Chapter TTBP 34

“WHAT the hell is this costume?”

Asiwang-asiwa si Miller habang suot ang jeans at leather vest na walang under shirt o T-shirt man lang sa ilalim.

“Ang Kawawang Cowboy, Sir,” sabi ni Mitch at inabot pa ang cowboy hat sa kanya. Nakasuot naman ang lalaki ng costume ng doktor pero coat lang at boxer shorts anng suot.

“Kailangan ba ganito ang suot natin?” di makapaniwala pa rin niyang tanong.

“Para sa show daw po mamaya kailangan naka-costume tayo. Sabi po ng manager nitong resort kung may angal daw po tayo, pwede na tayong umuwi. Tinatanong pa nga kung anong performance ang gagawin natin para sa mga bisita. Kumanta daw tayo o sumayaw. Bahala daw tayo. Basta daw sexy.”

“What?” bulalas ni Miller. “I won’t do that.”

Magaling siya sa negosyo. He could encourage investors and boost sales. Pero di siya mapapakanta o mapapasayaw. No! That would be a disaster.

“Sir, love life ninyo iyan,” anang si Karim na naka-Roman gladiator naman. May kapa ito pero leather shorts lang ang suot sa ilalim. “Buti nga kayo kagalang-galang pa ang suot. Balot na balot. Kami ganito ang itsura para sa ngalan ng trabaho. Di ba dapat kayo ang mas magsakripisyo para kay Miss Nadine?”

Miller clenched his fist. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin para lang tumagal sa resort. Di sapat na naging hardinero, labandero, bellboy, at kusinero sa loob ng isang araw lang. Hindi nga niya alam kung paano siya tumatagal sa dami ng manual labor na dinanas niya. Kakayanin ba talaga niya na magsayaw o kumanta para kay Nadine? Baka lalo siya nitong ayawan. Sigurado siya na ilalampaso siya ng Lewis na iyon at ng iba pang Paradise Boys. Yes, he was not perfect. Pagdating sa pang-aakit ng babae, ano bang alam niya. He was just an ordinary boring male. He was not a flirt. He was good in conversation and he was a respectable person. Maganda ang estado niya sa buhay. That was enough to get the woman he wanted. Or so he thought.

Secured siya kay Nadine. Hindi ba sabi nito mahal na siya nito mula noong teenager pa ito hanggang ngayon? Pero sa isang iglap, sa isang di pagkakaunawaan, nasaktan niya ito at nawala ito sa kanya. At di niya inaasahan na isang gigolo pa ang magiging matinding karibal niya dito.

Ipinagpalit siya nito sa isang gigolo sa loob ng isang araw lang. And he was hurt. Nang iwan siya ni Chloe dati, di nito tahasang ipinakita na walang kwenta siya. She just left. Pero para ipakita ni Nadine na masaya ito kahit na wala na siya sa buhay nito, parang tinadyakan siya sa pagitan ng hita. At para lang mabawi ito, kailangan niyang magpakagigolo din?

Damn! May rerespeto pa ba sa akin pagkatapos nito?

"Ano, boss? Sasayaw ka ba?" tanong ni Mitch at inikot-ikot pa ang stethoscope habang bahagyang iniiimbay ang balakang kasabay ng techno music na pumapailanlang sa dressing area. “Pwede naman kitang turuan, boss.” At saka iginiling ng lalaki ang baywang habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng batok. “Madali lang iyan. Pakikinggan mo lang ‘yung music tapos iaayon mo lang sa galaw ng katawan mo.”

“Pag di mo kayang magsayaw, mag-pose ka na lang tulad kapag nasa gym ka,” sabi naman ni Karim at nag-flex ng biceps. “Madali naman I-please ang mga babae. Pakitaan mo lang ng muscles, pakiramdam nila tunaw na ovaries nila.”

“Hindi naman ako nagpi-picture sa gym. Nagwo-workout lang talaga ako. Saka di ko naiisip na muscles at abs lang ang kahinaan ng mga babae.”

Or maybe he was just overthinking. Iba ang mundong ito. Women didn’t need to have an intellectual discourse with men. They treated men as sexual object. The slaves of their desire. Alam ng ibang lalaki kung paano maglaro at paglaruan ang mga babae. At kung kailangang makipagsabayan siya sa pagiging macho dancer ng iba, gagawin niya kahit lamunin siya ng lupa sa kahihiyan mabawi lang si Nadine. Wala siyang planong magpatalo sa Lewis na iyon. Bahala na. Kasubuan na.

"You look dashing," sabi ng Tita Monina niya at pasimple pang hinaplos ang braso ni Karim na mukhang paborito nito. "I know you are not used to wearing costumes. Isipin n'yo na lang na nasa children's party kayo at nagko-cosplay."

"Opo, Madam," sabay-sabay naman na sagot ng mga bodyguard. Pakiramdam niya ay nag-e-enjoy pa ang mga ito sa pagsusuot ng costume.

"Do we really have to perform?" tanong ni Miller sa tiyahin.

"No, sweetheart. You can help with serving drinks. The boys can blend in so that they can watch over Nadine. Nasa inyo na kung gusto ninyong mag-perform."

Nakahinga siya ng maluwag. Pass muna siya.

"Pwede po ba?" tanong ng Mitch na puno ng pag-asam.

"Wag ka na kasi. Malibang gusto mong magpalit ng trabaho," saway ni Karim dito at tinampal sa balikat.

"Minsan lang naman,” susukot-sukot na sabi ni Mitch. “Mag-expect pa mandin ako.”

"Welcome ka naman magtrabaho sa akin," pabirong sabi ng tiyahin.

"A-Ano pong pwede kong gawin?" tanong ni Miller. Hindi siya pwedeng nakatayo lang.

"You can help with the bar. Naalala ko naikwento sa akin ni Nadine na nag-bartender ka daw sa malapit sa UPenn noong nag-aaral ka pa. Naalala mo pa ba? I even used to teach you how to mix cocktails. Dose ka pa lang non. At napapagalitan ako ng mama mo dahil bata ka pa daw para doon. I told her you must know how to do that at an early age. It could come in handy."

It was a time in his life he had to be independent. Kahit may allowance galing sa Pilipinas, kailangan din niyang tulungan ang sarili niya. Kaya nagpa-part-time siya sa bar tatlong beses sa isang linggo. And he enjoyed mixing drinks. Ilang deal na rin ba ang naisara niya dahil napahanga niya ang mga kliyente sa pagmi-mix niya ng cocktails? Biro nga ng mga ito ay may gayuma daw siya. Nah! Isa iyon sa natutunan niya sa tiyahin at isa sa mva bagay na sekreto niyang nae-enjoy.

"I can help with the bar,” he said with more confidence. “Gusto n'yo bang tingnan kung alam ko pa ang naituro n'yo sa akin?"

"Sure. That would be lovely." At umabrisyete ang babae sa kanya.

Isinantabi muna ni Miller ang tampo sa tiyahin at nag-focus sa pagtulong sa bar. Nakuha agad niya ang pace wala pang isang oras. It somehow felt right. Sabi sa kanya ng kasamahang bartender noon may natural talent daw siya para mabasa kung ano ang babagay na inumin sa isang tao sa isang tingin lang. Kaya nga daw gabi-gabi ay iba't ibang babae daw ang naaakit nito. Minsan daw ay dala-dalawa o tatlo pa. Isa daw iyon sa perks ng pagiging magaling na bartender.

Nakakakuha siya ng propositions noon pero di siya interesado. Trabaho lang ang lahat para sa kanya. At faithful siya kay Chloe.

Mukhang kailangan na niyang gamitin ang secret weapon. Mate-test niya kung magagamit niya ang talento niya para mang-akit ng bbae. Isang babae lang naman ang gusto niyang makuha ang loob - si Nadine. He hoped it would work.

"What can I get you?" tanong ng herederang anak ng isang shipping magnate na nang nakaraang taon ay nasangkot sa away sa isang mall dahil sa pang-aagaw ng boyfriend ng iba.

"I want you," sabi ng babae at pinapungay ang mata.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.