Chapter 14. The make over

ALEXANDRA'S POV

" Alexa, you need a total make over. " Pinal na sabi ni Abbie. Kanina niya pa kasi akong kinukulit na ipagupitan ko daw ang buhok ko at gawing bob cut yung style.

" Fine! You win Abbie, besides matagal narin yung last na pagupit ko. " Pagpayag ko sa suhestiyon nila. Nandito kami ngayon sa salon at nagpapaayos ng buhok. Si Skye nag pakulay ng buhok, si Abbie naman nagpa rebond while Ayanna just trimmed her hair. Ayaw niya kasi ng short hair kaya kunting trim lang ang ginawa sa buhok niya.

Pagkatapos namin sa salon pumunta naman kami sa isang boutique at namili ng damit. Pinapasukat nila sa akin ang limang dress na napili nila at ako naman nakikiayon na lang sa gusto nila. Dress is not my style, puro jeans and shirt lang ang hilig kong suotin. Para naman akong model na pagnasuot ko na ang damit lalabas ako ng fitting room at ipakita sa kanila kung bagay ba sa akin ang damit or hindi. Nakailang sukat din ako bago sila sumang-ayon sa huling damit na sinukat ko. Nakakapagod din pala pumili ng damit na babagay sa akin lalo pa kung sila ang kasama ko.

Pagkatapos namin sa boutique napag pasyahan namin na mag bar after ng early dinner namin. Dun na kami sa bahay nila Abbie nag dinner at nag bihis since wala namang problema sa mommy niya. Super bait nga ng mommy niya at very supportive pa kay Abbie. Sana ganun din si mommy sa akin. Pero bago pa ako malungkot at mag drama dito iwinaksi ko na yung thought na yun. Naging abala narin ako sa pag aayos ng sarili ko. Hindi ako marunong mag make up kaya tinuruan pa muna nila ako kung paano ang tamang pag lagay ng make up at kung anong kulay ng blush on ang ilalagay kung gabi at kapag umaga. Ganun pala yun? Akala ko naman kahit ano nalang ang ilalagay para may blush on lang. Na stressed ako sa pag papaganda no wonder inaabot ng ilang oras ang tatlo sa pag papaganda. Halos isang oras din ang lumipas at natapos nila akong ayusan. Ibinigay ni Abbie sa akin ang salamin para lang magulat sa ichura ko.

" Oh my god! " Bulalas ko pagkakita ko ng mukha ko sa salamin.

" Ganyan ka kaganda Alexa kung nag aayos ka lang. You're not ugly, hindi ka lang marunong mag-ayos ng sarili mo. " Pahayag ni Skye. She's right, hindi naman talaga ako pangit kaya lang mababa lang talaga ang self esteem ko na pakiramdam ko ang pangit ko. Napangiti ako sa repleksiyon ko sa salamin. Hindi na ako mukhang nerd at manang kundi parang goddess narin ako.

" Thank you sa inyong tatlo. Pinagtiyagaan niyo akong ayusan. " Lumapit sila sa akin at nag group hug kaming apat. Yung pakiramdam na parang tumaas ang self esteem ko at ang gaan sa feeling. Ganito pala ang feeling kapag maganda.

" Matagal ka ng maganda Alexa pinaganda ka lang namin lalo. From now on, you're part of The Ace Goddesses. " Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Skye. Ako? Part na ng Ace Goddesses? Hindi ko naman pinangarap na mapasali sa group nila kasi simpleng tao lang naman ako at mas marami ang mas qualified kesa sa akin. Kaso hindi basta-basta nagpapasali si Skye sa group nila unless she likes you a lot.

" Welcome Ace Goddess Alexa! "  Sabay na sambit nila Ayanna at Abbie. Naluluha ako sa sobrang galak pero pinipigilan ko na h'wag umiyak kasi baka masira ang mascara ko.

" Oh, bawal umiyak Alexa. Baka mag mukha kang zombie mamaya. " Natatawang sabi ni Skye. Bago pa bumaha ng luha sa bahay ni Abbie ay nag pasya na kaming pumunta ng club republiq. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, excitement at hiya. First time kong pupunta ng bar at base naman sa sinabi ni Skye high end bar naman daw ang club republiq dahil puro elite ang mga nagpupunta dun.

Sa labas palang ng bar marami na ang naka park na magagarang kotse tanda na puro elite ang mga nandun sa loob. Sa entrance palang binati na silang tatlo ng bouncer ng club.

" Good evening Goddesses. " Bati ng tatlong bouncer sabay nag bow sa amin.

" Good evening din Hector! This is Alexa by the way, our new member. " Pakilala ni Skye sa akin sa tatlong bouncer. Nag bow naman silang tatlo sa akin tanda ng pag galang.

" Welcome to club republiq Miss Alexa. " Bati nung Hector. Siya yata ang mas mataas ang posisyon sa kanilang tatlo. Nakakapanibago lang na tinawag akong Miss Alexa kasi nasanay akong tinatawag lang sa pangalan ko or nerd.

" Thank you! " Ngumiti ako sa kanilang tatlo. Bago kami pumasok sa loob may pinasuot sa aming arm band. Siguro ito yung sign na nakapasok na kami sa loob ng bar. Pag pasok namin sa loob sinalubong kami ng malakas na tugtog. Sinasabayan nila Abbie at Ayanna ang tugtog na parang wala silang pakialam sa mga taong nandun. Ako naman nakamatyag lang sa kanila. May lumapit sa amin na isang bouncer na kakilala din nila Skye. Inaya niya kami sa isang table na malapit sa bar counter.

" Alexa, umiinom ka ba? " Tanong ni Skye sa akin. Napailing naman ako agad sa tanong niya.

" First time kong pumasok sa bar. Never ko pang nalasahan ang alak. " Pasigaw kong sabi kay Skye. Ang lakas kasi ng tugtog na pati dibdib ko tinatambol sa sobrang lakas.

" Want to try? " Tanong ni Skye. Dahil ayaw ko naman na masabihan na kill joy kaya umuo ako sa kanya kahit na di ko alam kung anu ang lasa ng alak. Ang alam ko lang mapait daw ito sa lalamunan at hindi masarap. Kinawayan ni Skye ang isang waiter na malapit sa amin at agad naman itong lumapit sa amin.

" Four tequila please. " Skye

" Okay, four tequila Miss Skye. " Waiter

Pagkatapos kunin ng waiter yung order namin ay agad naman siyang tumalima. Naiwan kaming apat doon sa table na nakamasid lang sa mga tao sa paligid. Hindi ko inaasahan ang paglapit ni Stephen sa table namin. At hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito sa bar. Bigla akong kinabahan nung madako ang tingin niya sa akin.

" Kanina pa kayo dito, Skye? " Tanong niya kay Skye pero di parin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Mas lalo akong na tense nung tumayo siya sa tabi ko. Pakiramdam ko napako ako sa kinauupuan ko dahil sa mga titig ni Stephen.

" Hoy Stephen, h'wag mo ngang titigan ng ganyan si Alexa. Baka matunaw yan at mawala na lang bigla. " Natatawang sabi ni Skye kay Stephen. Si Stephen naman hindi parin inaalis ang tingin sa akin. Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko at mabuti na lang dumating na yung waiter na may dala ng inumin namin. Pagkalapag ng tequila sa harap ko agad ko itong kinuha at ininum ng deretso. Napangiwi ako nung malasahan ko na ang tequila. Ang init nito sa lalamunan pero ang sarap ng hagod.

" Whoah.. Hinay-hinay lang Alexa, matagal pa ang gabi. You don't wanna get drunk at this early, right? By the way, bago mo inumin ang tequila kailangan mo munang mag-lagay ng salt sa kamay mo at kainin ito bago inumin ang tequila then squiz this lemon in your mouth. Pang tanggal ng lasa ng alcohol. " Mahabang pahayag ni Skye. Obviously, matagal na silang umiinom at bihasang bihasa na siya sa mga alak at kung anu-ano pang ka ekekan sa pag inom.

" Another shot of tequila? " Tanong ni Skye sa amin na sinang-ayunan naman naming apat. Si Stephen nakatingin parin sa akin at ang dilim ng mukha niya. Is he mad at me? Pero bakit? Did i do something to upset him? At biglang nag sink in sa utak ko na uminom ako ng alak. Dumating na ulit ang waiter na may dalang tequila at nilapag sa harap namin. Kukunin ko na sana ang tequila pero inunahan ako ni Stephen at agad na tinungga yung laman nung shot glass.

" Hey Stephen, para kay Alexa yun ah. Buy your own drinks! " Reklamo ni Skye kay Stephen. Nag kibit balikat lang si Stephen sa sinabi ni Skye. Hindi na ako umimik sa ginaaa ni Stephen pakiramdam ko nalunok ko narin pati dila ko. Shit! This is not happening to me. Bakit ako nagkakaganito kapag katabi ko si Stephen?

" Tara girls, sayaw naman tayo. Ang ganda ng tugtog sayang naman kung uupo lang tayo dito the whole time. " Aya ni Abbie sa amin at agad na nagsitayuan kaming apat. Nakatingin parin si Stephen sa amin o sa akin na para bang kapag inalis niya ang tingin sa akin ay bigla akong mawawala. Nung nasa dance floor na kami agad na gumiling giling si Abbie at Ayanna. Ang sexy nilang tingnan pero disente parin naman kahit papanu. Wala naman sigurong mag aattempt na bastusin kami dito since kilala naman sila dito sa bar.

" Come on Alexa, don't be such a kill joy. Sayaw! " Sigaw ni Abbie sa akin dahil halos di na kami magkarinigan dahil sobrang lakas na ng tugtog. Kahit nahihiya ako ay sumayaw narin ako. Nung nag eenjoy na ako at medyo tumama na yung alak sa akin ay unti-unting nawala amg hiya ko. Nasasabayan ko na ang tugtog ng biglang may humatak sa kamay ko at kinaladkad ako paalis ng dance floor. Pag tingin ko sa taong yun ay laking gulat ko nung makita ko ang ekspresyon niya. Matiim niya akong tinitigan na kung nakakamatay lang ang mga tingin na yun ay malamang bumulagta na ako sa sahig.

" What the hell are you doing there, Alexa? " Galit na tanong niya sa akin. Bigla akong nagtaka sa inasal ni Stephen ngayon. Bakit siya nagagalit? Minsan hindi ko to ma gets ang ugali niya.

" What do you think you're doing? Bakit mo ako kinaladkad dito? I'm suppose to enjoy this night and here you are acting like as if you're my boyfriend! " Sigaw ko sa kanya. Bigla naman ako napatigil nung marealized ko kung ano ang sinabi ko. Sa mga oras na'to hinihiling ko nalang na bumuka ang lupa at lamunin na ako.

" I'll bring you home now. " sabi ni Stephen sa akin.

" No, i'm not going home yet. " sino ba siya sa tingin niya para mag desisyon para sa akin?

" Don't be stubborn Alexa, pag sinabi kong iuuwi na kita h'wag ka ng makipag talo. " halatang naiinis na si Stephen dahil napapahilamos na siya sa kanyang mukha.

" Who do you think you are? You're not my boyfriend and not even my brother. " Sinigawan ko na siya dahil sa inis ko. Sino ba siya sa akala niya? Bigla naman lumapit sila Skye sa amin dahil nagtatalo na kami ni Stephen.

" Anong nangyayari dito? " Tanong ni Skye sa amin. Nagtataka man pero hindi na siya nag tanong pa ulit.

" Ask your cousin! Ewan ko kung ano ang problema niyan. " Naiinis parin ako dahil first time ko pa nga lang maenjoy ang ganito pero umeepal pa itong si Stephen.

" Iuuwi ko na siya Skye! Kayo din umuwi narin. " Napataas naman ang kilay ni Skye sa sinabi ni Stephen.

" Wait Steph, bakit pati kami pinapauwi mo na? We can take care of ourselves. I think i know na kung bakit ka ganyan Stephen. " At agad na sumilay ang ngiti ni Skye.

" Shut up Skye! " At kinaladkad nanaman ako ni Stephen palabas ng club republiq. Bwiset na to ang lakas pa naman niya pero kung makakaladkad sa akin akala niya hindi ako nasasaktan. Nakarating kami sa labas ng bar na habol ko ang hininga ko. Hawak-hawak parin niya ang kamay ko at walang balak na pakawalan ito. Pagkarating namin sa harap ng kotse niya iniunlock niya ang kotse at pinapasok ako agad sa loob.

" Ano bang problema mo Stephen? " Sigaw ko sa kanya dahil hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa inaasal niya ngayon. Napaka misteryoso naman niya kasi at hindi ko malaman kung ano ba ang ikinagagalit niya.

" Ikaw ang problema ko! " nagulat ako sa biglang pag taas ng boses niya.

" Bakit ako? Ano bang ginawa ko sayo? Wala naman ah?! " inis na inis na ako dahil ngayon ko palang maranasan yung ganitong freedom pero pilit pa itong kinukuha sa akin.

" Yun na nga e, wala kang ginawa pero shit lang ang lakas ng tama ko sayo. " Natameme ako dahil sa sinabi niya. Oh my gosh! He likes me? Pero marami naman ang mas nakakalamang sa akin kung tutuusin. Mas maraming magaganda at mayayaman kesa sa akin.

" But why me? " Mahinang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam na naisaboses ko na pala yung tanong na yun. Nilingon niya lang ako pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Patuloy lang siya sa pag drive hanggang sa makarating kami sa bahay ng walang imikan. Bubuksan ko na sana ang pinto nung pigilan niya ang kamay ko. Naramdaman ko nanaman ang spark na yun tuwing magkalapat ang mga balat namin.

" Bakit ikaw? " Biglang napaangat ako ng tingin sa tanong niya. Magsasalita na sana ako nung mag salita siya ulit. " Matagal ko narin 'yan tinatanong sa sarili ko pero hanggang ngayon hindi ko parin masagot-sagot. Ang alam ko lang... I'm inlove with you Alexandra Rafols!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.