Chapter TTBP (Wakas)

“Miller, pinapauwi ka ng papa mo. Kailangan ka daw sa East Star Holdings. LUmabas na ang resulta ng imbestigasyon kay Director Chavez. Ginagamit niya sa money laundering ang kompanya,” balita ni Tita Monina.

“Tama lang ang rekomendasyon ko kay Ninong Julio na imbestigahan ang grupo niya. Sila ang may hawak ng finances ng kompanya. They could manipulate it if they want to,” sabi ng binata at nagdilim ang mukha.

“Miller, baka kailangan ka nila papa,” anang si Nadine sa binata. “He needs someone he can trust.” Alam niya na kailangan ng ama si Miller sa mga panahon na iyon. It was bad enough that he stepped down the vice president position. Di na rin si Miller ang magiging presidente. Parang nawalan ito ng anak sa kompanya.

“Kaya na nila iyan. Magagaling naman ang mga tao doon na naiwan. Loyal din sila kay Ninong Julio. Baka nga mas magaling pa sila sa akin, di lang nabigyan ng chance na patunayan ang sarili nila,” sabi ng binata at sumandal sa dingding. Kung ibang pagkakataon siguro, nagkukumahog na itong bumalik ng Maynila. Not anymore.

“Di ka na talaga babalik sa kompanya?” tanong ni Tita Monina.

“Stress-free ang buhay namin ni Nadine ngayon. Saka magsiismula na rin ako sa bar, Tita. I am enjoying my independence. I can still offer my services but not like before. Gusto ko rin ng sarili kong negosyo. Now that I’m out of the company, the possibilities are endless.”

Matapos magmiryenda, nag-check lang siya ng emails at mga order para sa shop. Gusto ni Miller na sa lake cabin na sila magtanghalian. He loved catching his own fish. Ito rin mismo ang nagluluto. Matapos mag-check ng email, naabutan niya ito na may kausap sa phone. Madilim ang mukha nito. With a curt goodbye, he ended the call.

“May problema ba?” tanong ni Nadine dito.

“That’s Chloe. Gusto niyang mag-sorry. Ginawa lang daw niya ang eskandalo sa party dahil kay Director Chavez. Nangako daw na mag-I-invest sa restaurant niya kapag napaghiwalay tayo at nasira ang pangalan ko.”

Tumaas ang kilay niya. “So, being the selfish woman that she is, dahil di ka niya makukuha, mabuting walang makinabang sa iyo. May investor pa siya. Pathetic.”

“Ngayon wala na siyang investor. Umurong na rin ang ibang mga kaibigan namin sa partnership sa kanya matapos na ihalo niya ang personal feelings niya at siniraan tayo. She’s bad news. Kaya mukhang babalik na lang siya sa France. Hindi na niya itutuloy ang restaurant dito. S-She just wants to say sorry.”

Bumuntong-hininga si Nadine. “Alam ko, hindi ko naman hiniling na mangyari iyon sa kanya pero iyon ang consequences ng actions niya. Hindi siya nasiyahan sa kung ano ang mayroon kayo noon at di iniwan ka niya. Di niya matanggap na masaya ka sa relasyon natin kaya sinira ka niya at nakipagsabwatan sa kalaban mo. Now she has nothing. Nakakaawa siya na ginawa niya iyan sa sarili niya. Napatawad mo na ba siya?”

“It takes time. Napatawad ko siya sa pang-iiwan niya sa akin pero sa mga kasinungalingan niya at pakikipagsabwatan, di ganoon kadali.”

Pinisil niya ang kamay nito. “Pwede ko siyang patawarin kung sincere siya. Kasi mahirap sa isang tao ‘yung masasama ang ginagawa mo at iniisip sa kapwa mo. Mas mahirap na patawarin ang sarili mo sa huli. Kasi ano ba ang mawawala sa atin kung magpapatawad tayo? Masaya na tayo. Siya miserable. She needs our forgiveness more than anything.”

Niyakap siya ni Miller nang mahigpit. “I am so blessed to have you as my girlfriend. You taught me that there is more to life than just work. You taught me how to be happy, how to be judgmental and to forgive. To think that I was supposed to be the one to tame you.”

Natawa siya. “Kasi di ako sibilisado at galing sa squatters. Kasi daig ko pa ‘yung hayop na nakahawla, biglang nakawala at mangangagat ng tao.”

“I know better than that. Naging totoo ka lang sa sarili mo. But the truth is, you have a golden heart. At ‘yung mga perpektong tao, kaipokritohan lang ang alam. I don’t want to be that old Miller anymore.”

Pinisil niya ang kamay nito habang naglalakad sila papunta sa lake cabin. “Di ko sinasabing patawarin mo agad si Chloe. You will forgive her once you are ready, Miller. Take your time. Tulad ni Director Chavez. Di ko siya basta mapatawad sa ginawa niya sa atin. Actually, mismong anak niya di siya kinampihan. Ayaw daw niya ng magandang buhay pero galing naman sa nakaw. Which is sad.”

“She’ll make it on her own.”

“Just like you,” sabi niya kay Miller. Napansin niya na iba na ang dinadaanan nila. “Hindi ito ang daan papunta sa cabin.”

“Basta sumunod ka lang,” anang binata at nagpatuloy sa paglalakad sa trail na nilikuan nila. Short cut ba iyon papunta sa lake cabin? Parang di naman.

Paikot pa rin iyon ng lake pero sa kabilang bahagi ng lawa at paakyat. Makalipas ang ilang minuto, natanaw na nila ang lake cabin na dati pa ginagawa doon. Gawa na pala iyon. It was two-storey and had a Canadian log cabin design. Iba sa simpleng kubo na tinutuluyan nila sa tabi ng lawa.

“Dadalawin ba namin ang may-ari ng bahay? Kilala mo?” tanong ni Miller.

“Yes,’ sagot naman ng binata at inilabas ang susi sa bulsa. Nanlaki ang mata nang lumapit ito sa pinto at ipinasok ang susi sa keyhole.

“Miller… bakit may susi ka?”

Itinulak nito pabukas ang pinto at ibinuka ang bisig. “Welcome to my cabin… our cabin.”

“S-Sa iyo ito?” tanong niya at namamanghang inikot ang mga mata. Hardwood ang sahig at may muwebles na. Walang appliances pero pwede nang tirhan. May kuryente na rin iyon dahil sa solar energy.

“Atin. Noong unang punta ko pa lang dito, nabanggit na may ibinebentang lupa sa paligid ng lake. So, I bought it. I want our own place here. Kapag gusto natin ng tahimik, di na tayo makikituloy sa cabin nang may cabin. Regalo ko sa iyo. Do you like it?”

“Yes!” Namaywang siya. “Para sa walang trabaho, galante kang magregalo.”

Niyakap ni Miller ang baywang niya. “This is a new start for us, Nadine. Di ko alam kung magiging successful ang new business venture ko. Pero sisiguraduhin ko na bibigyan kita ng maayos na buhay at di ka magugutom. You are my princess.”

“Laki ako sa hirap, Mr. Sebastian. Baka nakakalimutan mo. Kahit saan mo ako itira, walang kaso sa akin. Alam ko na di mo ako pababayaan at wala rin akong planong pabayaan ka. We are partners.”

“Partners. And you are half of my heart. I love you, Nadine.”

“At mahal na mahal na mahal din kita. I feel like I belong here.”

“And you belong with me.”

He devoured her lips. Nang mga oras na iyon, parang inalay na ni Miller ang buong mundo sa kanya. And that was enough for her. Hindi na siya natatakot kung ano ang dadalhin ng bukas sa kanila ni Miller. They were a couple now. Magkakampi sila sa lahat ng laban.

She was not the brash princess anymore. She was his number one, the love of his life. And it was more than she could ever ask for.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.