Chapter Yue Anthony Zheng: Chapter 8

Nanlamig ang katawan ni Quincy. Pakiramdam niya ay binaril siya sa ulo ni Yuan. Itinulak niya ito palayo. “Nang-iinis ka ba o joke lang iyan? Ako? Gusto mong pakasalan?” Humalakhak siya pero parang gusto rin niyang maglupasay sa iyak. Mukha kasing hindi nanloloko si Yuan. He was dead serious.

“Hindi ako nang-iinis at hindi rin ako nagdyo-joke. You know me, Quincy. I mean what I say,” anito at sumandig sa likuran ng sofa.

“Sige nga! Sabihin mo sa akin kung bakit dapat mo akong pakasalan,” hamon niya. Baka sakaling makakita ng butas sa mga sasabihin nito.

Ibinulsa nito ang kamay. “The moment I met you when you were eighteen, I already resigned my self to marrying a boring young woman. I don’t really mind. Una, wala naman akong love interest that time. And my grandfather told me that everything was predestined. So I have to face my destiny. And besides, he told me that you were the perfect wife for me. Sabi ko, walang problema sa akin. You seemed like a nice girl. Hindi ka mapaghanap. Basta maibigay ko lang ang lahat ng gusto mo, susundin mo na ang lahat ng sasabihin ko sa iyo. You will be happy with simple things. You weren’t the type who asks so much after all. And besides, I know that you consider our family’s agreement as sacred and binding.”

Nakadama siya ng lungkot sa mga sinabi nito. Parang napaka-miserable kasi ng tingin nito sa kanya. Na parang masaya na siya sa tira-tirang atensiyon na maitatapon nito sa kanya. Ganoon ba ito sa ibang babae?

“Yuan, I must admit that I was shy and stupid. Masayang-masaya na ako kapag tumatawag ka sa akin. Sinasabi mo na maganda ako kahit hindi naman iyon ang tingin sa akin ng iba. I can even say that for sometime, my world revolves around you. Until I started to see the people around me. Bakit masaya sila sa relasyon nila? I could see how much they care for each other. I wished that we could be like them.

“But you weren’t always there for me. Hinintay ko na maging katulad ka ng ibang lalaki. But it never happened. At kahit na I-shower mo ako ng regalo at sundin ko ang gusto mo para sa akin, hindi ako masaya. Naisip ko na baka ako ang problema. I started to view things on my own point of view. Hinanap ko ang mga bagay na magpapasaya sa akin. Natagpuan ko iyon. I started to develop my own identity. I started to build my own plans without you.”

“I didn’t know that we were growing apart,” he whispered.

“Masyado ka lang sigurong confident na kaya mong kontrolin ang lahat.”

Huminga ito nang malalim. “Right.”

“It also shows how little we know about each other. Ni hindi mo nga makita kung ano ang mga nagbago sa akin. Maybe you are busy looking at other girls so you don’t recognize me at all,” she baited.

Bahagya itong yumuko. “I told you, it was nothing serious. I just amused my self with other women. Aaminin ko, di ako tumitingin sa pictures mo. After all, I would spend the rest of my life with you. Why bother with the pictures?”

Samantalang dati, wala siyang ginawa kundi titigan ang picture ni Yuan. Mukhang satisfied na itong makibalita sa itsura niya mula sa ire-relay ng ibang tao. “Masaya ka na sa kung ano ang nakita mo sa akin dati. Tame at di basta-basta papansinin ng ibang lalaki. Kaya itinago ko sa iyo ang mga nagbago sa akin.”

“Pareho lang naman tayong may itinatago sa isa’t isa, di ba?”

“So I don’t think that our relationship would work. Let’s call it quits,” she said then offered her hand for a handshake.

Parang mabigat ang loob niya na gawin iyon. Once Yuan accepted it, he would be out of her life. Parang malaking bahagi ng buhay niya ang mawawala sa kanya.

This is what I want, right? I will get my freedom and Yuan will get the woman who is right for him. At least magiging masaya siya.

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit dito. Pumaikot ang kamay nito sa baywang niya. “The truth is I hate complications. Siguro nga, wala sa plano ko ang lahat ng nangyayari sa atin. But when I met the new you, I realized that I love the challenge.” His fingertip traced the contours of her face. “Thank God! You saved me from a boring life.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“I will marry you because I think my life would be exciting from now on.”

Napaawang ang labi niya. “What? You expect me to amuse you? O baka naman gusto mong maging action film ang buhay mo o debate show? Because I assure you, not only you will get complication from me. I will turn your world upside down, Yuan. Tingnan ko lang kung matuwa ka pa sa exciting life mo.”

Gusto pa pala siyang gawing clown ng walang hiya! Kung gusto nitong hindi maging boring ang buhay nito, stand up comedienne dapat ang pakasalan nito.

“Nakakasawa na rin kapag puro predictable ang nangyayari sa akin. Dapat lang siguro na may maranasan naman akong kakaiba,” nakangiti pa nitong sabi.

Gusto na niyang maglulupasay sa sobrang inis. Gusto na rin niyang magpapalahaw ng iyak, magwala at ihagis sa dagat si Yuan para tangayin na ito palayo sa kanya. But he was still there, with his arms around her waist.

Mangiyak-ngiyak niyang tiningnan ang nakangiti nito mukha. “Galit sa akin Yuan, di ba? Pinarurusahan mo ako dahil niloko kita. Naiinis ka kasi nautakan kita.”

“Ha? Nautakan mo ba ako?”

“In a way, yes! You didn’t see through my pretense. I was also able to bloom despite of your manipulations. Kaya ngayon tino-torture mo ako. Gusto mong maging miserable ako? Yes, I am miserable!” Siya na lang kaya ang magpatapon sa dagat para maglaho na ang paghihirap niya?

“I don’t want to see you miserable. I like you, Quincy.” Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya. “I like your spirit and your independence. And most of all, I like kissing you.”

“I don’t like kissing you! I hate it! You kissed me without knowing who I really am. Malay ko ba kung ibang babae na ang hinalikan mo?”

“You don’t like my kiss? Lie, Quincy. Lie some more. Let’s see how far you can go,” he said with an assuring smile before he claimed her lips.

He devoured her mouth, tempting her. And she was tempted. Damn him. She opened her mouth and gave in just like before. He sifted his fingers through her hair, coaxing her to follow his lead. Nakalimutan na niya kung ano ang pinagtatalunan nila kanin. She could feel how much he desired her and she felt like melting like she did before. Malakas ang tibok sa puso niya na parang katatakbo lang niya sa marathon.

She was in a daze when his lips left hers. Kanina lang ay kinukumbinsi niya itong huwag siyang pakasalan. Bakit bigla ay siya na ang nakumbinsi nito? All in just a single kiss. She must be crazy.

“See? We have something good together. That is something that I didn’t expect before.” Hinaplos ng daliri nito ang labi niya. “You obviously enjoy kissing me. At least we won’t argue in this department.”

“This is worse, Yuan Zheng. Now you want a marriage out of desire?”

“It is a nice surprise, don’t you think?”

“Alam ko na utang na loob ko sa iyo at sa pamilya mo ang maraming bagay. Sinabi ni Lolo na inako mo na ang maraming responsibilidad sa akin kahit di pa tayo kasal. I am grateful for that. But please don’t marry me just because you invested so much for me. At nanghihinayang ka sa investment mo.”

He smiled wryly. “Nice term. An investment.”

“Tama naman, di ba? You don’t really see me as a real future wife. Investment ang tawag mo doon. Parang sa business, tinitiyak mo na wala kang talo. Pero hindi ako negosyo, Yuan. Tao ako. May nararamdaman. May sariling pangarap. I want to marry a man who will see me for what I am. That’s not you.”

“How will you know who I really am if you are pushing me away? Hindi ba nagiging unfair ka rin naman sa akin?”

“I guess it is too late for that. Marami nang nasayang na panahon. Sana noon mo pa ginawa iyan.”

He held her hand. “No. It is the perfect time for that. Let’s give each other a fair chance. Kung di ka mai-in love sa akin at di ako ang lalaki na makapagbibigay sa iyo ng gusto mo, then you are free to go.”

“Hanggang kailan?”

“It is for you to decide. Until you give up on me, maybe. Or I give up on you.”

CHANCE. Kailangan niyang bigyan si Yuan ng isa pang chance. Iyon ang paulit-ulit na itinatanim ni Quincy hanggang makabalik sila ni Yuan sa Pilipinas.

Nang dalawin nila ang Lolo Loreto niya bago sila umalis, ikinatuwa nito na malamang nagkaintindihan na sila ni Yuan. Umaasa pa nga ito na magugustuhan nila ang isa’t isa. At sa inis niya, walang ginawa si Yuan kundi umakbay sa kanya. Sweet na sweet ito sa kanya. Iba sa Yuan na madalas niyang nakikita.

“Sa Stallion Riding Club ako,” pormal niyang sabi kay Yuan paglapag ng private jet nito na sinakyan nila.

“Okay,” sabi lang ni Yuan at iyon ang ibinigay na direksyon sa driver na sumundo sa kanila sa airport.

Tulad sa eroplano nang pauwi ng Pilipinas, di rin niya kinibo si Yuan habang papunta sa riding club. Nagkunwari siyang tulog sa biyahe. Si Yuan naman ay nagbasa ng mga documents nito at hinayaan siyang matulog.

Malapit na sa entrance ng Stallion Riding Club nang idilat niya ang mata. “Bubuksan ko ang bintana, ha?” sabi niya kay Yuan at pinindot ang button para bumaba ang windshield. Hinayaan niyang pumasok ang hangin. For the first time, she felt so light. Parang gusto niyang magsisigaw sa tuwa.

“Hindi ka ba nilalamig?” tanong ni Yuan.

“No. I actually feel great. I love this feeling! I miss this place.”

She felt total freedom for the first time. Ngayon ay di na niya kailangan na magkunwari kung sino siya. Malaya na siyang gumalaw nang ayon sa gusto niya. At walang pipigil sa kanya kahit na si Yuan pa.

“Gusto mo ba sa Rider’s Verandah muna tayo?” tanong nito.

“Doon naman talaga ako pupunta.”

Pagpasok niya ay si Miles ang unang nakakita sa kanya. “Quincy!” tili nito at niyakap siya. “Grabe! Akala ko hindi ka na babalik dito.”

“Pwede ba naman iyon? Miss na miss ko na kayo.”

“Bakit kasama mo si Yuan?” nanunuksong tanong ni Gino. “Kayo na ba?”

“Sir Gino, kadarating ko lang iniintriga na ninyo ako. Huwag ninyong isipin ang lovelife ko. Lovelife ninyo ang isipin ninyo. Basted yata kayo.”

“Hindi pa ako basted ni Miles. Baka siya pa nga ang mabasted ko.”

Tinaasan ito ng kilay ni Miles.“Sir Gino, usap tayo mamaya pagka-off ko, ha?”

“Miles, Joke lang! Pwede ka ba namang mabasted? Love na love nga kita.”

Umugong ang tuksuhan. “Dito ka na ulit magtatrabaho, Quincy?”

“Yes, Ma’am. That is if you will accept me.”

“Of course. Ngayon pa nga lang marami nang members na naghahanap sa iyo. Wala na daw nagpapangiti at nangungulit sa kanila.”

“Gusto ko na pong mag-start bukas.”

“Anong sinabi mo? Dito ka ulit magtatrabaho as service crew?” Hindi maka-paniwalang usal ni Yuan habang namimili sila sa menu. “Wala ito sa usapan natin.”

“Do I have to ask permission from you?” Ngumiti siya kay Miles at ibinigay ang order dito. Pag-alis nito ay bumaling ulit siya kay Yuan. “I love working here. This is the first real job I had that I don’t have to ask for your consent.”

“I don’t think it is proper for my wife to work as a service crew. Graduate ka sa isang prestigious na university sa States. Marami namang trabaho diyan na sa palagay ko mas bagay sa iyo.”

“My job is decent. Saka malaki ang tip dito.” Masaya ang pakiramdam niya kapag may customers na natutuwa sa serbisyo niya.

“Pwede kitang ipagpatayo ng sarili mong restaurant kung gusto mo.”

She rolled her eyes. “There you go again, Yuan. Napag-usapan na natin ito.”

He inhaled deeply. “Yes. That you won’t receive money from me from now on. That you will support your self and do things on your own.”

“Good. At least that is clear.”

Dumating na ang order nila at tahimik silang kumain. Nasanay na kasi si Yuan na pinatatakbo ang buhay niya. Ngayon ay kailangan na nitong masanay na di na nito mapapatakbo pa ang buhay niya.

“Kukunin ko lang ang gamit ko sa kotse mo,” sabi niya matapos kumain.

“Ha? Bakit?”

“Gusto ko nang magpahinga. Pupunta na ako sa staff’s house.”

“May guestroom sa bahay ko. Mas komportable ka doon at mas kumpleto ang gamit. Now that I know who you really are, I won’t allow you to stay at the staff’s house anymore,” he said in a commanding voice.

“Yuan, there you go again. Sinabi ko na sa iyo na ako ang bahala sa sarili ko, di ba? It means that I will stay wherever I want to stay.”

“Ang sabi mo lang, di ko gagamitin ang pera ko. That house is rightfully yours. I built it for my future wife. Ikaw lang ang babaeng pwedeng tumapak doon. Why stay in the staff house if you have a house of your own?”

Hinaplos niya ang buhok niya. Pakiramdam kasi niya ay sinasakal siya nang dahan-dahan ni Yuan. “It is not mine. It is for your future wife.”

“You are my future wife.”

Hinarap niya ito. He was so stubborn. “Let’s just put it this way, Yuan. Mukha kasing hindi mo naiintindihan ang point ko. When I agreed to give you a chance, it doesn’t mean that I agreed to be your official future wife. I want us to be plain Quincy and Yuan. Katulad noong unang beses tayong nagkita dito sa riding club. Nothing binds us and both of us are free. This time, kikilalanin nating mabuti ang isa’t isa. Let’s just to whatever we want to do. We won’t interfere much with each other’s business. I have no hold on you and you don’t have a hold on me either. Hindi mo na rin kailangang maging responsible sa akin. Naiintindihan mo ba?”

Mariing nagdikit ang labi nito habang nakatitig sa kanya. It looked like he didn’t like the scenario. He realized that she was the one calling the shots.

“Is this what you really want?”

“Let me show you who I really am without your interference, Yuan. Let’s act like normal people. Tingnan natin kung mai-in love tayo sa isa’t isa. If we would end up that way, ako mismo ang magyayayang magpakasal sa iyo.”

“WHAT? Si Sir Yuan ang crush mo. As in si Yue Anthony Zheng na chinito, matangkad, guwapo at nuknukan ng suplado?” di makapaniwalang usal ni Miles nang magkwentuhan sila bago matulog.

“Yes. The one and only,” sabi niya habang naglalagay ng petroleum jelly sa mukha. Closing pa sila sa restaurant kinabukasan kaya pwede silang magpuyat.

“Siya ang fiancé na madalas mong banggitin dati na hindi ka mahal.”

“Yes. And I came here to spy on him.” Ipinaliwanag niya dito kung ano ang naging kasunduan ng mga pamilya nila at paanong di siya nakilala ni Yuan.

“Nagalit ba siya sa iyo nang malaman niya na niloko mo siya?”

Umiling siya. “It is so weird. Nakangiti pa siya nang kinakausap ako. Kung galit man siya, it doesn’t show. Napilitan akong pumayag na bigyan siya ng isa pang chance. Sa tingin ko naman kasi, di rin naman niya ako magugustuhan. Anggusto niya iyong Celine na mabait, sweet at sunud-sunuran sa kanya. It is not me.”

“Paano naman si Sir Yuan? Gusto mo ba siya?”

Dumapa siya sa kama. “Aaminin ko, ha? In love na in love ako sa kanya noong bata pa ako. Kaso parang malayo naman sa bokabularyo ni Yuan na ma-in love. Tingin lang yata niya sa akin investment. And Yuan is the domineering type. Ayoko sa lalaking sasakalin ako.”

“He is not a bad guy. Ang totoo, marami sa mga members sa club ang rumerespeto sa kanya kahit bata pa lang siya. Wala kasi siyang bad record. Saka respected businessman naman siya. I think he has a nice side.”

“Paano mo naman nasabi iyon?”

“Ikinuwento ni Ma’am Jhunnica na siya pala ang sumagot sa pampagamot ng asawa ng street sweeper na si Aling Luming. Nakita daw kasi niya dati na umiiyak sa tapat ng bahay niya. Kwento mismo ni Aling Luming. Ayaw nga lang daw na ipagsabi pa ni Sir Yuan. Baka nga marami na rin siyang natulungang ganoon. Saka di ba, ikaw ang tinulungan niya noong masugatan ang kamay mo? Ni wala nga siyang pakialam sa ka-date niyang eskandalosa.”

“So that is his story with other people. Pero kailangan ko pa ring tingnan kung papasa siya sa akin.” Di niya mapigilang ngumiti nang maalala ang magandang nagawa ni Yuan. Bakit di nito laging ipinapakita ang magandang side nito?

“You know what? People aren’t always what they seem. Tulad ni Gino. Akala ko playboy siya basta. At masasama ang mga playboy. But you know what he told me? Gusto ko lang naman niya na mahalin siya. Baka ganoon din si Sir Yuan. Gusto lang din niya na mahalin siya. So give him a chance, will you?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.