NATATAWA si Ruan sa sarili niya. He went all the way to Thailand…just to pray. At ang pinaka-nakakatawa pa ay hindi naman siya Buddhist pero sa Buddhist Temple siya nagpunta. He is currently on one of the most majestic religious site he had ever saw---the Blue Temple.
Ruan is giving up. Mahal man kasi niya si Sunny, pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asa rito. Ano nga ba kasi ang laban ng sandali nilang pagsasama ni Sunny sa tatlong taon na relasyon nito at ni Arvin? Bukod pa sa kung wala namang nararamdaman si Sunny kay Arvin, bibigyan ba nito ng chance ang lalaki?
But Ruan still prayed.
For strength…and hope. At least a bit of the latter.
Alam ni Ruan na mali ang sumuko siya. Para siyang loser. Pero best friend niya si Arvin at pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan nila. Kaya nagparaya siya. Ayaw rin naman niyang isipin na loser siya dahil hindi siya lumaban. Pinili lang niya ang iniisip niyang makakapagpaayos sa relasyon nila. After all, sumubok rin naman siya. Madalas lang talaga na nauunahan siya ng takot…at sitwasyon.
Birthday kahapon ni Sunny. Gusto sana niyang regaluhan ito o bisitahin man lang. He did the latter. Maaga pa lang ay nagpunta na siya sa bahay ng mga ito. Pero nasa labas pa lang siya ay nakita na niya ang kotse ni Arvin. Ibig sabihin ay naunahan na siya nito. Hindi na siya tumuloy. At out of frustration, nagbook na lang siya ng flight pa-Thailand. Kailangan niyang mag-unwind. Kailangan niyang maging feeling better. At pakiramdam niya ay magagawa lang niya iyon sa Thailand dahil puwede niyang i-reminsce sa lugar na iyon ang pinagsamahan nila ni Sunny.
Nag-stay si Ruan sa Bangkok ng isang araw at pagkatapos ay lumipad sa Chiang Rai. He rented a bike and explored again the province. Nagpunta siya sa mga lugar na pinuntahan rin nila ni Sunny---The White Temple at ang Black Museum. Mag-aalas singko na nang makarating siya sa The Blue Temple. Halos wala na nga na tao roon kaya naman payapa na ang lugar. Payapang nakapagdasal rin siya.
Parang desperado na tuloy si Ruan. Katoliko siya pero sa ibang Panginoon pa siya napadasal. Pero siguro nga ay ganoon. He needs strength to move on. Again. Palagi na lang siyang talunan…
Pero huli pa ba para sumuko? Gusto rin naman niyang lumaban…
Nagdasal pa lalo si Ruan. He doesn’t want to be branded as a loser. Kaya kailangan niya ng tapang. Gusto niyang lumaban. I-improve niya pa lalo ang sarili. Ipapakita niya kay Sunny na mas karapat-dapat siyang mahalin kaysa kay Arvin.
Gumaan ang pakiramdam ni Ruan pagkatapos niyang magdasal. Nakangiting tumingin siya sa Buddha na nasa harapan niya. Pero kaagad rin naman na naalis ang atensyon niya roon nang may marinig na nagsalita ng Tagalog sa tabi niya…
“Sana po ay matutunan na ng lalaking mahal ko na ipaglaban ako. At kung hindi man, sana bigyan niyo rin ako ng strength para lumaban at huwag sumuko…”
Napatingin si Ruan sa nagsalita. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya.
Answered prayer…
Matagal lang na nakatitig si Ruan sa ilang hakbang na layo sa kanya ni Sunny. Hindi siya makapaniwala na nandito rin ang babae. At nang mapatingin rin ito sa kanya ay hindi rin niya inaasahan ang mararamdaman at ginawa.
He cried.
For the first time…
Napaawang ang labi ng babae. Mukhang nagulat rin ito. Pero mas naka-move on ito kaagad sa kanya. Tumigil ito sa pagdadasal at nilapitan siya.
“G-ginulat mo ako…”
Ngumiti sa kanya si Sunny. Pinahid nito ang luha sa mga mata niya. “I am, too. Pero ayaw ko ng gawin na big deal. I think it is destiny,”
Hindi naniniwala si Ruan sa destiny. Pinangunahan tuloy siya ng insecurity. “Ikaw lang ba? Wala ka bang kasama? Where is Arvin?”
Inikutan siya ng mga mata ni Sunny. Pagkatapos ay tumingin ito sa malaking Buddha sa harap. “Sana po, hindi na rin ma-insecure ang lalaking mahal na mahal ko…”
“Mahal na mahal?”
“At ma-realize na rin po ng katabi ko na siya ang tinutukoy ko…”
Mas lalong napaiyak si Ruan. Niyakap niya si Sunny. “You really are my answered prayer. Mahal na mahal rin kita, Sunny…”
Tinanggal ni Sunny ang yakap niya. “Kung mahal mo ako, bakit ayaw mong lumaban? Ang dali mong sukuan ako…”
Huminga nang malalim si Ruan. “Tama ka. I am insecure. But can’t I? Arvin is a better choice than me. May stable siyang trabaho. While I am a very unstable man. Galing man ako sa mayaman na pamilya, wala naman akong naitulong sa yaman na iyon.
“Sa maikling panahon na nakasama kita ay nakilala na kita. You are a simple girl. You need a simple and peaceful life. Dahil sa passion ko sa buhay, natakot ako na hindi ko maibibigay iyon sa `yo. After all, ni ang sarili ko nga na pamilya ay hindi naniwala sa kakayahan ko…”
Ikinuwento ni Ruan ang hindi nila naging pagkakaintindihan ng ama.
“Naiintindihan ko. Pero lagi ka na lang ba na mai-insecure? Lagi ka na lang ba hindi lalaban?”
“Hindi naman sa ganoon. Gusto ko rin naman na lumaban. Pero best friend ko si Arvin. Nirerespeto ko rin siya, lalo na at nalaman ko naman ang dahilan kung bakit ka niya hiniwalayan. Ayaw kong masaktan siya…”
“Nilinaw ko na sa kanya ang lahat. I can’t give him a chance...” Ikinuwento sa kanya ni Sunny ang nangyari rito at kay Arvin. Pagkatapos ay hinawakan nito ang pisngi niya. “You already stole my heart a long time ago…”
Napakurap si Ruan. “I-ibig bang sabihin noon dati pa ay---“
Tumango si Sunny. “Gusto na kita dati. But you left. And I didn’t try harder…” Huminga nang malalim si Sunny. “Pero hindi na ngayon. Kung iiwasan mo pa ako ulit, hindi na ako mahihiya. Hindi ako kaagad susuko,”
“And I promise you that, too…” Hinawakan ni Ruan ang pisngi ni Sunny. “Sorry at ngayon ko lang na-realize. Pero maniwala ka man sa hindi, I just decided to fight for you. Ayaw na nga lang ako pahirapan kasi tignan mo naman at nandito ka na sa harap ko. Ikaw pa ang unang nag-confess at naghabol,”
Medyo tumawa si Ruan. Umingos naman si Sunny. “Para namang pinamukha mo niyan na ako ang patay na patay sa `yo,”
“Hindi nga ba?” Namimilog ang mga mata ni Ruan.
“Well, medyo lang naman,” Ngumiti na rin si Sunny. “I will fight for you too, Ruan. As I love you and only you. Patunay na nga na nagpunta pa ako dito sa Thailand, nagbaka-sakali na nandito ka at inaalala ang mga masasayang alaala natin. And how sweet it is na hindi lang tayo basta pinagtagpo sa basta-bastang lugar. We met in a majestic and magical temple like this. Sana nga lang ay mai-promise mo rin sa akin na iingatan mo ako at ang relasyon na gusto kong simulan kasama ka…”
“I promise,” Tumingin si Ruan sa harap ni Buddha, ngiting-ngiti na. “Sa harap at sa ngalan ni Buddha,”
Nagliwanag ang mukha ni Sunny. Tuluyan na itong lumapit sa kanya. He hugged and kissed him.
“Sorry, Buddha. I can’t help myself…” Namumulang wika ni Sunny nang matapos at ma-realize ang ginawa.
“Ditto…” wika ni Ruan at kinuha rin ang mukha ni Sunny at nasa isip na lang niya ang apology.
One Year Later…
NANLAKI ang mata ni Sunny nang dalhin siya ni Ruan sa Hua Lamphong Train Station. Papunta sila ngayon ng paborito nilang lugar sa Thailand---ang Chiang Mai. Sa isang taon na relasyon nila ng lalaki ay dalawang beses na sila na bumalik ng Thailand. Sa tuwina ay pumupunata sila ng Chiang Mai. Pero kagaya noong una, palagi silang via bus.
“Sasakay na tayo ng train?”
“Yup. First class,” ipinakita sa kanya ni Ruan ang ticket.
“Wow!” Nagliwanag ang mukha ni Sunny. Palagi silang naka-bus dahil pahirapan na kumuha ng train ticket pa-Chiang Mai. Kailangan ay advance booking. Dahil madalas na biglaan lang naman silang pumupunta ng Thailand ay hindi sila nakakuha ng slot.
“Excited?”
“Very!”
Inalalayan na siya ni Ruan na makapasok sa train. Nanlaki ang mga mata niya nang makapasok. It was her first time to even see a first class train. It was so luxurious and grand. Pero ang pinaka-napansin talaga ni Sunny ay ang nakalagay na maliit na cartolina roon.
“Will you marry me?”
Tumingin si Sunny kay Ruan. Nagkamot ito ng ulo. “It’s just a year of a relationship. Pero college pa lang tayo, ramdam ko na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay…”
Hindi na sumagot si Sunny. Niyakap at hinalikan niya si Ruan. “Just what you said before, ditto…”
“So it’s a yes?”
Ngumiwi si Sunny. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Palaging kailangan mo pa rin ng kasiguraduhan kapag ako ang nakataya.”
“Being an adventurous person, I am known as fearless. But you’re my only fear, Sunny. I am afraid of losing you so there is always a fear in me in everything about you…”
Pinindot ni Sunny ang ilong ni Ruan. “Haay, pasalamat ka, mahal na mahal kita kaya tanggap pa rin kita.”
Hinalikan siya ni Ruan. “You make me the happiest man in the world…”
Ngumiti si Sunny. She can tell the same, too. At hindi lang ngayon---ganoon rin sa pang-araw-araw.
Malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Sunny nang makarelasyon niya si Ruan. Hindi na siya bumalik sa pagiging office girl. Sumama siya sa mga travels ni Ruan. Noong una ay kinatakot iyon ng pamilya niya. Pero nang makita naman na masaya siya ay pumayag na rin ang mga ito. She is also trying to have a career out of it. Kung si Ruan ay nagsusulat ng blog, siya naman ay gumagawa ng vlog. Marami na siyang subscribers sa Youtube at sa pamamagitan noon ay kumikita na rin siya.
As of Arvin ay nagbago na rin ang buhay nito. Para makalimot ay bumalik ulit ito ng Alaska. After six months, nalaman nila na may bagong babae na rin na nagpapatibok ng puso nito. Masaya sila para rito.
It’s been a blissful year. At ngayong gusto na rin siyang itali ni Ruan sa buhay nito, alam ni Sunny na mas magiging masaya pa iyon. Being with him is the greatest adventure ever.
Sunny can’t wait to have a future with him. It’s an adventure of a lifetime.
THE END