Maingay at masaya ang isang bahagi ng Villa del Carmen kung saan ginaganap ang sayawan para sa kasal nina Ernest at Estrella. Tatlong araw na gaganapin ang kasiyahang iyon. Ang unang dalawang araw ay para sa nalalapit na kasal at ang huling gabi ay para sa kasal mismo. Hindi maiwasang ngumiti ni Riva habang pinapanood ang pagsasayaw ng mga dalaga at binata. Ang ilan sa mga ito ay nagliligawan pa. Parang nadadala siya sa nakakakilig na atmosphere doon.
"Nangingiti ka diyan," untag ni Arice sa kanya at inabutan siya ng juice.
"Ganito pala ang kasalan dito."
"Two days na may sayawan. Buong bayan ang imbitado. Minsan may dumadayo pa na taga-ibang bayan lalo na’t malaking okasyon tulad nito. It is their chance to mingle."
"Parang nakakatuwang um-attend ng ganitong parties. It feels great to be young and in love” Huminga siya ng malalim. “Magaan sa pakiramdam. Parang bata ulit ako. Hindi ko kasi na-enjoy ang pagiging teenager ko."
"Hindi mo naranasang makipagligawan at ma-in love noong bata ka pa?"
Umiling siya. "Bata pa lang ako kinailangan ko nang maging responsable. Alam ko kasi na bilang panganay, ako ang makakatulong ni Papa sa pag-aalaga kay Mama at Emarie. Gusto kong mag-excel. Nang mamatay siya, mas kinailangan kong mag-focus sa pag-aaral. Kinalimutan ko ang parties na hilig ng mga kaedad ko. Hindi nga ako um-attend ng JS Prom dahil may scholarship exam ako na kailangang i-review. Hindi rin ako nag-entertain ng mga manliligaw. I tried dating. Pero laging bumabalik ang utak ko sa trabaho. Kundi pa sa kasal ni Kuya Ernest hindi ko mararanasang magbakasyon. Ngayon ko lang nakikita ang nami-miss ko sa buhay ko. Nakakatawa, no? Parang ngayon ko lang mararanasang maging bata."
Ngayon lang niya nagawang mag-enjoy sa mga simpleng bagay, kalimutan ang trabaho, kiligin, ipagtanggol ang isang lalaki, matulala, mawala sa sarili, humanga at masaktan. She felt more human than ever because of Arice.
“Hindi pa naman huli para i-enjoy ang buhay. Hindi naman tayo nagkakalayo. Hindi ko rin naman nae-enjoy ang parties at mga sayawan. Lumilipad lagi ang utak ko sa trabaho. But tonight is different.”
“Of course.” Naroon ito para ipaglaban ang pag-ibig nito. Kapag nakasama na nito si Estrella, makukumpleto na ang buhay nito.
Inilapit nito ang labi sa tainga niya para marinig niya ang sinasabi nito sa kabila ng malakas na tugtog. "Anong gagawin mo kapag bumalik ka na sa Manila?"
Ano nga bang babalikan niya sa Manila habang masaya si Arice sa piling ni Estrella. Bumigat ang dibdib niya. Parang sobrang lungkot ng buhay na babalikan niya. Pilit siyang ngumiti. "Back to my old life. Subsob ulit sa trabaho. Isang linggo akong nawala kaya marami akong hahabuling trabaho."
"You are too pretty to waste your whole life working. You need an interesting man to perk up your interest."
Nagkibit-balikat siya. “Ewan ko lang kung may oras ako para doon.”
Hindi pa man ito nawawala sa kanya ay malungkot na siya. Minsan lang siya makakatagpo ng lalaking bubuhay sa interes niya bilang babae tapos ay mawawala rin agad ito sa buhay niya. Mahihirapan siyang i-sustain ang sayang nararamdaman niya ngayon oras na mawala si Arice sa kanya.
"Siyempre. Sa ayaw mo’t sa gusto, ihahanap kita ng makaka-date.” Tumayo ito at inalalayan siyang tumayo. “For now, ako muna ang pagtiyagaan mo. Let's dance."
“Arice, may sling pa ang kamay ko. Paano mo ako isasayaw?”
“Hindi naman ganoon kakomplikado ang sayaw na iyan,” sabi nito at hinapit ang baywang niya. “Ihawak mo ang isang kamay sa balikat ko. I will take care of the rest. Trust me.”
Tinangka niyang magprotesta subalit inikot na siya nito sa dancefloor nang walang kahirap-hirap. Tinuruan siya nito kung paano isusunod ang galaw ng katawan sa musika. Marunong siyang sumayaw kahit hindi siya eksperto. She just wasn’t into romantic dancing. Pero nang ma-absorb na niya ang musika at ang mabangong amoy ni Arice na parang lumulukob sa kanya ay kusang gumalaw ang katawan niya ayon sa dikta nito at ng musika. Hindi rin siya nag-alangang ihimlay ang pisngi niya sa dibdib nito.
It feels good to let go. To let someone take over and make her feel good. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataong iyon. Kapag nawala na si Arice sa buhay niya, hindi niya alam kung kailan niya maaranasan ulit ito. Oras na bumalik siya sa normal niyang buhay, wala na rin si Arice sa kanya.
“Good. Di ka naman pala mahirap isayaw,” bulong nito sa kanya. “Alam mo ba na maraming lalaki ang inggit na inggit sa akin dahil kasayaw kita?”
Nakangiti niya itong tiningala. “Kung iba siguro ang magsasayaw sa akin, di siya kaiinggitan. Baka apak-apakan ko lang ang paa niya. Magaling ka lang umiwas.”
“Give yourself some credit. You can be a good dancer if you want to.”
Naramdaman niya na parang may matalim na kutsilyong nakatarak sa likuran niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatingin sa kanila si Estrella. Dali-dali nitong iniwas ang tingin at kinausap si Ernest nang tumingin siya.
"Hindi mo ba isasayaw si Estrella?" tanong niya kay Arice.
Umiling ito. "No. I am all yours tonight."
" Pero paano si Estrella?" Baka dahil sa pagbabantay nito sa kanya ay waala na itong pagkakataong mapansin ni Estrella. Despite Estrella’s dagger looks, baka kulang pa ang ginagawa nila. Yumakap siya sa leeg nito. "Sa palagay mo ba mas lalo siyang magseselos kapag naging mas sweet ako sa iyo?"
"Woman! Kahit sinong babae pagseselosan ka. You are beautiful, confident and so much more." Habang sinasabi iyon ay dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanya. "You can make any woman envy you and any man fall for you."
Except you. Pilit siyang ngumiti kahit na gustong umiyak ng puso niya. Ganoon ba talaga ang buhay? Kung sino ang gusto mo ay siya pang di mo pwedeng angkinin. If only she could show Arice how she felt with no pretense, she would feel better. Hindi pala ganoon kadaling magpanggap kung totoo ang nararamdaman.
Saglit na itinigil ang tugtog nang lumapit sa microphone si Ernest. "Magpapahinga muna si Estrella. Just enjoy the party. Nagsisimula pa lang ang gabi.” At sinamahan nito pabalik ng mansion ang nakayukong si Estrella.
Tumingala ito sa langit sa halip na tingnan si Estrella. “Maliwanag ang buwan ngayon. Gusto mong maglakad-lakad tayo?”
“Maglalakad-lakad?”
Akala niya ay yayayain na siya ni Arice na magpahinga na at ihahatid siya sa mansion. Walanaman nang rason para magpanggap pa sila kung wala na si Estrella.
“It is safe here. Di ka naman hihiwalayan ng mga bantay mo. Pero baka gusto mo ring magpahinga na lang…”
Hinila niya ito palayo ng dancefloor. “Hindi. Maglakad-lakad na tayo.” Mas gusto niyang masolo si Arice. Susulitin niya ang nalalabing sandali kasama ito.
Magkahawak ang kamay nilang naglakad-lakad sa kalsada palabas ng villa. May mga ilaw kasi iyon sa magkabilang bahagi ng kalye kaya mistulang parke. Tahimik lang si Arice at malalim ang iniisip. Tiyak niyang si Estrella ang iniisip nito. Dalawang araw na lang ay kasal na nito sa Kuya Ernest niya at wala pa ring nangyayari sa kanila. It was partly her fault.
"Kailangan kong gumawa ng paraan para magkausap kayo ni Estrella,” sabi niya dito para basagin ang katahimikan sa pagitan nila.
Tipid lang itong ngumiti. "Nagkausap na kami. Bukas hihintayin ko siya kung saan kami nagkikita palagi. Nasa kanya iyon kung ako ang pipiliin niya o hindi."
"How about an alternative plan? Kapag di siya nagpakita sa iyo, pwede naman tayong tumutol sa kasal."
Pagak itong tumawa. "Very dramatic. Parang sa teleserye.”
"That's our last chance to stop it." Handa talaga siyang tutulan ang kasal ng mga ito sa simbahan kung kinakailangan.
"Saka na natin isipin iyan. You did your part. Alam ko na nag-aalala kang baka matuloy ang kasal nila. Pero ako na ang bahala."
Discussing their plans was the only way to keep her sanity. Dahil doon kaya nakatapak pa rin siya sa realidad. Kung wala iyon, saan pa tatakbo ang isip niya?
"Arice, kung nagkita ba tayo sa ibang pagkakataon, liligawan mo ako? O kaya sa sayawan tayo nagkita at walang Estrella sa buhay mo, isasayaw mo ba ako?"
"Maybe..."
"Arice!” Umingos siya. “Sa dami ng babae siguro hindi."
Hindi naman katulad niya ang tipo nito. Gusto niyang babaeng sweet, malambing at mahinhin katulad ni Estrella.
"I will ask you for a dance."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "I will say no."
"Kahit ganito ako kaguwapo? Sa una ka lang magpapakipot. Pero oras na maisayaw kita, di mo na ako pakakawalan buong gabi sa takot mo na maagaw ako ng ibang babae.”
Pabiro niyang sinuntok ang braso niya. “Yabang!”
“Bumalik na tayo?” yaya nito nang makarating sila sa parte na madilim. Wala nang ibang makikita doon kundi puno.
“Aalis ka na?” malungkot niyang tanong.
“You need to rest. Saka baka mapagod ang kamay mo.”
“Hindi pa ako pagod. Saka hindi na masakit ang kamay ko. Bukas ng umaga tatanggalin na ng doktor ang benda ko.” Humawak siya sa braso nito. “Gusto mo na ba talagang umalis?”
Umiling ito. “Ayoko pa. How about another dance then?”
Napasinghap siya nang hapitin nito ang baywang niya at isinayaw siya nito sa gitna ng dilim. It was their last night together. She wanted to fall in love even just tonight. Mawawala na ito sa kanya pagsikat ng araw. Gusto lang niyang makasama ito hanggang panahon na para makasama nito ang babaeng mahal nito.