Chapter TTBP 35

"I think frozen margarita would be great for you." Sa tingin niya ay mahilig ito na magsayaw at hindi ito nahihiya kung magwala man ito sa parties.

"You don't like me?" nakasimangot na tanong nito habang ihinahanda niya ang drinks na bagay dito.

"No offense meant. He only has eyes for one woman." At ngumuso ang bartender na si Calix na nakaupo sa mesa malapit sa stage. Kasama nito si Lewis.

"Pwede ba na exclusive ka sa isang guest lang?"

"I only came here for her,” Miller said wistfully. At pinagmasdan si Nadine na maganda sa simpleng floral halter dress. Malalaki ang kulot nito at naka-pin sa ibabaw ng ulo nito. Na-emphasize ang maliit nitong mukha.

She looked ethereal. Tumawa ito sa kung anumang ibinulong dito ni Lewis. She looked happy and confident. Ni hindi man lang ito lumingon sa direksyon niya. Parang wala siyang pakialam sa akin. As if I don’t exist.

Oras na para malaman ng babae ang presensiya niya. Nagtimpla rin siya ng fog cutter para dito at ipinadala sa waiter. "Sabihin mo ako ang nag-mix."

Excited pa si Miller nang pinagmamasdan ang reaksyon ng babae sa di kalayuan nang I-serve ang inumin. Pero dismayado siya dahil pinainom lang nito sa isang guest na kasama sa mesa ang inumin.

"Anong problema?" tanong niya sa server.

"She wants something else. Mojito daw."

"Pero..." Naggiyagis ang ngipin ng binata. Mojito. Iyon ang isa sa mahirap I-prepare para sa mga barista. Pagdudurog pa lang ng mint ay inaabot na ng ilang minuto. Di siya pwedeng umangal. He must make it perfect. Kailangang sarapan niya ang mojito ni Nadine. He wanted to impress her.

Maya maya pa ay tumunog ang sirena sa paligid. Nagtayuan ang iba sa Paradise Boys. Napansin niya na wala na sa tabi ng dalaga si Lewis. Naiwan sa tabi nito ang isang matrona at ang gigolo partner ng babae.

"Yeah! This is what I've been waiting for. The floor show,” deklara ng herederang si Sienna.

"The floor show?" tanong ni Miller.

"Certain Paradise Boys will do some sexy little number. Looking forward to yours." At kumindat ang babae sa kanya.

Isang ngiti lang ang isinagot niya. Natuto na lang siyang ngitian ang mga unwanted attention na nakukuha niya. Wala naman itong makukuhang kahit anong performance mula sa kanya. Kung kakailanganin man niyang mag-perform, desperadong-desperado na siya at gagawin niya iyon nang sila lang ni Nadine. If she would have him.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdilim ang paligid. Musika ng saxophone ang pumailanlang sa paligid. Nang-aakit iyon. It was setting an erotic mood. There was anticipation in the air for the opening act.

Biglang bumukas ang spotlight sa gitna ng entablado. Nakaupo sa metal chair na may sandalan si Lewis. Nakasuot ito ng slacks at necktie lang ang pang-itaas. His muscles were lean. Dumagundong ang hiyawan sa open bar. He did a few hip grinding and push ups to show his moves and women went wild. May sumipol. Some thumped the table. “We love you, Lewis!” tili pa ng ilan.

“Take it off! Take it off!” sigaw ni Sienna.

“What? The necktie?” tanong ng binata.

“The pants of course, silly,” nakangising sabi ng babae. “He is mesmerizing when he dances. Kaya favorite siya ng mga guest dito. He is so sexy, so fine.”

Hindi magawang manood sa entablado ni Miller. Erotic dance was not his cup of tea. Lalo na’t kapwa lalaki pa niya ang sumasayaw. Kahit naman sa mga babae na nagsasayaw ng sexy na sayaw ay di siya interesado. Inobserbahan niya si Nadine kung kasama ito sa mga babaeng nagwawala sa performance ni Lewis. Nakangiti lang ito habang umiinom ng mojito na ipina-serve niya. Panaka-naka itong pumapalakpak, just to be polite. It was a good sign, right? Di ito interesado kay Lewis.

Bumaba ang lalaki sa stage at lumapit sa mesa nila Nadine. Kinalas ng lalaki ang necktie at ikinawit sa batok ng dalaga. Saka ito hinila patayo at inakay papunta sa stage.

"No!" sigaw niya. Alam niya kung ano ang mangyayari sa stage na iyon. Naisama siya ng isang kaklase sa UPenn na susunduin ang girlfriend nito sa gaybar. Nakita niya ang ginagawa ng mga lalaki sa entablado. The dancer almost had sex with the chosen audience with their clothes on. Umalis agad siya dahil di niya matagalan ang ganoon klaseng entertainment.

He saw red when he rememberd. Lewis would imitate sex with dance and perform it infront of Nadine. He would subject her to lascivious acts. Natatawa lang na tumili si Nadine habang nagpahayag ng inggit dito. He won't allow that gigolo to ruin Nadine. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag may nakakita dito?

Akmang susugod si Miller nang pigilan ni Calix ang balikat niya. "Look. Kung gusto mong ikaw ang kasayaw ng babaeng gusto mo, sana ikaw ang nag-perform. Di ka dapat dito sa bar. At huwag kang manggugulo. They will kick you out."

Tinabig niya ang kamay ng kasamahan at sumugod sa stage. Hindi na niya kayang magpanggap na walang pakialam. Na magiging sunud-sunuran lang siya sa mga patakaran doon. To hell with the rules! Paalisin man siya doon, isasama niya si Nadine.

Tawa lang nang tawa si Nadine at namumula habang hawak ni Lewis ang kamay nito. Tumakbo siya nang makitang itinapat ng lalaki ang kamay ng dalaga sa harap ng pantalon nito. Hindi niya hahayaang ipahawak nito kay Nadine ang katawan nito. He treated her with respect. Kahit nang panahong inaalay nito ang katawan sa kanya, pinigilan niya ang sariling pagnanasa para protektahan ito. Tapos ay sa gigolo lang ito babagsak. Para ano? Para lokohin din at perahan ng gigolo kaya ng tiyahin niya? No freakin' way.

Sumampa siya sa stage at nagtilian naman ang iba. "Eeeeeee! Dalawa na sila! Ang ovaries ko sabog na!" sigaw ng mga nasa baba ng entablado.

"Ang swerte niya. Dalawang lalaki magso-showdown para sa kanya. Gusto ko rin," inggit na sabi ng isa pa.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Lewis. "Man, wait for your turn." Akala siguro nito ay makikipag-dance showdown siya nito. "This is my show."

"And Nadine is mine!"

Tinabig niya ang lalaki at saka binuhat si Nadine. Isinampa niya ang babae sa balikat at saka itinakbo palayo ng entablado.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.