Chapter 34

DAHIL alam ni Ruan na malungkot si Sunny kaya pinili niyang ilabas ito. Dinala niya ito sa isa sa mga paborito niyang waterfalls sa Majayjay, Laguna.

Mga local lang ang kadalasan na may alam ng lugar na iyon at kakaunti lang rin ang bumibisita. Kailangan pa kasi ng mahabang lakarin para makapunta sa falls. It was not an easy trail that’s why it doesn’t appeal much for tourist. Pero gusto naman iyon ni Ruan dahil madalas na naso-solo niya ang lugar. He valued peaceful places.

Ngayong araw ay solo rin nila ni Sunny ang lugar. Nang makita rin nito iyon ay saka lang ulit niya na nakita na nagliwanag ang mukha nito. She immediately took her cell phone and take photos. Pagkatapos ay nagyaya itong maligo. Nang mapagod ay kumain sila. May dala silang pagkain---itlog na pula, kamatis, tuyo at kanin. May ngiti sa mga labi na pinagsaluhan nila iyon. Nagkamay rin sila.

“Sana habang buhay tayong ganito. Ang simple at parang ang gaan-gaan lang ng buhay,” wika ni Sunny na yumakap sa kanya pagkatapos nilang kumain.

“For the past few years, I think I’m having this life,”

“Nakakainggit ka. Gusto ko rin ng ganoon,”

Ngumisi si Ruan. Hinawakan niya ang kamay ni Sunny. “Well, come with me always…”

“Seryoso ka ba? Dahil gustong-gusto ko na patulan,”

Tumawa si Ruan. “Are you really? Mukhang masaya ka naman sa trabaho mo. And people like you want to have a stable life,”

Nagkibit-balikat si Sunny. “I’m even thinking to quit it. Hindi na ako masaya,”

“Hmmm…”

Nagkuwento si Sunny tungkol sa problema nito sa trabaho.

“I really am going to quit. Matagal na rin naman ako sa kompanya. Makakahanap rin ako ng bagong trabaho,” Parang seryosong-seryoso na wika ni Sunny.

“Give it some time. Baka naguguluhan ka lang…”

Huminga nang malalim si Sunny. Natahimik ito. Pero maya-maya ay napaiyak ito.

Parang may tumusok sa puso ni Ruan. “Bakit?”

“Siguro nga naguguluhan ako. Pero hindi na ako masaya. Hindi na talaga ako masaya…”

Nagpatuloy sa pag-iyak si Sunny. Parang nanghihina tuloy siya, lalo na nang maisip na baka hindi lang talaga sa trabaho masaya si Sunny.

Baka hindi na rin ito masaya sa kanya.

“D-does it applies in all things?”

Sandaling tumigil si Sunny. Napatitig ito sa kanya. “Uungkatin ba natin ang pagdating ni Arvin?”

Tumango si Ruan. “Maybe we should. After all, expected na naman na makakaapekto siya sa kung anong mayroon tayo ngayon,”

Huminga ulit nang malalim si Sunny. Yumuko ito. “To be honest, naguluhan lalo talaga ako sa pagdating niya. Hindi ko inaasahan na babalik siya, well, I did before. Pero hindi ko inaasahan na magiging madali. And his reason…I’m not sure if I should accept him or what…”

“And so his proposal,” Ruan trembled when he remembered what Arvin wanted.

Hindi nagsalita si Sunny. There’s a big silence for a while.

“Y-you can give him a chance,”

Napatingin sa kanya si Sunny. “W-what?”

Huminga nang malalim si Ruan. “Nagalit ako kay Arvin sa ginawa niya sa `yo. Kaya sa totoo lang, nang makipaglapit ako sa `yo ay hindi ako nakokonsensya. Hindi ko inisip si Arvin, na parang panunulot ang ginawa ko. But when I knew his reason, I feel guilty. I-I think he deserved a chance again for you.

“Kahit na hindi na kami ganoon kalapit ni Arvin ay tinuturing ko pa rin siyang best friend. At napakarami niyang pinagdaanan nitong mga nakalipas na linggo. It will hurt him so much if you choose me. And somehow, ayaw ko rin naman na mangyari iyon. Nakokonsensya ako…”

Masakit para kay Ruan ang mga sinabi. He let go of Sunny before for Arvin. Ngayon ay may pagkakataon na ulit siya rito.

But still, he is giving up.

Napaka-duwag niya. Pero matatawag nga ba na duwag ang magbigay ng kalayaan sa dalawang tao na mukhang magmamahalan pa rin naman?

PINAGBIGYAN ng chance ni Sunny si Arvin. Hinayaan niya itong sunduin siya sa trabaho. Nang magyaya rin itong mag-dinner sila ay pumayag siya.

“So how was your work day?” tanong ni Arvin habang hinihintay na i-serve ang dinner nila.

“Emotional. Last day ko na ngayon sa trabaho,”

“What? Pero bakit?”

Inamin niya sa lalaki ang tungkol sa resignation niya.

“W-well, that’s okay,” Ngumiti ito. “Maayos naman ang kita at trabaho ko. I can give you a good life. Isa pa, I always dream to have a full-time house wife.”

Napakurap si Sunny. “I-I didn’t agree to be your bride again.”

“Not yet. Pero umaasa ako na maiintindihan mo ako, Sunny. After all, we are together for three years. Hindi naman iyon ganoon kadali na itapon na lang…”

Hindi nagsalita si Sunny. Naglihis siya ng tingin kay Arvin. Huminga ito nang malalim.

Kinuha ni Arvin ang kamay niya. Bahagyang pinisil rin nito iyon. “I’m really sorry for what happened. Pero acceptable naman ang reason ko kaya ko naggawa iyon `di ba?”

May point si Arvin. Aminado siya na nagulo siya nang bumalik ito. Pero mas nagulo siya nang malaman ang dahilan nito…

“I thought I have a son…” pag-amin sa kanya ni Arvin nang bigyan niya ito ng pagkakataon para magpaliwanag sa pang-iiwan nito sa kanya. “Isang araw bago ang kasal natin ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Myla---ang naging girlfriend ko noon sa Alaska.”

Kilala ni Sunny si Myla. Naikukuwento ito sa kanya ni Arvin. Isang taon rin itong naka-relasyon ni Arvin noong sa Alaska pa ito nakatira. Pilipina rin ito. Pero naghiwalay ang dalawa dahil nagpakasal sa iba si Myla. Two timer pala ang babae.

“Wala na akong alam kay Myla pagkatapos naming maghiwalay. Lumipat na kasi sila ng ibang state sa America. Kaya naman nagulat ako nang tawagan niya ulit ako. Nalaman niya pala ang tungkol sa kasal natin. Inamin niya na nagkaanak pala kami at pinaako niya lang iyon sa naging asawa niya. Mas gusto niya kasi ang lalaking iyon dahil mas mayaman kaysa sa akin.

“Kung bibilangin ang edad ng bata, may posibilidad na puwedeng anak ko ang bata. Wala akong alam noon na nagkaanak pala siya kaagad. Masyado akong naguluhan sa nangyari. Ikakasal na tayo pero biglang nagkaganito. Hindi ko rin alam kung paano ko aaminin sa `yo ang lahat. Kaya impulsively, nagpunta ako sa America para masigurado ang nangyari. Pinili ko na huwag na rin muna magpaliwanag sa `yo dahil nga masyado akong naguguluhan. Hindi ko rin alam kung paano ako magsisimula. Naduwag ako kaya nag-iwan na lang ako ng letter. Hindi kita kayang harapin.

“Mukhang Filipino ang bata kaya alam ko na malaki ang chance na nagsasabi ng totoo si Myla. Americano kasi ang naging asawa niya. Pero hindi iyon sapat sa akin kaya nagpa-DNA test pa rin ako. It was actually a secret. Ayaw kasi ni Myla na dumaan pa kami sa ganoong proseso dahil para rito ay eskandalo iyon. It took a few weeks for the result. It turned out to be negative. At nalaman ko rin pagkatapos noon na sigurado rin naman pala si Myla na hindi ako ang ama. Ginulo niya nga lang ako dahil umasa siya na puwedeng maging kami pa rin. I would admit that she even tried to be close and seduce me for the weeks I was there. Wala na sila ng asawa niya. Pero `yun naman pala ay desperada lang siya na magkaroon ulit ng bagong lalaki sa buhay. Ilang beses na rin kasi siyang iniwan ng mga nagiging karelasyon niya at wala rin siyang mahanap na trabaho na sa America. Naghihirap na siya roon. Nang malaman niya ang tungkol sa akin ay naisip niya akong gamitin. After all, minsan na patay na patay rin ako sa kanya. Alam rin niya na mas maayos na ang buhay ko ngayon. She thought we can start over again….”

“She is crazy…”

“I know. At muntik na rin akong mabaliw dahil sa ginawa niya…” Malungkot ang boses na pagpapaliwanag ni Arvin. “And I think you are, too. Hindi biro ang ginawa ko sa `yo. I’m really sorry for that. Pero sana ay naintindihan mo na naging biktima lang rin ako ng lahat ng ito. Hindi ko ginustong iwan ka, Sunny. Please give me a chance again…”

Tumingin si Sunny kay Arvin. Mukhang sincere naman ito. At tama rin naman ito. Tatlong taon na naging sila. Pinagkatiwalaan niya ito lalo na at naging maayos naman ang relasyon nila. He is a good boyfriend.

Tumikhim si Arvin. Huminga ulit ito nang malalim. “Naguguluhan ka ba dahil sa pagdating ni Ruan?”

Hindi na kaya ni Sunny na magsinungaling. Tumango siya.

“I see. Guwapo nga naman si Ruan. Adventurous rin siya. Hindi boring na kagaya ko,” Mapait na ngumiti si Arvin. “Pero hindi ka ba nahihiya? Best friend ko pa talaga ang ipinalit mo sa akin…”

Kinagat ni Sunny ang ibabang labi. “He was there when I needed you the most…”

Tumiim ang bagang ni Arvin. “Best friend ko nga si Ruan pero hindi niya dapat ginawa ito. Hindi dapat nangyayari ito…”

Galit na si Arvin. Pero gusto rin na magalit ni Sunny. Walang karapatan si Arvin na magalit sa kanya. Sinaktan siya nito.

“Ayaw kong siraan ang best friend. Ayaw kong makipag-away at makipagkompetensya sana sa kanya. Pero sana ay huwag mo kaming ipitin na dalawa,” Hinawakan ni Arvin ang kamay niya. Nanginginig ito. “Kailangan mong mamili sa aming dalawa, Sunny. Pero nakikiusap ako na ako ang piliin mo. Ayaw ko man na masaktan ang best friend ko pero pagod na rin ako na masaktan. Isa pa, mas matagal mo akong nakasama. Mas malalim rin ang pinagsamahan natin..”

Tama ulit si Arvin. But something is telling her that he was wrong.

Hindi lang naman sa haba ng pagsasama nasusukat ang totoong pag-ibig. At marami rin siyang puwedeng dahilan.

Hindi lang naman niya lalaking bigla na lang nakasama si Ruan. She can also consider him as her first love.

And they say, it never dies…

NAGULAT si Sunny nang malaman na hindi na enrolled si Ruan sa sumunod na school year. Mas nagulat rin siya na nagbago rin ang pakikitungo nito sa kanya. Kung dati ay madalas siya nitong i-text, ngayon ay ni hindi niya ma-contact ang cell phone nito. Nagkaroon lang siya ng balita rito dahil kay Arvin. Kahit tinapat na niya ito na hindi siya magbo-boyfriend habang hindi pa siya graduate ng college ay hindi ito sumuko. Maghihintay raw ito. For now, he asked her to be his friend. Dahil wala naman siyang nakikita na masama roon, pumayag siya.

“Busy na siya. Last time I talked to him, he said he plans to be a travel blogger…”

“K-kaya ba hindi na rin siya natatawagan?”

“Yes. Sabi niya, plano rin niya na pumunta sa mga lugar na hindi kilala…”

“Nakakatakot iyon.” Bumangon ang pag-aalala sa puso ni Sunny.

“It’s his life. Let’s just be happy for him,” Hinawakan ni Arvin ang balikat niya. “Let’s also just wish him for the best. After all, siya ang naging tulay para magkasama tayo…”

May point si Arvin. Desisyon ito ni Ruan. Dapat ay maging masaya rin siya rito. Pero hindi masaya ang pakiramdam na nami-miss niya ito. Sa tuwing yayain siyang lumabas ni Arvin, naiisip niyang sana ay si Ruan ito. Ilang beses rin niyang tinatanong si Ruan sa lalaki. Pero madalas rin na wala itong balita.

Sa huli ay nasanay na rin si Sunny na kasa-kasama si Arvin. Mabait naman ito at sweet rin. He made her feel special. Nang dumating rin ang graduation niya ay nagpahanda ito ng espesyal na dinner para sa kanilang dalawa. Ipinagpaalam siya nito sa mga magulang niya na pumayag rin naman dahil kilalang-kilala na si Arvin. They went to a high class restaurant in Tagaytay. Pinasara pa nito ang restaurant para sa kanya. Sinayaw siya nito sa restaurant na halos mapuno ng bulaklak. It was a romantic sight. Binigyan rin siya nito ng mamahaling necklace.

“I love you, Sunny…” wika sa kanya ni Arvin habang sinusuot ang kuwintas.

Nanginginig si Sunny. She didn’t know what to say. Pero mukhang hindi naman naghihintay ng sagot si Arvin.

Humarap sa kanya si Arvin. He danced her again but this time closely. Inilapit rin nito ang mukha sa mukha niya---their nose are almost touching. “C-can I kiss you?”

Again, speechless si Sunny. But then, she closed her eyes. Malinaw kasi sa mga mata niya na si Arvin ang nasa harap niya. Pero ayaw niya itong makita dahil ang isip niya ay si Ruan ang gusto pa rin niyang makasama.

Gusto ni Sunny na ang lalaki lang ang humalik sa kanya.

Pero hindi na nakatiis si Arvin. He took her gesture of saying yes. His lips touched hers.

Sunny felt nothing. May tumulo na luha sa mga mata niya.

Nang magmulat ng mga mata si Sunny ay ngiting-ngiti si Arvin. Pinahid pa nito ang luha niya. “Are these tears of joy?”

“Arvin…”

Arvin cupped her face. “I love you, Sunny. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki kapag binigay mo na sa akin ang matagal ko ng hinihintay na oo…”

Napalunok si Sunny. “Y-you’re a perfect man,”

“You’re also a perfect girl. And I am dying to have you on my life, too…” Again he kissed her lips. Pero sandali lang iyon. “Can you be my girl now?”

Huminga nang malalim si Sunny. Tinignan niya si Arvin sa mga mata. His eyes are full of hope. At dahil naging malapit at naging mabait rin naman sa kanya ang lalaki ay ayaw niya itong masaktan.

Sa huli ay tumango si Sunny.

Nagliwanag ang mukha ni Arvin. Niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan nang paulit-ulit.

It should be good. Siya na mismo ang nagsabi na perfect na lalaki si Arvin. Pero kung ganoon nga, bakit parang may kulang? Parang may hinahanap pa rin siya---hindi nga lang niya sigurado kung pakiramdam ba…o mismong tao.

Ruan… ang sagot ng puso ni Sunny.

Move on… sigaw naman ng utak ni Sunny.

And Sunny chooses the latter. Matutunan rin niyang mahalin si Arvin.

BIRTHDAY ni Sunny. Pagmulat pa lang niya ng mga mata niya ay naramdaman na niya ang pagiging espesyal niya. Her room was filled with balloons. Napabangon tuloy siya kaagad at lumabas ng kuwarto. She wanted to thank the person or people who made this to her.

Inaasahan ni Sunny na makikita niya ang magulang niya at aaminin na ito ang gumawa ng espesyal na sorpresa sa kanya. Pero mukhang si Arvin iyon. Nasa dining room ito ng bahay nila at may hawak-hawak na cake. Kasunod rin nito ang magulang niya. Naintindihan ng mga magulang niya ang ginawa ni Arvin kaya tanggap pa rin ng mga ito ang lalaki.

“Happy Birthday to you…” They all started to sing her the happy birthday song.

“Thank you,”

“You’re always welcome,” Hinalikan siya ni Arvin. “Did you like the balloons?”

So si Arvin nga ang nanorpresa. Pero hindi na naman iyon bago. Tuwing birthday niya ay madalas na binibigyan siya nito ng sorpresa at magagandang regalo. In fact, noong last birthday niya ito nagpropose ng kasal sa kanya. They had a year on planning and arranging everything.

“Yes, thank you…” Tumingin si Sunny sa mga magulang niya. “What are our plans today? Pupunta ba ang mga relatives natin?”

“No plans. Ipinagpaalam ka na sa amin ni Arvin. Siya ang may plano sa `yo…” sagot ng Mommy niya.

“Hmmm…”

“I will take you out on a date. Okay lang naman `di ba?”

Wala ng trabaho si Sunny. Wala rin na plano sa kanya ang mga magulang kaya wala naman wala rin siyang gagawin. Pero nag-alinlangan pa rin siya kung papayag siya sa gusto ni Arvin. She felt uncomfortable.

Pero ito ang gusto ni Ruan…

Naguguluhan pa rin si Sunny sa nararamdaman niya. Kaya para masagot ang katanungan niya, kailangan pa rin niyang bigyan ng chance si Arvin. Kailangan niyang timbangin ang nararamdaman niya rito.

Sa huli, pumayag si Sunny na sumama kay Arvin.

DINALA si Sunny ni Arvin sa isang beach resort sa Batangas. The place is familiar---doon kasi nagpropose sa kanya ang lalaki last year. Napansin rin niya na lahat ng ginawa nito ngayong araw ay parang noong araw na nagpropose ito. They went into a short island hopping. Nang makabalik ay pinagbihis siya ni Arvin nang magandang damit na gagamitin niya para sa dinner. They had a private dinner set up on the shore. May mga musicians na nanghaharana at puno ng kandila at rosas ang paligid.

It was romantic. She should feel nostalgic and special. Ang daming effort sa kanya ng lalaki. Pero bakit ang lalaking nasa isip niya ngayon ay ni hindi man lang um-effort na ipaglaban siya?

Nasasaktan si Sunny sa pag-iwas sa kanya ni Ruan. But naiintindihan rin naman niya iyon. Pinapahalagahan lang nito ang pagkakaibigan nito at ni Arvin. Ayaw lang nito na mag-away ang dalawa. And somehow, parang may kasalanan rin naman kasi si Ruan. Kung titignan ay parang sinulot siya nito sa best friend nito. Masama nga naman na tignan iyon.

Ayaw rin na isipin ni Sunny na mahina si Ruan para magpalaya. Para sa kanya ay hindi ito loser. Mas iniisip lang nito ang pakiramdam ng kaibigan nito kaysa sa nararamdaman nito. He knew he was hurt, too.

At ayaw na rin niyang saktan ito…

“G-gusto mo pa bang ulitin ko ang sinabi ko sa `yo sa mismong spot na ito a year ago?”

Tinitigan ni Sunny si Arvin. Pinakiramdam niya ang sarili.

She felt…nothing.

Huminga nang malalim si Sunny. “No…”

“Hindi ka pa handa,” Tumango-tango si Arvin. “I understand. Hindi dapat kita minamadali…”

Umiling si Sunny. “Ayaw ko na, Arvin. Ayaw ko ng magsinungaling…”

Kumunot ang noo ni Arvin. “What do you mean?”

“H-hindi na kita mahal. Hindi kita mahal…”

Napaawang ang labi ni Arvin. For a while, he is speechless. “Nasasabi mo lang siguro ito dahil nasasaktan ka…”

“No. The truth is I think through out our relationship, I am hoping you are someone else…” Pumatak ang luha ni Sunny. Sinabi niya rito ang totoong nararamdaman niya sa una pa lang.

Nakikita ni Sunny ang sakit sa mukha ni Arvin. Nagdilim rin ang mukha nito. Pero hindi ito nagsalita. Tumayo siya at niyakap ito. “I’m sorry. I’m really sorry. Pero ayaw ko ng magsinungaling. Siguro nga ay ang sama ng mga nangyari. Sa dami ng araw na puwede kang guluhin ni Myla, sa mismong araw pa bago ang kasal natin. But maybe it really happened for a reason.

“Aaminin ko na nasaktan ako dahil sa ginawa mo. Umiyak ako at parang nagluksa. Iniwan mo ako. Napahiya ako sa lahat ng maraming tao. Naapakan ang pride ko. Pero kung masakit talaga para sa akin ang lahat, bakit ang bilis ko na naka-move on?

“I tried to be happy with you, Arvin. At gusto pa rin nga sana kitang bigyan ng chance. Pero ayaw ko ng magsinungaling. Sana ay isipin mo na lang na ang ginawa ko ngayon ay para sa ikabubuti. I guess, we really are not meant to be…”

Tinanggal ni Arvin ang yakap niya. “Go with him then…”

Tumango si Sunny. Nasasaktan siya para kay Arvin. Pero malaking bahagi niya ang nakahinga nang maluwag na pinalaya siya nito.

“Pero kung iyon ay tatanggapin ka niya. He had the chance, still he let you go. Ganoon ba talagang lalaki ang mamahalin mo?”

May point si Arvin. Dapat ay masaktan siya sa sinabi ni Arvin. Duwag si Ruan. Sa halip na ipaglaban siya nito, madalas na binibitawan siya nito.

“M-maybe he is just afraid to try harder. Pero dalawa kami sa relasyon na iyon. Hindi lang naman dapat ang lalaki ang gumagawa ng effort o ng first move…” pangangatwiran ni Sunny. “Hindi lang dapat ang lalaki ang lumaban…”

Tumiim ang bagang ni Arvin. “Mahal na mahal kita, Sunny. Ayaw kong umalis ka,”

“Alam ko na may kasalanan rin ako, Arvin. Pero kung talagang mahal na mahal mo ako, ganoon lang ba kadali para sa `yo na iwan ako?”

“Na-explain ko na ang lahat sa `yo. Naguluhan ako ng mga panahong iyon. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisang magpaliwanag---“

“Naiintindihan ko. Pero hindi pa rin ganoon dapat ang naramdaman mo. Kung mahal mo talaga ako, mas iisipin mo ang kapakanan ko, ang kahihiyan ko dahil sa ginawa mo. But still, you walk away, leaving me from the scandal. I-it’s just so bad. Hinayaan mo ako na mag-isip rin na may mali sa akin. And I don’t think you deserved to be given a chance again…”

Napaawang ang mga labi ni Arvin. Mukhang inis pa rin ito. Pero hindi na naman ito nagsalita.

Maya-maya ay napabuntong-hininga si Arvin. He asked for space. Pinalayo siya nito.

Hinayaan na ni Sunny ang lalaki. Naging maayos ang relasyon nila ni Arvin. Pero kung ipagpapatuloy niya pa ang relasyon nila, lalo lang niyang masasaktan ito. Bukod pa sa mahihirapan rin siya dahil maalala lang niya ang naging kasalanan nito sa kanya.

Hindi mahal ni Sunny ang lalaki. She stayed with him because she thought it will be okay. Matutunan niya rin itong mahalin. Pero kung naggawa niya, bakit nang bumalik ang first love niya ay nawala ang damdamin niya rito?

Huminga nang malalim si Sunny. Na-realize niya na mali rin siya na pagbigyan ulit ng panibago pang pagkakataon si Arvin. It just complicates everything. Dapat ay si Ruan ang binigyan niya ng pagkakataon.

And so she did. Kinuha ni Sunny ang cell phone. Tinawagan niya si Ruan.

Unattended.

First move at mukhang nakarma na si Sunny.

Uggh, saan niya kaya hahanapin ito?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.