Chapter TTBP 37

Padarag niyang pinahid ang luha ng likod ng palad niya. Ininsulto lang siya nito. Ilang taon niya itong minahal. Ito lang. Ilang taon siyang nagpakatanga. Ilang beses siyang nasaktan. Hindi niya deserve ang klase ng “I love you” nito. Ano pa bang gusto nito?

“Hindi ko sinabi iyon para paikutin ka o utuin ka. I love you because that is how I really feel. I don’t say things I mean.” Hinawakan nito ang baba niya. “Hindi ko alam kung gaano kita kamahal hanggang nang nakita ko ulit si Chloe. Kahit kaharap ko siya, ikaw pa rin ang naiisip ko. Ikaw ang gusto kong makasama.”

“Pero mahal mo siya, hindi ba? Kaya nga ayaw mong makipag-relasyon sa iba kasi di ka pa nakaka-recover sa kanya.”

“Mahal ko siya noon. Pero kahapon ko na-realize na hindi ko na siya gustong makasama. Mahal ko siya pero di ako nagselos sa ibang lalaki na na-link sa kanya. Di ako naghabol nang iwan niya ako. Pwede ko siyang sundan sa Paris pero di ko ginawa. Pero nandito ako. Kahit gawin mo akong alila, ayos lang sa akin. Wala akong pakialam kung tawagin akong Neanderthal o caveman o taong-bundok dahil lang binuhat kita kanina para ilayo kay Lewis. Di ko matagalan na may ibang lalaki na lumalapit sa iyo o nakakakuha ng atensyon mo. I couldn’t stand it. Sa iyo lang ako nagselos nang ganito. Kahit na magalit ka pa sa akin pero iaalis kita dito para di ka na malapitan pa ni Lewis.”

“Baka naman dahil lang responsibilidad mo sa akin kaya ka nagkakaganyan o dahil sa bilin ni Papa. O kaya dahil sa sama ng loob mo kay

“Okay lang na pagdudahan mo ang pagmamahal ko, Nadine. Pero di mo pwedeng pagdudahan na gusto kitang makasama. Kahit na gawin mo akong alipin araw-araw, hindi mo ako mapapaalis sa tabi mo. Kung kinakailangang magsayaw din ako katulad ng Lewis na iyon nang boxers lang ang suot…”

Pinanlakihan niya ito ng mata at hinaltak ang vest nito. “Hindi ako papayag. Hindi ka magsasayaw nang mala-Magic Mike sa kanila.”

“Kung kailangang sumayaw din ako nang ganoon para lang mahalin mo ulit ako. Gusto mo ngayon na?”

Kumawala ito sa pagkakahawak niya at naglakad sa open bar habang hinuhubad ang vest nito. Ay lintik! Seryoso talaga siya na maghubad.

Niyakap niya ang baywang nito. “Miller, di ka maghuhubad habang sumasayaw. Isipin mo ang reputasyon mo. Vice president ka ng kompanya. Kagalang-galang ka sa labas.”

“So what?Sabi mo naman di nanghuhusga basta-basta ang mga tao dito. I am sure they won’t judge me,” anang lalaki na tuwid lang ang tingin. “Bakit si Lewis parang tuwang-tuwa ka pa?”

“Iba ‘yung tuwang-tuwa sa natatawa!” bulyaw niya dito at hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Miller, huwag ka ngang magpakasira dahil lang gusto mo akong I-impress. Iba ka kay Lewis. Saka di ko naman siya pinagnanasaan.”

“Di mo talaga siya pinagnanasaan?” tanong nito at nakataas ang kilay nang lingunin siya.

“Oh, please! It was for fun. Ni hindi ko nga siya nakayang panoorin.”

“Hindi ka man lang na-arouse?”

Umiling siya. “No.”

“Pero mas gusto mo siyang kasama kaysa sa akin,” nagtatampong sabi nito. “Naisip ko baka nai-inlove ka na sa kanya. Na nabaling na ang pagmamahal mo sa akin kay Lewis dahil lagi na lang kitang sinasaktan. Sabi mo napapasaya ka niya. Nakikinig siya sa iyo. You like his company. I know I am such a bore most of the time. Mas magaling din siyang sumayaw kaysa sa akin.”

“I never pegged you for an insecure guy.”

“Only with you,” usal nito at bumuntong-hininga.

“Miller, hindi mo naman kailangang pahirapan ang sarili mo. Hindi mo kailangang ibaba ang sarili para sa akin. Iba ka sa mga lalaki dito. Pwede ka nang bumalik sa Manila at hayaan na lang ako dito.”

“But I want to. I want you to know that you are worth it.” Lalo nitong hinapit ang kamay niya na nakayakap dito. Ilang beses na akong pumalpak. Ilang beses na kitang nasaktan. Gusto kong bumawi. Please let me.”

She could feel his struggle. Di siguro madali para dito na aminin na nagseselos ito o kailangan pa nitong gawin ang mga bagay na wala sa comfort zone nito para sa kanya. Ngumiti si Nadine habang nakahilig ang pisngi sa leather vest nito. She loved his musky smell. A scent that was uniquely his. Pumikit siya at dinama ang init na nagmumula sa katawan nito. She was contented like this.

“Hanggang kailan ka naman kaya makakapagtiyaga?” tanong niya at tiningala ito.

“Give me at least a month. Kung gusto mong magpabalik-balik dito, sasamahan kita. Treat me as your slave. At bigyan mo rin ako ng pagkakataon para mabawasan ang pagiging judgmental ko sa mga tao dito. Gusto kitang mas maintindihan. Gusto ko silang mas maintindihan.”

“But that is up to me, Miller” singit ni Madam Monina. “Pero gugustuhin pa ba kitang magtagal dito kung binulabog mo ang show iniwan ang post mo sa bar at pinaiyak mo ang isa sa mga guest dito.”

Naglaban ng tingin ang dalawa. Kinabahan si Nadine. Gagawin ni Miller ang lahat para sa kanya pero di niya ito pwedeng pilitin na makipag-ayos sa tiyahin nito. Would he bow down? Magpapakumbaba ba ito?

Akala ni Nadine ay sasagot nang pabalang o mangagatwiran ang binata pero sa huli ay yumuko ito. “I am sorry. Hindi na po mauulit. Hndi na rin ako basta-basta magiging possessive kay Nadine sa harap ng ibang guest. I will be more respectful and mindful of my duties.”

“Good. Go back to the bar then. At bukas ng umaga, kunin mo ang list ng mga duties mo. Kailangan mong bumawi kung gusto mong magtagal dito, Miller.”

Ingat ni Miller ang ulo. Ngumiti ito at sumalo. “Yes, Ma’am.”

“Nadine, pwede mo nang pakawalan si Miller. Nahihirapan na si Calix na mag-isa sa bar,” anang si Madam Monina. “And fix your make up, dear.”

Atubili man ay pinawakalan niya ang binata. Sumibi siya nang ma-imagine ang mukha dahil sa pag-iyak niya. She must look awful.

Kinintalan siya ng halik sa noo ni Miler. “You still look beautiful. Pero hindi ka na iiyak dahil sa akin. Huwag mo akong masyadong pagselosin ha?”

“Ikaw nga itong puro mga babae ang nasa paligid.”

“I only have my eyes on you,” sabi ng binata at bahagya pang yumukod kay Monina bago umalis.

Suminghot si Nadine pero may ngiti na sa labi niya habang pinagmamasdan si Miller na palayo. Nilapitan siya ni Monina at inalok ng tissue. “So, he is staying?”

Dinampian niya ng tissue ang mukha. “Sabi po niya patutunayan niya na mahal niya ako. Na gusto daw niyang mabawasan ang pagiging judgmental niya at iintindihan niya ang mga tao dito. Iintindihin niya kung ano ang pinagdadaanan ko.” Nilingon niya ang babae. “Pasensiya na po. Di ko naman gusto na manggulo siya nang dahil lang sa akin.”

Naglaro ang ngiti sa labi nito. “No. Masaya ako na nakikita kung paano ma-in love ang pamangkin ko. He had always been formal and righteous. Akala ko lagi siyang tama. Hindi ko nga inaasahan na tatagal siya dito para sa iyo.”

“Sinukuan ko na nga po na mai-in love siya sa akin. Akala ko po si Chloe pa rin ang mahal niya. Pero nandito siya kasama ko. Parang nananaginip po ako.”

Ikinawit ng babae ang kamay sa braso niya. “Ilang taon mo na siyang minahal, Nadine. Wala ka nang kailangang patunayan kay Miller. Siya ang may kailangang patunayan sa iyo. Ito na ang pangarap mo. Natutupad na kung kailan ka sumuko. All you have to do is enjoy his attention.”

“Tama po kayo.” Miller loves me. Miller loves me.

Paulit-ulit iyon sa isip ni Nadine buong gabi at di na mawala ang ngiti sa labi niya. How Miller’s love easily took away the pain. Sana talaga totoo na ito. Sana.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.