“I CAN’T believe that you just did that,” komento ni Nadine habang nakaupo sa hood ng kotse ni Miller. Nakahimpil sila sa overlooking view ng Antipolo. Kailangan nilang huminto para magpahinga at uminom ng kape bago magtuloy sa biyahe. Kailangan muna nilang huminga si Miller matapos ang eksenang ginawa nila sa party ni Isabella. “Nag-quit ka sa East Star Holdings para sa akin?”
“Believe me. I just did,” kaswal na sabi ng binata na parang hindi big deal dito na pakawalan ang posisyon nito sa East Star Holdings.
Humilig siya sa balikat nito. “Hindi mo naman kailangang mag-quit. Lagi mong sinasabi sa akin na mahalaga ang kabuhayan ng mga tauhan mo.”
Humigop ito ng kape sa paper cup. “Nag-isip-isip ako nang muntik mo na akong iwan para sa kompanya. Kaya ko bang magsakirpisyo para sa iyo? At hanggang kailan nila tayo gugulluhin? Hanggang mawalan ka na ng tiwala sa akin? Kanina habang nagwawala si Chloe, nakita ko ang duda sa mga mata mo kung ikaw ba talaga ang mahal ko. Kung totoo ang mga ibinibintang nila. At alam ko na kailangan kong magdesisyon kung gusto ko na manatili ka sa tabi mo, para mawala ang duda sa mga mata mo. Alam ko kapag hindi ako nagdesisyon nang mga oras na iyon, tuluyan na tayong masisira.”
“So you gave up the company. Di mo na naisip ang mga iiwan mo?”
“Pwede akong palitan sa East Star Holdings. I am not indispensable. At maling isipin na ang kompanya ang buhay ko. Not anymore. May iba pang kompanya diyan. Pwede akong magtayo ng sarili ko. Pero nag-iisa ka lang, Nadine. Ikaw ang importante. My number one.”
“Finally. Thank you, Miller. Thank you for loving me.” She kissed his coffee-flavored lips. “Akala ko di mo ako pipiliin.”
“Wala ka talagang tiwala sa akin?”
“E kasi naman pa-suspense ka pa kanina. Hindi ko alam kung iiyak ako o babatukan kita kapag sinabi mo na si Chloe ang pinili mo.”
Pumalatak ito. “Sabi na nga ba e. Iniisip mo talaga na pipiliin ko siya? Ako na nakiusap na huwag mo akong iiwan? I am not that type of person.”
“Di naman ako magagalit kung mas piliin mo na iwan ako. I mean, it is for the best. At irerespeto ko ang desisyon mo. Kung doon ka masaya, masaya na rin ako kasi mahal kita. Pero di talaga sumagi sa isip ko na ipagpapalit mo ang kompanya para sa akin.”
“Hindi rin sumagi sa isip ko na gagawin ko iyon. But I feel good after telling everyone that I don’t care anymore.” Humalakhak ito at tumingala. “Parang malaking hollow block ang nawala sa dibdib ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Wala na akong pakialam kung may ibang makakuha sa posisyon ko. I mean, leaving the company is not giving up. I feel like I am ten years younger. Ano ba ‘yung sabi ni Anton? YOLO.”
Siniko niya. “Ngayon mo pa naisip mag-YOLO?”
“You only love once. Kaya wala akong pagsisisihan.”
“Paano pala iyan? Wala kang trabaho ngayon. Jobless ka. Saan tayo pupunta?”
Ngumisi ang binata. “Magpapaampon kay Tita Monina.”
“MILLER, ulitin mo itong burda mo. Ang pangit. Maiiyak ‘yung baby ni Roxan kapag nakita iyan.”
Di maipinta ang mukha ni Nadine nang iabot ang lampin kay Miller. Maghapon sila sa Paradise Resort at naging libangan na gumawa ng mga gamit para sa babies ng dating asawa ng congressman na si Roxan. Umaga pa lang noon pero nasa resort na sila makihalubilo sa mga guest o kaya ay tumulong sa mga gawain sa resort.
“Pangsampung ulit ko na iyan. May duty pa ako sa bar mamaya,” angal ni Miller. Isang linggo na sila sa resort at sa bar tumatao ang binata pag gabi. Naaaliw daw ito na makinig sa problema ng ibang tao mapa-love life o sa pamilya.
“Paano pa tayo makakakuha ng customer niyan? Sabi mo iko-consider mo na gawing business ang mga baby dresses na personalized.”
Napailing na lang si Miller. “Ang hirap mong maging boss. May pagka-slave driver ka.”
“Umaangal ka na ba? Ibabalik na kita sa tatay mo,” banta niya.
“Heto na. Gagawin ko na nga.”
Excited sila sa pagdating ng baby ni Roxan. Lumakas ang kaso nito sa asawa dahil may ibang babae na nag-report ng pang-aabuso nito. Habang naka-recover na si Roxan sa mga injuries nito. Masarap itong gumawa ng preserved fruits at jam na ibinebenta rin niya sa shop niya at sa online shop.
Habang nadagdagan naman ang kliyente sa resort dahil nalaman ng ibang kababaihan na pwedeng maging kanlungan iyon para makapag-relax sa toxic na buhay-pamilya ng mga ito. At siyempre, may mga interesado din na mag-apply na Paradise Boys. Mga artista pa na ang iba at sikat na model.
“Mag-Magic Mike ka na lang kaya. Mas malaki ang kita doon,” suhestiyon niya sa lalaki.
Matalim siya nitong tiningnan at tinigil ang paglalagay ng sinulid sa karayom. “Di mo kaya ang talent fee ko. Saka tingnan ko lang kundi ka magselos kapag nag-perform ako sa iba.”
“Sa akin ka lang magpe-perform.” Umupo siya sa foam cover ng sahig. “Alam mo ba na ‘yung asawa ni Channing Tatum na si Jenna Dewan nagbuntis after ng Magic Mike?” bulog niya.
“Nadine, di ka mabubuntis dahil wala pa ring nangyayari sa atin. Kahit akitin mo ako, wala pa akong ipambubuhay sa iyo.”
“Di ba inaayos n’yo na ‘yung bar na itatayo n’yo? Magiging successful iyon,” nakalabi niyang sabi.
“It takes time. Di basta-basta masisimulan iyon. We are still in consultation with the interior designer. Di pa niya nakukuha ang gusto ko na design.”
Miller was not exactly idle. Tuloy na ang pagpapatayo nito ng bar kasama ang bartender ng Paradise Resort na si Calix. Bukod pa doon, may pera ito sa stock market. Sa pagganda ng takbo ng ekonomiya, malaki na rin ang kinita ng stocks nito. And of course, he is still one of the shareholders of East Star Holdings. Kahit iwan nito ang kompanya, magaganda naman ang mga projects na pina-aprubahan ng binata at investments kaya kasama ito sa umaangat.
“Naku! Busy ang mag-sweetheart,” malambing na sabi ni Tita Monina nang dalhan sila ng miryenda. “Kailan ba kayo magkaka-baby?”
“Kapag di na ako virgin,” nakangising sagot ni Nadine.
“Kapag tapos na ang Masters mo.”
“Nagpasa na po ng requirement para sa next sem,” nanlalaki ang matang sabi ni Nadine kay Miller. Iyon ang kondisyon ni Miller para magpakasal sila. It was for her own good. Marami pa daw siyang matututunan sa graduate school. Gusto pa nga ni Miller na ipadala siya Wharton pero marami namang magandang business school sa Pilipinas.
Ngayong nakabakasyon sila ni Miller, mas marami silang napag-uusapan na plano para sa hinaharap nila. Wala na rin silang pakialam sa mga tsismis sa kanila. Of course, napag-usapan ang pagre-resign ni Miller. Marami ang humanga dito at may mga nadismaya din dahil mas pinili daw siya kaysa sa kay Chloe Salgada. Di na lang sila sumasagot sa mga comment dahil opinyon lang nila ni Miller sa relasyon nila ang mahalaga.