Chapter Yue Anthony Zheng: Chapter 9

“Pganda ka nang paganda, Quincy,” komento ni Reichen, ang kapatid ng may-ari ng Stallion Riding Club na si Reid. Isa itong celebrity dahil isa itong world-class equestrian. “Isang ngiti ka diyan para makumpleto ang araw ko.”

“Thank you sa pambobola, Sir Reichen,” nakangiti niyang pasasalamat. “Bakit wala kayong ka-date? Para hindi ako ang lagi mong binobola.”

“Ikaw kasi ang gusto kong ka-date,” sabi ni Reichen at nangalumbaba habang nakatingin sa kanya.

“Teka, sa akin ba hindi ka makikipag-date,” tanong ni Rolf na kaibigan nito.

Inabot niya ang menu. “Um-order na lang kayo, Sir.”

Balik na ulit siya sa trabaho. At gaya ng dati, nakatuwaan na naman siyang kulitin ng ibang mga members. Likas na makulit ang ilan sa mga ito. At ang iba naman ay gusto lang magpa-cute. Sinasakyan na lang niya ang mga ito kaya naman marami siyang nakakasundong members ng club.

“Kanino ka ba kasi makikipag-date sa amin?” tanong pa rin ni Rolf.

Magkukunwari na lang sana siyang walang narinig nang may magsalita sa likuran niya. “Wala siyang ide-date sa inyo. Kasi magpapakasal na kami,” sabi ni Yuan at inakbayan pa siya.

Nahigit niya ang hininga at napatitig na lang siya sa bagong dating na animo’y estatwa. Tama ba ang sinabi nito? Sinabi nito mismo sa mga kaibigan nito na pakakasalan siya nito? Ilang araw nga siyang di nagpakita sa akin. Puro tawag lang siya. Sabi niya di siya pupunta dito. Akala ko ikinakahiya niya ako dahil pinili ko na maging service crew lang. Tapos ngayon sasabihin nito na magpapakasal na sila.

“Talaga? Magpapakasal na kayong dalawa?” nakatigagal na tanong ni Rolf.

“Wow, pare! Congratulations!” sabi ni Reichen nang makabawi sa pagkagulat.

Tinanggal niya ang pagkakaakbay ni Yuan sa kanya. “Hindi. Joke lang iyon. Alam naman ninyo si Sir Yuan. Corny ang mga jokes.”

Inakbayan ulit siya ni Yuan. “Corny ang mga jokes ko, ha?” tanong nito at inilapit pa ang mukha sa kanya. Kulang na lang ay halikan siya nito sa harap ng maraming tao. Oh, please, Yuan! Huwag mong gagawin iyon. Baka makalimutan kong pahihirapan muna kita bago mo ako makuha.

“Pare, wala namang ganyang joke,” sabi ni Rolf. “Corny nga.”

Seryoso itong binalingan ni Yuan. “Totoo iyon. Tanungin mo pa ang lolo ko.”

“Matagal nang wala ang lolo mo, pare,” paalala ni Rolf. Saka pilit ang ngiti na bumaling sa kanya. “I-cancel na lang natin ang date natin. Mahirap na baka multuhin pa ang ko lolo ni Yuan.” Pinagsalikop nito ang palad. “Sumalangit nawa.”

“Next lifetime na lang ulit kita yayayain ng date,” sabi naman ni Reichen. “O kaya si Yuan na lang ang ide-date namin next lifetime kapag babae siya.”

Saka nagtawanan ang tatlo. Napatitig siya kay Yuan. It was laughter of victory. Di naman takot sa multo sina Reichen at Rolf. Takot ang mga ito kay Yuan. May patakaran ang members pagdating sa babae. Kapag official girlfriend o fiancée na ng isang member ang isang babae, walang pwedeng makipag-flirt dito.

“Bakit sinabi mo iyon?” tanong niya nang sumunod siya sa table ni Yuan.

“You were flirting with two of the most notorious playboys in the club. I just saved you from them.”

“They are customers here. Sanay na ako sa kanila. Saka hindi tayo magpapakasal, baka nakakalimutan mo.”

“Hindi pa,” paglilinaw nito. “But I don’t really care about that.” His gaze held hers. At kahit na nakaupo ito sa table at nakatayo siya, pakiramdam niya ay magkalapit lang sila sa isa’t isa. “You are mine, Criselda Celine. And they shouldn’t mess up with what is mine.”

She was astounded by his possessiveness. Inirapan niya ito. “Yabang mo!”

Sa halip na mairita sa pagiging possessive nito, di niya maiwasang ngumiti. Parang masarap kasi na pakinggan. Na kahit di nito sabihin na maganda siya, parang magandang-maganda pa rin siya.

IT WAS a great morning. Sa Rider’s Verandah kasi nag-breakfast si Yuan. Pero nasira ang araw ni Quincy nang may naki-share ng table dito. Isa sa mga babaeng guest sa club. “Tingnan mo ang babaeng iyan. Kanina pa iyan nagpapa-cute kay Sir Yuan,” sabi sa kanya ni Miles.

“Ang sabihin mo, tuwang-tuwa naman ang Yuan na iyan sa pagpapa-cute ng babae. Look at them. That girl keeps on touching his arm but he didn’t budge. Parang okay lang sa kanya. Taksil!”

Humagikgik si Miles. “Aminin mo na kasing nagseselos ka.”

Umingos siya. “Magsama silang dalawa.”

Bumalik na sa sariling table ang babaeng kausap ni Yuan nang balikan niya ito. “Quincy, mag-dinner naman tayo mamaya sa bahay,” yaya nito sa kanya nang ibigay ng Stallion card na ginagamit nito sa pagpu-purchase sa Rider’s Verandah at sa iba pang amenities na nasa loob ng club.

“Huwag na. Iyong babaeng kausap mo na lang kanina ang yayain mong mag-dinner,” walang kangiti-ngiti niyang sabi.

“Sino? Si Mitch? May ikino-consult lang siyang business plan sa akin.”

“Nagko-consult lang ba siya sa iyo? Kulang na lang kainin ka niya nang buo. Sa ibang lalaki, bawal akong makipagngitian. Sa iyo okay lang.”

“Sandali. Nagseselos ka ba?”

“No, I am not.”

“When I dissuaded other men from flirting with you, it is because I consider you as mine. Natural na maging possessive ako dahil nagseselos ako. How about you? Do you like me that’s why you are jealous?”

Inirapan niya ito. “Ano ka, sinuswerte? Hindi kita pagseselosan. Magsama pa kayo ng babaeng iyon kung gusto mo!”

“NANGHAHABA ang nguso mo. Pwedeng sabitan ng sandok,” kantiyaw ni Gino kay Quincy habang nag-aayos sila sa restaurant. Closing na kasi.

“Sir, mainit ang ulo ko! Huwag kayong mang-inis.”

She couldn’t get over the girl who flirted with Yuan. At bruhong iyon, sa halip na ito ang I-grill siya ay siya pa ang na-corner. Nagseselos daw siya.

“May LQ kayo ni Yuan, no?” pangungulit pa rin nito. “Ang pag-ibig talaga. Kapag pumasok sa puso ninuman. Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Nginisihan siya nito. “Buti na lang guwapo kayo, Sir. Corny kasi ninyo.”

“Sir, I am sorry. Close na po kami,” sabi ni Miles.

“No. Hihintayin ko lang na matapos ang trabaho ni Quincy,” sabi nito.

“Why are you here?” tanong niya. “Hindi ba dapat nasa Manila ka ngayon? Masyado nang late. May importante ka bang binalikan?”

“Ikaw. Naalala ko na closing ka ngayon. Kaya bumalik ako. Ihahatid kita.”

“Ha? Andiyan lang sa likod ng restaurant ang staff’s house. Tapos bumiyahe ka pa ng ilang oras para lang ihatid ako?”

“I just want to make sure that you get home safely.”

“Thanks.” Napaka-sweet na gesture iyon para sa kanya.

“Matagal na tayong hindi nakakapag-usap mula nang bumalik tayo dito sa Pilipinas. It is either you are busy or I am busy or you pretend to be busy so you can ignore me,” sabi nito habang nakaupo sila sa wooden porch na di kalayuan sa staff’s house. Mukhang gusto nitong mag-usap sila ng masinsinan.

“I thought you won’t mind. You seem to enjoy other women’s company. Nakikita ko na iyon dati. Sabi ko, ako ang dapat mong pakasalan pero di ko iyon naranasan sa iyo. You can laugh with them and you were always annoyed with me. Siguro nga hindi ka magiging masaya kasama ako.”

Hinawakan nito ang balikat niya at ipinaling siya paharap dito. “So it means that you are jealous?”

Yumuko siya at tumango. “Gusto ko lang naman na makitang masaya ka kapag kasama ako. Na ngingiti ka rin sa akin. Na sana maging sweet din ako sa iyo. And I have the liberty that those women had with you.”

“Liberty? What kind of liberty?”

“They could flirt with you, touch you and even kiss you if they want.”

Hinawakan nito ang kamay niya at inilapat sa dibdib nito. “If that is what you want then feel free to do so. I won’t mind.”

Bigla niyang binawi ang kamay. “Ha? Di ko naman talaga kaya iyon.”

He pulled her against her without ceremony then claimed her mouth for a fiery kiss. It melted her reasoning and the jealousy she felt. She had never seen Yuan kiss another woman that way. And at that moment, he made her feel like she was the most desirable woman on earth. He was branding her as his.

“You have no reason to be jealous now. Dahil kahit sino pang babae ang mag-flirt sa akin, I will never give them the affection I give you.”

Iniwas niya tingin dito at pinagsalikop ang palad sa kandungan. “S-Sabi ko nagseselos ako pero di pa ako in love sa iyo. At di dahil nahalikan mo na naman ako, ibig sabihin tayo na. Hindi pa ako magpapakasal sa iyo.”

“That’s okay. Basta sa akin ka lang magseselos at hindi sa ibang lalaki. And remember that no man can kiss you and touch you except me.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Are you in love with me? Possessive ka, eh!”

“I won’t lavish you with words that are alien to me. Hindi pa ako nai-in love. Wala pa akong babaeng sinasabihan ng I love you. What I feel for you is a little unusual for me. Hindi pa ako bumibiyahe nang ilang oras para lang sunduin ang isang babae. And I never felt so much intensity for a woman before. Nagiging possessive na rin ako sa iyo. But I don’t want to brand them with the word love.”

“So do I. Let’s take our time.” It was enough that she heard him confess about her power over him. Hindi pa rin naman niya masabing in love siya. Mas mabuti na ito kaysa dati na bagamat alam nilang ikakasal sila balang-araw, itinatago naman nila ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Hinawakan nito ang ilalim ng mata niya. “Magpahinga ka na. Looks like you had a rough day. May pasok ka pa bukas.”

“It is my day off tomorrow.”

“Dapat sinabi mo agad sa akin.” Inilabas nito ang cellphone. “Art, please meet the Desmonds at one. I’ll be off the whole day.”

“O, saan ka naman pupunta bukas?”

“Day off mo. Dapat din akong mag-day off. Hindi natuloy ang bakasyon natin sa Europe. The least I could do is spend the whole day with you.”

“You cancelled your appointment just to be with me?” Mula ito sa lalaking walang ibang inisip kundi ang trabaho at pagpapayaman.

“Yup!” Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “So it’s a date.”

“GO, Arrowhead! Jump over the ditch!” utos ni Quincy sa kabayo ni Yuan.

“It is not a ditch. It is a lake. At di mo pwedeng gamitin ang ganyan kalaking lake sa horse competitions,” wika ni Yuan. Nakaangkas siya sa kabayo nito. But Yuan made sure that she would enjoy the horse ride.

“Jump over the volcano’s caldera!” aniya at humalakhak.

“That’s crazy. You can’t fly.”

Nilingon niya ito. “Bakit ka ba kontra nang kontra? Pakiramdam ko kaya kong lumipad, eh!” Ibinuka niya ang kamay. “Now I know why you love this place. You want to be free. And you feel like riding with the wind when you are on a horse.”

“You are right. It feels good to be free.”

“Yuan, hindi ka ba naiinis na kasama mo ako?” tanong niya habang magkatabi silang nakaupo sa wooden plank ng dock.

“I love spending more time with you, Quincy.” Hinawi nito ang nililipad niyang buhok. “With you, I was able to express my emotions I never thought I could. They were usually locked up inside me. I had to be in control all the time. Kapag nag-reveal ako ng emosyon, pwede akong bumagsak.”

“Masyado kang maagang naging seryoso sa buhay, di ba?”

“I started working when I was eighteen. Pinagsasabay ko ang pag-aaral ko at ang trabaho. My dad said I had to since it is my responsibility as a Zheng. Di ako dapat umasa sa mga naitayo na nila ni Lolo. I must contribute something to the empire. After all, ang magiging pamilya ko rin naman ang mag-e-enjoy doon. Kaya maraming bagay din akong hindi na-enjoy.”

It must be tough. Wala itong inisip kundi kung paano palalaguin ang mga kompanya nito. Nakikita naman niya kung gaano kasipag si Yuan. At walang ibang nakalatag sa harap nito kundi puro responsibilidad. Kung tutuusin ay mas maswerte siya dito. Kahit paano ay nasunod niya ang mga gusto niyang gawin sa buhay. While Yuan’s only taste of freedom was inside the riding club.

“Yuan, minsan naman dapat mag-enjoy ka.”

“Anong pag-e-enjoy ba ang dapat kong gawin?”

“Mag-swimming sa lake,” aniya at itinulak ito sa tubig.

Humahalakhak siya. “Mukha kang Chinese syokoy.”

“Chinese syokoy, huh!” Hinila nito ang paa niya at napatili siya nang bumagsak siya sa tubig. Sa gulat niya ay humalakhak ito. “Hinakot mo na yata ang lahat ng damo sa lake,” anito habang tinatanggal ang damo sa buhok niya.

Napatitig siya dito habang nakangiti ito. It was the first time that she had seen him smile genuinely. He looked younger than his age. Parang hindi ito ang Yuan na businessman na laging nakakunot ang noo.

“You are the most handsome man on earth when you smile. Sana lagi ka na lang nakangiti para ma-in love ako sa iyo.”

Natigilan ito at nawala ang ngiti. “Natuto ka na yata sa mga notorious playboys. Magaling ka nang mambola.”

“At nagpabola ka naman,” aniya at humalakhak.

“Well, you look pretty even if you smell like sulfur.”

Iningusan niya ito. “Parang sinabi mong iniluwa lang ako ng bulkan.”

Tumawa ulit ito. “Come on. I will give you a treat.”

“NAKIHIRAM na ako sa naiwang damit ng ex-girlfriend mo sa guestroom,” walang kangiti-ngiting sabi ni Quincy nang puntahan si Yuan sa sala. Suot niya ang isang dress na may balloon skirt na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod niya. Iyon ang design ng dress na gusto niya sa shop ni Jenna Rose. Mula sa lake ay tumuloy sila sa villa ni Yuan para mag-shower. Pareho kasi silang amoy ibinuga ng bulkan.

“Sinong ex-girlfriend ang sinasabi mo? Sa iyo iyan.”

“Akin ito?” Parang bata siyang nagpaikot-ikot. “I love it, Yuan. Teka, paano mo nga pala nalaman kung anong damit ang bagay sa akin.”

“I asked Jenna Rose. Alam pala niya kung anong style ang bagay sa iyo at magugustuhan mo. So I bought the items that you will like.”

“Ito na ba ang treat mo sa akin? I love it.” Bagamat hindi niya nito tinanong kung ano ang gusto niya, nagustuhan pa rin niya. Di tulad ng dati na kung ano ang gusto nito, iyon na lang ang masusunod. He was starting to be considerate.

“I am glad you like it. Pero hindi iyan ang treat ko sa iyo.”

“Ano?” tanong niya.

“Humiga ka sa fainting couch.”

Nagtataka man ay sumunod siya dito. Nasa glass walled porch ang fainting couch na parang may indoor garden. Di matapos-tapos ang kaba niya. Yuan, hindi pa ako handa dito. I am not ready to make love with you yet. Pwede bang kapag kasal na tayo saka na natin ito gawin?

Sa halip na isang halik ang nakuha niya o isang haplos, naramdaman na lang niyang sinusuklayan siya nito ng buhok. He won’t make love to her.

“Actually, I’ve been dying to do this the first time I saw your hair. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi kita nakilala,” wika ni Yuan. “I never thought that you have such a long and beautiful hair.”

“Lagi mo kasing ini-instruct sa hairdresser na itali ang buhok ko.”

“I don’t know. If you lay down your hair, I see it as a sign of rebellion. And tying it up means that I am in control. Ganoon lang siguro ang pakiramdam ko. You look more tame when your hair is tied up. And it pleases me.”

“Pero gusto mo pa rin ngayon ang buhok ko, di ba?”

“Yes. This time, I saw your independent side. I love to see you wild and free. It makes me feel so light.”

She closed her eyes and savored the simple treat. With Yuan brushing her hair, it felt so intimate. As intimate as kissing and touching. In a way, he recognized her freedom and her own identity. Hindi na sarado ang isip nito. And she was starting to like him more and more.

No. I love him. Dati ko pa siya mahal. Pero mas mahal ko na siya ngayon. She had learned to love Yuan despite of his weaknesses and shortcomings. And she loved him more because he accepted the new her.

And her heart was bursting. She couldn’t hide what she feels anymore.

Bumangon siya. “Yuan, ikaw naman dito sa couch.”

“Susuklayan mo rin ako?”

“Hindi. Basta dumapa ka!”

“What will you do with me?” he mumbled.

“I will write something at your back. Tapos sabihin mo kung ano ang isinulat ko.”

Nag-thumbs up ito at isinubsob na ang mukha sa couch. Malapad ang ngiti niya nang isulat ang letrang I. “I,” usal nito.

Nag-drawing siya ng heart at ihinuli ang letrang “U”. Siguro naman ay alam na nito kung ano ang nararamdaman niya para dito.

Bumangon ito. “Ano iyon? I heart you?”

“Ano?” bulalas niya at tumayo. Gusto niyang magpuyos sa galit. She was expecting that he would return the favor. Na sasabihin din nitong mahal niya nito dahil siya ang nag-initiate. “Diyan ka na! Nakakainis ka!”

“Iyon ang isinulat mo, di ba? I heart you,” anitong mukhang seryoso. Ni hindi man lang maintindihan ang significance ng isinulat niya.

“I hate you, Yuan. Nakakainis ka!” Saka siya lumabas sa bahay nito.

“Quincy, wait!” Hinabol siya nito at niyakap mula sa likuran. “I love you, too.”

Maang siyang tumingin dito. “Napipilitan ka lang yatang magsabi.”

“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. I love you, Quincy!” sigaw nito. “Gusto mo ba ipagsigawan ko pa sa labas?”

“Hindi na. Okay na iyon,” aniya at niyakap ito. She was so astounded to speak. “Tiyakin mo lang na sigurado kang mahal mo ako.”

Huminga ito nang malalim. “Kaya nga parang ayoko pang sabihin sa iyo. Kasi mukhang hindi ka naman naniniwala. You are the one who makes me happy, Quincy. Ikaw lang ang nagpapatawa sa akin. At ikaw lang din ang hinayaan kong makaalam ng mga weakness ko. You have the power to break my heart.”

“Hindi ka ba nate-threaten na hindi na ako ang babaeng gusto mo?”

“Forget about it. It is only an illusion. Mas gusto ko kung ano ka ngayon. Because that is the real you and I have to accept it. Just don’t break my heart.”

“Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan?”

“I surely won’t break yours. That is a promise.”

Then he sealed that promise with a kiss. “I heart you, Yuan.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.