"HOW'S the shop? Okay ba ang orders natin?"
“Good morning!” bati agad ni Nadine kay Miller nang pagbuksan ito ng pinto.
It was six in the morning. Ala una na siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil in-enjoy talaga niya ang program lalo na ang cocktails na ihinanda ng binata para sa kanya. Wala siyang hangover. Just a little woozy. Pero kung anumang hilo ang naramdaman niya, nawala nang makita ito.
“Hi! Ipinagdala kita ng ginger-honey tea para sa hangover mo at chicken noodle soup.”
Nilakihan niya ang bukas ng pinto. “Ikaw pa ang naghanda niyan? Natulog ka pa ba?”
Abala ito nang nagdaang gabi dahil parang may gayuma ang cocktail drinks nito na binalik-balikan ng mga guest. Hindi na niya kailangang bantayan si Miller. Ito na ang kusang nagtataboy sa mga babaeng nagpaparamdam dito. She felt more confident now. Kaharap man niya ito o hindi, alam niyang siya ang pipiliin nito.
Nang pasado alas dose na, ito na mismo ang nag-utos sa kanya para matulog na. Karaniwan alas dos natatapos ang mga party at nagliligpit pa ang mga wait staff at mga bartender.
Inilapag nito ang tray at ipinagsalin siya ng ginger honey tea sa tasa. “Sanay ako na mapuyat. Wala naman kaibahan ang stress at pagod na dala ng pagtatrabaho sa kompanya at sa pagtao sa bar. I even have less responsibility manning the bar.”
Sinapo niya ang pisngi ng binata. “Napahirapan ka yata ng todo.”
“I am good. Nakita ko na masaya ka kasama ang mga bagong kaibigan mo. Hindi ka ganyan kapag may event tayo na pinupuntahan.”
“Ikaw din naman. Napansin ko na mas madalas kang ngumiti.” Hinaplos niya ang basa pa nitong buhok. “Hindi ka masyadong seryoso. You look younger.”
“Drink your tea. I have to go,” anito at tiningnan ang wristwatch. “May assignment pa sa akin si Tita Monina. I shouldn’t be here with you. Tumakas lang talaga ako para dalhan ka ng tea at soup. I just want to check if you are okay.”
“Okay naman ako. Ano bang assignment mo?” tanong niya.
Di ito mapakali sa pagkakatayo. “Basta! I have to go.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “I love you.”
Kinikilig siyang ngumiti at ihinatid ang binata sa pinto. Hindi siya nag-”I love you, too”. Gusto lang niyang I-enjoy na si Miller ang nagsasabing mahal siya nito. Masarap pala sa pakiramdam na siya naman ang nakakatanggap ng pagmamahal mula dito. Siya ang pinili nito at hindi si Chloe. Daig pa niya ang may korona ng Miss Universe. And it felt so great!
Lumabas siya ng kuwarto para mag-swimming nang masalubong niya si Lewis. “Hey! Taking a dip?” tanong nito. “Gusto mong samahan kita?”
“Nakita mo ba si Miller?” tanong agad niya sa lalaki.
“Kasama niya sa gym si Mrs. Macatangay.”
Tumango siya. “Pupunta muna ako sa gym.”
Pinigilan ni Lewis ang braso niya. “Nadine, di mo sila pwedeng abalahin. Date nila iyon.”
“Date! Paanong date?” She was practically screaming at the top of her lungs. “Sa akin siya nag-I love you kagabi. Bakit iba ang ka-date niya? Ako dapat ang kasama niya.”
Ang kumag na iyon! Kaa-I love you lang kanina tapos ibang babae pala ang sasamahan? Parang siya pa ang mistress ngayon at bawal lapitan. Kaya pala di nito masabi-sabi kung ano ang assignment nito.
“O! Huwag kang ma-stress. Assignment iyon ni Madam Monina. Wala siyang choice kung gusto niyang makasama ka dito.”
Pumikit siya, bumilang sampu at saka dumilat lang nang kalmado na siya. “Okay. Di ako manggugulo sa date niya.”
“At di ka magpapapansin sa kanya habang may ka-date siyang iba. Bawal maging possessive. May dahilan si Madam Monina kung bakit ginagawa niya iyon.”
Mariing nagdikit ang mga labi niya. “Okay. Hahayaan ko na siya sa assignment niya. Kumain na muna tayo. Gutom na ako.”
Pinalipas ni Nadine ang maghapon sa pakikipag-interact sa ibang guest. May art session sila kahit di naman talaga siya marunong magpinta. They even had music and drama session. Mga Paradise Boys ang instructors nila. Madali namang intindihin at gawin ang activities nila. Si Nadine lang ang hindi matahimik. Kada tatlong oras, iba't iba ang ka-partner ni Miller. Ni hindi siya makangiti dito. Ni hindi man lang sila nagkausap.
Hanggang kinabukasan kung saan dapat namamasyal sila, ibang babae pa rin ang kasama nito. At nang gabi na, sila-silang mga guest na babae ang magkakasama sa mesa. Pawang mga Paradise Boys ang kasama ng binata at kakwentuhan. Parang komportable na ito sa mga kasama habang ilang na ilang naman si Nadine sa mga ka-share sa mesa. Pawang naka-date ni Miller ang mga ito at wala nang ginawa kundi purihin at kiligin sa lalaki. Parang iniinggit pa siya.
“Sinamahan niya ako na manood ng Korean drama. Imagine ‘yung asawa ko inis na inis kapag nanonood ako no’n. Ilan na lang ba ang lalaki na sasamahan ka na manood ng Korean drama at aabutan ka ng tissue habang umiiyak ka?” tanong ni Rosenda na kahihiwalay pa lang sa asawang abusado at bading pala. “Hinawakan pa niya ang kamay ko habang kino-comfort ako nang mamatay ‘yung bida.”
“Ako rin. Nakipag-duet pa siya sa akin nang kumanta sina Nicole Kidman at Ewan McGregor nang mag-movie date kami ng Moulin Rogue.” Bumuntong-hininga si Charlene na matagal nang tinitiis ang pambabae ng asawa pero di nito mahiwalayan dahil politician ang lalaki at kailangang panatilihin ang magandang image. “Kailan ba ako huling sinamahan na asawa ko na manood ng movie o kantahan man lang? Five years ago? Parang noong kasal pa yata namin. Hindi na naulit iyon.”
Pilit na lang ngumiti ang dalaga. Gusto rin niya ng movie date kasama si Miller. Gusto rin niyang maka-duet ito at punasan nito ang luha niya habang nanonood siya ng rerun ng mga lumang Pinoy telenovela.
“Pinuri niya ‘yung paintings ko. Di lang basta puri. Gusto daw niyang bumili. I mean, sarili ko ngang magulang di ma-appreciate ang painting ko,” sabi ni Sienna na parang maluluha pa kahit na nakangiti. “Hinalikan ko nga.”
“Hinalikan mo siya?” high-pitch na bulalas ni Nadine at padarag na tumayo. Wala siyang pakialam kahit na maeskandalo ang mga tao doon. Hirap na hirap siya na maka-get over sa insecurity niya kay Chloe tapos hahalikan lang si Miller ng iba?
“Di natuloy,” maagap na sabi ni Sienna at sumimsim ng froze margarita. Itinaas ng babae ang isang kamay. “Gentleman siya. Di ko na-harass.”
“That is true. Tinanggihan din niya ako nang medyo touchy ako. Sabi niya nirerespeto daw niya ako,” sabi ni Mrs. Macatangay. “He said he is not here for money. Gusto lang daw niya na mapasaya ang mga babae at mag-offer ng companionship. Sa iyo lang daw ang puso niya.”
“Sinabi niya iyon?” tanong ni Nadine at ilang beses na kumurap. Sinabi ni Miller na mahal siya nito sa ibang tao. It was surreal. Nalusaw bigla ang selos niya. Parang sasabog na bulkan ang puso niya.
Tumirik ang mata ni Sienna. “He’s not interested with me. Kahit na pakunwari man lang. Anong gayuma ang ibinigay mo sa kanya?”
“True love,” usal niya at bumalik sa upuan.
“Salamat sa kanya kasi may lalaki pa pala na ia-appreciate ka. I mean, all the Paradise Boys are caring and sweet. Minsan sobra pa sa kailangan namin,” sabi ni Mrs. Macatangay. “Pero pagdating kay Miller, alam namin na companionship lang ang pwede niyang ibigay and he treated me like his mother.”
“Younger sister,” sabi naman ni Sienna.
“A friend,” dagdag naman ni Charlene. “Sabi niya kahit lumabas pa ako ng Paradise Resort, pwede ko siyang tawagan kung kailangan ko ng tulong. Kung gusto ko rin daw ituloy ‘yung business na gusto ko, pwede niya akong bigyan ng advise. It somehow gives me hope that things will be different for me.”
“You are so blessed to have him,” sabi ni Sienna. “Ganoon din siya sa akin. Sa loob nitong resort, alam ko na pansamantala lang ang kaligayahan ko. Paglabas dito, babalik na naman ako sa mundo ng mga mapanghusga at mababa ang tingin sa akin. Kung ilalabas ko ang paintings ko, pupunta lang ang mga tao sa exhibit ko para may mapag-usapan o makipagkiskisan ng siko sa parents ko para sa koneksyon. Di katulad ni Miller na nakita niya ang kaluluwa ng art ko.”
“Hindi mo kami karibal. Don’t worry. Sabihin mo lang sa amin kapag may umaaligid kay Miller at gustong agawin sa iyo. Ako mismo ang kakalbo,” banta ni Charlene at kunwari pang hinatak ang buhok ni Sienna.
Tinampak nito ang kamay ni Charlene. “Di na nga e. Behave na ako. Mahirap kalaban ang true love. Pero kung ayaw mo kay Miller, nandito lang ako para sa kanya. Kailangan ko ng isang Miller Sebastian sa buhay ko.”
“Sorry. Wala kong balak na pakawalan siya. Kung alam lang ninyo kung gaano ko katagal niligawan at tiniyaga si Miller.”
“Please tell us about it,” sabi ni Mrs. Macatangay. “Gusto ko ring makilalang mabuti ang notorious na si Nadine Baluarte na muntik nang maghulog sa ka-date niya sa balkonahe ng isang restaurant.”
Tumawa si Nadine. “Sisimulan ko ang kwento sa love story ng magulang ko.”
At masaya siya na sa maigsing oras na nakasama ni Miller ang mga ito sa halip na siya, may nabago sa buhay ng mga babae. Mukhang alam na niya kung para saan ang mga assignment ng binata. Hindi na siya nagseselos.