Chapter TAI 31

MAYA’T maya ang buntong-hininga ni Estrella habang nakatitig sa numero ni Arice sa cellphone niya. Gusto niya itong tawagan para kumustahin. Anything just to hear his voice. But everything was over. Isang magandang panaginip lang ang lahat. Maliban na lang kung ma-realize nito na dapat na nitong palayain si Estrella dahil siya ang mahal nito.

"Riva, nahihibang ka na," sermon niya sa sarili at bumalikwas ng bangon. tinampal niya ang pisngi niya. Oo nga’t masaya silang magkasama kagabi. Ni hindi nga nito nabanggit pa si Estrella at sa kanya lang nakatuon ang atensiyon nito pero walang ibang ibig sabihin iyon.

Mamayang gabi ay aalis na ito at si Estrella. Hindi na matutuloy ang kasal niya sa isang babaeng pera lang ang habol dito. Arice was just a means to an end. Mapoprotektahan na niya ang pinsan niya. Wala siyang rason para makaramdam ng lungkot. Kagabi na natapos ang kahibangan niya.

Pero bakit parang mabibiyak ang puso niya? Bakit gusto niyang marinig pa rin ang boses nito at makasama ito? Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Ayaw sumunod ng puso niya sa utak niya. Dapat ay pag-aralan niyang kalimutan ito at kontrolin ang nararamdaman niya.

Narinig niyang bumukas ang pinto at sumilip ang mama niya. "Hindi ka ba sasama sa aming magpa-spa at massage?"

"Okay lang ako dito,Ma. Kayo na lang po." Wala talaga siya sa mood. Ultimo kumain ay ayaw niya. Ayaw nga niyang lumabas ng kuwarto niya.

“Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mong ipatawag si Arice?”

Malungkot siyang ngumiti. “Okay lang po ako. Napuyat lang po ako. Huwag na po ninyong abalahin si Arice.” Baka naghahanda na ito sa pakikipagkita kay Estrella mamaya. He must be excited. Matagal na panahon nga naman ang hinintay nito para makasama si Estrella.

Bandang tanghali na nang hindi niya natiis ang gutom at lumabas ng kuwarto. Papunta siya sa garden nang mapansin niya si Ernest na nakatayo sa tabi ng fountain. Nang lapitan niya ito ay tulala ito.

"Kuya, mukhang malalim yata ang inisip mo,” untag niya dito.

Huminga ito ng malalim. "Iniisip ko lang ang kasal ko."

"May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.

Tipid itong ngumiti at umiling. “Gusto mong mag-lunch? Sabay na tayong kumain. Wala naman akong gagawin ngayon. I just need to relax. Lumabas si Estrella kasama ang mga kaibigan niya at sila Mama. Magre-relax daw sila. Hindi ko alam na ganito karami ang kailangang gawin para sa kasal ko.”

Nanatili pa ring tahimik si Ernest kahit nang kumakain sila. Nagiging tahimik lang ito kapag may bumabagabag dito. “Kuya, may problema ba? Sabihin mo na sa akin. Bukas na ang kasal mo. Mahirap na may inaalala.”

Uminom ito ng tubig at mahigpit na hinawakan ang braso. "Parang malamig sa akin si Estrella. I don't understand. Masaya naman kami mula nang pumayag siyang magpakasal sa akin. Pero nitong nakakaraang dalawang araw napapansin ko na parang malayo siya sa akin."

"Normal ang bridal jitters," pang-aalo niya dito.

"Baka mamaya iniisip niya tulad ako ng dati niyang asawa na nanakit sa kanya at nadispalko ang pera nila. Baka iniisip niya hindi niya ako ganoon kakilala. Maybe she’s thinking that she couldn’t trust me enough.”

Ginagap niya ang kamay nito. “Kuya, hindi ka katulad ng dati niyang asawa. I am sure alam iyon ni Estrella. Hindi tatanggapin ang proposal mo kundi dahil doon.”

“Anong dahilan kung bakit nanlalamig siya sa akin?”

Mariin niyang pinagdikit ang labi habang pinag-iisipan kung dapat niya itong bigyan ng clue sa nangyayari. “Paano kung may iba siyang mahal na bumalik kung kailan ikakasal na kayo."

Ipinilig niya ang ulo. "Ayoko ng isipin. I will do everything to make her stay. Mahal na mahal ko si Estrella. Ang ibang babae sa buhay ko hinayaan ko lang makawala sa akin pero hindi si Estrella. Tinanggap ko siya kung ano siya. I love her more because of my weaknesses."

Ganoon din siya kay Arice. Tanggap niya ang pagkatao nito. Tanggap niya kahit na may mahal itong iba. Gusto niya itong makasama kahit na parang may patalim na tumatarak sa dibdib niya tuwing sasabihing mahal nito si Estrella.

"Kahit na masakit handa kang tiisin? Mas gugustuhin mo siyang makasama kahit na malungkot siya sa piling mo?" tanong niya.

Nakakunot ang noo siya nitong tiningnan. "Bakit 'yan ang tanong mo? May alam ka ba tungkol kay Estrella?"

Nasa dulo ng dila niya ang pangungumpisal dito. Gusto niyang makasama si Arice. Pero handa na ba siyang kamuhian nito oras na sirain niya ang mga plano nito? Ano ang tama? Ano ang mas karapat-dapat? Kung may isa lang sanang himala… kung sasabihin sana ni Arice na mahal siya nito, handa siyang kalimutan ang lahat.

Yumuko siya at mapait na ngumiti. Isang himala o isang kahibangan? Uso pa ba iyon sa panahon ngayon?

Lumapit sa kanila ang isang kawaksi."Sir, may naghahanap po kay Ma'am Riva."

Tumango si Arice. “Puntahan mo na. Baka si Arice iyon.”

Isang lalaki na malaki ang katawan ang nag-aabang sa kanya sa patio ng mansion. Hindi niya ito kilala. "Yes?"

"Ipinapasundo po kayo ni Sir Arice." sagot nito.

Biglang pumitlag ang puso niya. Tama ba ang dinig niya? Si Arice? "Bakit daw?"

"Baka may sorpresa po siya sa inyo."

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Ayaw niyang palagpasin ang pagkakatang iyon. Gusto niyang makasama si Arice. "Magbibihis lang ako."

Isinuot niya ang isang dress na pasalubong sa kanya ng Tita niya. She even put on her make up. She couldn’t supress her excitement. Anong ibig sabihin ng sorpresa nito? Ikino-consider na ba nito na huwag makipagkita kay Estrella! Posible bang may nararamdaman din ito para sa kanya na hindi nito mapigilan? Ito na ba ang senyales ng langit para magkasama sila?

Gusto sana niya itong tawagan habang nasa sasakyan sila pero baka masira ang sorpresa nito. Matiyaga na lang siyang maghihintay.

Sa isang grandeng villa siya idinala. Animo’y isa iyong pribadong resort. Wala siyang nakikitang ibang guests at mukhang ihinanda lang iyon para sa kanya. Binati siya ng mga staff. "Nakahanda na po ang jacuzzi at may spa and massage din po para sa inyo.” Inilahad ng head ng mga staff ang palad. Ang cellphone po ninyo, Ma'am. Ayaw po ni Sir na may iistorbo sa inyo habang nandito kayo."

Kusa niyang ibinigay ang cellphone dito at excited na nagbabad sa jacuzzi. Inaasahan niyang darating si Arice para samahan siya subalit natapos na siyang magbabad sa jacuzzi ay shower ay wala pa rin ito.

“Nasaan si Arice?” tanong niya sa masahista habang minamasahe siya.

“Baka po dumating siya mamaya, Ma’am. Sa ngayon po gusto daw po niyang mag-relax po muna kayo.”

Hindi niya alam kung anong sorpresa ang naghiihintay sa kanya. Sana ay matupad ang piping hiling ng puso niya. Sana sa pagkikita nila ni Arice ay sabihin na nitong mahal siya nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.