SKYE'S POV
Tatlong buwan na ang lumipas simula nung mag panggap akong nerd sa Branston. Sa loob ng tatlong buwan marami akong natutunan. Maraming pangyayaring nag iwan ng malaking impact sa buhay ko.
Nalaman ko rin na magkakaroon ka ng maraming kaibigan kapag maganda ka at popular. Sila yung mga tipo ng kaibigan na hindi pang matagalan. Kumbaga sa gamit sila yung pinaka cheap at madaling masira.
Nung maging nerd ako dun ko na appreciate ang lahat ng bagay sa paligid ko. Na kahit simpleng bagay lang nagbibigay din ito ng saya sa buhay mo. Simple gestures na hindi ko inakala na magbibigay ng kasayahan sa akin. At higit sa lahat, nung maging nerd ako naramdaman ko ulit 'yung kakaibang feeling na minsan ko ng naramdaman noon.
Nagulat ako nung biglang tumunog ang phone ko. Katatapos ko lang mag ayos ng sarili ko at nakatingin ako sa body size mirror ko.
" Yes Abby? Napatawag ka? " Tanong ko sa kabilang linya.
" Just checking if ready kana bang pumasok?! Baka kasi naka nerd outfit ka parin pag pasok mo mamaya. " Sabay tawa niya sa kabilang linya. Bigla kong nailayo ang phone ko sa tenga ko dahil sa malakas na tawa niya.
" Are you planning to destroy my eardrum? Hindi mo na ako kailangan na iremind kasi kanina pa ako ready. " Matagal kong hinintay ang araw na ito, ang araw na babalik ako sa pagiging Skye ko.
" Congratulations Skye, you passed the dare! Sige na, see you later. Bye! " Nagmamadaling ibinaba ni Abby ang phone na hindi pa ako nakapag paalam sa kanya. Sanay na ako sa kanya at ganun din sila sa akin.
Pag baba ko ng hagdan na salubong ko si Stephen na naka bihis narin. Nagulat pa siya nung makita niya ako sa suot ko.
" Dare is over? Nakakapanibago na makita kang hindi na mukhang manang manamit. " Nakangisi niyang turan sa akin. Minsan nakakainis din itong pinsan ko pero sanay na ako sa pang aasar niya kaya deadma na lang ako minsan.
" Yup, back to being fabulous and popular again. By the way Tep, tita Stefanie called yesterday. Tawagan mo daw siya dahil nakakalimutan mo na siyang tawagan. " Ginulo lang niya ang naka ayos kong buhok saka nilampasan ako.
" Bwiset ka talaga Teptep. I told you to stop messing with my hair. Ughhh.. " Lumingon siya at nakangisi sa akin.
" Stop calling me Teptep and i wont mess your hair again. " Sabi niya sabay sakay ng kotse niya. Teptep kasi ang tawag ko sa kanya mula nung bata pa kami dahil nahirapan akong ipronounce ang "Stephen" dati. Pero kahit nag aasaran kaming dalawa, ako parin ang pinaka favorite cousin ni Stephen and vice versa. Nakakainis siya madalas pero mahal ko ang kupal ko na pinsan.
***
Papasok palang ang kotse ko sa parking lot ng Branston pero lahat ng estudyante napatingin na sa kotse ko. Did i mention that i'm using a different car now? Yes, since back to being a goddess nanaman ako kaya ibang kotse ang gamit ko.
Kadarating lang din ng kotse nila ni Ayana at Abbie kaya halos sabay din kaming lumabas sa mga kotse namin. Lumapit naman kaagad silang dalawa sa akin at nakipag beso beso.
" Welcome back Skye! " Bati ni Abbie sa akin. As if para akong nawala ng ilang buwan kung i-welcome back ni Abbie.
" Hey girls, deretso na tayo sa mga kanya-kanya nating klase. " At lumakad na kami papunta sa mga rooms namin. Sa hallway palang napapatigil ang mga estudyante sa kanilang paglalakad dahil sa amin. Na-miss ko yung ganitong moment. Yung halos lahat napapalingon sa tuwing dadaan kayo. Makikita mo sa mga mukha nila ang pagkagulat sa muling pagbabalik ko as Skye. Yung iba nagbubulungan pero rinig na rinig ko naman kung anu ang binubulong nila. Marami ang natutuwa sa pagbabalik ko pero siyempre marami din ang hindi.
Dere-deretso lang kaming tatlo sa paglalakad ng salubungin kami ng grupo ni Sandrea, The Bitch!.
" Hi Skye, long time no see! " Bati niya sa akin like as if close kami. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pananabunot at pag tulak sa amin ni Alex. Pay back time!
" Do i know you? " Walang ka emosyon kong tanong sa kanya. Yung malapad niyang ngiti unti-unting naging ngiwi dahil napahiya siya sa harap ng mga estudyante.
" My bad! I'm Sandrea Yulores, haven't you heard my name before? I'm popular in this school just like The Ace Goddess. " She extended her hand pero tiningnan ko lang yun at hindi man lang ako nag aksaya ng oras para abutin yun. What for? Aminado naman akong mataray ako pero hindi ako plastic na tao.
" Tapos ka na bang magpakilala? I have to go, may klase pa ako at wala akong panahon makipag plastikan sa'yo. Excuse me! " Bago kami umalis dun tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa. I don't want to be mean and rude to anybody but i will never forget what she did to me. Kung tutuusin kulang pa nga ang pagpapahiya ko sa kanya kumpara sa ginawa niya sa akin noon. Lalong lumakas ang bulungan ng mga estudyanteng nandun pero wala na akong panahon para isipin pa kung anu ang mga sinasabi nila.
Pagkarating ko sa room namin parang nakakita ng multo ang mga classmates ko. Binati nila ako na parang close kaming lahat samantalang nung nagpapanggap pa akong nerd hindi nila ako halos kibuin. Yung mga nakaupo sa unahan biglang nag offer ng upuan nila sa akin at doon na daw ako umupo pero dati deadma lang sila sa akin.
" Hi Skye, dito kana umupo sa tabi ko. " Remember her? Siya yung nagpatid sa akin dati at siya rin yung girl na kung makalait sa akin dati akala mo siya na ang pinaka maganda. Sinulyapan ko lang siya at dumiretso ako umupo sa upuan ko.
" Skye, si nerd ang nakaupo diyan sa inuupuan mo. " Sabi ni Zander sa akin na nagpapanting ng tenga ko.
" Wala kang pakialam kung saan ako umupo. Just mind your own business! " Pagtataray ko sa kanya na ikinagulat naman niya.
" Chill! Sinabi ko lang naman yun to inform you. Wala naman akong masamang sinabi para ikagalit mo. " Nakataas ang dalawa niyang kamay habang sinasabi niya yun. Tinapik naman ni Zach si Zander para patahimikin ito. Nagtama ang mga mata namin ni Zach at sa ilang segundong pag tama ng mga mata namin ang lakas na ng tibok ng puso ko. Heto nanaman yung feeling na para akong nagmamarathon. What's wrong with me? Agad naman akong nag bawi ng tingin at saka dumating ang prof namin. Biglang nawala ang atensyon ko sa klase at parang nilipad ng hangin ang utak ko. Narinig ko nalang na tinatawag na ng prof ko ang pangalan ko.
" Francesca Salvatore? Nandito ka ba? " tawag ng prof ko.
" Maam, hindi na yata papasok si nerd. Napag isip isip niya siguro na hindi siya nababagay dito sa klase. " Sabi ni Malou yung girl na pumatid sa akin dati. Nag tawanan naman silang lahat sa sinabi niya. Napadako naman ang tingin ko kay Zach akala ko tumatawa din siya pero nagulat ako na nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi siya natutuwa sa narinig niya. Agad naman akong nag taas ng kamay ko at nabaling ang atensyon ng prof ko sa akin.
" Yes Skye, may sasabihin ka ba? " Tanong ng prof ko sa akin.
" Maam, you were calling my name earlier thats why i raised my hand. " Magalang na sagot ko sa kanya. Yeah right! Magalang pa ako niyan at mahinahon nung sumagot ako kahit na ang totoo niyan gusto ko ng itumba ang table ko para matahimik silang lahat.
" I was calling Francesca Salvatore and not you Skye. " turan niya sa akin. Tumayo naman ako at humarap sa prof ko habang ang mga classmates ko naman nakatingin lang sa akin.
" Yes maam, I'm Francesca Salvatore. Didn't you know that? " Sagot ko sa kanya. Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Ilang segundo din silang natahimik na para bang iniintindi nila ng mabuti yung sinabi ko. Nung nakabawi na yung prof namin sa pagkabigla ay agad naman siyang nag sorry sa akin. Duh?!
" I'm sorry Skye, ang nakalagay lang kasi sa records mo na pangalan ay Skye Salvatore. " Ngumiti siya ng mapakla dahil narin siguro sa nalaman niya.
" No worries maam, estudyante niyo parin ako at profesor ko kayo. Kayo parin ang superior sa amin. " Pagkasabi ko nun umupo na ako. Ang tahimik parin ng klase namin at tanging ang prof ko lang ang naririnig kong nagsasalita. Yung mga katabi ko halos di makatingin sa akin dahil sa nalaman nila. Si Zach naman napangiti dahil sa sinabi ko kanina. Alam niya kaya dati pa na ako at si Francesca ay iisa?