Chapter TAI 41 (Wakas)

Bumuntong-hininga ito. “Riva, hindi pa sira ang ulo ko at hindi ako ganoon kasama. I respect the sanctity of their marriage. Mataas din ang respeto ko sa pinsan mo. At kahit pa mawala siya, hindi ko na babalikan si Estrella. Ikaw na ang mahal ko.”

Tinangka siya nitong hawakan pero umiwas siya. “I am sorry, Arice. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa iyo.”

Bakas ang matinding frustration sa mukha nito at ibinagsak ang mga kamay. “Bakit sarado ka agad? Dahil lang sa sinabi ni Doña Guada, mawawala na ang tiwala mo?”

“Dahil alam kong mahal mo pa rin si Estrella hanggang ngayon. Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahal. Pero kung ilalayo mo siya, gawin mo na ngayon. Mali na hinayaan mong makasal sila ni Kuya Ernest sa simula pa lang. Maybe you really deserve each other.” Tinalikuran niya ito. “Goodbye, Arice. Iisipin ko na lang na isa kang masamang panaginip.”

Niyakap siya nito mula sa likuran. “Huwag ganito, Riva. Hindi fair para sa akin na basta mo na lang akong talikuran. Minahal ko si Estrella noon. Pero nang manganib ang buhay mo, mas pinili kong makasama ka kaysa sa kanya. Mas gusto niyang tumakas kami habang nagkakagulo ang lahat sa paghahanap sa iyo pero di ko ginawa. Wala bang ibig sabihin iyon sa iyo?”

Kinuyom niya ang palad para di siya madala sa mga sinasabi nito. Her heart already took enough beating for the day. Ayaw na niyang umasa. “Nakokonsensiya ka lang, Arice. O kaya concern ka sa akin. But it doesn’t mean that I am that important. Dahil nang magkaroon ng pagkakataon, gugustuhin mo pa ring makasama si Estrella.”

“I was given another chance. Pinahabol mo ako sa kasal niya, hindi ba?” Pinihit siya nito paharap dito. “Riva, hindi ako pumunta ng simbahan para pigilan ang kasal nila kahit na may oras pa ako. Nasa ospital lang ako, sa labas ng kuwarto mo.”

“Ano? Bakit hindi ka tumuloy sa kasal nila?”

“Dahil hindi kita kayang iwan. Kung pwede lang manatili ako sa tabi mo hanggang gumaling ka.”

“That’s a sacrifice, Arice. Mas inisip mo ako kaysa kay Estrella?”

“Hindi ko rin alam kung bakit. Tingin ko mas masakit na iwan ka habang kailangan mo ako kaysa ikasal si Estrella sa iba. Natatakot ako na ikaw ang mawala sa akin. Siguro dahil sinasabi ng puso ko na ikaw talaga ang gusto kong makasama. Hindi ko pa alam kung ano ang totoong sagot noon. Now I know. I love you. Ikaw ang hinihintay kong regalo sa akin ng Diyos na matagal ko nang hinihingi sa Kanya. Kaya huwag mo akong itaboy. I will stick around.”

Hindi na niya magawang mag-alinlangan at mahigpit itong niyakap. Kahit na kasinungalingan iyon ay handa siyang tanggapin. “I am sorry. Ngayon lang kasi ako nagmahal ng ganito. Natatakot ako na kapag umalis ka kasama si Estrella, hindi ko kayaning mabuhay nang wala ka. So make up your mind, Arice. Kasi kung ako talaga ang mahal mo, wala rin akong planong pakawalan ka pa.”

“No. Dito lang ako sa iyo.”

“Pero totoo ba ang sinabi mo kay Doña Guada na sasaluhin mo si Estrella.”

“She’s a crazy old woman. Wala siyang ibang iniisip kundi ang makakapitan niya kapag pakiramdam niya lulubog na ang barko. Mahal ni Estrella ang pinsan mo.”

“Sigurado ka? Hindi ba ikaw ang mahal niya?”

“Iyon ang sinabi niya sa sulat na ipinadala niya sa akin bago sila umuwi ng Pilipinas. Masaya daw siya sa pinsan mo. May nararamdaman siya para kay Ernest noong unang beses pa lang silang nagkita. Tinanggap niya ang offer ni Ernest na pakasalan siya dahil matindi ang nararamdaman niya para dito. Nang bumalik ako, naguluhan siya. Talk about how much you love things that are forbidden. Pero di ibig sabihin iyon ang tama para sa iyo. Gusto niyang tumakas kasama ko dahil baka sa huli masaktan niya si Ernest. Baka hindi niya maibigay nang buo ang pagmamahal niya. Natauhan siya nang gabing dapat tatakas siya kasama ako at ikaw ang pinili ko. Alam na daw niyang iba na ang babae sa puso ko. Ikaw iyon. Habang nasa recovery room ka, ipinagtapat niya kay Ernest ang tungkol sa amin. Maiintindihan daw niya kung hindi sumipot sa kasal si Ernest. Akala nga daw niya di na pupunta sa kasal si Ernest. Late kasing dumating. Ibig sabihin mahal talaga siya ni Ernest kaya sinusuklian niya iyon dahil mabuting lalaki ang pinsan mo. Sinabi ni Ernest na kung anuman ang mayroon sa amin ni Estrella, kalilimutan na niya iyon. Kasi nakikita daw niya na ikaw ang mahal ko..”

“Sigurado ka bang hindi mo na siya mahal?”

Umiling ito. “Not anymore. Bata pa lang kami noon. At kapag bata ka pa at may bagay kang hindi nakuha, di ka titigil hangga’t di mo iyon naaabot. Ganoon din si Estrella. Hindi ko agad na-realize na mahal kita. Nagpapanggap lang tayong dalawa. Pero habang nakikilala kita, nagbabago ang nararamdaman ko. Hindi ko pinapansin iyon dahil mas naka-focus ako kay Estrella. Nang malagay sa peligro ang buhay mo, alam ko na gagawin ko ang lahat para mabawi ka. Minsan yata ganoon talaga. Mararamdaman mo na mahal mo ang isang tao at kung gaano siya kaimportante sa iyo kapag mawawala na siya sa iyo. Nakaya kong mawala si Estrella pero di ko kakayanin kung ikaw ang nawala sa akin. Sa huli pinalaya namin ang isa’t isa dahil may ibang taong inilaan ang Diyos para sa amin. And God gave me you.”

“Maybe I should apologize to Estrella.” Nahusgahan niya ito.

“Maybe not right away. Alam ko naman na di basta-basta mabubura ang masama mong hinala sa kanya. Hayaan mo munang patunayan niya sa iyo kung gaano niya kamahal ang pinsan mo. Hindi naman mukhang pera si Estrella. Nadadala lang siya ni Donya Guada. Kung makikilala mo siyang mabuti, malalaman mong mabuti siyang tao.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Abogado ka ni Estrella?”

“Huwag kang magselos. Walang dahilan para magselos ka. Just always remember that you are the only woman I want to spend my life with.” Dumukot ito sa bulsa at inilabas ang dalawang white gold na singsing. “Gusto ko ang singsing na gawa ng mga bata sa atin. But I decided to replace it with something more solid. Iyong hindi napuputol. Kaya bumili ako ng couple’s ring para sa ating dalawa. Ito sana ang ibibigay ko sa iyo nang pumunta tayo sa resthouse. Pero dahil bumalik agad tayo ng Manila, nawalan na ako ng pagkakataon na ibigay sa iyo. Naniniwala ka na bang ikaw talaga ang mahal ko?”

“Yes.”

Nang isuot nito ang singsing sa kanya at nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Arice ay wala nang duda. Niyakap niya ito. Mahal na nga siya nito. It was the most wonderful feeling. At nagpapasalamat siya sa Diyos dahil ibinigay sa kanya si Arice. Dahil ibinigay sa kanya ang lalaking magmamahal sa kanya habambuhay.

MAINIT na sikat ng araw ang sumalubong kina Riva at Arice paglabas nila ng korte. Napabilis ang kaso dahil sa pag-plead ng guilty ni Alvin sa charge dito. Dahil sa kaso nito ay nagbalik ng bansa ang mga magulang nito at muling nagkasama. Sa pakiusap ng gobernador dito at ng mga magulang na rin nito ay na-encourage ito na pagbayaran na agad ang kasalanan nito para di na humaba pa ang gulo.

“Minsan ang kamalasan sa buhay blessing in disguise din,” komento niya nang makita kung gaano kasaya si Alvin nang yakapin ang mga magulang nito na matagal na nitong hindi nakita. Kundi pa ito makukulong ay di magbabalik ang mga ito at di magpapakita ng pagmamahal ng mga ito.

“Oo,” sang-ayon ni Arice. “Parang binigyan ka ng regalo na pangit ang wrapper pero may magandang sorpresa sa loob. Parang ikaw.”

Siniko niya ito at pinanlakihan ng mata. “Pangit ako?”

“No. Na-meet kita sa isang pangit na sitwasyon. But look at us. Mas hahaba pa pala at lalalim ang pinagsamahan natin. I am so glad to have you.”

Papunta na sila ng simbahan para sabihin kay Padre Leon ang magandang sorpresa nang makatanggap siya ng tawag mula kay Estrella. “O, bakit? May development na ba kay Kuya Ernest?”

Ipinakita ni Estrella sa kanya at sa pamilya nito kung gaano nito kamahal ang pinsan niya. Matiyaga itong nagbabantay sa ospital at kinakausap si Ernest. Alam niyang hirap din ito sa pagbubuntis pero nananatili itong masaya para sa pinsan niya. Nangako rin ito na kahit ano pang mangyari kay Ernest ay aalagaan nito o kung pumanaw man ay di na ito mag-aasawa pang muli. kaya naman unti-unting gumaan ang loob niya dito dahil di ito kasing sama ng iniisip niya.

“Riva, nagising na si Ernest mula sa coma. Okay na siya.”

“That’s great!” Pinisil niya ang kamay ni Arice dahil di siya makapaniwala sa magandang balita. “Luluwas na kami agad diyan.”

“Well, I guess this calls for a double celebration. Mukhang marami tayong kailangang ipagdasal at ipagpasalamat,” sabi ni Arice.

Yumakap siya sa leeg nito. “Ang una kong ipagpapasalamat ay dahil binigyan ako ng Diyos ng lalaking magmamahal sa akin tulad mo. Thank you, Arice. Kung wala ka, wala sigurong mag-aalaga at magmamahal sa akin.”

“Dapat ko ring ipagpasalamat ang Diyos. Sabi ko nga isa kang regalo. Ibinigay Niya sa akin ang babaeng hindi ako iiwan at ipagtatanggol ako. Ikaw ang pambawi sa lahat ng malulungkot na pangyayari sa buhay ko. I love you, Riva.”

“I love you, too, Arice. You are the reason why I am happy.”

Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “I am glad to hear that.”

WAKAS

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.