Chapter Yue Anthony Zheng: Chapter 3

“Hello, Yuan! Where are you right now, sweetheart?” malambing na tanong ni Quincy kay Yuan nang tawagan ito sa cellphone matapos ang trabaho niya sa Rider’s Verandah. “Hindi ka tumatawag sa akin.”

She was using the international roaming service. Di nagbabago ang numero niya kahit nasaan pa siyang parte ng mundo. He would never know where she really was. The cellphone line and the cellphone itself were provided by Yuan. Mabuti na lang at di ito mahilig magtitingin sa pictures o video. Kung hindi ay mahuhuli siya nito. Na wala siya sa Europe kundi nasa tabi-tabi lang.

“I’ve been busy during these past few days. I am in Tagaytay right now.”

“Business or pleasure?” she asked with a possessive hint.

“Business, of course. You know how busy I am.” Bahagya pang may iritasyon sa boses nito. “I don’t have time to relax.”

He had been working the whole day. Nakita niya ito sa Rider’s Verandah noong tanghali na may kausap na Taiwanese businessmen. Pati sa dinner ay kasama muli nito ang mga kliyente matapos mag-horseback riding at umikot sa club. Di lang kasi para sa paglilibang ng mga members ang rider’s club. Sometimes, they also bring people for business. Like Yuan who used the place to entertain clients.

“Why don’t you come here instead?”

Umungol ito. “I have to seal a deal with some Taiwanese businessmen. Don’t worry. Sa Europe rin naman tayo magha-honeymoon kapag kasal na tayo.”

Mag-honeymoon ka sa Europe mag-isa! I won’t marry you.

“I miss you, Yuan. I wish I’d see you soon,” kunway malungkot niyang sabi.

Saglit itong napipilan. Di kasi ito sanay na naglalambing siya. Kapag magkausap sila, hangga’t maari ay di na siya humihingi ng kahit ano dito. Nagulat marahil ito dahil siya pa mismo ang nag-request na makita ito.

He cleared his throat. “Don’t worry. Once I clear my schedule, I will follow you to Europe. How about that?”

“Ako na lang kaya ang dumalaw sa iyo sa Manila? Then you can bring me to the beautiful spots and I can meet your friends. Matagal na kasi akong hindi nakakauwi diyan. Pwede mo nang sabihin sa kanila na ikakasal na tayo. Then we can start planning the wedding right away. I think that’s a lovely idea.”

“There is a right time for that, Celine. This year is good for business. And according to feng shui experts, the best year for wedding is two years from now. So we’ll settle our wedding by then. For now, enjoy your vacation.”

Tatawa-tawa siya sa sarili nang matapos ang pag-uusap nila ni Yuan. Hindi niya alam kung dahil ba sa feng shui kaya ayaw pa siya nitong pakasalan o ayaw pa rin nitong magpakasal sa kanya. At least na-confirm niya na di nga susunod sa Europe si Yuan. Si Friza ang sumunod niyang tinawagan. “Hey, how’s Prague?”

“Hindi ako makapag-enjoy. I am so worried about you.”

”My first day at work is great! I met a lot of people. And guess what. Naging customer ko pa si Yuan kanina. Ako pa ang nag-serve sa kanya.”

“What? He recognized you, right? And now he would throw you back to the States. Sasabihin niya sa lolo mo ang ginawa mo. I told you, this plan won’t work.”

Humalakhak siya. “Relax! The plan is foolproof. He didn’t recognize me as Criselda Celine Logarta. Here, I am simply Quincy Montoya. Isang hamak na waitress pero nuknukan ng ganda at sexy. Kahit nga close friend ko di na ako nakilala, di ba? Mas lalo naman si Yuan.”

“So how’s your first encounter with your future husband?”

She bared her teeth. “Don’t call him that. He won’t hold that title soon. Hindi ko matatagalang makasama siya. Alam mo ba na ilang beses niya akong sinungitan? Napaka-dominante. Napakayabang. Napaka…”

“Guwapo,” dugtong pa nito. “Mas guwapo pa siya sa personal, di ba?”

“Friza, parang gusto kitang palanguyin mula Czechoslovakia hanggang Florida. You are starting to get into my nerves. Friend kita, di ba?”

“Sagot naman ni Yuan ang bakasyon ko. And besides, he is really handsome. Hindi ba nagbago ang isip mo nang makita mo kaguwapuhan niya?”

“I won’t argue with that.” Guwapo kasi talaga si Yuan. At kinikilig siya kapag tinitingnan ito. Basta huwag siyang magsasalita, mai-in love ako sa kanya.

“Sana tinanggap mo na lang ang suggestion ko na humanap ng lalaki na pagpapanggapin mo na boyfriend mo kaya ayaw mong pakasalan si Yuan.”

“Gusto mong atakihin sa puso ang lolo ko sa kahihiyan? This is the best way to get rid of Yuan. I don’t have to risk my neck.”

“You are risking your neck right now.”

“Once my plan works, I won’t be at the losing end. Dahil ipapakita ko sa lolo ko kung ano ang tunay na kulay ng Yuan Zheng na iyan. He is a cold, heartless and unfeeling man. And he won’t fit as my husband.”

“Sana nga hindi ka mapahamak sa ginagawa mo.”

BUO na naman ang araw ni Quincy nang makita si Yuan. Tanghali na nang pumasok ito sa Rider’s Verandah suot ang dark sunglasses. “Naku! Mukhang nakasimangot na naman ang favorite customer mo. Ikaw na ang umasikaso,” sabi ni Miles.

Nakahanda na ang ngiti niya paglapit kay Yuan. “Good afternoon, Sir. May I have your order, please?”

Binuklat-buklat nito ang documents na nasa folder. “My usual breakfast.”

“Your usual breakfast, Sir?”

Tumingin ito sa kanya. At kahit na may suot itong dark sunglasses, alam niyag matalim pa rin ang tingin nito. “Don’t you know what my usual breakfast is? Ilang beses na ba akong nag-breakfast dito?”

“Several times, Sir. But it’s almost one in the afternoon. And you are still asking for breakfast?” Inaantok pa yata ang lalaking ito. Saan kaya napuyat?

Ibinaba nito ang sunglasses. “I had just woke up, Miss. I don’t care what time it is. I just want my breakfast served. Ikaw ba ang kakain o ako?”

“Sabi ko nga po, Sir. Kayo ang tama.” Paano kaya kapag kasal na kami? Baka hanapan din niya ako ng breakfast kahit na oras ng lunch. Weird talaga!

Ibang customer naman ang hinarap niya matapos makuha ang order ni Yuan. Nakikipag-kwentuhan siya sa member na si Hiro at sa assistant nito na si Jemaikha nang lapitan ulit siya ng galit na galit na si Yuan.

“Miss, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba narinig? I want to follow up my order. Kanina pa iyon, hindi mo pa tsine-check. Baka luto na.”

“Ipa-follow up ko na, Sir,” nakangiti niyang sabi at pumunta sa counter para I-follow up ang order nito. “Ma’am Jhunnica, nandiyan na po ba ang order ni Emperor Yuan? Baka daw po nine-neglect na ang order niya.”

“Ako na kaya ang mag-serve para hindi na kayo magkainitang dalawa.”

“Hindi po, Ma’am. Gusto kong pagsilbihan ang favorite customer ko.”

Nang bumalik siya ay nakikipag-kwentuhan si Yuan kina Hiro at Jemaikha. Nakaisip na naman siya ng idea para inisin ito. Lumapit siya sa table ni Hiro. “Sir, nandito na po ang order ninyo,” malambing niyang sabi.

“Not here! On my table!” gigil na sabi ni Yuan at namula sa galit.

“Malay ko ba! Kanina lang excited ka nang kumain,” bulong niya.

“Can’t you perform a simple task?” he asked in a high voice. “Oh, God! Why is this earth full of incompetent people?” Natigil ang litanya nito nang makitang nakangiti siya. “Anong inginingiti mo? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”

“I understand it perfectly,” she answered smartly.

“I will ask Jhunnica to ask another crew to get my order.”

Sinapo niya ang dibdib. “You hurt my feelings, Sir Yuan. Kayo pa mandin ang favorite customer ko kahit na maraming ibang customer na ako ang paborito.”

“Ako? Favorite mo? Or you just love to ruin my day?” Mariin itong pumikit. “Kindly leave or I will lose my appetite.”

“Sabi ko naman sa iyo, ako na lang ang magse-serve,” sabi ni Jhunnica. “Mukhang inaway ka na naman ni Yuan.”

“Hindi po kami nag-aaway, Ma’am. Mahal na mahal nga ako ni Sir Yuan.”

“Are you in love with him? Natitiis mo kasi ang kasungitan niya.”

Humalakhak siya na parang nakakaloko. “Ano sa palagay ninyo, Ma’am?”

“There is something about the two of you that I can’t explain. Hindi ko alam kung bakit gusto mo pa ring lumapit kay Yuan kahit na masungit siya sa iyo. Suplado siya pero di siya nagtataas ng boses kahit kanino. I really don’t understand.”

“Huwag na lang ninyong intindihin, Ma’am.” Dahil dadating din ang oras na maiintindihan din nito. Dahil di rin niya alam kung bakit masungit sa kanya si Yuan. “Malamang galit lang si Sir Yuan sa magaganda.”

“THIS is Akhal-Teke breed from Turkmenistan. They are racehorses, noted for their endurance on long marches and are thought to be the predecessors of the Arabian and English thoroughbred breeds,” paliwanag ni Tamara habang itinu-tour siya sa main stable ng riding club. “I know Reid bought them himself in an auction.”

Reid Alleje was dubbed as the Lord of the Stallion Riding Club. Karamihan ng mga kabayo na nasa main stable ay pag-aari nito. At dito rin bumibili ang ibang mga members ng kabayo minsan.

“This is a beautiful golden horse.” Di niya mapigilang hangaan, di lang ang kabayong kaharap kundi ang halos lahat ng kabayo na nakikita niya sa club. They were all prime and prized horses. “Pwede ko siyang kunan ng picture?”

“Sure. Nagpaalam naman ako kay Reid.”

Day off niya noon kaya napaglibangan niya ang pamamasyal sa stable. Kung di daw trabahador ng stable, di basta-basta makakatapak doon. Mabuti na lang at kadikit niya si Tamara kaya nakaikot siya at nakakuha ng pictures.

Mag-iisang buwan na rin siya sa riding club. Manaka-naka niyang nakikita si Reid dahil bumibiyahe din ito sa iba’t ibang lugar dahil sa negosyo. At ang alam nito hanggang ngayon ay nasa Europe pa rin siya. Gusto pa nga niyang magtagal sa riding club dahil nag-e-enjoy siya sa trabaho niya. Nakakakilala siya ng iba’t ibang tao. At kumikita siya ng perang pinaghirapan niya.

“How about Yuan’s horses?”

“Nasa kabilang building sila,” sabi ni Tamara. “But I guess his most prized horse Arrowhead is with him. Nagpa-practice sila para cross country competition. You know that guy. He hates losing. Paano, magtatrabaho muna ako. Mamaya na kita babalikan.”

“Dito lang naman ako, Ate. Kukuha ng pictures.”

Naglakad-lakad sila sa paligid ng riding circuit. Kanya-kanya nang practice ang mga members para sa nalalapit competition. Kakilala na niya ang iba kaya balewala lang sa kanya habang kinukuhanan ng picture ang mga ito. She leaned against the wooden panel when she spotted Yuan.

She stopped taking pictures and watched the breathless view of Arrowhead, Yuan’s horse jumping over a brush fence. She was swept away by the graceful motion of the beast and its master. At si Yuan, napakaguwapo sa suot nitong riding habit. She never thought that Yuan loved horses. That he had a different world aside from his business empire. Ano pa ba ang malalaman niya tungkol dito?

Di niya mapigilang pumalakpak habang nakasampa sa wooden panel. “Good jump, Sir Yuan!” sigaw niya.

Sakay ng kabayo ay lumapit ito sa kanya. Gaya ng dati, masama na naman ang timpla ng mukha nito. “What are you doing here?”

“It is my day off. Naisipan kong maglakad-lakad. Tapos napanood kita. May hidden talent ka pala. And nice piece of horseflesh you got there. Hi, horse! Anong pangalan mo?” kunwa’y tanong niya sa kabayo. “I am Quincy!”

Hinila nito nang bahagya ang renda ng kabayo at pumihit paiwas sa kanya. “Huwag mo ngang kausapin ang kabayo ko.”

“Ang sungit mo naman. Ang aga-aga! Nakakasira ng kaguwapuhan iyan. Tingnan mo ang mata mo, singkit na singkit na. Tapos magsusungit ka pa. Saka huwag mong idamay ang kabayo sa kasungitan mo. Sabi nila, makakaapekto daw sa performance ng kabayo ang kasungitan ng amo. Magiging loser.”

“Ha? Sino naman ang may sabi nun?”

“Si Dr. Tamara. So be nice,” ngingiti-ngiti niyang sabi. Natahimik ito nang bahagya. Nagpauto naman. Natahimik ka ngayon. “Anong lahi niya?”

“Lusitano breed. Part Andalusian.”

“Can I take his picture?”

“Sure. Bababa lang ako ng kabayo.”

“Huwag na. Diyan ka na lang,” sabi niya. Ngayon pa lang siya kukuha ng picture ni Yuan. It was nothing explicit. Di niya magagamit para sirain ito sa lolo niya. Pero parang masarap pagpantasyahan. “Thank you.”

“Now that you got your picture, pwede bang huwag kitang makita habang nagpa-practice ako? Nakaka-distract ka.”

Akala naman niya ay bumait na ito. Pansamantala lang pala iyon. “Bakit ba ang sungit-sungit mo? Don’t waste your time annoying yourself. The world is beautiful!” Ibinuka niya ang kamay. “Smile! Huwag kang masyadong seryoso.”

“The world is really beautiful if you are not around. You are an eyesore.”

Namaywang siya. “I am not an eyesore. I am an eye candy. And what is your issue about me anyway? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo.”

“Let’s put it this way. Sometimes you meet a person that you don’t like and you don’t know why. At madalas na nangyayari iyon sa akin kapag may mga taong may masamang banta sa akin.”

Nanlaki ang mata niya. “Hey! Wala akong masamang gagawin sa iyo. Sino ba naman ako? I am just a poor service crew. I am innocent.”

Nagkibit-balikat ito. “Basta. Hindi ko maipaliwanag.”

“Alam mo, nagiging unfair ka na. Buti na lang ang kabayo mo, mukhang mabait sa akin. Can I ride him?”

“No!” kontra agad nito. “Future wife ko lang ang makakasakay sa kanya.”

Stupid ka pala. Ako ang future wife mo. Ako si Criselda Celine Logarta. Natigilan siya. Hindi na pala ako ang magiging future wife mo. Iyon nga pala ang purpose ko kaya ako nandito. Kaya sira na ang pangarap mo, Yuan. Hindi na ako ang babaeng pakakasalan mo. Magpakasal ka na lang sa kabayo mo.

“Kung ayaw mo akong pasakayin, eh di huwag!”

“Yuan, babes!” tawag dito ng isang babae na nakasakay sa kabayo.

“Theresa, I thought you are in New York,” bati nito sa babaeng bagong dating. “Kasama mo ba si Rodolfo?”

“Yes. I tagged along with Jessica because I want to be with you. I hope you have no companion. I miss you.”

Tinanguan ito ni Yuan. “How about coffee? You want some?”

“I’d love to!” maarteng sabi ni Theresa at magkasabay ang dalawa na lumayo sakay ang kabayo ng mga ito.

Gigil na gigil siya habang pinagmamasdan ang dalawa. “How dare you, Yuan! Kasasabi mo pa lang na ako ang makakasama mo sa kabayo mo. Tapos ngayon may Theresa ka na. Taksil! Taksil! Hanggang kailan mo pa girlfriend ang Theresa na iyan? Lagot ka talaga sa akin kapag…”

Saka niya naalala na di niya nagamit ang dalang camera. Masyado siyang nalunod sa pagsisintir niya. “Oh, no! Nakalusot si Yuan! Nakakainis!”

Mahabang panahon pa mandin ang hinintay para makita itong may kasamang ibang babae. Sayang ang pagkakataon niya. Hinarang niya ang dumadaang golf cart na service sa paligid ng club. “Kuya, sa Rider’s Verandah po tayo.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.