan ang totoong diyos. Si Master Rolando ang totoong anak ng diyos. Kaya iaalis ko na sa ospital ang anak ko. Sa kanya ko na lang dadalhin ang anak ko!”
“Misis, di po ninyo pwedeng ilabas ang bata. Delikado po sa kanya at maari siyang makahawa sa ibang mga bata…”
Tinabig ng babae si Reiven. “Wala naman kayong magagawa para pagalingin ang anak ko. Kaysa naman mamatay siya dito, ilalabas ko na lang siya.”
“Ma’am, kailangan pong may pirmahan kayo bago ninyo ilabas ang anak ninyo,” sabi ng nurse. “Na wala kaming responsibilidad…”
“Akin na! Pipirmahan ko iyan! Makikita ninyo, oras na gumaling ang anak ko dahil kay Master Rolando, makakasama rin ako sa kaharian niya sa langit.”
Hinabol ni Reiven ang babae at sinubukang kumbinsihin na huwag ilabas ang bata pero may ilan nang mga tao na kumuha dito na nakasuot ng uniporme ng paramedics. Mga tauhan daw iyon ni Master Rolando iyon at hamak na mas mataas ang antas ng talino ang ginagamit kaysa daw sa mga doktor na nandoon.
“Sino si Master Rolando?” tanong niya kay Reiven.
“Iyon daw ang leader ng isang religious sect. Mayaman daw iyon at may sariling ospital. Sa palagay ko delikado ito.”
Lumapit sa kanila si Ron Isaac na kasama sa team. “Doc Reiven, anong oras daw po tayo pupunta Puzorubio. Nag-aalala na daw ang health center nila doon. May mga kaso ng enterovirus pero hindi naman idinadala sa kanila ang mga bata.”
“Kung ganoon, magpatulong tayo na mag-house to house visit,” sabi ni Reiven. “Kailangang kumbinsihin natin sila na I-admit ang bata.” Binuklat nito ang records nito. “Taga-Pozorubio rin ang nanay kanina na inilabas ang anak niya. Baka makumbinsi natin siya na I-admit ulit ang anak niya sa ospital.”
“Reiven, makakakuha ba tayo ng permiso na makapasok sa sinasabi mong ospital ng Master Rolando na iyon? Kinakabahan kasi ako,” sabi niya.
Ipinako ni Reiven ang tingin sa kanya. “Huwag ka nang humalo dito. Kaya na namin ang trabaho namin. And if you have some haywire theory, forget it. Bahala na ang mga proper authorities na tumingin sa kanila. Basta gagawin ko ang pangako ko sa iyo. Hahanap kami ng solusyon para mapagaling ang mga bata.”
HINDI din mapakali si Sofiajade at sinundan ang grupo nila Reiven sa Puzorubio. Ang alam nito ay pabalik na siya ng Maynila. Pero di mawala sa isip niya ang nanay na inalis ang anak nito sa ospital para idala sa kulto. Ganoon ba kadesperada ang isang nanay? Susubukin nito ang lahat para lang mabuhay ang anak nito kahit pa nga walang kasiguruhan?
Una niyang pinuntahan ang health center. Ilang staff ang naabutan niya doon. “Good morning! Nagpunta po ba ang group ng mga virologist na magha-house to house visit sana sa mga batang naapektuhan ng entero virus?”
Tumango ang isa sa nurse. “Oo, Miss. Kasama pa nga nila si Reiven Alleje. Bakit? Fan ka ba niya? Medyo suplado iyon ngayon. Magpapa-picture sana kami pero ayaw niya. Kailangan daw kasi nilang kumbinsihin pa ang mga magulang ng mga bata na ipagamot sa amin ang mga anak nila. Mahihirapan lang sila.”
“Bakit naman?” tanong niya.
“Nakumbinsi na kasi sila noong…” Nanghaba ang nguso ng babae. “Tita, ano nga ba ang pangalan ng grupo ni Master Rolando?”
“Liwanag ng Langit. At doon na daw sila naliwanagan,” sabi ng matandang nurse. “Wala naman kaming magagawa. Iyon ang gusto nila.”
Liwanag ng Langit. Something struck her. Kapangalan ng Light of Heaven o Hikari no Tengoku. Posible kayang iisa lang ang grupo ni Master Rolando at ang dating kulto na sumira sa buhay ng maraming tao?
“Miss, baka sa Baranggay Katakutan na napunta ang grupo nila,” sabi ng batang nurse at ibinigay sa kanya ang instruction paano makapunta doon.
Gusto rin sana niyang tanungin kung saan ang simbahan ng Liwanag ng Langit pero naalala niya ang bilin ni Reiven na huwag na siyang manghimasok.
Malayo pala ang Baranggay Katakutan sa mismong bayan. Puro mga bukirin ang nadadaanan niya. Isang babae ang sumulpot sa tabi ng daan at pinara siya. May dala itong bata na sa tantiya niya ay dalawang taong gulang na.
“Miss, pwede bang ihatid mo kami kay Master Rolando? Kailangang-kailangan nang matingnan ang anak ko,” pakiusap ng babae. Pawis na pawis na ito. Malamang ay kanina pa ito nakatayo sa may arawan.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. “Sumakay na po kayo.” alakas ang hinala niya na apektado rin ng virus ang batang iyon. “Bakit po di na lang ninyo sa ospital ang anak ninyo? At saka ano po ba ang mayroon sa Master Rolando na iyon?”
“Sa ospital, di naman diyos ang mga tao doon. Di nila kayang pagalingin ang anak ko. Pero si Master Rolando, siya ang nilukuban ng Banal na Espiritu para magpala sa mga ordinaryong tao na tulad natin. Kapag sumapi ka sa kanila, makakapasok ka agad sa langit.”
“Paano po kung di niya mapagaling ang anak ninyo?”
Kinintalan nito ang noo ng anak. “Alam kong makakapasok siya sa langit bawiin man siya ng Diyos sa akin.”
Matinding bigat ng dibdib ang naramdaman niya. Gusto niyang ipihit na ang sasakyan para ilayo ang ale sa grupo na iyon. Mukhang nabulagan na ito sa pananampalataya nito. Pero anong karapatan niyang manghimasok. Isa pa, malalaman niya ang katotohanan oras na makita niya kung ano ang ginagawa ng grupo ni Master Rolando. Baka sa ganoong paraan siya mas makatulong. Di nagtagal ay natanaw na niya ang mataas na gate at may mataas na bakod. Limang guwardiyang naka-lowing robe na puti at may dalang armas ang humarang sa sasakyan nila. “Tulungan ninyo ang anak ko!” anang babae at lumabas ng sasakyan nila.
“Mabuti po at pumunta kayo dito, Aling Betsy,” anang isang babae na malambing ang boses. Nakasuot ito ng flowing robe na may hood sa ulo. “Pumasok na po kayo sa loob para magamot ang anak ninyo.”
“Sasama ako!” sabi niya. Di yata niya mapapabayaan si Aling Betsy na mag-isa. Kinapa niya ang digital at nag-send ng distress signal kay Myco. Ibig sabihin ay nasa panganib siya. Ini-on din niya ang GPS niya para makuha nito ang eksaktong lokasyon niya.
“Kapag sumama ka sa amin, hindi ka na makakalabas,” bulong ng babae at nasilip niya ang mukha nito sa loob ng hood. Nagitla siya nang bumuglaw sa kanya ang mukha ni Keziah. “Umalis ka na!”
May banta sa tinig nito. Ibig sabihin ay mapanganib kung papasok siya. Dapat siguro ay umurong na lang siya. Hindi siya dapat pumunta doon nang mag-isa.
Isang matangkad na lalaki na may singkit na mata ang humablot sa relo niya. Nakasuot naman ito ng itim na roba. Nanlisik ang mga mata nito nang tapakan ang relo niya. “Isa siya espiya! Ikulong siya.”
IKINULONG si Sofiajade sa isang underground cell. Maliwanag naman doon at malinis pero wala siyang tiwala sa mga taong nagbabantay sa kanya. Nakayukyok lang siya sa isang tabi. Kinumpiska ng mga ito ang lahat ng gamit niya pati ang cellphone niya at kotse. Di niya alam kung ano ang plano ng mga ito sa kanya.
Pumasok si Keziah na may dalang pagkain. “Kumain ka. Walang lason iyan.”
“Kung di ninyo ako lalasunin, paano ninyo ako papatayin?”
“Hangga’t makakaya ko, ayokong mamatay ka. Pero hindi ko sila kontrolado. Isa kang kalaban para sa kanila. At leader pa mismo ang nakahuli sa iyo.”
“Paano niya nalaman iyon agad?” tanong niya.
“Kilala ka niya. Kilala niya ang lahat ng malalapit kay Reiven. Alam niya ang lahat ng kilos mo. Nang malaman niyang buhay pa si Reiven, naalarma siya. Natatakot siya na matunton ni Reiven ang grupong ito at gumanti.”
“Anong ginagawa mo sa grupong ito, Keziah? Hindi ka masamang tao. Di mo gusto ang ginagawa nila. At alam ko na ayaw mong ipahamak si Reiven noon.”
Tumayo ito at humarap sa rehas. “Wala akong magagawa. Nang maging legal akong anak ng stepfather ko, itinalaga na rin ako na maging ina ng anak ng tagapagmana. Ng anak ni Rolando. At ang anak din namin ang susunod na tagapagmana. Kaya kahit na mahalin ko pa si Reiven noon, di pa rin kami sa isa’t isa. Inggit na inggit ako sa iyo noon. Mahal ka niya at malaya rin kayong mahalin ang isa’t isa. Nang ikulong nila si Reiven at pagbantaang patayin, nakipagkasundo ako kay Rolando. Kung itatakas niya si Reiven, papayag akong gawin ang lahat. Di ko siya iiwan kahit na anong mangyari. Tutulungan ko siya sa misyon niya sa mundo. Kaya nang mabuwag ang dating grupo nila, itinayo niya ang tinatawag niyang Bagong Langit. Dito na kami namuhay gamit ang bago naming pagkatao.”
“Pero paano ang mga taong nabibiktima ng grupo nila? Paano ang mga taong pinapaasa niyang makakarating sa langit? Do you also have a biochemical laboratory here? Plano ba ninyong lipulin ang mga tao sa mundo?”
“Ako ang tumutulong sa paggamot sa mga batang may sakit dito. Iyon ang paraan ng pagsakop ni Rolando. Kung mapapagaling niya ang mga tao katulad ni Jesus, maniniwala ang lahat na anak nga siya ng Diyos. Sabi ko sa kanya, huwag siyang tumulad sa ama niya. Di ko alam kung ano ang plano niya dahil di lang dito ang grupo nila. Baka pareho lang sila ng tatay niya. Isa lang ang malinaw. Di niya palalampasin ang mga kalaban. Walang makakapigil sa layunin niya na sakupin ang mundo.”
“Ibig sabihin papatayin niya ako.” Napalunok siya. “Paano na si Reiven?” Marami pa siyang plano para sa kanila ni Reiven. Hindi pa siya handang iwan ito.
Nagulat siya nang bigla siyang sampalin ni Keziah. “Dito ka na mamamatay! Iyon ang dapat sa mga espiya na tulad mo!”
Nasapo niya ang pisngi. Nagulat siya sa biglang pagbabago ng ugali ni Keziah. Bago pa siya nakapagtanong ay lumabas na si Keziah at kinausap ang mga bantay.
“Iwan ninyo siya at patayin ang lahat ng ilaw! Hayaan ninyo siyang mamatay sa takot hanggang ipagdasal niya na kusa na siyang mawala sa mundo.”
Nagsisunuran naman ang mga tauhan nito at iniwan siya. Maya maya pa ay namatay na ang ilaw. Namaluktot siya at niyakap ang tuhod. Ilang beses na siyang humarap sa kamatayan. Ngayon ay may panibagong hamon sa kanya. Walang ibang makapagliligtas sa kanya ngayon. Sana ay hindi na lang niya sinuway si Reiven. Sana ay ginagamit niya ang isip niya minsan. Ngayon ay nakatakda nang masira ang lahat ng mga pangarap nila. Hindi niya matutupad pa ang pangako na magkakasama sila habambuhay.
May liwanag na suminag sa kanya. Pilit niyang inaninag ang may hawak ng flashlight. Nakasuot ito ng roba kaya di niya makilala. May ihinagis itong puting roba sa kanya. “Isuot mo iyan at lumabas ka dito.”
Ipinatong lang niya ang roba sa damit niya. Marahan siyang lumabas. Pagtapat sa kalaban, akmang didiinan ng daliri niya ang isang parte ng katawan nito para pansamantalang maparalisa nang maiwasan nito ang atake niya at pinigilan ang kamay niya. “SI Reiven ako! Hindi mo ako kalaban.” Itinapat nito ang flashlight mukha. Nakahinga siya nang maluwag nang makilala ang mukha nito.
“Paano mo ako natunton?”
Ipinatong nito ang hood sa ulo niya at hinila siya sa kabilang pintuan na nasa kabilang dulo ng kwartong iyon. Makipot ang daan at di siya makahinga dahil limitado ang hangin. “Nagpadala ng message sa akin si Myco. Nasa panganib ka daw. Isang lalaki ang humarang sa sasakyan ko nang manghihingi sana ako ng tulong sa mga pulis. Di daw ako matutulungan ng mga pulis. Alam daw niya kung nasaan ka.”
“At nagtiwala ka naman?”
“Pinasasabi niya na galing kay Keziah ang mensahe. Di niya tayo ipapahamak.”
Ngayon niya naintindihan ang ginawa ni Keziah. She distracted the guards. Pinapatay din nito ang ilaw para sekretong makapasok doon si Reiven at maitakas siya.
“How did you end up here? I told you to leave it alone!” sermon nito.
“May ihinatid lang naman ako dito. Di ko naman alam na ganito ang mangyayari. Reiven, asawa na ni Keziah ang leader ng kulto na ito.”
“Parating na ang mga pulis para I-search ang lugar. Kailangan lang kitang maialis dito bago pa magkagulo. I don’t want you to get caught on crossfire.”
Mahigpit siyang humawak sa kamay nito. “Reiven, sorry sa lahat ng sakit ng ulo na ibinigay ko sa iyo. Promise! Next time, I will listen.”
“Next time, next time, puro next time. How did I end up loving someone like you?” Pinayuko siya nito sa tunnel na papasukan nila. “Kailangan nating dumaan dito para makatakas. Sa bukid na tayo dadaan mamaya. May naghihintay na sa ating sasakyan doon.”
“I will make it up to you once we make it here. I promise.”
“Huwag ka nang mangako. Gawin mo.”
Napasinghap siya nang bumukas ang maliit na takip ng lagusan at nakasagap sila ng sariwang hangin. Nakalabas na sila sa compound ng grupo pero di pa nakakalayo.
Iginala ni Reiven ang paningin. Wala namang sasakyan doon. Isang kabayo an nakita niyang nakatali sa puno. “Iyon ba ang get away vehicle na dapat gagamitin natin?”
Hinila siya ni Reiven. “We have to move fast.” Wala silang pagpipilian kundi gamitin ang kabayong nandoon kaysa tumakbo na lang sa bukid. “Sana lang maitakas tayo ng kabayong ito.”
It was not a high-class breed of horse. Pero nagawa iyong patakbuhin ni Reiven nang mabilis. Yumakap siya sa baywang nito. Malapit na sila sa kalsada nang isang grupo ng mga kalalakihang nakaroba ang humarang sa kanila. Kasama ng mga ito si Rolando.
“Hindi kayo makakawala sa parusa ng langit!” sigaw ng isa sa alagad ni Rolando at itinutok ang baril sa kanila.
“Kailangan na ninyong pagbayaran ang mga kasalanan ninyo,” anang si Rolando. “Hindi kayo dapat nagtangka ng masama sa mga alagad ng Diyos.”
“Hindi kami masamang tao,” sabi niya. “Pabayaan na ninyo kami.”
“Gusto ninyo kaming pabagsakin! Di namin kayo hahayaan,” giit ni Rolando.
“Rolando, pabayaan mo na sila! Please!” pakiusap ni Keziah. Kalong ni Keziah ang anak nitong limang taon. “Ipakita mo sa anak natin na hindi masamang tao ang ama niya.”
“Kung gusto mo ang kabutihan ng maraming tao, hindi mo kailangang magbuwis ng buhay ng iba para lang makuha ang gusto mo,” sabi ni Reiven. “Kung maganda ang layunin ninyo, hindi mo kailangang idaan sa dahas. Kung mahal mo ang pamilya mo, di mo sila bubuhayin sa ganitong paraan.”
“Pabayaan na ninyo siya,” sabi ni Rolando.
“Po? Pero mga kalaban sila,” tutol ng isa.
“Tama siya. Ipakita natin na di tayo masama. Wala tayong itinatago.” Tumalikod si Rolando at pumunta sa pamilya nito. “Sana ay patahimikin din ninyo kami.”
UMUULAN ng talulot ng bulaklak habang naglalakad sa aisle sina Sofiajade at Reiven. Asul na asul ang langit habang nasa background naman ang magandang view ng Taal Lake. Iyon ang pinakamalaking kasalang naganap sa Stallion Riding Club. Halos lahat ng members ng riding club ay nandoon kasama ang piling miyembro ng media at press para mag-cover ng event.
She looked so elegant on her chiffon gown with a long train which has a Swan Lake effect. Nakabarong naman si Reiven. At ang ikinagulat ng lahat ay pinila nilang magyapak. Inaalala kasi nila ang unang kasal nila sa Amazon jungle. Kung susundin daw ang tradisyunal na kasal ng mga Yubidwa, dapat ay nakayapak sila.
Habang ikinakasal sila ay di tumitigil ang pagsama sa hangin ng talulot ng mga bulaklak. Gusto kasi niya ng cherry blossoms season na parte ng kasal nila.
“Reiven, wala ka bang nakalimutang imbitahin? At lahat ba ng gusto ko sa kasal natin, wala akong nakalimutan?” pabulong niyang tanong at kumaway sa mga guest. Isang buwan lang kasi ang preparation nila sa kasal. Ayaw na siyang pakawalan pa ni Reiven dahil baka kung saang disgrasya na naman siya mapasuot.
“Kasal na tayo. Bakit ba inaalala mo pa iyon?”
“Baka may nakalimutan tayong imbitahin. Baka may magtampo.”
“Magpakasal na lang tayo ulit. Saka natin sila imbitahin.”
“Wala sila Rolando at Keziah dito,” paalala niya. Di nakadalo ang mag-asawa.
Nang puntahan ng mga pulis ang headquarters ng mga ito, natuklasan lang ang laboratory ng mga gamot. Walang natuklasang biochemical weapon o kahit anong maaring magpahamak sa mga tao. Nakatulong pa nga ito sa research sa iba’t ibang virus na wala pa ring lunas hanggang ngayon. At tranquilizer gun lang ang ginamit ng mga ito. Kaya walang maisampang kaso sa mga ito. Pinalabas na lang na dinalaw niya si Keziah bilang kaibigan.
“Buti pa noong unang kasal natin, di ka matanong.”
“Ano lang ba ang ginawa ko noon?”
“This.” He framed her face then kissed her fervently. Di na nito pinansin pa ang mga kumakamay sa kanila o mga bumabati. Nagpalakpakan ang mga tao.
Napilitan siyang ngumiti nang maghiwalay ang labi nila ni Reiven. “I wish we were back in jungle. No interruption. Honeymoon agad.”
“We will get there, Mrs. Alleje. We will.”
Her eyes glint with the promise. Simple lang naman ang idea ni Reiven ng honeymoon para sa kanila. They could have the Forest Trail for the whole night with no interruptions. At sa palagay niya ay mapapadalas na ang pagpapa-reserve ni Reiven sa Forest Trail. After all, it was originally his haven. Their haven.